Chapter 15: (CONVENTION)
Pagkanibukasan ay masaya akong gumising, tinext ko agad si Vier para ipaalam na pupunta kami bukas sa office para makipag meet kay Dad.
To: Vier
- Hi! Magmeeting daw kayo ni Dad about sa investment sa office niya 8pm. See you"
Pagkatapos ng text ko ay mabilis naman siyang nagreply. Ow online siya.
"I will go. See you"
Ewan ko pero bakit napangiti nanaman ako ng walang dahilan. Hays
Nag ayos na ako at bumaba. Finally hindi ko na kailangan magcommute. I can use my own car na. Pagkahanda ko pa lang ay mabilis na akong bumaba para pumasok sa trabaho.
Pagkarating ko sa shop ay nagkasalubong kami ni Tristan sa labas ng pinto.
"Uy! Raya... Goodmorning aga natin ngayon ah" Pagbati niya sakin ng makita niyang bumaba ako sa sasakyan ko.
"Sasakyan mo to?" Pag aalinlangan niyang tanong.
"Ahhhh! Finally Tris! Nakuha ko na yung sasakyan ko"
Sa sobrang excited ko ay nayakap ko pa siya.
Nakita ko ang bigla sa kaniyang mukha.
"Dahil nakuha ko na sasakyan ko treat kita mamaya pag uwi tsaka ipagdadrive kita" Pagkindat ko sa kaniya.
"Sure! G ako dyan, libre mo ko ha?" Tumatawa pa siya.
"G yan ano ano mamaya, kahit ano nakuha ko na atm cards ko eh" Tapik ko pa sa balikat niya.
"So di na tayo magcocommute ng sabay?"
"Magcocommute pa rin pero this time ikaw na ihahatid ko"
"Tara na pasok na tayo maya na ulit"
Pagkatapos ng kwentuhan ay nagtrabaho na kami.
Ang daming nangyari may nangyari pa na may nagalit nanaman na customer sakin pero buti nalang andyan si Tristan para pakalmahin yung customer kasi pag ako baka masaktan ko eh. Charot.
Habang nag aayos ng gamit ay tsaka ko na niyaya si Tristan dahil tapos na rin naman kami sa trabaho.
Pero nabigla nalang ako nung nagtext si Vier.
From: Vier
"Im on my way"
Shit! Ugh! Nakalimutan kong ngayon rin pala yung meeting namin kay Dad. Paano na to? Nakita kong nag aayos na ng gamit si Tristan, pero kailangan ko talaga unahin yung lakad namin ni Vier. Okey Raya kalma, mabait si Tristan maintindihan ka niya.
"Uhm... Tris may sasabihin sana ako"
"Ah, ano yun?" Sagot niya habang nagliligpit na ng mga gamit niya.
"Baka kasi di muna tayo matuloy ngayon eh may meeting pa pala ako with Vier, wag ka mag alala babawi ako, i promise"
Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya. Nakakainis, bat ngayon ko pa kasi nakalimutan. Nakakahiya kay Tristan
"Nagkakasama na kayo ni Sir Vier?"
"Ah oo! Ano kasi about sa company namin, mag iinvest siya" Pagpaliwanag ko.
"Sige na ayos lang, bilisan mo na oh baka malate ka pa"
"Paano ka?" Tanong ko.
"Ano ka ba edi magcocommute ako"
"Sure ka? Pwede naman kita-"
"Raya, sige naaa baka malate ka pa"
Tinignan ko ang relo ko, alas siyete na malapit na ako malate.
Mabilis kong kinuha ang bag ko.
"Sige na nga. Bawi ako Tris, una na ako ha"
"Ingat" Kinawayan niya ako.
"Salamat" Kumaway rin ako pabalik.
Sumakay na ako agad sa kotse ko. Hindi ko mapigilan mangiti lalo na't alam kong si Vier ulit ang makakasama ko habang nagdadrive ay tumawag si Vier.
****Vier is calling....****
"Hello" Mabilis ko tong sinagot.
"San ka na?" Tanong niya.
"Magkita tayo, hindi ko alam ang office ng Daddy mo"
"Sure dito sa may sa Nonya Cafe"
Pagkarating ko sa Cafe ay nakita ko na si Vier na kakarating lang rin bumaba siya sa kotse niya. Nakasuot siya ng polo na kulay itim na bumagay sa kaniya. Malinis rin ang pagkakaayos ng buhok niya.
"Hey what's up?" Salubong niya sakin.
"Sakin kana sumakay, Raya. Ipark mo nalang yung sasakyan mo dito." Turo niya sa may parking lot na malapit.
"Let's go. Late na tayo"
Pagkasakay namin pareho ay natahimik ang sasakyan. Ako ang unang nagsalita.
"Kinakabahan ako"
Nagtaka si Vier.
"Bakit? Eh papa mo naman yun?"
"Hindi. Strikto si Dad, kinakabahan lang ako"
"Hindi yan. Ako bahala" Pag ngisi niya.
Pagkatapos kong ituro sa kaniya ang daan ay bumaba na kami.
"TM Electronics Corporation" Bigkas niya.
Binasa niya ang nakasulat sa gusali ng company namin.
Pansin kong biglang nag iba yung itsura niya, parang nag alinlangan ito.
"Dito na tayo" Mariin kong sabi.
