Chapter 28.
Makalipas ang ilang linggo ay malaki na ang tyan ko. Medyo nahihirapan na rin akong kumilos dahil pakiramdam ko ay malaking sanggol ang nasa loob ng tyan ko.
"Eliha, wala ka bang gustong kainin? O pagmasdan?" Kein asked.
"Wala,"
"Ang sungit mo ha!"
"Naiirita lang ako!!!"
"At bakit?!"
"Ang bigat ng tyan ko. Pero hoy! Alam mo ba? Ang gusto kong pangalan niya ay Keha kapag babae at kapag lalaki naman ay-"
"Keho?!" natatawang tanong niya.
Hinampas ko siya sa braso. "Hindi! Kapag lalaki ay Kayan."
"Ayaw mo sa Keina at Keino? Biro lang!"
"Mukhang masaya kayong dalawa, ah? Mamaya ay magkakaroon tayo ng bisita," sabat ni Keg.
"Sino, ama?"
"Ipapatawag ko na lang kayo." Naglaho siya.
"Kailangan ba na humarap ako sa bisita?" nagtatakang tanong ko.
"Sa palagay ko ay depende sa sasabihin ni ama."
Yumuko na lang ako.
"Wala ka bang gustong puntahan?"
"Tinatamad akong kumilos, Kein."
"'Yun nga ang nakikita ko. Sa palagay ko ay mas may iba ka pang gusto, sino kaya?"
"Anong sino? Wala 'no."
"Sigurado ka? Ako na lang muna ang pagmasdan mo." Iniharap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang tyan ko sabay hinimas. "Ang sungit ng iyong ina, kung kaya ko lang na ipakita sa kanya ang ninanais niyang makita ay ginawa ko na. Pero hindi maaari."
Humikbi ako, "Ano bang sinasabi mo, Kein?"
"Wala, magpahinga ka na lang muna."
Hindi ko na napigilan na umiyak, "Nakakainis ka!"
Hinawakan niya ang pisnge ko sabay niyakap ako. "Hayaan mo na ako ang magmahal muna sa 'yo bilang iyong magandang kaibigan."
Natawa ako sa sinabi niya kaya sinuntok ko siya. Pero na-appreciate ko 'yun.
"Anak, mayroon ka ng magandang ama," I whispered.
"Maganda na guwapo ang iyong ama, anak. Eliha, magpahinga ka na muna sa kwarto mo." Binuhat niya ako at mabilis kaming naglaho.
Kung hindi ko lang talaga nakilala at minahal si Keegan ay mahuhulog ako kay Kein. Ang guwapo at mabuti ang puso.
Mag-isa na lang ako sa kwarto. Hinawakan ko ang tyan ko, nagulat ako dahil biglang sumipa nang malakas ang baby.
"Anak, ang sakit mo namang sumipa, pero ang cute!" masayang sigaw ko. Pero maya-maya ay naiiyak na ako. Mayroon kasi talaga akong gustong makita na mukha pero bawal. Sa totoo lang ay ilang araw ko na siyang hinahanap pero hindi maaari, nakakainis.
Sumulpot sa kwarto ko si Keg. Nagulat na lang ako dahil bigla kaming naglaho. Nakita ko na lang na nakaupo na kami sa malaking lamesa. At mas nagulat ako dahil ang kaharap namin ay sila Keegan at Eliha.
Nakita kaya nila na malaki na ang tyan ko?
Dumating si Kein, tumabi siya sa akin. "Paumanhin ama ngunit ano ang ginagawa ng mag-asawa rito?"
"Magandang tanong, anak. Sila ay bisita natin ngayon dahil mayroon akong anunsyo na dapat ay malaman nila!"
Nakita ko na niyukom ni Kein ang isa niyang kamay. Teka, ilalaglag ba kami ni Keg?
"Eliha, tumayo ka," Keg ordered.
"Ama!" nagpipigil na sigaw ni Kein.
"Kein, sumunod na lang kayo."
"Ang sasabihin niyo ba ay mayroong relasyon si prinsipe Kein at Eliha?" masayang tanong ni Eliha. Girl, kung alam mo lang na ayaw namin ni Kein sa isat-isa haha! Joke.
"Higit pa roon! Dahil ang anak kong si Kein ay nabuntis si Eliha. Masaya 'di ba? Pero nakakalungkot lang dahil ang balita ko ay hindi raw kayo nagkakaroon ng anak? Tama ba?"
Nakita ko na napatingin sa akin si Keegan. Alam ba niya na siya ang ama?
"Ama, tama na 'yung sinabi mo na nabuntis ko si Eliha. Pero hindi na tama na tanungin niyo pa ang pinagdadaanan nilang mag-asawa."
