Chapter 20: (CONFESS)

Kinabukasan ay nararamdaman ko pa rin ang halik ni Vier napakatamis at napakasarap sa pakiramdam nito.

"Raya, mag usap tayo"

Napatayo ako sa upuan ko habang kumakain ng cake.

"Why Dad? May nangyari po ba?"

Binitawan ko ang pinggan ko.

Hindi na kami muli nakapag usap ng maayos ni Dad after ng nangyari na insidente sa pagitan nila Vier.

"Ayokong nakikipagkaibigan ka pa sa lalaking yun"

"Wag ka magtitiwala sa kanya may plano yan sila sa pamilya natin"

Nakatayo siya habang binabanggit ito.

May plano? Sa amin? Hindi ako naniniwalang magagawa sakin yan ni Vier nagtitiwala ako sa kanya.

"Naiintindihan mo ba?"

"Ah... yes dad"

Maikli kong tugon at umalis na.

Hindi ko kayang lumayo sa kaniya lalo na alam kong may pinagdadaraanan siya ngayon, pero kailangan ko muna umiwas sa ngayon sa kaniya para sa ikakalagay ng loob ni Dad ayoko na madissapoint ko nanaman sila ni Dad.

---------------------------------------------------------

Sa mga susunod na araw ay tuluyan na muna akong lumayo kay Vier hindi muna ako pumasok. Pinili ko na maging abala sa pagaaral sa kompanya namin at kung ano ang kailangan ko matutunan.

Pagtapos ko magpresent sa mga investor namin ay pinalakpakan nila ako. Nakakatuwa sa puso.

"Congrats Anak"

Niyakap ako ni Dad.

"Thanks Dad"

Niyakap ko rin siya pabalik.

"Magaling ang anak mo Rolando, bilib ako sa kaniya" Sabi ng isang investor namin.

"Oo nga, mukhang kaya niya na pamahalaan ang kompanya mo"

Pag sang ayon ng isa pang Mr. Gram

Nakita ko ang pag ngiti ni Dad parang proud na proud ito sakin.

Ngumiti ako.

"Salamat po. I'll promise na I would do everything para mas maging magaling pa"

Ang sarap sa pakiramdam na maraming natutuwa sa lahat ng ginagawa mo. Pagtapos ng ilang buwan na pag aaral at pagbabalik balik ay naging matagumlay lahat ng presentations na nagawa ko ngayon. Hindi ko kayo bibiguin.

---------------------------------------------------------

Makalipas ang anim buwan ng huli na kaming nakapagkita at nakapag usap ni Vier, lumalayo na rin ako sa kaniya dahil baka magalit ulit si Dad. Kamusta na kaya siya? Naka move on na kaya siya kay Lea? Hindi ko rin alam ang sagot.

Sinusubukan akong tawagan ni Vier pero hindi ko to sinasagot, binabasa ko lang rin ang mga mensahe na pinapadala niya sakin. Hindi rin muna ako pumapasok sa trabaho balak ko sanang magresign para makapagpahinga na rin.

Ngunit tinawagan ako ni Maam Kem nung isang araw na bumalik daw muna ako sa shop.

Napagdesisyunan ko na rin na bumalik na lang talaga sa shop dahil kailangan na kailangan na raw ako rito at wala pa silang nahahanap na kapalit sakin.

Nagsimula na ako sa trabaho ko sa shop, marami uling tao dahil breaktime ng mga estudyante ngayon.

Nang nabawasan na ng tao ay mabilis muna akong umupo para makapagpahinga.

"One Latte Macchiato please"

Naalala ko tuloy si Vier sa caffe latte na yan. Madalas niya kasing iorder yan dito. Parang pamilya rin ang boses na yon baka siguro dahil namimiss ko lang siya.

Tumayo ako para ientertain ang umoorder.

"Okey Sir ju-"

Totoo ba to? Nasa harap ko si Vier ngayon nakasuot siya ng black shirt at jeans.

Ang gwapo niya!

Hindi ako makatingin sa mga mata niya.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Nahahalata niya pala.

"Hindi"

Simple kong sagot sabay iwas ng tingin.

"Uhm sir btw here is your oder sir... will there be a-anything else?"

Napuputol putol pa iyon habang sinasabi ko. Anong ginagawa niya dito? akala ko ba lalayuan niya na si Lea.

"Bakit, Raya? May nagawa ba akong mali? Pasensya na kung sinama pa kita papuntang Bar nung nakaraan... hindi ko na uulitin"

Malungkot na tugon niya, hindi pa rin talaga siya siguro nakaka move on kay Lea.

"Wala, ayos lang yun"

"Enjoy your coffee sir! Have a great day!"

Pagputol ko ng usapan para hindi na humaba pa.

