Chapter 10: (DEAL)

"I need to go" Aakma na sana akong tatayo ng biglang hinawakan ni Vier ang kamay ko, may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko maintindihan.

"Wait, Raya"

"May gagawin pa ako" Sabay kuha ko sa cellphone at bag ko.

"Raya, please wait lang, tulungan mo ako. Alam kong ikaw lang makakatulong sakin" Bakas sa mga ni Vier ang pag aalala.

"Ano bang kailangan mo sakin?" Tanong ko sa kanya.

"I love Lea. Help me. I want to court her" Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

"Bakit sakin?" Bigla akong umupo.

"Kasi magkaibigan kayo ni Lea, alam kong malapit ka sa kanya. Raya Please gustong gusto ko si Lea matagal na, tulungan mo ako" Saad nito.

Ang gwapo gwapo neto pero torpe? Ano ba naman yan. Pero bakit ganun? Parang nalungkot ako diba dapat kailangan maging masaya ako para sa kaibigan ko? pero bakit ganon.

"Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya? Mabait naman si Lea at alam kong mas magkakaintindihan kayong dalawa. Wag mo na ako idamay"

Ayoko. Hindi pwede. Ewan ko pero parang may pumipigil sakin.

"Grounded ka diba? Let's make a deal tulungan mo ako kay Lea tapos tutulungan rin kita" Titig niya sakin.

"Anong matutulong mo sakin aber? Tsaka pano mo nalaman?"

Sigurado naman akong wala naman siyang matutulong sakin. Hindi ko siya kailangan.

"Lea told me" Oh malapit pala sila ni Lea e bakit nagpapatulong pa sakin?

"Anong tulong?" Sabi ko.

"Mag iinvest ako sa company niyo" Nagulat ako ng marinig ko. Sigurado akong matutuwa si Dad sakin kapag nalaman niyang isa sa mga kaibigan ko pa ang nag invest.

"Magkano?" Curious kong tanong.

"5 Million. Okey na ba yun? Basta tulungan mo lang ako para maligawan ko si Lea. Ikaw nalang pag asa ko, Raya"

Halata sa mukha niya na seryoso at mahal na mahal niya si Lea para na mag invest siya ng ganon kalaki sa kumpanya namin. What if kapag nalaman ni Dad na  ako ang dahilan kung bakit may nag invest samin ng ganon kalaking halaga? Mawawala na kaya ang galit niya? Dibali sure akong mahahawakan ko na lahat ng credit cards at kotse ko pag nangyari.

"Deal" Abot ko sa kamay ko para makipag shake hands sa kanya.

"Deal. Thank you, Raya" Bakas sa mga mata niya ang tuwa. Nakikita ko ang pagaliwalas ng mga mata niya. Pero ako? Di ko alam yung mararamdaman ko.

"Btw una na ako. May gagawin pa kasi ako eh update nalang kita sa mga gagawin natin para matulungan na kita" Mag hahating gabi na rin pala. Kailangan ko na umuwi

"Can i get your number? Para macontact kita" Nilabas niya ang cellphone niya at inabot sakin.

"Akin na" Mabilis kong tinype ang numero ko pagkatapos ay binalik ko na rin sa kanya.

"Hatid na kita. Mag gagabi na oh delikado na daan ngayon" Anyaya niya sakin.

"Huh? No need mag papa book nalang ako"

"Sige na, para naman makwento mo rin sakin si Lea" Kaya pala gusto akong ihatid eh.

"Kaya pala gusto mo kong ihatid ah. Alam mo ayaw kita para sa kaibigan ko eh Torpe ka pala noh?" Pagtawa ko ng mahina.

"No. Bawiin mo yan. Marami akong babae noh" Pagmamayabang niya.

"Ah maraming babae pala huh? di na kita tutulungan" Sabay alis ko.

"What the -? Im just joking, why so serious?

"Sorry di ako natanggap ng joke"

"Let's go. I have a meeting tomorrow" pinagbuksan niya na ako sa kotse niya. Iba nanaman yung kulay nung nakaraan na sumakay ako, color grey na ito ngayon.

Sa haba ng byahe dahil medyo traffic ay nakatulog ako, naalimpungatan nalang ako ng gisingin ako ni Vier.

"Raya, wake up. We're already here"

Magkalapit kami ngayon. Nakikita ko ang matatangos niyang ilong. Ang gwapo talaga. Teka hindi pwede to.

Lumayo ako bigla.

"Ah ganon ba. Salamat sa paghatid" Lalabas na sana ako ng bigla siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.

Ang gentleman. Omg.

"Una na ko" Sabay talikod.

"Raya!" Sigaw niya sakin mabilis naman akong humarap.

"Thank you ulit" Nakangiti na siya ngayon. Hindi naman pala siya loko loko eh, may pagka mabait rin naman pala to.

"Wala yun" Ngumiti ako ng pilit.

Sinalubong ako ni Manang. Nakangiti siya ng nakakalok.

Natawa ako.

"Manang, masaya ka ata? Anong problema?" Pagtataka kong tanong.

"Uy kita ko yung gwapo na naghatid sayo iha, ang gwapo niya. Ikaw talaga Raya ha" Pantutukso niya sakin. Napailing nalang ako at dumiretso sa kwarto ko at nagpahinga.

---------------------------------------------------------