Chapter 17: (REJECTION)

Pagkanibukasan ay agad kong tinawagan si Vier para makipagkita at sabihin yung totoo.

Mabilis niya naman sinagot ito.

"Hi. Magkita tayo mamayang 7 pm sa may BGC, may importante akong sasabihin"

Mahina kong sambit.

"Sure. May sasabihin rin sana ako sayo eh"

Masaya niyang sabi.

Ano kaya yun? Nahinto ako ng saglit para isipin kung ano yun pero wala akong idea, what if mahal niya na pala ako? Wow asa pa ako.

Pagkatapos ng usapan ay mabilis na akong naghanda at nag ayos ng sarili, ayoko siyang nakikitang nasasaktan baka di ko kayanin.

Pagkababa ko ng kotse ay nakita ko na si Vier sa labas.

"Hi Raya, ano nga pala yung sasabihin mo? Importante ba yan?"

Ang saya saya ng awra ni Vier ngayon, hindi niya alam na after neto baka mapalitan na lahat ng reaksyon ng mga mata niya.

"Oo eh pero diba may sasabihin ka rin? Ikaw muna"

Papaunahin ko muna siya tutal mukhang mahalaga rin yung sasabihin niya.

Nagulat ako ng inabutan niya ako ng larawan ng iba't ibang klase ng red roses, pati mga pictures rin ng mga Japanese Foods.

"Bukas na ko aamin kay Lea. I will ter her na I want to court her"

Bakas pa rin sa mga mata niya ang excitement at saya.

Nakakaawa naman si Vier.

"Tulungan mo naman ako pumili oh ano kaya sa tingin mo yung magugustuhan niya dyan?"

Tuloy tuloy niyang sambit. Nilapitan niya na rin ako para iexplain kung ano yung gagawin niya sana para bukas.

"Diba pupunta si Lea sa shop niya bukas, balak ko sanang isurprise siya eh nakausap ko na rin yung mga parents niya pati na rin yung mga staff sa may shop, tutulungan rin daw nila ako"

"Eto nga oh may hinanda pa akong videos tapos picture niya at naming dalawa"

Masaya siya habang pinapanood sakin ito. Nilalaman nito yung mga pictures na nakatalikod si Lea at kumakain, ang ganda ng mga ngiti ni Lea sa video na iyon.

Ang kasunod namang mga video ay yung binibigyan ni Vier si Lea ng pulang rosas.

Hawak hawak ni Vier ang camera.

Nagtago pa sa isang kwarto si Vier para magkwento, nakasaad dito kung pano at kung bakit niya nagustuhan si Lea.

"Hi Lea"

Nahihiya pa siya.

"Uhm nga pala... tutal matagal na rin tayong magkaibigan.... torpe na kung torpe pero mahal kita Lea..."

Nilabas niya lahat ng pictures ni Lea na meron siya.

"Naalala mo pa ba to? eto yung unang araw na nakita kita pinicturan agad kita nun"

"Alam mo bang makasama lang kita masaya na ako... makita lang kitang nakangiti Lea... masaya na rin ako"

"Alam kong mabibigla ka pero... gusto kita... gusto kitang ligawan"

Napayuko pa siya, halatang nahihiya siya.

"Bigyan mo ako ng chance at papatunayan ko sayo na mahal na mahal kita..."

Tumulo nalang ang luha ko ng di ko namamalayan. Nasasaktan ako, naaawa ako kay Vier. Tinignan ko siya at nakita kong masama niya ring pinapanood yung video na ginawa niya.

"Ayos lang ba?" Pagtatanong niya sakin.

"Huy! Umiiyak ka ba?" Natatawa niyang tanong.

Sasabihin ko na sa kanya ang totoo kailangan malaman agad ni Vier ang katotohanan. Di ko alam kung paano sisimulan pero kailangan ko rin talaga sabihin para sa kapakanan niya.

Vier kung ako nalang sana kasi, hindi mo yan mararanasan. Mas lalong tumulo ang luha ko.

"Uhm Vier..." Nauutal ko pang pagsabi.

"Si Lea kasi ano..."

"What? Anong meron kay Lea?" Nakangiti pa rin siya.

"Sila na ni Liam... Im sorry Vier"

Nakita ko ang pagbabago sa reaksyon ni Vier, nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha.

Hindi siya makapagsalita.

"Pinapasabi rin sakin ni Lea na... tigilan mo na raw yung paglapit pa sa kaniya... nagseselos daw si Liam"

Kinakabahan ako sa pagsabi kaya nauutal utal pa ako habang binibigkas ito.

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Vier na mabilis niya namang pinahid ito. Pagkasabi ko nito ay ang pagbitaw niya sa mga larawan ni Lea na hawak niya. Nakatingin lang siya sa kawalan hindi siya makapagsalita.

Nasasaktan si Vier. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Yung taong ginawa niyang mundo iba pala ang gusto.

Habang patuloy pa ring tumutulo ang luha ko.

"Ayos lang..."

Bigkas niya habang umiiyak. Alam kong hindi to ayos sa kaniya.

Tumayo siya at mabilis na hinawakan ang kamay ko.

"Aray Vier! Nasasaktan ako!

Sigaw ko ng bigla niya akong hilahin. Pinasakay niya ako sasakyan niya. Blanko ang reaksyon ng mukha niya.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Natatakot ako sa bilis ng takbo baka kung anong mangyari samin.

"Vier! Ano baaa? Itigil mo yung sasakyan!

Pasigaw kong sinasabi sa kaniya pero hindi siya nakikinig.

Tuloy tuloy pa rin ang pagpapatakbo niya. Napapahawak nalang ako sa upuan ng kinauupuan namin.

"I said stop! Magpapakamatay ka ba ha?!"

"Marami pang babae dyan Vier umayos ka nga?!"

Sunod sunod kong sigaw sa kaniya.

Di siya nakikinig at patuloy pa rin sa pagmamaneho.

Nang itigil niya ang sasakyan ay nagulat ako kung saan niya kami dinala.