Chapter 6: (FLASHBACK)

"Anong kaguluhan to?!" Malakas na sigaw ni Dad.

"Mr. Salvacion, hindi ko alam na may ganto ka palang anak. Mapanakit" Titig ni Ms. Lopez sakin.

"Im sorry Ms. Lopez pagsasabihan ko tong anak ko" Sabi ni Dad.

"But dad, Siya ang nauna, sinampal nya ako!" Pagdedepensa ko. Totoo naman talagang siya ang nauna ginantihan ko lang.

"Liar, walang galang at bastos tong anak mo Rolando. Hindi dapat siya nananakit ng mas matanda sa kaniya!" Muli niya kong tinignan ng masakit at sabay ayos ng buhok niya.

"Aayusin ko to. Pasensya na ulit sisiguraduhin kong hindi na to mauulit"

"Aba dapat lang, kasi once na maulit pa to tatanggalin ko na ang pakikipag partnership sa kumpanya mo" How rude? Ginawa niya pa talagang dahilan to? Nonsense. Hindi to pwede kailangan ko ipagtanggol ang side ko.

"Dad im-"

"Raya! Please go back in our house. Mag uusap pa tayo!" Nagulat ako sa lakas ng boses ni Dad, halos lahat ng trabahante ay nakatingin sakin, para akong binuhusan ng malamig na yelo.

"Hindi p-"

"I said go back in our house! Naiintindihan mo ba?!"

Wala na akong nagawa kung hindi sundin siya. Mabilis akong tumalikod at dahan dahang umalis. Naiiyak ako, nagulat nalang ako ng bigla bigla nalang tumutulo yung luha ko, ang sakit hindi naman ako ang may kasalanan pero bakit ganon si Dad? He didn't let me to explain. Mabilis kong binuksan ang kotse at pinaandar ito wala pang ilang oras ay nakauwi na ako agad sa bahay.

"Raya! Anak? What happened?" Sinalubong agad ako ni Mom, wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin at umiyak sa kaniya. I feel so sad.

Pagkatapos ay bumitaw na rin ako sa pagkakayakap, kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinawakan ito.

"Tell me. Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

"Sinigawan ako ni Dad sa maraming tao Mom" Hindi ko na napigilan lalong bumuhos ang mga luha ko.

"Why? Anong ginawa mo?"

"Ms. Lopez slapped me first, ang dami dami niyang masasakit na sinabi sakin kaya di ko na napigilan yung sarili ko Mom, nasabunutan ko siya" Di pa rin ako makatingin ng maayos sa kaniya.

"Raya! Where are you?! Mag uusap tayo!"

Napatingin ako bigla sa pinto ng marinig ko ang sigaw ni Dad, natatakot ako. Alam ko siya magalit. Niyakap ko nalang si Mom ng mahigpit.

"Kakausapin natin ang Dad mo okey?" Sabi ni Mom. Sinuklian ko nalang ng pagtango ito.

"Why did you do that?! Hindi ka ba nag iisip sa mga bawat gagawin mo?!" Andito kami ngayon sa kwarto kaming tatlo nila Mom and Dad.

"Hindi mo ba alam na malaking kawalan sa kumpanya natin kapag nawala si Ms. Lopez?! Nakakahiya ka!" Sigaw niya sakin.

"Rolando. Sinampal daw siya ni Ms. Lopez kaya niya nagawa yon." Mahinay na tugon ni Mom.

"Kahit na, she needs to respect her. Raya naman. Wag lang puro sarili yung iisipin mo!"

"Dad sobra na, anong gusto mo mangyari? hahayaan mo nalang ba na saktan ako ng ganon ganon lang?!" Maluha luha ako habang sinasabi to. Napuno na ako. Di ko na napigilan yung sarili ko.

Dad slapped me. I didn't expected na magagawa niya sakin yun.

"Bastos! Tama nga yung sinabi niya, wala ka ng respeto! Simula ngayon di na kita hahayaang makalabas pa. I am going to hold your accounts!"

"Rolando. That's enough! Sobra na yang ginagawa mo sa anak mo. Raya doesn't deserved this."

"Hindi. Hindi dapat kinukunsinti yung ganyang pag uugali niyan! Dapat sa kaniya pinaparusahan, para sa susunod mag iisip na siya sa mga gagawin niya!" Napahawak siya sa kaniyang ulo habang sinasabi ang mga ito.

Wala akong masabi, ang tanging magagawa ko nalang ngayon ay umiyak ng umiyak. Nagtatalo silang dalawa dahil sakin. Kahit ipaliwanag ko pa yung side ko, hindi pa rin naman maniniwala si Dad.

"Fine. Sana masaya ka sa desisyon mo Dad" Umalis na ako sa kwarto. This is enough. Ayoko ng makarinig pa ng masasakit na salita galing sa kaniya.

"Anak. Come here!" Narinig ko pa ang sigaw ni Mom.

Ayoko ng may madamay pa sa ibang kaguluhan na ginawa ko. Pumasok na ako sa kwarto at nagpahinga. It's been a rough day pero kakayanin. Pinikit ko na ang mga mata ko at nagpahinga.

-------END OF FLASHBACK------

---------------------------------------------------------