Chapter 5: (PAG ALALA)

Day off ko ngayon, araw ng linggo. Pagkababa ko ng sala ay walang tao, tanging sila Manang at Manong lang, nasanay na ako sa gantong sistema. Mag isa lang akong anak samantalang sila Mom at Dad ay busy sa trabaho. Napasilip ako sa orasan ng makitang alas otso na pero kakagising ko pa lang, pagod talaga ako netong mga nakaraan sa trabaho.

Pumunta ako sa tabi ng pool para makapag magmuni muni, naisipan kong tawag si Lea. Gusto ko ikwento sa kaniya ang mga nangyari sa unang linggo ko sa trabaho. Mabilis nya namang sinagot ito.

"Hi Lea" Pagbungad ko agad.

"Hi, kamusta first week?" Tanong niya.

"Nakakapagod. Hindi sanay yung katawan ko sa ganto" Malungkot ko na sabi.

"Kung di mo naman kasi sinabunutan yung business partner niyo edi hindi ka sana magagrounded HAHAHAHAHAHAHA" Sabay tawa niya.

"Excuse me, ang dami dami niyang masasakit na salita na sinabi sakin. Nilalandi ko daw si Brent? Eh si Brent nga tong lapit ng lapit sakin" Pagdedepensa ko. Totoo yun. Nagrounded ako dahil sa kaniya. Hindi ko na talaga mapigilan yung sarili ko sa mga masasakit na salita na binibitawan niya sakin kaya sinabunutan ko na duh.

"Oh ano na balak mo ngayon kay Brent?" Pagtatanong ni Lea.

"Syempre inis na inis ako sa kanilang mag ina, dahil sa kanila kaya ako nagdudusa ngayon. Isipin mo, i don't have my access in my credit cards paano kaya ako makakabili ng mga gusto ko ngayon? Hindi pa kami nakakapag usap ni Brent pero balak ko siyang kausapin" Tuloy tuloy na sabi ko. Nag iinit talaga ang dugo ko sa mag inang yun. I can't believe na mas kakampihan ni Dad yung babae na yun kesa sakin? Kahit tinatapakan na yung pagkatao ko, ayos lang sa kanila alang alang lang sa business namin.

"Oh kalma, di ako yung kaaway mo dito ha HAHAHAHAHAHAHA by the way kita tayo sa next sunday dun tayo magkwentuhan at may gagawin pa ko ngayon"

"Okey. Bye" Binaba ko na agad yung phone, bigla nalang ako nawalan ng gana.

Muli kong inalala yung mga naganap bago ako maging grounded ngayon.

-----------------------------------------------------------------

Papunta ako ngayon sa office ni Dad para ipadala yung mga reports na kakailanganin niya para sa meeting. Since busy pa sila, pumunta muna ako sa visiting room para umupo at hintayin si Dad, habang nakaupo ay biglang napadaan sa gawi ko si Ms. Lopez, siya yung Mom ni Brent na nanliligaw sakin. Nginitian niya ko ng nakakatakot pagkatapos ay tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Raya, right?" Nakatingin pa rin siya sakin ng nakakainsulto.

Agad akong tumayo para magbigay galang sa kaniya.

"Yes po, Raya Salvacion" Maikli kong tugon.

"Ikaw ba yung nililigawan ni Brent?" Nagsimula na tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Uhm opo ako nga po" Nauutal ko pang sagot.

"I don't like you, Ewan ko kung bakit ka niya nagustuhan kasi in the first place, balita ko bulakbol ka daw? Pariwala ka rin daw na babae. Myghod kababaeng tao ganyan ka? My son doesn't deserve a girl like you!"

Nalilito ako sa mga sinasabi ni Ms. Lopez, hindi ko alam kung saan niya nakuha itong mga to pero isa lang ang masasabi ko hindi naman porket nakikipag party e pariwala na? Sobra siya magsalita.

"Uhm Ms. Lopez grabe naman po kayo magsalita. Hindi naman po porket may mga pinupuntahan na ganon ay ganyan nyo nalang po ako tatratuhin?" Raya kalma, matanda na yang kausap mo. Hays.

"So what? Ano nalang tawag mo dun? Sayang ka pa naman naturingan ka pang anak ni Mr. Salvacion tapos ganyan pag uugali mo. Layuan mo na si Brent ayoko mahawa siya sa mga kalokohang pinaggagawa mo."

"Fine. Lilinawin ko lang po Maam, si Brent po ang lapit ng lapit sakin. Unang una po wala akong balak sagutin yang anak niyo, lalo na't nalaman ko po na may ganto pala siyang nanay." Napuno na ako.

"What the" Nagulat nalang ako ng bigla niya kong sampalin. Napahawak nalang ako sa kabilang pisngi kong siguradong namumula na ngayon, ang lakas ng pwersa niya.

"Wala ka talagang galang. Totoo nga talaga, hindi ka lang pala talaga malandi bastos ka rin pala"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis kong hinila ang buhok niya. Ang dami ng umaawat samin ngayon pero gusto ko lang pakitaan tong matanda na to. Bastos pala tingin niya sakin? Edi totoohanin ko na.

"What's happening here?!" Mabilis akong tumigil ng marinig ang boses ni Dad.

Patay na.

---------------------------------------------------------