Chapter 15:

Yuri's Point Of View:

Nandito ako ngayon sa terrace ng VIP room na inupahan ng magulang ko at nakatanaw sa malayo dahil sa sitwasyon ko. Simula bukas ay matatali na ako sa babaeng hindi ko naman mahal at ang babaeng mahal ko ay ilalayo na sa'kin. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan ng babaeng totoong minamahal ko. I want to call her for the last time. Pipindutin ko na sana ang call button pero walang lubay sa pagpindot ng doorbell ang taong nasa labas kaya nilagay ko nalang muna sa bulsa ang cellphone ko.

"Sasaeng kanina pa may--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakita kong mahimbing siyang natutulog sa sofa. Dumiretso ako sa pintuan at binuksan ito at nakita ko ang mga kaibigan ko.

"Yuri!" Sabay-sabay na sambit nila ng buksan ko ito.

"Shh! Natutulog si Sasaeng baka magising 'yan patay tayong lahat," sambit ko sa kanila.

"Yiee! " Pang-aasar nila sa'kin na siyang ikinainis ko.

"Shut up!" sambit ko sa kanila at umupo sa kabilang sofa. Si Sasaeng kasi ay natutulog sa katapat na sofa nito.

"Maniwala kayo sa'kin hindi magandang magising iyan sa masarap na pagkakatulog," sambit ko at sinimangutan sila.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ni Jayvee

"Last month noong ginising ko siya sa office ko ay nagalit siya. Ang ganda na daw ng panaginip niya tapos ginising ko siya ayun binato ako ng paper bag na dala niya. Last week naman ng ginising ko siya at sinipa naman niya ko dahil napurnada ang magandang panaginip niya," nakangiwing sabi ko sa kanila.

"Nyay! War freak," sambit ni Jiro.

"Kawawa ka naman pala sa future wife mo, Yuri," natatawang sambit ni Baymin.

"Ang panget pakinggan manahimik ka nga!" sambit ko at binato siya ng unan na naiwasan naman niya kaagad.

"Si Gly na siguro iyan," sambit ni Jayvee ng marinig na may nagdoor bell at agad-agad na tumayo para pagbuksan ng pinto ang girlfriend niya.

"Hi, guys!" Masayang bati niya sa'min at bumati din naman kami pabalik sa kanya.

"Where's Kie?" Tanong niya sa'min.

"Ayun natutulog," sambit ko sa kanya at tinuro si Sasaeng.

"Aww, she must be tired," sambit niya at tumingin naman siya sa'kin habang nakakapit ka Jayvee.

"Baka pinahihirapan mo sa trabaho niya 'yan, ah!" Kunot-noong sambit niya sa'kin at tinaasan pa ako n kilay.

"As if! Ako nga ang pinahihirapan niya araw-araw." Inis na sambit ko sa kanya at nagpamulsa pa.

"Ay! Ganoon ba? Sabi ko nga, eh," Natatawang sambit niya.

"Anong nakakatawa doon?"Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Hmp!" Bumukas naman ang pinto at nakita namin ang secretary ni Dad.

"Pumunta na daw po kayo roon, Sir Yuri," sambit nito at umalis na rin.

"Naku! Ang hirap pa namang gisingin ng babaeng iyan," sambit ko sa kanila at napakamot pa sa batok ko.

"Magsi-CR lang ako," pagpapaalam naman ni Glyren at tinanguan siya ni Jayvee.

"Hoy! Gisingin niyo na ang babaeng iyan," sambit ko sa kanila at nagkibit-balikat pa.

"Kie? Gising--OUCH!" Hindi na natuloy ni Yohan ang sasabihin niya dahil nasapak siya ni Kie sa mukha.

"Sh*t! Kayo na gumising sa kanya nanganganib ang mukha ko," sambit ni Yohan at nakahawak pa sa mukha niya.

"See! Mahirap gisingin, 'di ba?" Natatawang sambit ko sa kanila. Lumapit naman si Baymin at sinubukan siyang gisingin.

"Hoy, Kie gising na," sambit niya pero tinalikuran lang siya ni Kie at niyakap ang unan. Kinuha naman ni Yohan ang unan at pilit na ginigising si Kie.

"Gising na... Waahh! Bitawan mo ko~ Ack!" Reklamo ni Yohan dahil siya na ang niyakap ni Kie.

"Help me, Yuri!" sambit niya habang pilit na umaalis sa pagkakayakap ni Kie.

"What's happening here?" Tanong ni Glyren na kalalabas lang ng banyo

"Help me, Glyren!" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Yohan habang pilit na umaalis sa pagkakayakap ni Kie

"Yohan? Anong ginagawa mo dyan?" Takang tanong nito kay Yohan?