"T-tama naman si haring Keg, Kein. Kahit anong gawin namin ni Keegan ay hindi talaga kami nagkakaroon ng anak. Eliha, masaya ako para sa 'yo!" sambit ni Eliha.
"Magandang balita, ako rin ay masayang-masaya para sa inyo," Keegan whispered. Nahuli ko na tumingin ulit siya sa akin pero ako na ang umiwas.
Ang pakiramdam ko ngayon ay masayang-masaya ako dahil nakita ko siya. At kahit ang baby na nasa tyan ko ay nararamdaman ko rin na masaya. Grabe, ganito pala ang pakiramdam na makita ang gustong makita. Pero may gusto pa akong gawin, gusto ko siyang yakapin.
Tumayo ako sabay hinawakan ko ang tyan ko. "Magpapahinga na po ako."
Nakita ko na mas lalo akong tinitigan ni Keegan. Ngumiti siya sa akin pero hindi ako ngumiti. Pero sa loob ko ay gustong-gusto ko na nakikita kong ngumingiti siya.
Lumapit sa akin si Eliha. "Ang laki na pala ng tyan mo! Sigurado ako na siya ang susunod na prinsipe! Nakakatuwa naman, Eliha. Sana ay mabuntis na rin ako."
Hindi ko alam pero imbis na matuwa ako kay Eliha dahil mabait siya ay naiirita ako. Siguro ay dala na rin sa selos na nararamdaman ko. Niyakap ko na lang siya dahil ayaw kong ma-offend siya.
Si Keegan ay lumapit sa akin. Lalo akong napangiti dahil kahit papaano ay malapit siya sa akin at sa anak namin.
"Nagagalak ako para sa 'yo at kay Kein, Eliha. Mayroon ka bang gustong kainin? Mayroon ka bang gustong gawin? Mayroon ka bang gustong puntahan?"
Nahiya ako sa mga itinanong niya at napatingin ako kay Eliha. Pero nakangiti lang siya sa akin. Naaawa ako sa kanya kasi wala siyang alam.
"Oo nga naman, Eliha. Mayroon ka bang gusto? Nandito naman si Keegan para sa 'yo. Kein, p'wede mo ba akong samahan sa labas? Magpapahangin lang," aya ni Eliha. Mabilis namang tumayo si Kein para alalayan siya.
Si Keg ay naglaho na lang na para bang bula.
At ngayon ay kami na lang ni Keegan.
"Tumitig ka sa akin ng diretso, Eliha. Ano ang iyong gusto?"
Ang lambing ng boses niya, nakaka-miss pero hindi nararapat na porke wala sa harapan ko si Eliha ay para akong linta na kakapit kay Keegan.
"Makasarili ba ako kung sasabihin ko na.. gusto ko na yakapin mo ako? Kahit huling yakap na lang, Keegan."
Para pa rin akong linta sa request ko, pero huli na 'to.
Hindi siya nagdalawang isip na yakapin ako. Masasabi ko na ako na ang pinakamasaya dahil nayakap ko ulit siya.
Habang yakap niya ako ay hinimas niya ang likod ko. "Si K-Kein ba talaga ang ama ng iyong dinadala? May kakaiba kasi akong nararamdaman sa 'yo at sa supling na nasa loob ng iyong tyan."
Sabi ko na, mararamdaman niya. Pero ayaw ko.
"Ano bang sinasabi mo, Keegan? Oo siya ang ama. At nagmamahalan kaming dalawa."
"Kahit na sabihin ko sa 'yo na alam ko na lalaki ang gusto ni Kein?"
Napabitaw ako ng yakap sa kanya pero mabilis niya akong niyakap ulit. "E-Eliha."
"Tama ka naman na lalaki ang gusto ni Kein pero mayroong nangyari sa amin noong mga panahon na wasak ang aking puso."
"Sa mansyon ka na lang namin tumira. Alam ko na sa akin 'yan."
Humarap ako sa kanya. "Ano bang tingin mo sa akin? Mahal ka pa? Para saan? Tsaka huwag mo namang saktan ang asawa mo ng dahil lang sa nararamdaman mo na anak mo ang dinadala ko."
"Gusto mo bang aminin ko na kay Eliha ang lahat? Nais ko na makasama kayong dalawa ng magiging anak ko."
"Umalis ka na, Keegan." Tumalikod ako habang hirap na hirap na huminga. Ang sikip sa dibdib.
Niyakap niya ako patalikod. "Hihintayin ko ang magiging anak natin."
"Wala ka ng hihintayin dahil si prinsipe Kein ang ama niya."
"Huwag mo namang ipagkait sa akin ang pagiging ama."
"May asawa ka na, sana naman ay mas isipin mo siya."
"Pero, Eliha!"
"Pero, Keegan, manahimik ka na lang."