Chapter 4: (KAIBIGAN)
Dahan dahan kong binuksan ang pinto sa Coffee Shop na pagtatrabuhan ko habang nakapikit ang mata, masungit daw ang manager dito na si Maam Kem sabi ni Lea.
"You're Late Ms. Vera" Nagulat nalang ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Dahan dahan akong humarap at binuksan ko ang mga mata ko. Isang babaeng nasa edad 50+ ang kaharap ko ngayon, maputi, maganda at halos magkasing tangkad lang kami, naka tali ng pabilog yung mga buhok niya, para siyang teacher ko ng kinder. Charot.
"Im sorry po, di po kasi pinagamit ni Dad yung car" Magalang kong sagot sabay yuko.
"That's not my problem. Bilang isang trabahante kailangan mong dumating on time. Nakukuha mo ba?" Nakataas pa ang isa niyang kilay. Grabe naman to si Maam kem ang sungit sungit. Hays.
"Opo. Di na mauulit" Giit ko.
"Magsimula kana" Sabi nya sabay talikod sakin.
Pumunta muna ako sa likuran habang isusuot yung cap ko.
"Sungit noh?" Biglang singit ng isang lalaking maputi at makisig ang katawan. Wow abs.
"Sobra. Grabe hahahaha" Sagot ko.
"Btw, Im Tristan" Gusto nya ata mag shake hands kami.
"Raya" Kinuha ko rin naman ang kamay niya.
"Hoy magsimula na nga kayo, andami ng customer oh" Sabat ng isang babaeng maliit. Alagad ba to ni Maam Kem? Ang sungit din e. Nagkatinginan nalang kami ni Tristan habang umiiling iling.
"Una muna ako" Saad ni Tristan. Sinuklian ko nalang siya ng tango.
Pumunta sya sa isang upuan dala dala ang order neto. Ow waiter siya dito. Nakita ko pang namumula pisngi ng isang babae.
Break namin ngayon. Andito ako sa labas ng Coffee Shop dahil wala namang tao. Tinanggal ko muna ang cap at apron na suot ko. Ang init. Hays. Grabe first day pa lang may nakaaway na agad akong customer? Kasalanan ko bang mahina yung boses niya? Myghod. Grabe gutom na gutom na ako kaya napag desisyonan ko ng umorder nalang ng pagkain ko sa Grab. Habang naghihintay naupo nalang ako at nagpicture, isesend ko to kay Lea. 1 2 3 smile : ) Pagkatapos ko isend pinatay ko muna ang cellphone ko dahil di naman siya online baka busy yun.
"Hi, pwede makiupo?" Napatingin nalang ako kay Tristan habang nakangiti sya sakin.
"Uhm sure" Pag ngiti ko balik.
"Salamat" Nagulat nalang ako ng binuksan niya ang maliit na bag niya, may nakalagay doon na luch box. Wow ang cool. Napanganga nalang ako ng di malaman kung ano yung ulam niya.
"Pasensya kana ha, mabaho ba?" Tanong nya sakin. Nilipat ko agad yung tingin ko sa kaniya.
"Oy hindi. Ano yung ulam mo?" Pagtatanong ko. Ngayon ko lang ata nakita to.
"Ahh eto ba, di mo alam to? mayaman ka siguro noh"
"Uhm sakto lang, May father is a businessman"
"Uy mukhang mayaman ka nga, Ah eto nga palang ulam ko, tuyo to" Pag iwas ng tingin niya sakin. Parang nahihiya pa ata siya.
"Maliliit to na isda, pero masarap to lalo na pag may toyo at suka" Habang kumakain siya. Niyaya niya ako.
"Gusto mo?"
"Oo sige pwede patikim"
"Sure. Try mo" Kumuha ako ng isang tuyo. Pero bago ko yun makuha ay hinimayan muna to ni Tristan.
"Ayan, para di kana mahirapan" Ngiti niya.
Tumikim ako, sinawsaw ko to sa suka. Masarap nga, maalatalat.
"I like it" Sabay ngiti.
"Talaga?" Pagkagulat niya.
"Buti naman" Dagdag niya.
Nagulat nalang ako ng biglang dumating na pala ang inorder kong pagkain na pizza sa Grab Food. Kinuha ko ito at pagkatapos bayaran bumalik na ko sa upuan ko.
"Sabay na tayo kumain" Pag anyaya ko. Masaya kaming nagkwentuhan.
Sa kalagitnaan ng kwentuhan ngayon ko lang nalaman na nag aaral pa pala siya.
"Anong course mo?" Sabay subo ko sa pizza.
"Architect. Gusto ko makapag design ng buildings at makapag supervises ng construction" Proud niyang sagot.
"Uy goodluck ha, sa future house ko gusto ko ikaw magdedesign ah? pwede ba? hahahahaha" Pagbibiro ko.
"Sure. Pwedeng pwede hahahahaha" Pagtawa niya.
Ang dami daming kong nalaman kay Tristan. Mahirap siya pero di yun naging hadlang sa pag aaral niya. Nalaman ko rin na working student pala siya. He's already 24 pero pinagpatuloy pa rin niya ang pag aaral niya sa kadahilanan daw na di kaya ng pamilya niya na sabay sabay silang pag aralin kaya pinauna niya muna ang bunso niyang kapatid. Such a great brother.
"Taga saan ka ba?" Tanong sakin ni Tristan.
"Ah dyan lang sa may BGC, bakit?"
"Sakto malapit lang din ako dyan, gusto mo ba sabay na tayo umuwi?" Anyaya niya sakin.
"Sure para may kasama ako mag jeep at mag bus, bawal kasi ako sunduin ni Manong eh, grounded kasi ako ngayon"
"Ganon ba, tara sige sabay na tayo"
Natapos ang usapan namin at bumalik na agad kami sa trabaho.
Nag entertain muna ako ng customer habang di ko namalayan na mag uuwian na pala.
Pagkatapos ng trabaho ay sabay na kaming nagcommute ni Tristan. Tamang kwentuhan lang hanggang sa di ko namalayan na nakauwi na pala ako.
---------------------------------------------------------