Chapter 9: (INTENTION)
Naglalakad muna kami Lea, pumunta muna kami sa penshoppe para mamili ng damit habang namimili ay napagdesisyonan ni Lea na isukat muna yung damit na gusto niya.
"Raya, suot ko lang to" Sabay pakita sakin yung pink na croptop.
Tumango nalang ako at umupo muna nilabas ko muna ang cellphone ko para tignan kung anong oras na.
"Ouch! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo??" Sabi ko ng may taong tinapakan yung sandals ko. Liningon ko siya pero nakatalikod siya. Di niya ako pinansin kasi may kausap siya sa cellphone niya. Mabilis akong tumayo at kinalabit ko siya.
Mabilis siyang lumingon sakin. Nagulat nalang ako kung sino nanaman tong nakasalubong ko. Vier?! Mas lalo akong nabwiset.
Natulala nalang ako ng biglang ngumiti siya ng nakakaloko.
"I will call you back" Sabi nya sa kausap nya sa cellphone sabay baba neto.
"Im sorry Miss, nasaktan ka ba?" Aakma pa sana siyang luluhod pero tinulak ko siya.
"Ikaw nanaman? Sinusundan mo ba ako? Alam mo papansin ka talaga kahit kailan" Sabay irap ko sa kanya.
"Ako? Susundan ka? Andito ako para bumili ng regalo sa tropa ko"
Mas lalo kong nakikita ang kapal ng mga kilay niya at mamula mula niyang labi.
"Sino kasama mo?" Tanong niya sakin.
"Raya! Kasya siya sakin!" Napalingon kami pareho ng sumigaw si Lea. Napanganga nalang siya ng makita si Vier.
"Vier?! Omyghod andito ka?" Kilala ni Lea tong kupal na to? Napairap nalang ako.
"Hi Lea. Yep. Bumili lang ako ng regalo para kay Kex" Nakiti ko ang pagbabago ng mukha niya sa kaibigan ko parang mas natuwa siya.
"Ah ganon ba. Btw eto nga pala si Raya yung kinekwento ko sayo" Turo niya sakin. Nakekwento nya pala ako dito sa mokong na to.
"Bestfriend ko"
"Kilala ko siya hahahaha siya yung masungit sa coffee shop mo" Mas diniinan niya pa yung word na 'masungit'
"Magkakilala na kayo?" Tanong sakin ni Lea.
"Yep" Simple kong sagot.
"Kung ganon naman pala sumabay ka na samin, kakain kami" Anyaya ni Lea. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Basta basta nalang siya nag ooffer? E ayaw ko nga makasama to??
"Hind-" Kinurot ako sa tagiliran ni Lea sabay ngiti kay Vier.
"Oo daw pumapayag siya" Nakahawak pa rin sya sakin.
"Uhm sure, tara?" Pagpayag ni Vier. Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang. Hays.
"Uhm nga pala san mo gusto kumain?" Tanong sa kaniya ni Lea. Lumapit ako sa kanya ng konti. Binulungan ko siya.
"Diba dapat ako tinatanong mo niyan?" Mahina kong sabi.
"Hayaan mo na, nakakahiya naman kay Vier" Sagot nya sakin sabay ngiti ulit kay Vier.
"Kahit saan" Ngiti niya sabay titig sakin, sinuklian ko ito ng pagtaray.
"Kasi kami ni Raya hilig namin yung japanese foods"
"Sige dun nalang, masarap din dun"
Silang dalawa lang ang nag uusap kaya habang naglalakad ay naglagay nalang ako ng earphones sa tenga ko.
"Diba Raya?" Kinalabit ako ni Lea.
"Huh? Oo" Sagot ko nalang kahit di ko narinig ang sinasabi nila.
Pumasok na kami sa isa naming favorite na Japanese Restaurant.
"SHOKUDOU JAPANESE FOOD HOUSE" Bigkas ni Vier.
"Yep. Dito kami madalas kumain"
Umupo na kami sa upuan at binigyan na kami ng menu ng waiter. Ako ang unang pumili.
