Chapter 19: (KISS)

Balak ko na sanang ipagdrive si Vier pauwi sa kanila ngunit nang tinignan ko ito ay malalim na ang tulog niya.

Paano ko matatanong kung saan siya nakatira? Ang lalim pa naman ng tulog niya, balak ko sana siyang gisingin pero mukhang hindi na talaga magigising sa sobrang pagkalasing nito.

Habang nagdadrive ay sinubukan kong kuhain ang cellphone sa kanyang bulsa, ginamit ko ang kaliwa kong kamay sa pagdukot nito ng biglang hawakan ni Vier ang kamay ko.

Kinilig ako. HAHAHAHAHAHAHA.

Pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong lapitan.

Teka. Hahalikan niya ba ako?

Tinabi ko muna saglit ang sasakyan sa may gilid ng kalsada.

Nang papalapit siya sakin ay tinignan niya ako at hinawakan niya ang pisngi ko.

Aakma na sana akong lalapit ng may narinig ako.

"Aahhhhhh"

"Bwaaaaaa"

Tuloy tuloy ang tunog na narinig ko. Ano yun?

Tinignan ko ang damit ko.

Nagsuka pala si Vier?! Nakakadiri ang dugyot naman ng lalaking to! Akala ko pa naman hahalikan niya na ako!

Umasa nanaman ako.

Punong puno na ng suka ang dress na suot ko at di maganda ang amoy nito, akala ko tapos na siya sumuka ng may narinig ulit ako.

"Bwaaaaaa"

Sumuka ulit siya pero ngayon ay nakahawak na siya sa balikat ko, ginawa niya ng lababo tong suot ko na damit.

Napahawak nalang ako sa ulo ko ng tumigil na sa pagsuka si Vier ay mabilis ko na siyang binalik sa upuan niya.

Hays. Nakakainis, ang baho baho ko na!

Pinunasan ko ng tissue ang ilang parte ng sinukahan niya pero andun pa rin yung amoy.

Nagsimula na akong nagdrive pero nung tinignan ko si Vier ay bagsak pa rin ito. Naisipan ko nalang na magcheck in muna sa hotel para makapagpahinga at makaligo para makapagpalit ng damit. So magkakasama ko ang isang to sa iisang kwarto?

Teka wag ka mag iisip ng kung ano man Raya, after mo maligo at magpalit pwede ka ng umuwi at iwan nalang si Vier sa kwarto nyo.

Nang makarating na kami sa isang kilala na hotel dito sa may BGC ay mabilis ko ng kinarga si Vier palabas ng sasakyan.

Isa lang ang masasabi ko, ang bigat niya.

"Ughhhhh"

"Huy gising! Ang bigat mo!" Sabi ko sa kanya habang akay akay ko siya.

"S- san t-tayo..." Tipsy niyang tanong.

"Ugh! Ewan ko sayo! Sinukahan mo pa ako! Nakakainis ka"

Hindi na siya sumagot dahil tulog nanaman siya.

Nang makarating na kami ay agad na akong nagpabook.

Sinalubong agad ako ng staff nito.

"Good evening Maam! Welcome to Conrad Hotel"

"How may i help you?"

Tanong niya habang tinitignan si Vier na akay akay ko pa rin

"Good evening! Hello. I’d like to book a double room for 1 night only please"

"Okey Maam! Here is your key, you room is 413"

"You can take the elevator right over there then you can go on the 4th floor"

"And about your bags, our bellboy will bring them up to you right after"

"I don't have any bags na dala eh no need na ako nalang mag isa pupunta"

Ang dami niyang sinabi pero hindi na ako nakinig. Kinuha ko na ng mabilis ang susi dahil medyo may kabigatan talaga tong mokong na buhat ko.

Pagkarating ko sa may harap ng pinto agad ko ng pinahiga si Vier.

Nakikita ko na ngayon kung gaano katangos ang ilong at gaano kakapal ang mga mga kilay niya.

Pinagmamasdan ko lang siya ng bigla niya akong hinila!

Ngayon ay magkalapit na kaming dalawa, parang huminto ang mga oras.

Nang naalimpungatan na siya ay mabilis na akong tumayo at inayos ang suot ko. Napagdesisyunan ko na magshower nalang at ng makaalis na.

Habang naliligo ay narinig akong tunog sa may kwarto.

"Ahhhhhh! Ugh"

Boses ito ni Vier..

