Chapter 21: (BIRTHDAY PARTY)

Pagkatapos ng nangyaring pag amin ni Vier sakin ay mas lalo akong naganahan para pumasok sa trabaho.

Napapadalas na rin ang paglabas at pagkikita namin. Ito ang kinatatakutan ko kapag nalaman ito ni Dad.

***Lea is calling***

Sinagot ko agad ito.

"Rayaaa!" Sigaw niya sa akin inilayo ko tuloy ang telepeno sa tenga ko.

"Punta ka bukas sa birthday party ko, pakisabi rin kay Vier na sumama siya ha ikaw na mag imbita nahihiya ako eh"

"Diba si Tristan friend mo? Pakisabi punta rim siya gusto ko kayo makita dun ah"

"Tsaka nga pala ipapakilala ko na si Liam sa mga kaibigan natin, punta kayo lalo na ikaw okey?"

"Happy Birthday Lea!" Pagbati ko sa kaniya.

"Syempre naman hindi ako pwedeng mawala dun ano oras ba tsaka saan gaganapin?"

"Sa may Fairmont Makati sa 4th floor non kitakits, 7 pm ang party"

"Sige na maya nalang ulit mag aasikaso na ako para bukas"

Masaya niyang banggit.

Isasama ko pa ba si Vier? Wala naman sigurong masama dahil naka move on na siya at friends naman na ulit sila ni Lea.

Mabilis kong tinawagan si Vier para ayain sa birthday party ni Lea.

"Hello love!" Pagtawa niyang sagot.

"Love ka dyan, nga pala punta tayo bukas sa birthday party ni Lea ano g ka ba?" Pag aaya ko rito.

"Syempre kahit saan basta kasama ka"

Ano ba! Ang arte neto pshhh! Hays kinikilig ako.

Niyaya ko rin si Tristan para sabay sabay na kaming pumunta bukas.

"Tristaannn! Sama ka bukas birthday ni Lea"

"Huh maam... wag na po nakakahiya naman kayo nalang muna"

Halata sa boses niya na nahihiya pa rin.

"Sige naa sabay tayo bukas punta ka na ha see youu!!"

"Sige maam mapilit ka eh" Pagtawa niya.

Hanggang sa nagtawanan na kaming dalawa.

-----------------------------------------------------------------

Maaga akong nagising para maghanda sa pagpunta sa birthday party ng bestfriend ko, pinili kong suotin ang white off shoulder dress, nag heels na rin ako at kinulot ko ng kaunti ang mga buhok ko, naglagay na rin ako ng red lipstick.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Sana magandahan naman sakin si Vier!

Habang naghihintay umalis ay mabilis kong tinawagan si Vier.

"Sunduin kita sa inyo"

"Wag! Remember galit sayo si Dad"

"Sabi ko nga"

Ayos rin tong lalaki na to eh balak pa ko sunduin eh kitang halos mabugbog na siya ni Daddy nung nakaraan.

"Magkita nalang tayo sa may shop"

Sabi ko dito.

"Teka bakit dun pa? Bat di nalang tayo dumiretso?"

Ay oo nga pala, nakalimutan ko sa kanya sabihin na kasama si Tristan.

"Susunduin rin kasi natin si Tris, sasama siya. Nakalimutan ko sabihin"

"Aahhh! See you love!"

Ugh! Kinikilig ako. I can't believe na tinatawag na ako ng ganto ni Vier ngayon. Effective ang pagpapamiss ko!

Sunod ko namang tinawagan si Tris.

"Hey Tris, papunta na ako nasaan kana?"

"Uhm Raya, medyo traffic pasensya na ah"

"That's okey, hintayin nalang kita! Take care"

Pagkarating ko sa shop ay nakita ko ng nakasandal si Vier sa sasakyan niya habang nakasuot ng shades tinanggal niya ito ng nakita niya na ako.

Lumaki ang pag ngiti niya.

"Hey" Tinignyan ako mula ulo hanggang paa.

"You're so pretty"

"Ang ganda mo ah mukhang pinaghandaan mo talaga pagkikita natin noh"

Hays assumero nanaman eh birthday party to ng kaibigan ko kaya nag ayos ako.

"Birthday ng kaibigan ko natural mag aayos talaga ako loko loko ka ata eh"

"Sus sabihin mo nagpapaganda ka lang sakin"

"Asa ka! Tsss"

Natawa nalang ako.

"Let's wait a minute. Papunta na daw si Tris"

Ilang minuto na paghihintay namin ay dumating na si Tristan basang basa siya ng pawis halatang natraffic nga siya.

"Raya s-sorry"

Natigilan siya nung nakita niya si Vier.

"Uhm hi sir andito ka pala"

Nginitian siya ng awkward ni Vier at nagshake hands na rin sila.

"Ay oo nga pala Tris, nakalimutan ko sabihin na kasama ko si Vier bali sabay sabay tayong pupunta sa may venue"

"ganda mo ngayon...."

Sambit ni Tris, ramdam ko ang hiya niya kaya yumuko siya.

"Ngayon lang?" Pagbibiro ko sabay tawa.

"I mean lagi..."

Mapagbiro talaga to si Tris hays.

"Nga pala" Nilabas ko ang panyo ko sa may sling bag ko.

Inabot ko sa kanya.

