Chapter 18: (DRUNK)

Nagulat nalang ako ng dinala niya ako sa "Sevent High". Isa ito sa mga magagandang bar dito sa may BGC.

Natigilan ako ng ilang saglit, bakit niya ako dinala dito?

Tinitigan ko lang si Vier habang bumababa sa kotse niya agad niya naman akong pinagbuksan ng pinto.

"Teka, anong gagawin natin dito?"

"Vier naman! Sagutin mo naman ako oh?"

Naiinis na ako sa kaniya hindi siya nagsasalita. Mabilis niya ulit akong hinila papasok sa loob, ang daming tao dun. May nakita pa akong sumasayaw sa gitna, madilim ang lugar at malakas ang tugtog. Mahigpit lang akong hinawakan ni Vier sa kamay.

Habang naglalakad ay maraming tumitingin na mga lalaki sakin yung iba ay nakangiti ng parang nang aakit, mabilis kong inalis ang tingin ko sa kanila.

Nang nakarating na kami sa may upuan ay mabilis niyang tinawag ang waiter.

"Waiter, here please"

Lumapit naman si kuya. Hinuhuli ko pa rin ang tingin ni Vier pero patuloy lang siyang pumipili ng iinumin niya.

"Two, Smirnoff Vodka" Saad niya.

Teka wait bakit dalawa? Hindi ako umiinom.

"Uy teka lang, hindi ako umiinom" Pag aalala kong sabi sa kaniya.

Ngumisi lang siya.

"Kahit isa lang, samahan mo lang ako"

Teka paano niya na nagagawa ngumisi?

Mga ilang minuto lang ay dumating na yung vodka na inorder niya.

"Thanks" Maikling sagot ni Vier.

Tuloy tuloy niyang ininom yung vodka na inorder niya. Napatingin nalang ako sa kaniya.

"Aaahhh"

"One more" Utos niya ulit sa lalaki.

Patuloy niya pa rin itong ininom.

"Aaahhh... Isa pa" Sabay lapag ng baso niya.

Pinagmamasdan ko lang siya pero nang napapansin kong nakakarami na siya ay tsaka ko na siya pinigilan.

Nang aakma siyang iinom ulit ay pinigilan ko ang kamay niya sa paginom.

Napatingin nalang siya sakin.

"Why?" Tanong niya.

"That's enough. Nakakarami kana"

Sagot ko ng nakikita kong namumula na siya, marami rami na rin siyang nainom.

Pero patuloy niya pa rin ininom ang huling baso.

Ang kulit.

"Ang sakit"

Nakita ko nanaman ang lungkot sa mga mata niya.

"Fuck! Bakit ngayon pa kung kailan nagkaroon na ko ng lakas ng loob na umamin sa kanya"

Kwento niya habang hawak pa rin ang baso.

Naawa na ako kay Vier kung may pwede lang ako gawin para mabawasan man lang yung sakit na nararamdaman niya matagal ko na sanang ginawa.

"6 years ko siyang hinintay Raya"

"Anim na taon akong naghihintay para magkaroon ng lakas ng loob"

"Kulang pa ba? Sinunod ko naman lahat ng gusto mo ah pero bakit ganon pa rin..."

Umiiyak na siya habang binibigkas ito.

Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya kung mas maaga ko lang sana nalaman ay napigilan ko na sana siya.

"Baka naman kasi may taong nakalaan pa sayo yung mas better... yung di ka sasaktan" Pag iwas ko ng tingin.

Oo Vier. Hindi mo ba makita? Andito naman ako, bakit hindi nalang ako? Hindi ko hahayaang maranasan mo yan kung nagkataon.

Mahal kita pero hindi ko matanggap sa sarili ko.

"Sino? Si Lea lang ang gusto ko" Napahawak siya sa mukha niya.

Sabi ko nga. Walang makakapantay kay Lea. Sino ba naman ako.

Lalong lumalalim na ang gabi ko, napatingin ako sa relo ko ng makita kong mag aalas tres na ng madaling araw pero andito pa rin kami.

Hindi ako uminom dahil ayaw ko ng sabayan pa siya.

Nakahiga nalang ang ulo niya sa lamesa sinubukan ko siyang tawagin.

"Vier? Gising ka pa ba?" Tinapik ko siya sa balikat.

Hindi na siya sumagot, lasing na ata to. Lumalalim na rin ang gabi kailangan na namin makauwi.

Ang ingay pa rin ng lugar kaliwa't kanan ang nagsasayawan at nag iinuman.

Tumayo muna ako para ayusin yung dress na suot ko.

Nagulat nalang ako ng may humawak sa likod ko.

"Hey Miss, Do u want to dance?"

Sabi ng lalaking matangkad na nakasuot ng itim na TShirt.

"Hindi ako sumasayaw pasensya na" Tinanggal ko yung kamay niya na nasa likod ko.

"Sige na. I just want you to be my friend"

Pagpupumilit niya sakin.

"Ayoko" Tinitigan ko lang siya ng mariin sabay upo.

Nagulat ako ng hilain niya ako palapit sa kaniya. Napasigaw ako.

"Ano baa??!!"

Nagkatingin ang lahat ng tao sakin.

Aakma na hahalikan ako ng lalaki kaya pinipilit ko na ilayo ang mukha ko sa kanya.

"Aahhhh! Tulonggg!"

Biglang may sumapak sa lalaki.

Napatingin ako sa may kaliwa ko.

Si Vier gising na gising na siya ngayon sabay hinila niya ako palabas.

Nang makarating na kami sa labas ay tinanong niya ako.

"Ayos ka lang?"

"Oo ayos lang ako. Ang bastos lang ng lalaki"

Natakot ako sa ginawa ng lalaki buti nalang dumating si Vier para pigilan ito, bumilos ang tibok ng puso ko.

Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Vier.

"Sakay. Iuuwi na kita" Sabi niya.

"Hindi. Ako na magdadrive lasing ka oh baka kung ano mangyari pa satin"

Ako na magdadrive baka kung ano pa mangyari samin nakikita ko pa rin na namumula si Vier at di na rin maayos ang paglakad niya.

"Sige" Simple niyang sagot.

Sumakay na siya at nagsimula na ako magpaandar ng sasakyan.