"Ginigising si Kie kaso ganto ang naging resulta," sagot ni Yohan at nagpout pa.

"Nasapak pa nga si Yohan sa mukha, eh," pagsusumbong ni Baymin sa kanya.

"Eh? Iyon lang ba? Ganto lang gisingin iyan," nakangiting sambit ni Glyren.

Kinuha niya ang cellphone niya sa pouch niya at may hinanap dito saka itinapat sa tenga ni Sasaeng.

Tumugtog ang kanta ko na siyang ikinadilat agad ni sasaeng.

"Glyren!" Ngiting-ngiting sambit ni Sasaeng pagkagising niya.

"Oh! Panget bakit nandyan ka sa tabi ko?" Ngtatakang tanong niya kay Yohan at biglang umupo.

"Tsk! Grabe ang hirap mong gisinging palaka ka tapos kanta lang pala ni Yuri ang makakapagpagising sa'yo," sambit ni Yohan at tumayo na saka nagpagpag ng kanyang damit.

Kieseyah's Point Of View:

"Sorry na Yohan." sambit ko sa kanya ng makita ko ang pasa sa kanyang mukha.

"Tss! Sakit kaya. Grabe ka matulog. Sinapak mo na nga ako tapos grabe ka pa kung makayakap sa'kin kanina. Dati ka bang wrestler?" nakangusong sambit ni Yohan habang hinihimas ang mukha niya.

"Gamutin ko nalang," mangiyak-ngiyak na sambit ko

"Una na kaming lumabas..." sambit ni Mark at inaya sila Jiro at Jackson.

"Halos sakalin mo na nga ako kanina, akala ko katapusan ko na."

"Sorry na nga 'di ba?" Nakangusong sambit ko. Kasi naman bakit ba ganoon ako matulog? Pero infairness nakayakap ako kay Yohan. Kaso nasapak ko pa rin mukha niya. Waah! Nagasgasan ko ang gwapong mukha niya.

"Mamaya mo na gamutin ang pasa ni Yohan. Kanina pa ako tinatawagan ni Mommy at ni Daddy bumaba na daw tayo doon at hinahanap na tayo ng mga bisita." sambit ni Yuri at hinila ako

"Paano naman ako pagbumaba? May pasa kaya ako. Nakita nila akong walang pasa kanina kapag lumabas ako mamaya ng may pasa malaking issue ito panigurado." sambit ni Yohan at tinitignan sa salamin ang mukha niya.

"Lagyan nalang muna natin ng cream at ng foundation para matakpan pansamantala." suggestion ni Ren

"Good idea, bessywap!"

Kinuha ko naman ang bag ko at hinanap ko ang foundation ko doon. Nang mahanap ko na sa bag ko ay hinila ko si Yohan paupo sa sofa at tumabi ako sa kanya. Bahagya akong lumapit sa mukha niya at amoy na amoy ko ang pabangong gamit niya.

"Amoy pambabae naman ang pabango mo masyadong mahalimuyak." sambit ko

Agad naman siyang lumingon ng marinig niya iyon at napaurong ako palayo dahil sa sobrang pagkakalapit ng mukha namin. Gosh! Nakikita ko kung gaano kagwapo ang taong nasa harap ko. Ilayo niyo ko sa tukso pero pak na pak ang orange lipstick niya. Sama mo na yung eyeshadow. Panis!

"Hoy! Hindi pambabae itong pabango ko ha?"

"Eh! Parang eh..." sambit ko at lumapit pa kay Yohan para amuyin siya.

"H-Hoy!" sambit niya at napalayo pa sa'kin

"Pwede ba? Lagyan mo na siya ng cream ng makababa na tayo." inis na sambit ni Yuri. Uy, Selos!

"Ay, nagseselos si Paps Yuri!" sabi naman ni Baymin kaya tinignan siya ng masama ni Yuri.

"Asa!" sambit niya.

'Umaasa talaga akong magseselos ka Yuri.'

"Bilisan mo na nga ang paglalagay ng cream sa kanya at nagugutom na ako." sambit niya pang muli.

"Opo!" sambit ko at sinimulan ng lagyan ng cream ang mukha ni Yohan.

"Guys! Una na kami ni Jayvee, ah!" paalam ni Ren

"Sama na rin ako." rinig kong sambit ni Baymin.

"Sige. See you later!" sambit ko ng hindi siya tinitignan dahil masyado akong seryoso sa paglalagay ng cream sa mukha ni Yohan.

Napansin ko naman ang paglunok ng ilang beses ni Yohan kaya napatigil ako at napatingin sa mga mata niya. Napatitig naman ako sa nunal niya sa ilalim ng mata niya. Ang cuteute parang tinuldukan lang ng ballpen. Haha.

