Chapter 2: (ANG SIMULA)
"Raya, anak gising na may pasok ka pa diba" Bigla akong naalimpungatan sa sinabi ni Mom. Nakaupo na siya sa higaan ko at hinahawakan ang maiitim at mahaba kong buhok. Agad kong tinignan ang orasan.
"9:00 am" Napakamot nalang ako ng malamang may isang oras nalang ako para maghanda sa trabaho.
"Susunod na po Mom" Sabay ngiti ko sa kanya.
"Wait ka namin sa baba, bilisan mo at baka malate kana" Malambing na sabi ni Mom. Mabilis niya kong hinalikan sa pisngi at umalis na siya. Walang kupas pa rin talaga ang ganda ni Mommy Kena, matangkad siya at mabait. Kabaligtaran nga lang kay Dad Ramon.
Mabilis akong naligo at nagtoothbrush. Ngayon ay first day ko sa trabaho na Coffee Shop na pag mamay ari ng bff kong si Lea. Magwowork ako don as a Cashier. Yun nalang kasi ang available na position. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na agad ako ng makita ko na andon na si Mom at Manang na naghahanda na ng almusal.
"Kain na anak" Yaya niya sakin habang nakangiti. Sinuklian ko nalang siya ng pagtango.
Kumuha ako ng bacon, egg and hatdogs tsaka ng konting kanin. Nilagay na ni Manang Maria ang gatas sa tabihan ko.
"Thank you Manang" Sambit ko.
"Walang anuman, Maam"
Nakita ko ng bumaba si Daddy habang inaayos ang necktie niya. Agad siyang sinalubong ni Mommy para batiin ng magandang umaga. Mabilis siyang naupo sa tabi ko. Nginitian ko siya at sabay sabing...
"Goodmorning Dad" Habang tuloy tuloy sa pagkain. Natatakot ako kay Dad, baka galit pa rin siya sakin sa ginawa ko nung nakaraan.
Magkasalubong ang kilay niya at sabay sabing...
"Diba first day mo ngayon?"
"Uhm yes Dad" Kabado kong sagot. Sa boses pa lang niya ay halatang pormal na ito pati sa pagsasalita. Lord help me naman! ano gagawin ko huhuhuhu.
"What time start ng pasok mo?" Di pa rin siya nakatingin sakin.
"10:00 am po"
"Then you only have thirty minutes left??" Sabay bitiw ng kutsara.
"Sorry Dad, I forgo-" Mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko.
"Unprofessional"
"Anong klase ka, Raya? Ano nalang ang magiging first impression ng amo mo sayo niyan" Tuloy tuloy niyang sambit.
Teka. Kasalanan ko bang di ako nakapag alarm kagabi. Eto naman kasing si Lea ang daming daldal sakin? Hays kasalanan mo Lea eh. Hmp.
"Hayaan mo nalang, Rolando" Pagsingit ni Mommy.
"Nope, Kena hindi ko hahayaang kunsintihin tong wala mong kwentang anak" Ouch ang sakit naman non?! Grabe tong si Daddy sa makawalang kwenta. Sabagay medyo totoo naman.
Nawalan na ako ng gana kumain. Di ko na inubos yung pagkain sa lapag. Napagdesisyon ko ng umalis na, ayoko ng makarinig ng masasakit na salita mula kay Dad.
"Aalis na po ako Mom and Dad" Aakma sana akong hahalik kay Daddy ng bigla niyang iniwasan ito. Hays galit pa nga. Niyakap ako ni Mom.
"Ingat ka anak" Buti pa si Mommy ganto. Mabilis na kong bumaba sa labas at tinawag si Manong Pedring ang driver ko.
"Manong, Aalis na po tayo"
"You are not allowed to use your car" Nagulat nalang ako sabay harap sa sinabi ni Daddy. Palabas na siya ng sinabi niya to. Nasa likuran niya si Mom.
"But Da-"
"No but's. Pag sinabi kong bawal susunod ka" Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko.
"Ramon, sumosobra kana ata sa anak mo" Pagtutol ni Mommy.
"Hindi pwede. Di ka gagamit ng sasakyan mo. Manong simula ngayon ay di mo na siya ipagdadrive"
"Opo sir"
Nanginginig ako habang nakayuko. Bat ang unfair ni Dad. Ano nalang gagawin ko? Hindi ko alam kung paano ako sasakay. Tinignan ko ang relo ko ng makitang may 20 minutes nalang ako para pumasok.
"Sige po" Sabay kuha ng bag ko at tumalikod na. Nagulat nalang ako ng sumigaw si Mommy.
"Anak, gamitin mo nalang yung sasakyan ko" Napaharap ako bigla sa sinabi niya. Mula't sapul ay si Mommy lang ang nakakaintindi sakin.
"Mom, ayos lang po. Magcocommute nalang ako" Pagtanggi ko. Sigurado akong magagalit si Daddy sa ginawa niya. Ako ang may kasalanan dito kaya ako lang ang dapat mag suffer. What the heck.
"Are you sure?" Paniniguradong tanong niya.
"Yep. Sure" Ngumiti ako.
Binigyan niya ko ng isang mahigpit na yakap.
"Everything will be alright" Sabay haplos sa buhok ko.
Sinuklian ko nalang siya ng ngiti. Patuloy na akong naglakad sabay kaway sa kaniya. Goodluck naman sa akin, Ms. Raya Salvacion
---------------------------------------------------------