Chapter 16: (FRIENDZONE)

Pagkatapos namin lumabas ng kumpanya ay hawak hawak ko pa rin si Vier, hindi pa rin siya makapagsalita.

Lumayo layo kami sa kumpanya at sabay hinila ko siya sa malapit sa may resto.

"Vier, bat di mo sinabi sakin?" Tumutulo ang luha ko habang binibigkas ko iyon.

"Raya, hindi ko alam, nagulat nalang ako nung nakarating na ako sa kumpanya niyo hindi ko alam na kayo pala ang may ari ng TMobile" Bigkas niya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Raya please, hindi ko sinadya o ano man hindi ko talaga alam"

"Bakit hindi mo sinabi sakin? Alam mo naman na magagalit si Dad pero bakit pinagpatuloy mo pa rin pumasok?"

Kaya pala kanina nung nakita niya yung kumpanya namin ay halos manlumo siya.

"Ayokong madissapoint ka, tinupad mo yung pangako mo sakin gusto ko sanang tuparin yung iyo" Sinabi niya ito sabay yumuko. Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

"Alam mo rin ba yung tungkol sa away ng pamilya natin?"

"Oo, pero hindi ko alam na anak ka ni Mr. Salvacion"

"Nasaktan ka pa tuloy ni Dad sana kasi sinabi mo nalang sakin eh"

Napahawak nalang ako sa ulo ko sa sobrang pagkadismaya, ako ang may kasalanan nito eh kung hindi ko nalang sana siya pinilit pumasok hindi magkakaganto ang lahat.

"Wag mo kong layuan please" Pakiusap niya sakin.

Alam ko naman na kaya ayaw niya lang ako lumayo dahil kailangan niya pa ako para kay Lea.

"Hindi ako lalayo, tutulungan pa rin kita"

"Pero paano yung Dad mo? Baka pagbawalan ka niya na lumapit sakin"

"Ako bahala, sige na umuwi kana baka maabutan ka pa dito ni Dad"

Pinauwi ko na siya pagkatapos ng usapan dahil alam kong pareho kaming mayayari kapag nakita pa siya dito. kinontak ko nalang si Manong para magpasundo.

---------------------------------------------------------------

Makalipas ang ilang linggo nang nangyari pinagbawalan na ako ni Dad na lumapit kay Vier pero hindi ko pwede gawin yun dahil napalapit na rin ako sa kaniya. May kung ano pa rin sa puso ko na ayaw ko malayo sa kaniya.

Patuloy ko pa rin siyang binibigyan ng update sa mga pinupuntahan ni Lea at kung ano ang dapat gawin nito, masaya ako tuwing nakikita kong masaya si Vier sa mga tulong na ginagawa ko para sa kaniya.

****Vier is calling...****

Mabilis ko tong sinagot.

"Hi any update?" Pagsimula ko.

"Andito kami ni Lea ngayon sa may Baguio pero hindi ako makahanap ng timing para sabihin sa kanya eh"

Oo. Aamin na siya kay Lea dahil napapadalas na rin naman ang pagkikita at pagsasama nilang dalawa.

"Wag ka kabahan sure ako gusto ka rin nyan ng kaibigan ko, gawin mo ng gabi para mas romantic"

Binigyan ko pa talaga siya ng tips huh.

"Sige ay btw andito na siya, maya ulit. Update kita later"

Call call muna kami ngayon ni Vier para makapag update hindi muna ako pumapayag na magkita kami kasi baka mahuli kami ni Dad pareho lang kaming mapapahamak.

-----------------------------------------------------------------

Pagkatapos ng trabaho ay mabilis akong umalis para pumunta sa may Mall, magkikita kami ngayon ni Lea para makapagbonding at makapag usap sa gantong paraan ko rin nalalaman ang mga bagay na dapat kung iupdate kay Vier.

"Rayaaa! I miss youuuu" Niyakap niya ako.