"Uy! Ano tutulala nalang?" saglit akong napatingin kay Yuri ng magsalita siya.

"B-Bilisan mo na, ang tagal mo naman maglagay." sambit naman ni Yohan.

"Opo, bibilisan na, huwag kang malikot." sambit ko at iniharap ang mukha niya sa'kin saka ko pinagpatuloy na lagyan ng foundation ang mukha niya para magpantay.

"Done!" sambit ko ng matapos

"Lagyan na rin kaya kita ng kilay, blush on atsaka lipstick para pak na pak ka " natatawang sambit ko

"Kung sapakin kaya kita!" sambit niya saka tumayo

"Joke lang naman. Hindi ka na man mabiro." sambit ko at nagpeace-sign.

"Let's go." sambit ni Yuri at hinila na ako palabas ng VIP room.

"Aray! Dahan-dahan naman!" Reklamo ko dahil ang sakit na kasi ng pala-pulsuha ko kakahila niya sa'kin.

"Huwag kang lalayo sa'kin."

"Aba? Himala ayaw mo ko--"

"Huwag kang assumming gagawin ko lang ito dahil ayokong may masabi na naman ang mga bisita, kundi malilitikan na naman ako kay Dad." Paliwanag niya.

"Ahh! Kaya pala..." sambit ko at ngumuso

"Then, should I act as your girlfriend right?"

"Yes."

"Hindi ka magrereklamo?" paninigurado ko

"Hindi, para sa gabing ito lang."

"Okay," sambit ko at kumapit sa braso niya

"What are you doing?" tanong niya

"Acting as your sweet girlfriend," sambit ko sabay kindat sa kanya

"Oh! Huwag mong tanggalin maraming bisita ang nakatingin sa atin." sambit ko at tinuro pa ang ilang guest na nakatingin sa'min. Pumunta kami sa center table kung nasaan ang parents namin ni Yuri.

"My babies!" masayang sambit ng Mom at niyakap kaming dalawa.

"Dalaga na talaga ang anak ko. Ikakasal ka na bukas." mangiyak ngiyak na sambit ni Mom

Bumitaw naman ako sa pagkakahawak ko sa braso ni Yuri.

'Oo nga, ikakasal na kaagad ang unika iha niyo bukas and I don't know kung ano bang theme ng kasal namin? Dahil halos lahat kayo ang nagplano.' sambit ko sa utak ko at ngumiti nalang ako kay Mom.

"We are here para i-celebrate ang opisyal na pagsasama ng Hazlefood at ng LXENO company. Masaya din namin ipinahahayag ang kasal ng kanilang mga anak bukas." sambit ng MC

"Mr. Yuri Hazlewood and Ms. Kieseyah Lxeno's wedding is tommorow but it's a private ceremony since they want a private celebration only." sambit muli ng MC at tumapat ang spotlight sa'min kasabay ng malakas na palakpakan ng mga tao.

I saw Yuri drinks a four shots of wine continuously pagkatapos niyang marinig iyon. Pagkatapos ay ngumiti sa kanilang lahat tulad niya ay isang pilit na ngiti ang iginawad ko sa kanila.

Yes, I'm the luckiest fan but why I pity myself?

'Kasi hindi ka niya mahal.' malakas na sigaw ng isip ko.

'I know. Shut up mind!' sambit ko at kinuha ang cocktail na nakita ko saka ininom iyon.

"Let's start the party." sambit ng MC at nagsimula ng magpatugtog ng iba't ibang uri ng kanta. Sinunod ko naman ang martini na nakita ko. I want to get drunk.

Dapat masaya ako dahil kasal na namin bukas kaso, sino bang sasaya kung ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa?

"The two of you can drink pero huwag magpapakasobra, huh?" rinig kong sambit ni Mom sa'min

"Yuri, huwag magpapakalasing patay ka sa'min ng Dad mo." sambit naman ng Mom niya.

"Yes, Mom." rinig kong sagot niya.

Sunod ko naman ininom ang tequila na nakita ko tapos iyong kulay blue na hindi ko alam ang pangalan. Hindi naman malakas ang alcohol tolerance ko kaya nakaramdam agad ako ng hilo. Napakapit ako sa taong nasa gilid ko at hindi ko matandaan kung sino ang nasa kaliwa ko. Ang alam ko lang si Yuri ang nasa kanan ko.

"Shit! Hindi ka pala sanay uminom bakit puro hard pa ang pinag-iinom mo?" may inis sa tonong sambit nito

"Sorry," mahinang sabi ko bago mandilim ang paningin ko.

-