Habang patuloy akong nag eentertain ng customer ay nakita ko pa ring hindi umaalis si Vier.

Nakatitig lang siya sa akin.

Tumingin ako sa reluhan ko, tatlong oras na siyang nakaupo, hindi ba siya uuwi?

"Tristan psst"

Tinawag ko si Tristan.

"Uhm ganyan ba talaga si Vier bat parang ang tagal niya dito?"

Nagkibit balikat lang si Tristan.

"Hindi naman siya ganyan dati baka hinihintay si Maam Lea?"

Ay oo nga, assumera talaga ako kahit kailan.

Pagtapos ng shift ko ay mabilis na akong nagpalit ng damit para umuwi na.

Nakatitig pa rin si Vier sakin.

Nilapitan ko nalang siya para sabihin na hindi pupunta si Lea ngayon.

"Vier hindi pupunta si maam Lea ngayon... uhm anong hinihintay mo pa dito?"

Tanong ko, nakaupo pa rin siya doon.

"Ikaw"

"Tapos kana ba?"

Teka. Ako? Bakit? Anong kailangan nya sakin.

"Bakit?"

"Gusto ko sanang mag usap tayo"

"Para saan? Tapos na yung deal natin Vier diba?"

"Bakit mo ako nilalayuan? Dahil ba sa papa mo?"

Mahaba habang usapan nanaman to.

"Uhm Raya, sasabay ka ba sakin?"

Napatalikod kami ng nagtanong si Tristan. Hawak niya na ang bag niya.

Kanino ba ako sasama? Makikipag usap ba ako kay Vier o sasamahan ko si Tristan? Ugh! Naiipit ako.

"Ah sige na baka may pupuntahan pa kayo ni Sir... una na ako ingat kayo"

Umalis na si Tristan.

"W-wait"

Akma ko pa sana siyang pigilan pero nakalabas na siya.

Nahihiya na ako kay Tristan hindi ko na natupad yung sinabi ko sa kanya nung nakaraan.

"I have something to tell you"

Hinawakan niya ang kamay ko.

Mabilis ko itong binitawan.

"Raya please kahit ngayon lang"

"May kailangan lang ako sabihin sayo"

"Ano yun? Sabihin mo na agad kailangan ko na umuwi"

Mahirap na baka may makakita samin malalagot nanaman ako nito.

"Nung nakaraan sinusubukan kitang hanapin.. pati dito sa shop lagi akong nagbabakasaling andito ka. Hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag ko pati text"

"Raya..."

"Bakit ganto yung nararamdaman ko sayo? Simula nung nahalikan kita parang nagbago lahat"

Teka. Naalala niya na? Nagulat ako sa mga sinasabi niya. Totoo ba to? Namimiss niya ako.

Omyghod!

"Mahal kita"

"Ngayon ko lang naramdaman na ikaw talaga ang mahal ko mas nasaktan ako nung hindi ka nagparamdam kaysa sa sinabi mo sakin about kay Lea and Liam"

"Matagal ko tong pinag isipan and this time. I don't want to lose you"

Naguguluhan ako, totoo ba tong sinasabi ni Vier? kaya pala nung nakaraan ilang beses daw siya pumunta dito sa shop para hanapin ako.

Ano kayang nakain nito?

Isa lang ang alam ko sobrang saya ng puso ko. What if aminin ko na rin sa kanya ang totoong nararamdaman ko? Wala naman sigurong mawawala.

"Mahal din kita Vier... matagal na"

Ngumiti siya.

"Talaga?"

Niyakap niya ako, sobrang higpit nito.

"Liligawan kita"

Bulong niya sakin.

"Sure ka bang okey kana sa nangyari sa inyo ni Lea?" Pag aalala kong tanong.

"Oo, baka hindi ko talaga siya mahal madalas lang talaga siguro kaming magkasama kayo ganon, pero itong nararamdaman ko sayo, hindi ko na mapaliwanag e"

"Hindi ka mawala sa isipan ko, lagi kong naalala yung mga ngiti mo"

"Mahal na mahal kita"

Hinawakan niya ako sa pisngi.

Hahalikan niya ba ako?

Mabilis kong sinagot ang matatamis niyang halik, napapalalim nanaman eto napahawak na ako sa lamesa.

Ugh.

"Uhm Vier... masyadong mabilis" Marahan kong pagtulak sa kaniya.

"HAHAHAHAHAHAHAHA sige dahan dahanin natin" Masaya niyang sambit.

"Pano ba yan? hatid na kita?"

Pang ayaya niya.

"Baka magalit si Dad pag nakita ka niya"

Pagtingin ko sa kaniya.

"Ako bahala, ipaglalaban kita"

Hinawakan niya ako at mabilis na kaming naglakad palabas ng shop. Sana hindi na matapos ito. Napakasaya sa pakiramdam.

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko.