CHAPTER 8 - ENTRANCE OF KIERRA
Kierra's POV
—FLASHBACK—
I can't take this anymore, this jealousy of mine. Ang hirap niya macontrol. I thought I can just be his friend, pero hindi pa pala sapat. When I saw that girl, hindi na ako napapakali. I can feel that she can make him fall in love. So gusto ko siya unahan.
—
“Kierra, I know you want to talk about something important right? Since gabi na pero napadalaw ka dito.”
“Yes, Mr. Fierre.”
“Okay, go ahead.”
“Let your son and I marry.” hindi ako nakakita ng pagkagulat sa mukha niya, sa halip ay napatawa lang siya ng mahina.
“I always know that you have those funny feelings for my son. It's impossible for a man and woman to stay friends. But I must say no, hindi naman ganoon kayaman ang pamilya niyo to make our company grow larger. Besides, my son won't obey me. You know na matigas ang ulo niya.”
“Oh really?” I just smirked and threw some pictures on his desk.
“Hmm~ you really don't want us to get marry? Look at these first.” nang tinignan niya ito, halatang gulat na gulat siya.
“On the night where your son's first love died, I'm sure you always wonder why the footage of your black box dissapeared. The part that you killed her.”
“H-How did you—”
“Exactly! I took them secretly. You hide and dissapeared bago ka mahuli ng mga police. And I used that time para hanapin ang kotse na alam kong ipinatapon mo. Nasa junkyard lang pala HAHAHAHA. I'm actually glad that maayos pa yung footage at nando'n pa akala ko kasi nakuha na nila.”
“You!”
“What will you do? Pag lumabas ang footage na yan in public? Oh, and I have extras!” I threw some pictures again.
“I guess, it will be a hot headline on news. The chairman of Fierre Company slept with different actresses and models. How amusing right?”
“Get rid of these now!”
“Give us your blessing! Let me marry Thyrone.”
“Alright, pero! Pag umayaw mismo ang anak ko, wala na ako magagawa do'n.”
“Sure.”
— END OF FLASHBACK —
I guess ang galing ko din mag paikot. Look at his secretary's face. Halatang nagulat at hindi gusto ang nangyayari.
“Dad! What's the meaning of this?!”
“I've decided to make her my daughter-in-law. She's your bestfriend right? It's actually good because she knows so many things about you. She can take good care of you son.”
“She's my bestfriend and I won't take her as my wife!” nasaktan man ako sa sinabi niya pero alam kong wala na siya magagawa.
“Son! Kung gusto mo pagbayaran ang mga ginawa mo sa company, pakasalan mo siya! Her family's company can help us to grow bigger!”
“Hanggang sa huli ba, company pa din ang aalalahanin mo? So mas mahalaga ang company kaysa sa buhay ng anak mo?”
“Son it's no—” agad siyang umalis at iniwan ang secretary niya, susunod na sana ang secretary niya pero inunahan ko ito.
Lumina's POV
Susundan ko na sana siya when his bestfriend did it first, He will marry that woman? I guess gano'n naman talaga lahat. Rich person will marry another rich person.
“And you are?” bigla akong tinanong ng papa niya.
“I'm Lumina Raven, sir. I'm his secretary.”
“Secretary. Paki kalma na lang ang anak ko.”
“Y-Yes sir.” agad siyang umalis, mahahalata mo na wala talaga siyang pakialam sa anak niya. I can't believe na yung mga nakikita ko sa mga nasa TV ay nangyayari din pala sa totoong buhay.
Thyrone's POV
Pumunta ako sa rooftop para magpahangin at kumalma, alam kong nakasunod sa'kin si Kierra.
“Thyrone, I'm sorry, wala na din ako magawa when he said that. I-I also don't want this pero pati pamilya ko pinagpipilitan ang kasal.”
“I know it's not your fault, Kierra. It's my dad's greed.”
I know Kierra had nothing to do with it. My dad always wants to manipulate my life and now dinamay niya si Kierra. I hate him very much.
Kierra's POV
“I also don't want this to happen, you're my bestfriend and it will be too awkward for us to marry each other. But, hindi ko pwede suwayin ang pamilya ko.”
“Sorry Kierra, nadamay ka pa sa problema ko sa buhay. Don't worry, I will stop this.” I hugged him.
It's better to act innocent at walang kinalaman sa lahat. Kahit naman anong pilit niya, itutuloy at itutuloy namin ang kasal.
Lumina's POV
Agad din bumalik si Thyrone, na halatang dismayado at problemado. Syempre mahihirapan nga naman siya, his father is trying to wreck his life.
“Sir, you're meeting will start in—”
“Ms. Raven, can we cancel the meeting? I just want to rest first.” gusto ko man umangal pero wala na akong magagawa, he looks so tired kahit wala pang nagagawa, he looks so stressed about his problems.
“I'll just go get some fresh air.” iniwan niya ako sa office.
“I guess, I should let him have his space first.” I said.
Ilang oras na ang lumipas at wala siyang meeting na inattend-an kahit isa, wala pa siya ngayon. Biglang bumuhos ang ulan.
“Why does it feels lonely?” napasabi ko sa isip ko.
“Hala, wala nga pala siyang payong.” agad akong kumuha ng payong at pumunta sa kung saan mang pwede niya puntahan, sa park, sa tahimik na lugar pero ala. Kaya naisip ko na pumunta sa bahay niya. Nagmamadali akong kumatok dito, ang tagal niya mag bukas ng pinto siguro wala siya. Pero laking gulat ko ng pagtalikod ko ay bumukas ang pinto, at bumungad sa'kin si Thyrone na mukhang hinang hina.
