Chapter 13: (MEET THE PARENT)

Andito ako ngayon sa shop. Nagpalit na ako ng uniform. Nagsusuot na ako ng cap ko ng biglang lumapit sakin si Tristan.

"Glad to see you back, Raya" Ngumiti siya pagtapos sabihin ito.

"Oh pano ba yan? Sabay ba ulit tayong maglulunch mamaya? Or sabay na rin tayong kakain?" Pag anyaya ko. Sa araw araw naming magkasama sa trabaho ay naging malapit na kami.

"Sure" Nakangiti pa rin siya.

Makalipas ang ilang oras, lunch na namin ngayon. Nakapikit ako habang nakaupo, sobrang napagod ako sa daming mga customer namin ngayon. Dumilat ako at nakita kong palapit sakin si Tristan habang dala ang lunch box niya. Ang kalma ng personality ni Tristan, ang bait bait niya. Kahit sobrang daming ginawa kanina ay nagagawa niya pa rin ngumiti sa mga customer. Nagagalit kaya to? Parang hindi ata eh.

"Uy Tara kain na tayo" Binuksan niya ang baonan niya.

Binigyan niya ako ng kutsara. Ganon ang setup namin lagi. Pinapatikim niya ako ng ulam niya tapos bibigyan ko rin siya ng pinapaorder ko sa Grab.

"Anong ulam natin ngayon?" Tanong ko sa kanya ng nakangiti.

"Chopsuey"

Isa rin to sa mga paborito kong ulam ko. Tumikim ako at ang sarap tamang tama lang ang lasa.

"Galing magluto ng mama mo! The best to!" Pagpuri ko kasi totoo naman. Nakakagana kumain.

"Salamat, hayaan mo next time dalawa na dadalhin ko na lunch box para tig isa na tayo" Masigla niyang sabi.

"Huy wag na, nagpapaorder naman ako e"

"Uy andito na pala yung order ko sa Grab. Wait lang ha?"

Mabilis kong kinuha yung pinadeliver ko at bumalik sa upuan. Umorder ako ng beef steak at may kasama na ring rice sa paborito kong restaurant. They are offering the best ulam. I swear.

"Share tayo, beef steak tong inorder ko"

Binigyan ko ng dalawa si Tristan. Tinikman niya ito sabay ngiti.

"Ang sarappp" Sambit niya .

"Oh dibaa, tara kain na"

Kumain kami at nagkwentuhan pagkatapos ay bumalik na ng trabaho.

Uwian na nung nalaman kong may missed calls pala si Vier sakin hindi ko na to napansin dahil sa sobrang busy. Ano na kaya nangyari sa opening ng branch ni Lea? Nasunod kaya ni Vier lahat ng mga sinabi ko?

"Raya" Tinawag ako ni Tristan.

"Gusto mo bang pumunta sa bahay? Gusto ka makilala ni mama eh lagi kasi kitang kinekwekto" Nahihiya niyang sabi.

"Oo naman. Ngayon na ba?" Wala naman akong gagawin after ng trabaho e kaya napagdesisyunan ko ng pumunta sa lugar nila Tristan.

Sumakay kami ng bus. Nasanay na akong magbus simula nung sabay na kami umuwi ni Tristan.

Pagkababa namin sa bus ay sumakay ulit kami ng tricycle. Ang sikip sa tricycle pero keri naman. Halos liparin na ako sa lakas ng hangin. Pagkababa ni Tristan sa tricycle ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako bigla pero pagtapos ay umiwas na din siya ng tingin.

Lumakad kami sa masikip na eskinita. Ang daming tao sa kalsada kahit gabi na. May nagbebenta may nakatambay at may naglalaro na mga bata.

"Pasensya kana ha? Medyo magulo lang dito samin pero masaya dito" Sambit niya habang nakatingin sakin.

"Sus ayos lang yun" Sabi ko.

"Uy pare, Tristan" Sabi ng lalaking parang kasing edad lang din niya.

"Pre, musta na?" Nag peace bomb sign sila.

Nag apir sila pagkatapos ay tumingin sakin yung lalaki.

"Uy girlfriend mo tol? Pakilala mo naman samin yan pre" Inakbayan niya si Tristan.

"Ahh hindi ah nga pala si Raya, workmate ko" Pakilala niya sakin.

Ngumiti ako sabay nakipagshake hands sa kaibigan niya.

"Weehhh ba tol binata kana talaga" Tumawa yung lalaki.

"Hi Raya, mabait tong tropa namin wag mo sasaktan ah?" Mas lalo niyang hinigpitan yung akbay kay Tristan sabay ngumiti.

"Pre ano ba.... uhm, Raya nagbibiro lang siya" Napakamot nalang si Tristan ng ulo.

Natawa ako halatang nahihiya si Tristan.

"Sige na pre una na kami, basketball tayo bukas" Sabi ni Tristan sa kaibigan niya.

