Chapter 11: (T M & Alpha P)
Monday ngayon at umabsent muna ako para makapagpahinga dahil pagod na pagod ako sa shop nung nakaraang linggo dahil sa sobrang daming tao.
Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko. May nagtext pala.
"Tristan
- 10 na wala ka pa rin. Papasok ka ba?" Nagtext pala si Tristan.
Mabilis akong nagreply.
"Uhm hindi muna. I want to rest" Pagkatapos kong magreply ay bumalik muna ako sa higaan ko. Nakakatamad.
Muling tumunog ang telepono ko. Nagreply si Tristan.
"Okey, take care" Maikling reply ni Tristan. Buti pa to si Tristan ang sipag pumasok.
"Maam Raya, pinapatawag ka ni Sir sa baba"
Bigla akong kinabahan. May kasalanan ba ako? huhu. Bihira lang kasi magpatawag ng ganon si Dad either may problema or ako yung problema. Alin kaya dun?
"Opo Manang, baba na po ako" Mabilis kong inayos ang kama ko at bumaba na.
Nakita ko si Dad na nakaharap sa laptop niya kasama niya si Mom. Nakahanda na ang breakfast namin.
"Raya, goodmorning anak" Sabay hinalikan niya ako sa pisngi.
"Morning Mom"
"We need to talk about the company" Seryoso niyang sabi habang nakaharap sa laptop niya.
"What happened honey?" Sambit ni Mom.
"Bumaba ang sales natin ng 25%, 3 consecutive months ng ganto yung nangyayari. Almost 50 million na yung nawawala satin, kapag magpapatuloy to baka magtanggal ako ng mga trabahante" Malungkot na sabi ni Dad.
"Why Dad? Bakit bumaba ng ganto kalaki?" Tanong ko.
Hindi pwede. Ang T Mobile namin ang pinaka nangungunang brand ng cellphone dito sa Pilipinas. Hindi pwedeng ganto lang ang mangyayari. Bigla nalang ako nanlumo sa narinig ko. Kawawa yung mga trabahante namin kung mawawalan sila ng trabaho.
"Yung AlphaPhone. Biglang tumaas ang mga nag invest sa company nila. Sila ang may pinaka mataas na sales nitong nakaraang buwan" Tumingin si Dad saming dalawa ni Mom. Bakas sa mga mata niya ang dismaya at galit.
Bigla niyang hinampas ng malakas ang lamesa namin. Nagulat kami ni Mom pareho.
"Paaaa!" Sigaw ko.
"Honey, ano baa?" Paghawak ni Mom sa likod ni Dad.
Bakas sa mga mata ni Dad ang galit ngayon.
"Kasalanan to ni Lorenzo, siya nalang palagi! Mula nung nag aaral hanggang sa magkatrabaho lagi niya nalang akong inaagawan hanggang sa business ba naman!"
"Who's Lorenzo Dad?" First time ko marinig ang pangalan niya. Pero sa pagkasabi pa lang niya halatang matindi ang galit niya dito.
"Siya lang naman ang owner ng AlphaPhone, Anak. Lagi niya nalang akong nalalamangan. Simula bata pa kami lagi na siyang ganto. Siya ang malas sa buhay ko!" Pasigaw niyang sabi.
"Dad! Calm!"
"We should do advertising again para makapanghikayat. We can get celebrity to promote our brand. Dad, don't lose hope" Panghihikayat ko kay Dad.
"Nakuha nila yung endorser na sinasabi ko sayo. I know na malaking impact yun dahil sikat ang batang yun"
"Maghahanap pa tayo ng iba. Maraming iba, Dad" Dun ko nakitang kumalma kahit papaano si Dad. First time ko makitang ganto siya ka frustrated sa companya at pati sa sarili niya.
Pagtapos ng pag uusap na ginawa ay agad na akong bumalik sa kwarto ko para makapagpahinga.
*Ring *Ring
Naalimpungatan ako ng may tumawag sakin.
**Vier is calling**
Mabilis kong sinagot.
"Hey, are you free today? Maybe we can talk about the plan?" Malaki pero ang gwapo pa rin ng boses niya sa call namin.
"Uhm alright. Let's meet in MOA sa may seaside" Paborito ko talagang lugar ang seaside sa Moa lalo na pag gabi.
"Okey. See you in thirty minutes" Sagot niya.
Bat ganto? Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Binaba ko na ang cellphone ko para makapaghanda na.
Pagkatapos kong makapagbihis ng dress na pula ay nilugay ko ang mahahaba kong buhok. Magpapahatid nalang ako kay Manong kahit bawal.
Pumunta ako sa may kusina at dun nakita ko si Manong Fernand. Matagal na siyang nagseserbisyo sakin.
"Manong" Sinabi ko sa kaniya ito ng nakangiti.
"Nako Maam Raya, bawal po talaga diba? Nung huli pong hinatid kita pinagalitan ako ni Sir e" Wala pa akong sinasabi pero alam niya na agad ang kailangan ko. Pero alam kong mapipilit ko naman tong si Manong.
"Manong, pleasee? Ngayon nalang ulit eh hayaan mo babawi ako kapag nakuha ko na yung kotse ko. Please Manong hatid mo na ako dyan lang sa may Pasay oh. Please"
"Sige na nga Maam, pero kapag pinagalitan ako ni Sir ipagtanggol mo ako ha?"
"Yeheyy! I love you Manong" Sabay yakap ko sa kaniya sabi ko na nga ba at papayag rin siya eh.
"Ikaw pa ba iha, malakas ka sakin e"
"Tara na po. Salamat po ulit"
Mabilis na kong pumasok at umalis na ang sasakyan.
---------------------------------------------------------