"Tonkatsu 6pcs" Abot ko ng menu kay Vier. Di ko siya tinignan.
"Spicy Ramen please" Pinasa niya naman to kay Lea.
"Ebi Fry Set"
Habang naghihintay ay tinanong ako ni Vier.
"Gaano kana katagal sa shop, bago ka pa lang siguro noh? Nung nakaraan lang kasi kita nakita dun." Hinuhuli nya ang mga tingin ko.
"Oo. Pake mo?" Pagbabara ko sa kaniya.
Kinurot nanaman ako ni Lea.
"Ouch" Tinignan ko ng masama si Lea.
"Pagpasensyahan mo na tong si Raya ha, may sapak lang talaga medyo" Sabay ngiti nanaman niya ng pigil.
Tumawa nalang si Vier at tumingin kay Lea.
"Uhm Lea, may pupuntahan ka ba this week? Balak sana kita ayain lumabas eh"
Mga galawan palang ng mokong na to alam ko ng gusto niya si Lea.
"Di ako pwede eh marami pa kasi akong gagawin" Pagtanggi ng kaibigan ko.
Deserved.
"Pero si Raya, alam ko wala siyang gagawin this week, siya nalang ayain mo... Diba Raya?" Tinitigan niya ako at ngumiti siya ng nakakaloko.
Teka bat ako? Eh siya nga tong niyayaya tsaka ayaw ko makasama si Vier noh.
"Huh? Teka bat ak-"
Pinutol na agad ni Lea ang sasabihin ko tsaka siya nagsalita.
"Oo daw, free daw siya this week"
Sasagot pa sana ako kaso bigla ng dumating yung pagkain.
"Here's your order Maam/Sir Enjoy po" Paglagay ni kuya sa pagkain sabay yuko.
"Thank you" Sabi ko.
Nakita ko uli ang pagtawa ng mahina ni Vier, nang aasar ba to?
Tinarayan ko nalang siya pagtapos ay kumain na kami. Ayoko makipag usap sa mokong na to, nastestress lang ako.
"Regular customer ko siya and mabait yan si Vier highschool friend ko na yan noon pa"
Mabait? Bakit parang hindi halata?
"Sinusungitan niya ako tuwing pupunta ako sa shop mo" Pagsingit ni Vier.
"Hays hayaan mo na tong si Raya, mabait naman to kaso may topak lang minsan hehehe"
Sasagot pa sana ako ng may tumunog na cellphone, sabay tingin ko sa bulsa ko hindi akin yun. Tumayo si Lea at sumenyas siya na sasagutin niya lang. Tumango nalang ako.
"Hindi kita gusto para sa kaibigan ko" Malamig na sabi ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHA" Tumawa siya.
"Di ako nakikipagbiruan" Tingin ko ng seryoso sa kaniya.
"Bakit mo alam? Tulungan mo naman ako" Sagot niya sakin.
Sabi ko na nga ba may gusto sya kay Lea nung inaya niya pa lang ang kaibigan ko alam ko na agad.
"Raya and Vier! Aalis muna ako may aasikasuhin lang ako" Sabay kuha niya ng bag niya, halata sa mukha niya ang pag mamadali.
"Ano nangyari?" Tanong ko.
"Ikekwento ko nalang sayo mamaya" Binulungan niya ko.
"Goodluck sa inyo ni Vier. Ship ko kayo" Sabay tawa niya. Lumayo ako sa kaniya. Ship kami e hindi nya alam na sya gusto ni Vier, bigla akong nakaramdam ng kakaiba.
"Teka paano ako uuwi?" Halata pa rin sa mukha ang pagkagulat.
"Vier. Ikaw na bahala kay Raya ha, una na ko"
"Sige. Ingat" Kaway ni Vier. Mabilis nang umalis si Lea.
"Wait!" Pagtawag ko sa kaniya kaso nakalabas na siya.
Ayaw ko makasama ang isang to. Fuck.
---------------------------------------------------------