Chapter 3: (UNANG PAGKIKITA)
Agad akong nagpara ng isang tricycle malapit dito sa village namin, nakakamiss din pala sumakay dito, last kong sakay dito is yung bata pa ako dahil sinama ako ni yaya sa palengke. Nasiraan yung kotse nun kaya nagpadesisyonan nalang ni yaya na mag tricycle.
"Uhm kuya, pahatid nalang po sa terminal ng mga jeep" Sabi ko sa kanya, pero parang di ata narinig ni manong. Sinubukan ko ulit lakasan ang boses ko.
"Manong, pahatid po sa terminal" Nililipad na yung buhok ko, may mga iilang hibla na rin akong nakakain. Myghod kastress.
"Ano neng, kriminal? kahit ganto lang ako di ko magagawa yun" Omg. Mali pa pagkakaintindi ni Manong huhuhuhu. Sabi ko terminal e.
"Terminal ho, pahatid po ako" Mas nilakasan ko na kaysa sa kanina.
"Ahhh terminal, yun naman pala iha e sa susunod linawin mo" Sabay tawa ni Manong.
Pagkababa ko agad akong pumunta sa terminal. Shit ang daming tao. May 10 minutes nalang akong natitira. Gulat nalang ako ng may dumating na jeep. Halos lahat ng tao nagsisiksikan para makasakay, sinubukan ko makisiksik kaso natumba lang ako. What the heck. Kasalanan to ni Dad e hmp. Tumayo agad ako at baka marumihan pa tong uniform ko. Hays.
Nakakafrustrate ahhh! Ang dumi na ng uniform ko! Bumalik nalang ako sa terminal para mag abang ulit.
"Kuya, kelan po kaya ako makakasakay?" Tanong ko sa katabi ko.
"Nako. Miss kung di ka marunong makipagsiksikan, di ka talaga makakasakay, lalo na rush hour pa ngayon" Natulala nalang ako sa sinabi ni kuya. Ang pangit naman ng first day ko? Late agad.
"Salamat po"
Umaatras ako ng konti para makapag handa sa susunod na jeep na dadaan. No choice na to, kailangan ko na talagang makipagsiksikan para makapasok na ko. May nakita na akong papadating na sasakyan kaya agad ko ng hinawakan yung bag na dala dala ko. Pagbilang ko ng tatlo tatakbo na ako. 1 2 3 go! Arghhh! Ang daming mga tumulak sakin kaya ang ending punuan nanaman. Nakakaloka naman oh huhuhu. Tinigan ko ulit ang cellphone ko. 10:20 na. 20 minutes na kong late.
No choice talaga ako kundi maghintay ulit. Laking gulat ko nalang ng may humintong sasakyang itim sa harap ko. Biglang bumukas ang salamin ng kotse. May nakangising lalake doon. Singkit ang mga mata niya. Matangos ang ilong at maputi.
"Hey Miss, Wanna ride?" Sabay tanggal ng shades niyang itim. Nakasuot siya ng suit at mukhang papasok na rin sa trabaho.
"I don't talk to strangers, sorry" Pataray kong sagot.
"Teka teka. Gusto lang kita pasakayin hahahaha" Ngumisi nanaman siya ng nakakaasar.
"I said no."
"Okey. Nakikita ko kasi na kanina ka pa naghihintay dito pero ang ending natutumba ka lang" Pagtawa niya ulit.
"What the heck. Stalker ba kita? Tsaka wala kang pake" Pakielamero.
"Sige bahala ka. Balita ko hanggang alas dose ganto daw dito e. Goodluck kung makasakay" Ibinalik niya na ang suot niyang shades. Seriously? Nasa loob ng sasakyan naka shades? Abnormal ata.
Pero napag isip isip ko na ilang minuto na rin akong naghihintay dito. Paano kung malaman to ni Dad? Edi yare ako. Naku! Sayang naman offer ni chinito. Baka malate pa ko lalo mahirap na. Aakma na sana siyang aalis pero sumigaw agad ako.
"Hoy wait, sasakay na ko" Pagsigaw ko. Agad kong kinatok yung kotse niya.
"Yun naman pala e" Sabay ngisi niya.
"Once na hinoldap mo ko or something, I will call the police tapos nakikita mo to?" Sabay pakita ko sa kanya ng alcohol ko.
"Ispaspray ko to sa mga mata mo para mabulag ka, naiintindihan mo ba?"
"Chill Miss, Nagmamagandang loob lang ako"
"Siguraduhin mo lang"
"Ang sungit mo naman, ang aga aga e"
"I don't care" Sabay irap.
"Wag mo kong kausapin mag drive kana dyan" Utos ko sa kaniya.
"Wow? Yes boss" Sarcastic niyang sagot.
After half hour malapit na kami sa pagtatrabahuhan kong Coffee Shop, buti nalang dahil si bff Lea ang may ari neto.
"Pakitabi nalang" Utos ko.
"Teka. Alanganin to. Asan ba work mo? Ihahatid na kita diretso" Paconcern si chinito.
"Sabing dito nalang e!" Sigaw ko sabay bukas ko ng pintuan pagkatapos ay umalis nalang ako.
Narinig ko siyang sumigaw.
"Thank you ha!" Sarcastic niyang sagot. Ay oo nga pala. I forgot to say thank you pero ayos lang yun. Tuloy tuloy nalang akong naglakad. Haggang sa makarating sa trabaho ko.
---------------------------------------------------------