"Sige pre, sabihan mo nalang ako. Goodluck" Binulungan niya si Tristan pero narinig ko naman. Hays. HAHAHAHAHAHAHAHA

Naglakad na kami hanggang sa makarating kami sa isang bahay. Maliit lang to pero simento naman. Pumasok kami. Ito na siguro ang bahay nila Tristan. Nilibot ko ang mga mata ko. Maganda naman ang bahay nila Tristan kumpleto naman sila sa gamit pero maliit nga lang ang bahay nila, pero sapat na yun para magkasya silang lahat.

"Maaaa" Pagtawag ni Tristan sa mama niya.

Nakita ko humarap ang isang matandang babae, mama siguro to ni Tristan.

"Andito na kami Ma, nga pala kasama ko si Raya" Pagpapakilala sakin ni Vier.

"Hi ateee" Niyakap ako ng mga 13 yrs old na batang lalaki, gwapo rin ito kamukha ni Tristan. Nakakabatang kapatid niya siguro.

"Hellooo" Niyakap ko rin siya.

"Magandang gabi po" Niyakap ko ang mama ni Tristan.

"Nako! Napakagandang bata naman nito anak Tristan" Hinawakan niya ang mga braso ko.

"Maupo muna kayo, kumain na ba kayo?" Maasikaso nga ang Mama ni Tristan.

"Napakakinis at napakaganda ng mga balat mo iha" Tuwang tuwa siya habang pinagmamasdan ako.

"Salamat po, kumain na rin po pala kami ni Tristan kanina po" Magalang kong sabi.

"Ah ma... Wait lang Raya ha kukuha lang ako ng maiinom natin, ano ba gusto mo na inumin?" Ang bait talaga ni Tristan. Maasikaso rin parang katulad ng mama niya.

"Uhm kahit ano ayos lang sakin" Nginitian ko siya.

Nag usap kami ng mama niya habang nag aayos pa si Tristan.

"Pasensya kana iha ha medyo magulo saming lugar"

"Ayos lang po yun, nakilala ko na rin po yung kaibigan ni Tristan ang bait rin po"

"Pshh iha tawagin mo nalang akong Tita. Tita Minda nalang" Hinaplos niya ang mga kamay ko.

"Sige po Tita" Hinawakan ko rin ang kamay niya. Kahit bago pa lang kami magkakilala ng mama ni Tristan pero ang gaan gaan na ng pakiramdam ko sa kanya.

"Wait lang Raya ah bibili ako ng makakain natin" Pagpapaalam sakin ni Tristan. Nakasuot na ng tshirt ngayon si Tristan pero mababakas pa rin ang kisig ng katawan niya.

"Alam mo ba ngayon ko lang nakita na ngumiti ng ganyan ang anak ko?" Pagkekwento ng mama niya.

Nakinig lang ako.

"Ako nalang kasi nagpapalaki sa kanilang magkakapatid. Bilib ako dyan sa anak ko na si Tristan, mula nung 16 pa lang siya tinutulungan niya na ako magtrabaho kahit hindi niya naman dapat yun ginagawa. Napakabait na bata ni Tristan"

Parang may kung ano man ang humaplos sa puso ko ng marinig ko yun.

"Iniwan kasi kami ng tatay niya at naghanap ng iba. Ang hirap ng buhay iha pero kahit kailangan hindi ko narinig na nagreklamo si Tristan" Maluha luha siya habang sinasabi ito.

"Kahit po sa trabaho tita, ramdam na ramdam ko po yung sipag ni Tristan para nga pong hindi siya napapagod, ngi hindi ko nga pong naririnig na nagreklamo siya" Tumingin ako sa mata ni Tita.

"Andito na ako" Napalingon ako ng nakita ko na si Tristan na may bitbit na tinapay at softdrinks.

"Pasensya kana kung ito lang yung kinaya ko, Raya" Sabi niya sakin.

Nakita kong mabilis na nagpunas ng luha ang mama ni Tristan.

"Ano ka ba wag mo nilalang lang to paborito ko kaya to lalo na pag may palaman" Pagmamalaki ko na sinabi. Hanggang sa nagtawanan na kami lahat.

Di ko namalayan ang oras. Ang dami pa naming napagkwentuhan tungkol sa kanilang magkakapatid pati pics ni Tristan pinakita pa ng mama niya kaya doon nagsimula na nagtawanan na kami.

Pagkatapos ay umuwi na kami. Nagpaalam na ako sa mama niya at pati sa nakakabata niyang kapatid. Hinatid pa ako ni Tristan sa bahay. Ang saya ko ng umuwi.

"Salamat sa pagpunta ha, napasaya mo sila mama" Tinignan niya ako ng may ngiti.

"Oh pano na yan? kita kits ulit bukas sa trabaho?" Tumawa ako at pumasok na sa loob ng bahay.

---------------------------------------------------------