Chapter 1: PROLOGUE

Dahan dahan kong binaba ang kape na iniinom ko nang makita ko ang text ni Dad sakin.

"Bumalik ka na dito, kung hindi ipapahanap kita." saad nya.

Bigla akong nataranta nang mabasa ko ang message nya sakin. Myghod kailangan ko na ba talagang bumalik sa amin? Pangatlong araw ko na tong hindi pagpapakita sa kanila.

Mabilis akong umalis sa coffee shop na pinagtatambayan ko ng agad akong tumayo para umalis na, mahirap at baka may makakita pa sakin dito at magsumbong kay Dad.

Habang naglalakad ako ay laking gulat ko ng may lalaking yumakap sakin.

"Ikaw nga! bumalik ka!" Mahigpit nyang yakap sakin na parang di na ako makahinga.

"Bitawan mo ko! Di kita kilala!" Baliw ata. Sabay harap ko sa kanya, kitang kita ko pa ang tagaktak nyang pawis sa noohan nya. Mapupula ang kanyang mga labi, matangkad sya ng konti sa akin, singkit ang mata at parang nangungusap kapag tinitignan ka nito.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap nang kinuha nya ang dalawang kamay ko, tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa. Napanganga nalang ako sa mga susunod na sinabi niya.

"Raya..." Naiiyak siya habang binabanggit pangalan ko. Teka paano niya nalaman yung nickname ko? Stalker ba siya? Agad tumayo ang balahibo ko sa lalaking to sabay pagtibok ng puso ko ng tuloy tuloy.

"Buhay ka... Sabi ko na nga ba"

"Teka kuya baka nagkakamali ka, hindi kita kilala?" Tanong ko sa kanya habang nag aalangan ang mga mata ko.

Hindi siya nagsalita habang tinitignan lang ako.

"Di po ako patay kuya? Kita nyo humihinga po ako" Pilosopong sagot ko sa kaniya, grabe si kuya ginawa agad akong patay!

"I miss you, Raya!" Aakma sana siyang lalapit ulit ng mabilis ko na siyang tinulak. Walang pasabi na tumakbo ako ng mabilis para makalayo sa lalaking yun, hindi ko alam kung may sira sa ulo. Hays lord bakasyon po ang pinunta ko dito hindi problema.

Sumigaw siya ng malakas.

"Come here, Baby" Ano daw Baby? Grabe ang weird, baliw ata. Tumakbo na din siya, pero may dumaan na kotse kaya napahinto siya. Nagtago ako sa likuran ng mga sasakyan habang dahan dahang naglalakad nang nanginginig. Hindi ako mapakali parang may iba akong nararamdaman sa lalaking yun? Sino kaya siya?.

Nagpara ako ng taxi habang tinitignan siya sa likuran, naawa ako ng nakita ko nalang na nakaluhod yung lalaki habang umiiyak. Sayang gwapo sana kaso baliw sabi ko nalang sa sarili ko.

"Kuya pakibilisan po please" Agad ng umandar si kuya ng hindi ko namalayan na napapikit nalang ako sa sobrang pagod.

---------------------------------------------------------

Next chapter