Chapter 8: (SOCIAL MEDIA)
Narinig kong tumutunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha, ginalaw galaw ko muna ang mga mata ko dahil kakagising ko pa lang.
"Who's this?" Sabay hikab.
"Your beautiful bff" Si Lea lang pala.
"Ano meron bat napatawag ka ng gantong oras?"
"Magkita tayo mamaya sa SM City Baguio, 3 pm see you!" Sabay patay niya ng phone. Bastos. Kahit kailan talaga. Tinignan ko ang orasan at nakita kong alas dose na pala ng tanghali, agad akong bumaba ng sala para kumain, nakita ko si Dad na nagdidilig ng mga halaman.
"Goodmorning Dad" Sabay halik sa pisngi niya.
"Goodmorning kumain kana" Seryoso niyang sabi sabay dilig sa mga halaman niya. I see, walang business meeting ngayon si Dad dahil linggo.
Habang kumakain ay naisip ko na kung bakit wala si Mom, i want to ask Dad pero parang galit nanaman siya as usual. Pero i have no choice kailangan ko pa rin siyang tanungin.
"Uhm Dad, where's Mom? Is she here?" Sabay kain ko ng bacon.
"Your Mom is with your tita Kara, namasyal sila" Simpleng sagot lang ni Dad sabay kuha ng phone niya.
"By the way Dad, aalis ako pakisabi nalang kay Mom" Pagpapaalam ko. I make sure na alam nila kung saan ako pumupunta, that is our rule in our house.
"San ka pupunta?" Tingin niya ng bahagya sakin.
"Magkikita lang po kami ni Lea"
"Take care" Maikling sagot ni Dad. Hindi ko ba alam kung tatay ko to kasi ganto ka cold kausap, para kaming hindi magkakilala, i guess dahil pa rin to sa nangyari nung nakaraan.
Mabilis kong tinapos ang kinain ko at naligo. I put a pink lipstick in my lips and syempre blush on na rin, ganto lang ako karaniwang mag ayos. Sinuot ko ang isang fitted na blue dress at sandals. I texted Lea.
"Im done. Pls sunduin mo ko dito di ko pa din magagamit yung kotse ko"
"Okay. I will be there in 15 minutes."
Umupo muna ako sa sala namin at naghintay, habang naghihintay para di mainip binuksan ko muna ang IG ko habang nagscoscroll may nagpopped sa notification ko so I decided na tignan ito.
"vier_rama started following you"
Teka. Paano niya nalaman yung ig account ko? Dala ng curiosity kaya inistalk ko siya. Nakita ko ang latest post niya, nasa may upuan siya habang naka side view at nakasuot ng itim na shades. May caption na
"Im still looking for you"
"2k likes and 100 comments" Wow fame. Not bad. Chineck ko kung sino ang mga nagcocomment dito.
"You look so hot" Sabi ng isang babae dito. Nagsimula ng tumaas ang kilay ko at nakita ko namang nagreply din si Vier.
"Same as you" Wtf. Seriously?? Ang harot nila both. Tsss. Nagscroll pa ako kung sino ang mga nagcocomment then nakita ko yung nagpapicture sa kaniya sa coffee shop nung nakaraan.
"Looking good. Kita tayo." then Vier replied.
"Yep. Kapag di na ulit busy" Corny. Ang harot naman neto, kala mo naman pogi. Pogi naman talaga pero ang harot. Sakit nila sa mata.
"Maam andito na po si Lea, hinihintay niya na po kuya sa labas" Sabay ni Manang. Nilagay ko na agad sa pouch ko ang cellphone ko.
"Sige po Manang susunod na po ako, salamat" Ngumiti ako sabay lumabas.
Nakita ko siya sa harapan namin habang naghihintay. Nagulat nalang ako sa pagsigaw niya.
"Raya! I miss youu!!!" Bigla niyang takbo sabay yakap sakin.
"Uhm teka wait nasasakal ako" Grabe yung yakap niya ang higpit.
"Sorry. I just miss you btw let's go"
"Tara" Binuksan ko ang pinto at pumasok na.
"Kamusta first week? How about Ms. Kem?" Nagsimula na siya magdrive.
"Strict. Bat ba kinuha niyo yun?" Pagtataka ko.
"She's Mom bestfriend, mabait yun" Pagtawa niya. Lumingon ako sa kaniya habang nagtataka?
"Seryoso ka dyan sa sinasabi mo?"
"Yep. Mabait yun pag nakilala mo na"
"Teka pala, kamusta mga kawork mates mo? Ano mababait ba?"
"Si Tristan lang, kilala mo ba siya?"
"Ow. I know him, nakikita ko siya nung last time na nagvisit ako sa coffee shop ang alam ko kasi bago lang siya"
"Mabait siya" Normal na pagkasabi ko.
"Hoy gusto mo ba siya??" Pagsigaw niya. Napahawak nalang ako sa tenga ko.
"Teka nga. Kumalma ka muna ha ang sabi ko lang mabait siya okey ba"
"Oh bat ang defensive mo? Gusto mo na?" Hinila niya pa ako para sabihin lang to. Ang gulo rin minsan ni Lea. Sumakit ulo ko sa kaniya.
"Nope. Iniisip ko lang ngayon kung paano ako mapapatawad ni Dad okay, wala akong time para sa ganyan" Ito ang totoo, kailangan muna mapatawad ako ni Dad dahil kung hindi baka habang buhay nalang ako magpapakahirap dito.
"Bago yan ah?" Tingin niya pa rin sa daan.
Hindi ko nalang siya kinibo at mamaya maya ay andito na kami sa Mall.
"We're here!" Sabi niya sabay ngiti sakin.
---------------------------------------------------------