11: CAFETERIA
Naandito ako ngayon sa office ni Cael, naka upo siya sa kanyang mesa habang nag t-type sa laptop. Pinapunta niya ako rito para planuhin ang business eme raw kuno. Isinampal ko nalang ang aking ulo sa mesa dahil tinatamad ako, ewan ko ba hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na business.
"Can't decide yet?" tanong sa akin ni Cael. Siguro ay napansin niyang kanina pa ako ritong nakatitig sa papel ngunit wala paring maisip. Anong sasabihin ko ngayon sa dad niya about this? Should I ask him for help? or to grandpa nalang?
"Yeah," tamad kong sagot sa kanya habang nakasandal ang aking ulo sa mesa. Agad naman akong lumingon sa kanya at nakita kong nakatingin ito sa akin. "Ikaw ba? May ma aadvice ka?" tanong ko sa kanya.
"Bakit hindi mo i try tumayo ng cafe? and display your books there. Or a restaurant? I heard you love cooking, right?" sagot niya sa katanungan ko. Hindi rin masama ang cafe kaso hindi ako marunong sa kape-kape na 'yan. Ang restaurant naman wala akong confidence sa lasa ng luto ko.
"Don't worry about it, you can hire people and I will help you with that," saad niyang muli. Nakakabasa ba siya ng isip ng tao?
Ini angat ko na ang aking ulo at nag-salita. "Right, thank you. I'll talk to your father about this later." Nakangiti naman itong tumingin sa akin at ganoon din ako. Patuloy na siya sa kanyang ginagawa at ako naman ay nag decide na mag stay sa office niya for a while. Napaka init kasi sa labas kaya gusto kong magpalamig muna.
Dahil wala naman akong masyadong ginagawa, nagpasya akong mag walis muna dahil madumi na rin ang opisina. Nag ayos ng mga kalat at saka nag organize ng mga libro sa book shelves niya. Napansin ko namang kunot noong nakatingin sa akin si Cael kaya napalingon ako sa gawi niya. "Masama bang mag ayos at mag linis?" tanong ko sa kanya.
"Hindi dapat ikaw ang gumagawa niyan, let the janitors do their job," sagot niya habang ako ay nag oorganize pa rin ng mga libro niya.
"Hayaan mo na, ipagpatuloy mo lang 'yang ginagawa mo. Sanay naman ako sa ganito, at isa pa para naman may magawa ako rito," sambit ko at saka lumapit sa mesa niya para ayusin ang mga papel sa table niya. Ngumiti lang ako saglit saka isa-isang inaayos at ino organize ang mga papel.
Tahimik lang siyang ginagawa ang kanyang trabaho nang biglang tumunog ang tiyan niya dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko at lumingon sa kanya.
"I'll call David to order, what kind of food do you want?" tanong niya while taking out his phone to call but I immediately stop him by touching his hands which surprises him and looks at me.
"Don't! Rinig ko may malaking cafetaria rito sa loob ng company mo? Bakit hindi tayo kumain doon?" tanong ko saya nang may ngiti. Tinignan ko naman ang aking kamay na nakahawak pa rin sa kamay niya kaya dali-dali kong inalis ito. "Ay sorry, sorry," sambit ko muli.
"That cafeteria is solely for my employees, at isa pa baka magkagulo pa kapag nalaman nilang andoon ako," sagot niya sa akin at muling pumindot sa phone niya.
"Para naman ma exercise katawan mo, kanina ka pa nakaupo diyan. At isa pa, pagkakataon mo ito para maka close mo rin mga employees mo. Mas mainam kasi na maging maganda background nila sa'yo, rinig ko nga natatakot sila sa'yo sa titig mo palang. Nagmumukha kang dragon lagi pagkapasok mo sa building," saad ko sa kanya. Totoo rin naman kasi, kung hindi lang kami naging close talagang ganyan din ang makikita ko sa kanya. Napaka seryoso kasi ng mukha.
Agad naman niyang itinuro ang kanyang sarili at nagsalita. "Ako? mukhang dragon?" Nakataas ang mga kilay nito habang nakatingin sa akin. Lumapit nalang ako sa kanya at saka hinila palabas.