“Sir alalang alala ako sayo wala ka kahit saan! Saan ka ba nag— Sir? Sir!” bigla siyang bumagsak sa'kin.
Thyrone's POV
Nagising ako na may nakalagay na wet towel sa noo ko at katabi ko si Ms. Raven, kasabay ng pag gising ko ay gising din siya.
“What happened?” akma akong tatayo pero pinahiga niya agad ako.
“Huwag kang tumayo, let me check your temperature first.” she put the thermometer on my ear and checked my temperature.
“37. 4, bumaba na sa wakas.”
“What happened?”
“Hindi mo ba alam na alalang alala ako sayo? Sabi mo magpapahangin ka lang pero nag hintay ako ng ilang oras wala ka pa din tas umulan e wala kang payong tapos bumungad ka sa'kin na nanghihina't nilalagnat 39. 7 kanina temperature mo akala ko kukulo na buong dugo mo sa katawan!” sa pag dadaldal niya, napatawa na lang ako.
“Ano?! Ba't ka tumatawa?! Kakatawa 'yon?!”
“It's just, napakadaldal mo. Napansin ko lately lagi mo akong inaaway kahit boss mo 'ko, ang ganda mo pero mainitin ang ulo mo.” napatahimik siya agad sa sinabi ko.
“I-Ikaw kasi e!”
“Oh ba't ako?”
“Pag nagsasalita ka kasi walang delicacy, tapos hindi ka pa lagi nag iingat, tapos—” hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko siya.
“Thank you, Ms. Raven, for being here with me and cheering me up.”
“Y-You're welcome.”
Lumina's POV
“Oo nga pala, nagluto ako ng porridge.” ibinigay ko sa kaniya ang kaninang niluto ko.
“Hindi kaya nilagyan mo ng lason 'to?”
“Ah sige akin na 'wag ka kumain.”
“Biro lang hehe.” agad niyang tinikman ito.
“Hmm~ sarap ah, magaling ka pala magluto.”
“Dati kasi pag nagkakasakit ako, pinag luluto ako ni papa ng porridge. I love how he made those porridge.”
“Papa? Where's your mom?”
“She died, when I was a kid.”
“Oh, sorry.”
“No, it's okay.” agad niyang inubos ang niluto ko at pinalitan ko ang wet towel na nasa noo niya, at naghugas ako ng pinggan.
“It feels like, I'm taking care my husband or something.” napasabi ko sa utak ko, ng bigla akong magising sa katotohanan.
“Lumina! Wake up! You're here to take revenge not to be his wife! Besides, he will marry that girl.” agad na sabi ko ulit sa isip ko.
Gano'n pala talaga, yung kalevel nila yung kailangan nila pakasalan sa ayaw at sa gusto nila. Uso pala talaga ang arrange marriage sa mga mayayaman.
“Ms. Raven, are you done?”
“Y-Yes.” I turned off the faucet at nagmadali sa kwarto niya.
“Do you need some— oh my god sorry.” napatalikod ako bigla ng nakita kong nagbibihis siya, pero nakikita ko siya sa salamin na nasa harap ko ngayon, napatakip ako sa mata ko pero sumilip pa din ako. 8 pack abs, he's manly.
“Can you get me another pajama? Basang-basa na ng pawis ko 'to e.” After I saw him na nakabihis na, saka lang ako humarap.
“O-Okay. Nasa'n?”
“Andyan lang sa may salamin na closet na yan.” agad kong binuksan ito at kumuha ng isang pajama at hinagis sa kaniya.
“Oh 'yan.” tumalikod ulit ako.
“Thanks.” hinayaan ko siyang magbihis, pero hindi na ako nakatingin sa salamin.
“Ms. Raven, are you by any chance.. looking at the mirror?”
“No, I keep my eyes closed, why?”
“Oh, baka kasi sinisilipan mo 'ko.”
“W-What? Why would I do that? Hindi ka naman gano'n kamanly para silipan.”
“Ahh.” nagulat ako ng bigla siyang pumunta sa harap ko at lumalakad ng mabagal papunta sa'kin, habang ako naman ay lumalakad ng paatras.
“So I'm not manly enough?” bigla akong napahiga sa kama at nakapatong siya sa'kin. lord ba't ba napunta nanaman tayo sa ganitong sitwasyon?!
“Are you sure about that?”
“Y-Yes.” matutunaw na ko, ang lapit niya, 1 inch na lang magdadampi na ang labi namin.
“Do you want me to prove that I'm more manly than you think?”
“H-Huh?? H-How?” painosente kong sabi, haist ang awkward ng ganitong posisyon.
“Do you want to see and experience?”
“W-What?” napatitig kami sa mata ng isa't isa at bigla siyang tumawa.
“HAHAHAHA you fell for it, you actually fell for it.”
“What?”
“I'm just joking Ms. Raven, kahit gaano ka kaganda hindi ko magagawa 'yon sa secretary ko.”
“You.. teased me?!”
“Hindi ko alam na kakabahan ka sa simpleng gano'n lang HAHAHAHA.” agad ko siyang hinampas ng unan.
“Ang sama mo talaga.” tawa pa din siya ng tawa, ng biglang may nag door bell.
“HAHAHAHAHA pagbuksan mo 'yon.”
“Oo na!” galit kong sabi habang naglalakad papuntang pinto, napakasiraulo talaga niya.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa'kin ang bestfriend niya. Si Kierra.
“Y-You? Why are you here Ms. Secretary?”
“M-Ms. Kierra..”