"Gamitin mo muna pawis na pawis ka oh"

Nakita ko ang pagsimangot ni Vier. Anong nangyari sa isang to?

"Salamat dito ha" Pinunasan na ni Tris ang sarili.

"Wala yon, so pano ba yan? Let's go"

Pumunta na kami sa parking lot.

"I'll drive" Habang hawak niya ang susi ng kotse. Tahimik na sabi ni Vier.

"Tara na"

Umupo ako sa harapan sabay nasa likod naman si Tris.

Nagkaroon lang kami ng maikling kwentuhan at tawanan habang bumabyahe ni Tris. Napansin ko ang pagtahahimik ni Vier.

Nagdududa na ako. Ayos lang kaya siya?

Nang makarating na kami sa may hotel ay pinagbuksan ako ni Vier ng pinto ng sasakyan.

Sinuklian ko siya ng ngiti.

Habang naglalakad kami ay daming nagtitinginan saming mga babae at nagbubulungan siguro ay dahil sa dalawang gwapo na katabi ko.

Ako lang to ano ba.

Nag elevator kami hanggang sa makarating sa may pinakataas.

Makukulay na violet theme agad ang bumungad samin.

Maraming disensyo ito at halatang mga mayayaman lang ang nakakapunta dito.

Andito na rin ang mga iba pa naming kaibigan.

Nakasalubong ko pa si Jess yung friend namin ng highschool.

"Rayaa! Long time no see! Kamusta kana?" Nakita kong napalingon siya sa dalawang katabi ko.

"Uy jess! ayos lang akoo ikaw??"

"Ikakasal na ako punta ka ha?"

"Sure!"

Nilapitan niya ako at binulungan.

"Grabe ang dami mo namang boys"

Pinaglakihan ko nalang siya ng mata at tumawa.

Anong boys? Grabe ka sakin Jess!

Habang nagkekwentuhan kami ni Jess ay narinig ko ng sumigaw si Lea.

"Raaaayyyaa!!!"

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ang ganda ganda mo tonight"

"Weh" Tumawa nalang ako.

"Vier at Tris! Omyghod andito kayo... salamat sa pagpunta ha. Btw tuloy kayo magstastart na yung program mamaya maya. Enjoyy!"

Nakita kong nagbeso siya kay Vier at Tris.

Ngumiti si Vier nakikita ko sa mga mata niya na finally ay okey na at naka move on na siya.

Lumuwag ang pakiramdam ko.

Umupo lang kami at hinahatiran kami ng drinks. Lalong umiingay pagsapit ng gabi.

Padami at padami na rin ang bisita.

Nagsimula na ang program at dun ay nagsabihan na ng message para kay Lea.

Unang nagsalita ang mga parents ni Lea.

Sumunod ang mga katrabaho at college friends namin.

Hanggang sa nagbigay na rin ng message si Tris.

Ang daming pumalakpak sa kaniya kahit wala siyang masyadong kilala halata sa mata niya na kinakabahan siya.

"Uhm hi maam! Happy birthday nga pala thank you kasi binigyan mo ako ng opportunity para makapag trabaho sa shop nyo, malaking tulong po ito sa pag aaral ko, wish ko sayo maam na more blessings to come at stay safe po!"

Nakita ko ang pag ngiti ni Lea, halatang natuwa siya sa mensahe ni Tris.

Sumunod naman ay si Vier.

"Lea... You're one of the best person I've known. Since highschool magkaibigan na tayo and one thing na nalaman ko kung gaano ka bait at kasipag, ang tanging masasabi ko lang na keep chasing your dreams Lea diba nga sabi ko sayo before kung san ka masaya, masaya na rin ako. Happy birthday!"

Nakakatuwa naman ang message ni Vier, bakas talaga kung gaano niya na kakilala ng lubusan si Lea. From a crush hanggang sa naging friend nalang, bilib ako sa kaniya. Happy ako na pareho na silang happy ngayon.

"For the next is Ms. Raya Salvacion!"

Hala ako na pala! Nakita ko na nagpalakpakan na rin ang mga friends at tao dun sa event, yumakap na rin ako kay Lea at binigay ko na sa kanya ang gift ko.

"Bestfriend nagbibirthday ka pala?" Pagbibiro ko habang hawak ko ang mic.

Nagtawanan ang mga tao.

"Joke lang"

Pagbawi ko.

"Uhm Lea, sabi ko nga sayo last time lagi akong nandito for you iwan ka man ng mga lalaki na yan I always here for you. Thank you for everything, giving me an advice kahit alam kong nahihirapan kana rin as Vier said sobrang sipag mo. We went to the point na hindi na tayo nakakalabas dahil marami kang ginawa pero in the end of the day, you always made time para makapasyal pa rin tayo. I love you! More blessings and happy birthday!"

Nakita ko nang umiiyak siya kaya niyakap ko na ulit siya at sabay na rin kaming nag iyakan.

Sobrang happy ako kay Lea lahat ng pinagdaanan namin netong mga college maski highschool days naalala ko.

Mahal na mahal ko talaga tong kaibigan ko na to.

Pagkatapos ng birthday message ay dun na magstart magparty at mag inuman ang mga tao.

Dumadami na rin ang mga lasing.

Napagdesisyon ko munang lumabas para mahanginan.

You're all caught up

New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.

Previous chapter

You may also like