Chapter 12: (THE PLAN)
Mabilis akong naglakad. Nakita ko na si Vier na nakaupo sa Sea Side. Nakasuot siya ng white polo, bumagay rin sa kaniya ang suot niyang relo.
Lumapit siya sakin ng makita niya ako.
"Raya. Andito kana pala" Umupo na rin ako.
"About kaya Lea nga pala" Nakita ko agad ang pagliwanag ng mga mata niya.
"Ganto yung plano. Iuupdate nalang kita kung may pupuntahan siya or may pupuntahan kami. Ay oo nga pala bukas samahan mo siya pupunta siya sa opening ng branch niya sa may Makati, 2 pm." Kwento ko sa kaniya.
"Noted, Ano kaya pwede kong dalhin bukas?"
"Uhm red roses, mahilig siya dun"
"How about sa food?"
"Japanese foods, kahit anong klase basta japanese, mahilig siya dun"
Napahaba pa yung kwentuhan namin hanggang sa napunta na nung unang araw na nagkita kami.
"Ang LT mo dun promise, natatawa nga ko sayo e kasi hirap na hirap ka makasakay HAHAHAHAHAHA" Pagtawa niya ng malakas.
"What is LT?" Hindi ko alam pinagsasabi nito. May topak rin ata to minsan eh.
"It's Laughtrip HAHAHAHAHAHAHA"
Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin ng di ko namamalayan na gumagabi na pala.
"Natatawa ako kasi naranasan ko rin yan. Nung nagrounded rin kasi ako dati. Alam mo bang nanakawan ako? Ang LT nun" Pagkwento niya. Mas lalo siyang gumagwapo kapag tumatawa siya. Yung mga chinito niyang mata ay nawawala kapag tumatawa na siya.
"Alam mo ikaw lang yung kilala kong natutuwa na nanakawan na nga? Sira talaga to" Natatawa ako talaga sa pagkwento niya. Siya lang yung natutuwa na nanakawan na nga.
"Eh pano ba naman hindi naman totoo yung baril niya eh laruan lang yon" Tawang tawa siya halos di na siya makahinga.
"Oh pano mo nalaman?" Nakangiti kong tanong.
"Eh kasi may tag price pa, akalain mo yon HAHAHAHAHAHAHAHA"
"Loko loko HAHAHAHAHAHA" Tawa ko.
Sabay kaming nagtawanan HAHAHAHAHAHAHA ang LT nga. Ops nahawa na ako sa LT na sinasabi niya. May sense of humor rin pala tong si Vier.
Pero biglang tumahik lahat ng tinanong ko siya.
"Bakit nagustuhan mo si Lea?"
"Mabait si Lea. Maganda na tapos matalino pa" Sinabi niya yun habang nakangiti.
Tinititigan ko lang siya habang nagkekwento siya. Ang swerte naman ni Lea. Mahal na mahal siya ni Vier. Sure ako na bagay na bagay sila kung sakali.
Naalimpungatan ako nung ako naman yung tinanong niya.
"Ikaw? Bakit wala ka pang boyfriend ngayon? Mabait ka naman pala akala ko dati masungit ka eh" Tanong niya sakin.
"May ex naman ako pero after na maghiwalay kami, di na siya nasundan"
"Bakit? Mahal mo pa?"
"Okey na ako. Siguro di ko nalang kaya ulit magmahal. Natrauma na ko eh"
Totoo yun. Pagkatapos naming maghiwalay ni Raniel hindi na ulit ako nag boyfriend pa, hindi dahil sa mahal ko pa siya, natatakot nalang ulit ako masaktan. Nung nalaman ko kasing niloloko lang ako ni Raniel halos maguho yung mundo ko. Sinayang niya yung dalawang taon namin para sa kaibigan niya.
"Tsaka lolokohin lang naman ulit ako ng mga lalaki na yan kaya bakit pa ako magmamahal ulit? diba" Sabi ko ng nakayuko.
"Hindi yan totoo, may mga lalake pa rin naman talaga na matino. Wag mo lahatin" Tinignan niya ako ng nakangiti.
Umiwas nalang ako ng tingin. Sana nga mahanap ko na rin yung tamang tao para sakin.
"Eh ikaw ba matino ka ba?" Tanong ko ng pabiro sa kaniya.
"Syempre" Sagot niya
"Syempre ano?" Pagtataka ko.
"Syempre... hindi" Tumawa siya ng malakas.
Actually hindi naman ako natatawa sa joke niya dun talaga sa tawa niya kasi nawawala yung mga mata niya pag tumatawa. HAHAHAHAHAHAHAA.
"Ah ganon sasaktan mo lang pala si Lea" Aakma na akong aalis kunwari.
"Huy wait. Joke lang. Eto talaga di mabiro oh. Syempre matino ako mahal na mahal ko kaya si Lea. Isa siya sa mga dahilan kung bakit madalas ako sa shop niyo, tinatimingan ko kasi siya, minsan kasi siya yung nagseserve sa mga customer niya"
Ow okey. Kaya pala sabi ni Tristan madalas siya sa shop, may dahilan rin pala. Seryoso talaga siya sa kaibigan ko. Bilib ako sa kaniya.
"Oh tama na kwentuhan, aalis na ako may pasok pa ako sa shop bukas" Kinuha ko na ang gamit ko.
"Raya. Salamat ulit ha?" Sambit niya.
"Wala yun, goodluck sa inyo. Sige na alis na ako"
Nagpaalam na ako at sumakay sa sasakyan at umalis. Umalis ako ng nakangiti.
---------------------------------------------------------