"Tama na ang tanong, kumain tayo roon. Kapag ang isang amo ay marunong makisama sa mga employees niya, magiging maganda relasyon mo sa kanila. At saka isa pa, malay mo mas lalong ma inlove ang mga babae rito sa kapogihan mo. Sisipagin pang kumilos, ayaw mo n'on?" asar ko sa kanya habang hila hila ang kanyang kamay at naglalakad sa hallway. Himala naman ay sumunod ito sa akin nang walang reklamo at hinayaan akong hilahin siya.
Nakasakay na kami sa elevator at patungong second floor. Nasa Fifth floor kasi ang office ni Cael, sa una ay wala kaming kasabayan nang pag bukas ng pinto ng elevator ay may narinig kaming mga ingay. Apat na taong nag tatawanan at mag k-kwentuhan, ng makita nila kami ay agad naman silang napatahimik at dahan-dahang pumasok.
Nilingon ko naman ang aking tingin kay Cael at nakitang seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanila. Tinatakot na naman ata niya. Napabuntong hininga na lamang ako.
Konti nalang ay malapit na kami sa cafeteria, si Cael naman ang siyang nagturo ng daan. Pagkarating namin ay namangha ako sa aking nakita, napaka laki at lawak ng cafeteria! Punong-puno ng mga halaman ang bawat gilid dagdag pampaganda sa lugar, may kasama pang dalawang malalaking chandelier! Hindi naman sa pagiging ignorante, nakakamangha lang talaga siyang tignan.
Marami na rin ang mga tao rito na kumakain kasama ang mga ka workmates nila or mga kaibigan. Parang isang cafeteria lang sa isang campus, nakakamiss tuloy maging isang estudyante.
"Let's go, I badly want to eat," sambit niya dahilan para mapangiti ako ng maikli. Nagsimula na siyang maglakad at agad naman akong sumunod sa mga yapak niya.
Napatahimik agad ang buong cafeteria nang makita nila si Cael na pumunta rito, at higit sa lahat dahil may kasama niya ako. Rinig ko ang mga bulungan nila sa akin, ngunit tahimik lang ako naglalakad.
Sari-saring mga bulung-bulungan ang aking mga naririnig. Sabi ng iba ay isa ako sa mga babae ni Cael, playboy daw siya dahil last time iba ang babae na kasama niya, siguro ay si Cassy ang tinutukoy nila. Hindi nga naman talaga maiwasan ang mga taong katulad nila ano?
Napahinto naman bigla si Cael, muntik pa akong mabangga sa likod niya dahil kakatingin ko sa buong cafeteria buti nalang at agad ko siyang nakita. "Gusto mo bang bumalik nalang sa office?" he asks me which made me confused.
Marahil ay naririnig niya rin ang mga bulong-bulungan kaya akala niya malaki ang impact sa akin n'on. I just wave my hands and speaks. "N-no, it's fine. Mas mainam nga rito e. Tara na at pumunta doon para kumuha ng pagkain," sambit ko at nagsimula nang maunang maglakad papunta para kumuha ng pagkain.
Sumunod naman agad ito sa akin. Kinuha ko ang pagkaing menudo at saka kare-kare. Kumuha rin ako ng shake at mango float as dessert at saka tubig. Nalaman ko rin na libre lang pala ang pagkain ng mga employees dito, sulit din para sa kanila ah? Mahirap din makapasok sa malaking kompanya nila.
Ganito rin sa loob ng compant ni grandpa dahil mahal na mahal niya ang mga empleyado niya. Malapit din siya sa kanila kaya naman kahit nakatalikod si grandpa wala akong marinig na masasakit or pangit na mga salita galing sa mga workers.
Nakahanap na rin kami ng p'westo at saka umupo. Agad naman siyang kumain dala na rin siguro ng gutom. Masaya kaming kumakaing dalawa dahil nagkaroon kami ng time na mag kwentuhan.
Matapos ang ilang sandali ay bigla nalang kaming narinig na ingay sa labas ng cafeteria. Biglang dumating ang isang magandang babae na nagpupumilit na pumasok sa cafeteria habang ang mga guards naman ay hinaharangan siya. Nang makatakas sa mga guards ay agad niya kaming nakitang dalawa ni Cael na magkasama.
Of course, masama ang mga titig nito sa akin habang naglalakad palapit sa amin. Iilang hakbang nalang ay malapit na siya sa kina uupuan ko. "Ano ang ginagawa mo rito, ha!?" galit niyang sigaw sa akin. Hindi ko na lamang siya tinignan pa at kinain lang ang pagkain na nasa harapan ko.