Chapter 7: (ANNOYED)
Monday, unang araw sa trabaho. Andito ako ngayon sa harapan para mag entertain ng order ng mga customers. Sinuot ko ang aking apron. Isa akong cashier dito sa Coffee Express. Mabilis akong ngumiti ng makita ang isang customer.
"Hello Maam, What is your oder po?"
"Can I get a cafe latte for here please?"
"Okay. Your total comes to 250. 00 pesos"
"Here" Sabay abot niya ng bayad.
"Enjor your coffee Maam"
Pagkaalis ng babae ay agad ko munang tinignan ang cellphone ko kung may text ba sakin si Lea ng malamang wala ay agad ko muna itong pinatay.
"One Latte Macchiato please" Laking gulat ko nalang ng makita ko yung lalakeng pinasakay ako nung isang araw. Wtf. Halata sa mukha niya akong pagkagulat. Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Ow so dito ka pala nagtatrabaho" Sabi niya sabay ngisi.
"Oo. Pake mo ba?" Pagtataray ko. Presensya pa lang nito ay naiinis na ako.
"Ops ganyan mo ba dapat itrato ang customer mo?" Pang aasar niya pa.
Tinarayan ko nalang siya.
"Sinusundan mo ba ako?" Sabay titig ko sa mata niya.
"Teka teka. Grabe ka naman Miss, di kita type" Sabay ayos ng buhok niya. Binaliwala ko nalang ang sinabi niya at umiling.
"Here is your order, sir. One Latte Macchiato. Will there be anything else?"
"Sabay pormal, hahahahahaha di bagay sayo Miss"
Napipikon na ako sa lalakeng to makatawa kala mo close kami. Duh. I hate him.
"Will that be cash or charge today?"
"Charge"
"Okay. Please swipe your card in the machine"
"Have a niceday, see you sir" Nginitian ko siya ng peke sabay alis.
"Oh bakit ka nakasimangot?" Tanong sakin ni Tristan habang inaayos niya yung mga order.
"Nakakainis kasi yung lalakeng yun" Sabay turo kay chinito.
"Ahhh, Siya si sir Vier regular customer siya dito" Sabi niya.
"Weh? Myghod nakakainis naman"
"Mabait naman yan si sir, ang dami ngang pumupunta dito para maabutan lang siya" Bungad niya. Pagtataka ko. Huh yung lalakeng yun? May naghahabol?
"Ayun oh" turo niya sa pinto. Mabilis akong lumingon at nakita ko ngang may mga babaeng pumasok at pumunta sa upuan niya. Dalawang babaeng parang kakagaling lang ng school mga highschool ata. Nagulat nalang ako nang magpapicture yung dalawa kay Vier. Mabilis namang pumayag si chinito at umakbay pa. Babaero hays.
Natapos nanaman ang isang araw at inaantok na ako. Inayos ko yung mga gamit ko para makahanda na at makauwi na rin ng maaga, gusto ko ng matulog ngayon.
Pagkalabas ko ay nakasabay ko pa si Tristan, mabilis akong ngumiti sa kaniya.
"Uuwi kana?" Tanong niya.
"Uhm oo, baka susunduin ako ni Manong"
"Ganon ba"
"Ikaw ba?" Tanong ko.
"Magcocommute lang ako" Sabay kamot niya sa ulo.
Sasagot sana ako ng biglang nagtext si Manong sakin.
"Maam pasensya na po, pinagbawalan po ako ng papa nyo para sunduin ka. Pasensya na po talaga"
What the - Napahawak nalang ako sa ulo ko ngayon. Maghihirap nanaman ako mag commute, nakakainis naman.
"May problema ba?" Halata sa mukha niya ang pag aalala, ang mga matatangos niyang ilong at mapupulang labi ay mas lalo kong nakita ngayon.
"Mukhang magcocommute ulit ako. Di pinayagan ni Dad sa Manong para sunduin ako" Pagtingin ko sa baba dala na rin ng pagkadismaya.
"Sabay ka nalang sakin. Taga saan ka ba?"
"San Lorenzo Village"
"Oh malapit ka lang sakin, tara na baka maabutan pa tayo ng rush hour" Sabay tawa niya. Ang amo niya tumawa kitang kita mo na mabait na tao siya. Nauna siya habang ako naman ay nakangiti. Parang buang.
Habang naglalakad papuntang terminal biglang may huminto na sasakyan sa harap namin. Bumukas ang bintana ng kotse at agad bumungad ang nakangising mukha ng lalake. Si Vier? Siya nanaman?
"Tristan! Miss, sabay na kayo sakin, ihahatid ko na kayo"
"Nako Sir. Nakakahiya naman po, wag na po" Pagkamot ni Tristan sa ulo niya.
"Di kami sasakay at wala kaming balak" Pagtataray ko.
"Ikaw nanaman, ang sungit mo talaga btw ang cute mo HAHAHAHAHAHAHA" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Tara na Tristan" Pagyaya ko kay Tristan umalis. Nauna akong umalis saka siya sumunod. Iniwan na namin yung lalaking yun. Panira ng gabi.
Pagkarating namin sa terminal ay mabilis kaming nakasakay ni Tristan.
"So, araw araw mo tong ginagawa?"
"Oo. Alam mo bang may pasok pa ako bukas ng maaga?"
"Talaga ba?"
"Oo. Kaya aabsent muna ako bukas nagpapaalam na ako kay Maam Kem"
Mas lalo akong napahanga kay Tristan. Bilib ako sa pagpupursigi niya.
"Ikaw ba? Bat ka nagtitiis bilang cashier? E mayaman ka naman?"
"Not really, may kaya lang" Pag ngiti ko sa kaniya.
"Eh ganon na rin yun" Sabay kamot niya sa ulo niya. Halatang nahihiya siya hahahahaha.
"Mahabang kwento"
"Share mo, makikinig ako"
Kinwento ko lahat kay Tristan mula sa umpisa, halata sa mukha niya ang pagkadismaya sa nagawa ni Dad. Halos buong biyahe ay ayun lang ang pinag usapan namin.
Nang matapos ang kwentuhan ay hindi na namin namalayan na andito na pala kami. Inalalayan niya ako sa pagbaba ng Bus.
"Pano ba yan? Salamat ha" Pagpapasalamat ko sa kaniya.
"Wala yun. Dito na ko. Ingat ka"
Tumango nalang ako at tumalikod na.
---------------------------------------------------------