Chapter 14: (APPOINTMENT)
Araw ng linggo ngayon kaya walang pasok. Ang dami daming nangyari nung nakaraang araw sabayan mo pa yung trabaho.
Naiinis ako sa sarili ko, lagi ko nalang naiisip si Vier nitong mga nakaraan. Walang oras na di ko siya naisip kahit sa pagkain o pagligo man. Napabuntong hininga ako at inayos ang kama ko.
****Vier is calling...****
Tumatawag si Vier. Mabilis ko tong sinagot.
"Hello?"
"Rayaa, Hello!" Masayang pagbati niya sakin, nanibago ako ano kaya meron?
"Oh masaya ka ata? Ano nangyari?" Pagtawa ko.
"Feeling ko natuwa si Lea sa binigay kong roses tapos japanese foods nung nakaraan sa opening nya!" Masaya niyang kwento sakin.
"Gusto ko lang mag thank you, btw tara labas treat ko"
Kaya pala. Bakas pa rin sa mga salita niya na sobrang saya niya nga.
"Congrats kung ganon, kaso medyo busy ako ngayon eh tsaka nalang"
"Kwento pala sakin ni Lea na may pupuntahan siya sa may Quezon baka gusto mo siya samahan? Mga 9:00 ng umaga sunduin mo nalang siya sa kanila"
Nakapagkwentuhan kami ni Lea nung nakaraan kaya nalalaman ko lahat ng ginagawa ng isa't isa lately.
"Dun nga pala sa investment ko, pwede ko imeet yung Dad mo para makapag usap na kami"
"Pasasalamat ko na rin sayo"
Bigla akong nabuhayan. Sigurado akong matutuwa si Daddy kapag nalaman niyang sa kalagitnaan ng nararanasan naming problema sa company ay may mag iinvest pa rin.
Sa wakas baka makuha ko na lahat ng credit cards ko, mawawalan na ako ng curfew at makakapag drive na ako ulit.
"Sige. I will call you nalang kapag nakausap ko na siya. Thank you rin"
Binaba ko na at agad akong bumaba para kausapin si Daddy.
Nakita ko siyang nasa harap ulit siya ng laptop niya.
"Uhm Dad. I have something to tell you" Kabado kong sabi sa kanya.
"Go ahead" Tuloy tuloy pa rin siya sa pagtatype sa laptop niya.
"Yung kaibigan ko gusto niya palang mag invest sa company natin" Ngumiti ako ng alanganin habang nanginginig na sinabi.
Kita ko sa mukha niya nabuhayan siya. Tinigil niya ang paglalaptop at tumingin sakin.
"How much?" Nakatitig na siya sakin.
"5 million... uhm pero kung gusto niyo siya nalang yung kausapin niyo para makapag usap kayo ng maayos" Yumuko ako habang sinasabi ito.
"Okey, then I will set an appointment" Simple niyang sabi at bigla siyang tumayo.
Tumango nalang ako. Tatalikod na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Good Job, Anak... Salamat"
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yinakap, parang gusto ko maiyak, bihira lang gawin sakin to ni Dad.
Ilang segundo rin yon bago kami maghiwalay.
Pagkatapos ay mabilis na akong umakyat para makapagpahinga.
Sobrang saya ko ang sarap pala sa feeling na niyayakap ka ng magulang mo. Noong saglit na yon feeling ko may nagawa akong tama.
Nilabas ko ang laptop ko at nagscroll lang ako dito dahil sobrang saya ko. Nagpicture lang ako sabay post sa aking IG may caption ito na....
"Im so happy"
Ang daming naglalike at nagcocomment nakipag biruan lang ako saglit sa mga kaibigan ko na nagcomment.
Habang chinecheck ang notification ay nakita kong nagcomment si Tristan.
"Ang ganda mo"
Napangiti ako sa comment ni Tristan. Iba ka talaga Tristan.
Habang sunod sunod ang mga notification na nagcocomment napatigil ako saglit ng makita kong nagnotif ang pangalan ni Vier.
Napahinto ako. Nag comment siya!
Mabilis ko tong tinignan.
"Beautiful"
Aahhh tumili ako! Isang word lang naman sinabi niya pero kilig na kilig ako di ko napigilan na mapasigaw. Kalma, Raya.
Maya maya at pumasok si Manang Maria sa kwarto ko.
"Iha, pinapatawag ka ng papa mo, bumaba kana daw"
Bigla kong sinarado ang laptop ko at inayos ang sarili.
"Sunod na po ako, may aayusin lang"
Mabilis akong bumaba ng nakita kong andon na sa lamesa sila Mom at Dad hinihintay nila ako.
Sinalubong ako ng halik ni Mom.
"Good evening Anak"
"Good evening Mom"
Umupo ako at nagsimula na kumain.
"Uhm Dad, pinapatawag nyo daw po ako? Bakit po?" Hindi ko siya tinignan.
Nagulat ako ng iabot niya na sakin ang ATM at Credit Cards ko. Napangiti ako at napayakap ako kay Daddy sa sobrang saya.
"Ahhhh! Finally! Thank you Dad" Sambit ko habang kinukuha ang mga cards ko.
Finally mabibili ko na ulit ang mga gusto ko!
"Aalisin ko na rin yung curfew mo, basta know your limits, anak"
"And also here"
Sabay abot niya sakin ng susi.
Aahhh, pati yung susi ng kotse ko andito na rin, after ilang months finallyy!
"Thanks Dad. I'll promise magpapakabait na ako" Sabay kuha ng susi ng kotse ko.
"Congrats anak! you deserved it. Nakikita namin ng papa mo ang hardwork mo sa trabaho" Sabi ni Mom, sabay haplos sa buhok ko.
"Raya, magwork ka pa rin ha? tapusin mo yung kontrata na pinirmahan mo sa shop nila Lea, nakakahiya sa parents nila"
Yup. Magwowork pa rin ako ilang months nalang rin kasi matatapos na rin yung kontrata na pinirmahan ko dun, ayaw ko na nga sana pirmahan yon kaso pinilit pa ako ni Dad para lang sure na hindi ako aalis sa trabaho.
"Yes dad" Masaya kong tugon.
"And yung appointment with your friend will be on tomorrow dun sa may office ko. 8 pm, gusto ko sumama ka para naman makita mo na on how to entertain clients" Dagdag na sabi niya.
"Yes po, itetext ko nalang po yung friend ko"
Finallyy! Nakakatuwa kasi nakikita kong natutuwa sila sakin, lalo na kay Dad. Thank you kay Vier, alam kong isa siya sa mga dahilan kung bakit naibalik lahat ng meron ako ngayon.
After ng conversation with my family, I feel so complete, sobrang saya ko. I promise na i would do everything para maging mas proud sila sakin lalo na si Dad.
---------------------------------------------------------