"Hiiii! Ang tagal mong nabusy eh kaya ngayon lang tayo nakapagkita" Niyakap ko rin siya pabalik.

Umupo muna kami sa restaurant na pagkakainan namin habang nag uusap.

"Oh kamusta? Ano ganap?"

Tanong ko sa kanya gusto ko naman marinig yung side niya sa mga ginagawa ni Vier para sa kaniya.

"Ayon medyo napapadalas yung pagsama sakin ni Vier netong mga nakaraan hindi ko nga alam kung san niya nalalaman kung saan ako pumupunta eh, tinanong ko naman ayaw sabihin"

Hindi niya alam na ako ang nagsasabi kay Vier.

"Uy kayo ah, siguro may something na kayo noh" Panunukso ko kahit labag na sa loob ko.

"Huh? Magkaibigan lang kami non noh"

Na friendzone ang kuya mo.

"Pero ewan ko nung nakaraan napapadalas yung pagdadala niya ng mga pulang rosas sakin, actually halos mapuno na yung kwarto ko ng pulang roses hindi ko na alam kung saan ilalagay, Rayaa" Sabay yugyog niya sakin.

"Eh baka gusto ka?"

Kinokonti konti ko na para malaman ko kung may pag asa ba si Vier sa kanya, pero kahit anong mangyari support ko pa rin silang dalawa. Pipigilan ko nalang siguro yung nararamdaman ko. Ugh. Bakit pa kasi ang dami daming pwedeng magustuhan bakit si Vier pa? Nung una dinedeny ko pa sa sarili ko na hindi ko siya gusto pero nung nakita ko yung pagririsk niya sakin para lang tuparin yung deal naming dalawa mas napatunayan ko na may isang salita siya. Kapag may sinabi siya tutuparin at tutuparin niya kahit ano pang mangyari.

"Hindi ko siya gusto" Simple niyang sagot.

"Eh pano kung umamin siya sayo tapos gusto ka pala niya diba"

"Raya..." Inayos niya ang pag upo niya.

"May sasabihin ako, kami na ni Liam"

What? Paano na si Vier? Ang bagal kasi ni Vier eh hays. Kilala ko si Liam pinakilala siya ni Lea sakin nung nakaraang taon alam ko rin na nililigawan niya si Lea pero bakit parang ang bilis?

"Teka teka" Sabi ko.

Gustong gusto pa naman ni Vier si Lea. Alam kong masasaktan siya pag nalaman niya na to.

"Kaya nga ako nakipagkita sayo para sana tulungan mo ako, nagagalit na kasi si Liam tuwing sumasama sakin si Vier eh ayaw ko naman maoffend siya pag pinaalis or sinabihan ko diba"

Halata sa mukha ni Lea namomroblema siya. Matagal ko na siyang kaibigan alam ko kapag nahihirapan or may problema siya.

"Tulungan mo naman ako noh" Pagmamakaawa sakin ni Lea.

Teka lang naman so bali dalawa ko silang tutulungan? Bakit parang naiipit ako.

"Sige sige sasabihan ko si Vier"

Pagkatapos kong sabihin ay mabilis niya akong niyakap.

"Yeyy!! Salamat hehehe"

"Basta siguraduhin mo lang na di ka sasaktan ng lalaki na yan ha? Kung hindi ako uupak dyan" Pagbibiro ko sa kaniya.

"Mabait si Liam, tsaka kilala na ako ng parents niya"

"Sana sabihan mo si Vier na wag na ako samahan or sunduin nahihiya kasi ako magsabi sa kaniya eh"

Kailangan ko na sabihin to agad kay Vier para hindi na siya mag expect pa, sigurado akong malulungkot yun. Pero bakit may kung ano man na guminhawa sa loob ko.

Pagtapos namin kumain at mamasyal ay umuwi na rin kami agad. Sinundo siya ni Liam samantalang ako ay ipinagdrive ko nalang sarili ko pauwi.

---------------------------------------------------------