Chapter 11: DEAL
HOMER
Ayoko sanang gawin ito pero nong nakIta kong sinaktan siya ng lolo niya naawa ako sakanya, sabi ni pialr matagal ng patay ang magulang niya at nag iisa siyang anak pero meron ung lolo niya na hindi naman niya kasundo, lumalapit lang ang lolo niya kay ma’am dahil may pakinabang ito sakanya.
“ sigurado ka ba?” tanong ni pilar, hinatid namin si poeky sa condo niya para maka pag pahinga dahil hindi maganda ung nangyari sakanya kanina.
“ ayoko sana pero naawa ako lalo na ung sinampal siya na wala man lang nagawa” sagot ko.
“ buntis ung tao at wala siyang ibang makapitan kundi ang sarili niya, sabi ko nga willing ako para narin hindi mapahamak ung bata. Kawawa naman ung bata na nadadamay at walang ka muwang muwang sa isyu nilang mag lolo” dugtong ko pa.
“ akala ko ba ayaw mong madamay?” tanong uli niya.
“ hindi naman sa ganun, ayoko kasi sa mayayaman pero okay lang saakin wala namang mawawala kasi mahirap ako” sagot ko.
“ walang mawawala pero pwede ka nitong mabago, gusto mo parin?” napa isip ako, hindi naman siguro darating kahit malink ako sa mayaman dahil hindi ko hahayaan ang sarili ko na makain ng yaman.
“ maniwala ka saakin malabo iyan” hindi na siya umimik.
“ okay sige, sasabihin ko sayo bilang magiging asawa ni poeky dapat may alam ka sa business at konting bawas ng swag” natawa ako sa swag.
“ malabo ako na ito kaya hindi na iyon maalis” tinignan niya ako ng masama.
“ okay pero pag nasa maraming tao kayo iwasan mo ung pagiging alam mo na” tumango ako, alam ko naman iyon.
“ every uwian or pag may time ituturo ko sayo mga basic na dapat malaman about sa business at pati narin sa kompanya” tumango ako.
“ tungkol kay poeky wala ka ba sasabihin??” umiling siya.
“ siya na bahala mag decide kung mag oopen siya sayo” nag kibit balikat na lang ako at sumakay na sa kotse kasi ihahatid nanaman niya ako, ayos nga ung driver ko kasi babae.
“ pards!!” pagkababa ko pa lang ng sasakyan bumungad na saakin si nancy na malawak ang ngiti.
“ pards kamusta? Sorry kung di ako nakakadaan kasi sobrang busy” sabi ko.
“ okay lang basta wag mong kalimutan ung graduation ko sa susunod na araw, mag tatampo ako pag hindi ka pumunta” ay oo nga pala, malapit ko ng makalimutan.
“oo pupunta ako”’ sabi ko, ngumiti siya.
Nag paalam na ako para pumasok na sa bahay, diretso na ako sa kwarto ng makatanggap ako ng text mula kay pilar.
Text: homer may out of town kayo ni poeky sa Friday, wag kang malalate. Hihintayin ka namin sa airport.
Tinignan ko ung Friday at graduation iyon ni pards, naku pano kaya ito?
Reply: di ako pwede, may importante akong pupuntahan.
Text: cancel mo, pag pi-piyestahan si poeky doon at kailangan niya ikaw.
Reply: anong oras ba?
Text: 11 am ang flight natin.
Napaisip ako, makakahabol naman siguro ako. Pupunta muna ako sa graduation ni pards tapos hahabol sa flight namin, hindi na siguro ako makaka pag paalam kay nancy pero ang mahalaga naka punta ako.
Reply: okay sige.
Maganda ang takbo ng trabaho ako, ipinalipat ako ni ma’am sa floor niya para pag kailangan niya ako ay andon ako at pag dumadalaw si pilar ay tinuturuan niya ako. Napaka tahimik pala si ma’am at hindi mo makikitang ngumiti, napaka seryoso sa buhay.
“ ganyan ba talaga si ma’am napaka seryoso?” tanong ko kay pilar.
“ oo ganyan yan, ayaw ng lolo niyang ngumingiti siya dahil hindi daw maganda” huh?!! Paanong hindi maganda? Pag ngumingiti ang tao mas lalo itong gumaganda o gumagwapo, kakaiba namang matanda iyon.
“ poeky may gusto ka??” tanong ni pilar
“ milk tea” sabi niya
“ ako din” singit ko, tumango si pilar at iniwan na kami ni pilar. Nilingon ko si poeky na seryoso sa trabaho niya, tinabi tabingi ko pa ang pag tingin ko sakanya ng mapansin niya ako.
“ bakit?” tanong niya.
“ kahit anong anggulo ang ganda mo” sagot ko.
“ thank you” iyon lang tapos ay nagtuloy na sa trabaho niya, naku may pagka suplada pa.
“ hindi masamang ngumiti, mas lalo kang gaganda” tinignan niya uli ako.
“ walang rason para ngumiti” sagot niya.
“ ooopps diyan ka nagkakamali, kahit walang rason dapat ka paring ngumiti. Tulad ko gayahin mo ako, lagi akong naka ngiti” kumunot ang noo niya.
“ para kang baliw kung lagi kang naka ngiti” ganun ba?? So nababaliw ako sa pananaw niya.
“ okay lang, gwapo naman” ngumiti ako sakanya pero wala siyang reaksyon.
“ sungit naman neto” nag focus na ako sa pinapagawa saakin ni pilar pero tinignan ko uli siya.
“ anong tawagan natin?”
“ baby?? Babe? Honey? Asawa? Bebe? Miloves? “ hinihintay ko ang sagot niya.
“ ma’am??!!!” nilingon niya ako.
“ hindi na kailangan, hindi naman tunay” nag kibit balikat na lang ako, ayaw niya talaga ng kausap kaya hinayaan ko na lang siya.
Dumating na si pilar at nag focus kami uli sa ginagawa namin, hindi ko maiwasang tignan si ma’am kasi nacu-curios ako sa ama ng anak niya. Iyon lagi ang gusto kong alamin pero ayaw sabihin ni pilar, mukhang ayaw din naman sabihin ni ma’am pero base sa narinig ko na pag uusap nila ng lolo niya.
Maski siya ay walang alam sa ama ng anak niya so paano iyon nabuo? Iyon talaga ang pinagtataka ko? Hindi naman basta mabubuo ang bata pag walang ama? Kakaiba naman kay ma’am kung wala diba tapos di niya pa alam kung paano nabuo ano iyon nagayuma??
Friday na at graduation na ni nancy, nag ayos na ako para pumunta doon. Anong oras kanina ay kumakatok pa sa bahay para lang ipaalala, gusto niya talagang makita ko siyang tumuntong sa entablado at ipinangako ko din kasi iyon noon.