Lasing lasing pa kasi tapos hindi rin pala kaya sarili pagkatapos.

Napailing nalang ako.

Wala akong dalang damit! Buti nalang ay merong pantulog na damit dito sa may hotel eto nalang siguro muna ang susuotin ko.

Pagtapos magpalit ay agad kong inasikaso si Vier.

Pinupunasan ko siya ng maligamgam na tubig baka sakaling guminhawa ang pakiramdam.

"Mahal kita..." Bigkas niya.

Paulit ulit niya itong binibigkas.

Sana ako nalang yung tinutukoy niya... sana ako nalang Vier....

"Mahal na mahal kita Lea..."

May kung ano nanaman na kumukurot sa puso ko, mahal na mahal niya talaga si Lea.

Pinupunasan ko na ang ulo niya.

Gumagalaw na siya magigising na ata siya.

Nagulat ako nang hinila niya ako at hinalikan ng malalim.

Napapikit nalang ako sumabay sa mga matatamis niyang halik. Ilang minuto rin itong nagtagal.

Mas lalong dumidiin na ang pagkakahalik niya sakin kaya mabilis na akong bumitaw.

Pagtapos ay nakita ko si Vier na bumalik ulit sa tulog, siguro nga ay nananaginip lang siya.

Napahawak ako sa labi ko. Hindi ako makapaniwala.

Pagtapos ng nangyari ay nagpahinga muna ako saglit, pagtapos nito ay aalis na rin ako.

Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.....

-----------------------------------------------------------------

"Raya"

May kumakalabit sakin.

"Raya, wake up"

Bakit parang kakaiba naman ata ang boses ni Manang ngayon

"Ughh wait lang po Manang"

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang nakahubad na katawan ni Vier.

"Aahhhh! Anong nangyari?"

Mabilis akong bumangon.

Nagulat ako. Shit. Hindi na pala ako nakaalis kagabi.

"Thank you kagabi ha, naparami ata ako ng inom" Titig ni Vier.

"Aahhh oo wala yon"

"Alis na ako"

Hindi ko siya tinignan habang sinasabi ito, mabilis kong kinuha ang gamit ko.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Wait. Let's eat breakfast, nagpahanda ako"

Hinila niya ako sa may kusina.

Pinaupo niya pa ako.

Ang gentleman talagaa.

Mabilis na akong kumuha ng bacon, hatdogs at andwich sabay lagay ng kanin, medyo nagutom rin pala ako sa pagod kagabi.

"Im sorry about last night, nadamay ka pa" Halata ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Wala yun, ano ng balak mong gawin?

"Napag isipan ko na layuan nalang si Lea bilang respeto na rin sa kanila ni Liam"

"Sabi ko nga diba kung saan masaya si Lea ay masaya na rin ako"

Malungkot pa rin ang awra ni Vier, ngayon ko lang siyang nakita na ganto kalungkot. Parang wala siyang buhay habang kumakain kami.

"Pakisabi nalang pala na ako na ang lalayo"

Hindi siya nakatingin sakin.

Tumango nalang ako. Ayoko na magsalita ng kung ano man kasi parang ako ang nasasaktan para sa kaniya.

Pagtapos naming kumain ay agad akong humarap kay Vier.

"Nagpabili na rin ako ng mga damit natin alam ko rin kasing wala akong gagamitin"

"Here"

Saboy abot ng color yellow na top at jeans.

Grabe ang bait naman ni Vier at nag abala pa siya.

"Salamat" Ngumiti ako.

Sana maging okey na siya.

Pagkatapos kong naligo ay nagpalit na rin ako ng damit, suot suot ko na ngayon ang bigay niya. Pagkalabas ko ng cr ay nakita kong nagulat ang mukha niya sabay iwas ng tingin.

"Bagay sayo" Ngumiti siya ng kaunti. Mula kahapon ay ngayon ko nalang ulit siya nakita ngumiti.

Kinikilig ako.

Pasimple nalang akong ngumiti hindi ako makapagsalita.

Kinuha ko na ang gamit ko at nagpaalam sa kaniya.

"Vier magiging okey rin ang lahat"

"Andito lang ako pag di mo kaya sasamahan kita..."

"bilang kaibigan"

Sinuklian niya na ako ng ngiti.

"Thank you for everything Raya"

Buti nalang at hindi niya naalala ang nangyari samin kagabi.