Pero nagulat ako ng di na siya kumibo.
"Huy!" Tumalon pa ako para maagaw ang atensyon niya.
"Ano bang nangyayari sayo?" Pagtatanong ko.
Ano kaya nangyari dito? Bigla siyang di makapagsalita maski titig sakin di nya magawa ng pagkapunta niya sa company namin. Hindi naman sya ganto kanina.
"Ah. Wala. Raya Im sorry. I need to go" Aakma siyang aalis.
"Teka teka" Hinabol ko siya.
"Vier, wait. Wag ka umalis please ipagpatuloy mo yung pag iinvest samin, ito nalang kasi way para maging malapit kami" Pakiusap ko.
"Vier Please" Hinawakan ko siya sa kamay.
"Kailangan kita ngayon"
Si Vier nalang pag asa ko.
"Okey fine. Let's go"
Mabilis siyang pumasok sa company. Mabilis yumuko ang mga employado ng makita nila akong andun ako.
"Good evening Maam Raya"
"Hello Maam"
"Welcome Maam and Sir"
Yumuko rin ako pabalik sa kanila.
Tinanong ko si Aya, siya yung Secretary ni Dad.
"Aya, Where is Dad?"
"Maam kayo po pala yan. Nasa third floor po hinihintay niya na po kayo"
Napatingin siya kay Vier.
"Hi sir" Ngumiti pa siya na parang kinikilig. Jusko.
"Good evening" Ngumiti rin pabalik si Vier.
Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi ni Aya. Wow.
Sumakay na kami ng Elevator ni Vier, nakikita ko ang tumutulo na pawis ni Vier. Teka kinakabahan ba siya?
Pagkalabas ay dumiretso agad ako sa office ni Dad.
"Vier, ako muna ang papasok ha? tapos tsaka ka nalang sumunod kapag okey na"
Tumango naman siya.
Binuksan ko ang pinto.
"Dad..."
Nakita ko siyang tumayo.
"Anak, asan na yung kaibigan mo?"
"Vier, pasok kana"
Pumasok si Vier ng nakatingin ng diretso kay Dad.
Nakita ko ang pagiba ng mukha ni Dad na parang hindi siya natuwa ng nakita si Vier.
"Good evening Sir. I am Vier Evans"
Inaabot ni Vier ang kamay niya para makipagshake hands sana kay papa kaso nilayo ni Dad ang kamay niya.
Nagulat ako sa ginawa ni Dad. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya, habang si Vier ay nakatitig ng diretso kay Dad.
"Sinong nagsabi sayo na pwede kang pumunta sa kompanya ko?!"
Pasigaw na sabi ni Dad. Nagulat ako sa mga nangyayari. Bakit? Anong kasalanan ni Vier?
"Dad what happened?"
Pumunta ako sa harapan para awatin siya.
"Lumayo ka sa kanya Raya!"
"Per-"
"Get out of here!" Tinuro niya si Vier.
Parang hindi na nabigla si Vier, mariin lang siyang nakatitig kay Dad.
"I said get out of here now!"
Binato niya ang vase na nasa lamesa niya kanina.
"Dadddd!"
Pagsigaw ko, muntikan na matamaan si Vier.
"Sir, im sorry hindi ko alam"
Nag aalinlangan pa rin yung mukha ni Vier pagkasambit niya nito.
"Magsama kayo ng magaling mong ama! Ano? Pagkatapos niyo akong kumpitensyahin at pagtulungan ngayon naman gagamitin mo si Raya!? Anong klase kayong magama?!"
Aakma siyang lalapit kay Vier. Hindi ko alam ang gagawin. Naiiyak ako.
"Ano bang gusto niyo sakin?!"
Nilapitan niya si Vier at sinuntok ito.
Napahiga nalang sa sahig si Vier.
Nalilito ako sa nangyayari. Hindi ko alam ang gagawin.
Mabilis kong pinuntahan si Vier para ilayo.
"Dad! Nasasaktan si Vier! Ano bang problema ha?! Bat di nyo sabihin sakin?"
Sinabi ko yun habang tumutulo ang luha ko. Nakita kong tumutulo ang dugo sa ilong ni Vier.
"Siya lang naman ang anak ni Lorenzo" Titig niya ng madiin kay Vier.
"Ano nanaman inutos sayo ng magaling mong ama ha?! Na sirain ulit at kalabanin ang kompanya ko? Bakit? Kung sa tingin nyo mapapabagsak niyo ako, nagkakamali kayo!"
"Naiintindihan mo ba?!" Hinawakan niya sa polo si Vier.
Mabilis kong tinanggal ang kamay ni Dad sa damit ni Vier.
Hindi makapagsalita si Vier. Nakatitig lang siya.
"Alis! Bago pa kita ipatapon sa mga security ko dito!"
Natakot ako sa pagsigaw ulit ni Dad. Mabilis kong siyang pinatayo para makaalis na.
Walang tigil ang pagbagsak ng luha ko, hindi ko kayang makita na ganto ang kalagayan niya lalo na ang taong mahal ko ang may gawa.
"Raya! Stay here!" Sigaw niya.
Hindi ko siya pinakinggan. Mabilis kaming lumabas ng kumpanya. Kita ko ang gulat sa labas ng mga employado ng makita niya ang kalagayan ni Vier paglabas.
---------------------------------------------------------