10: LONG-TIME FRIEND

Lumipas ang ilang araw simula nung nangyari iyon, mas lalong naging busy si Cael sa kanilang kompanya at wala na akong narinig pang balita na nagkabalikan silang dalawa ni Cassy. Pero, ang sabi sa akin ni David ay madalas daw pumupunta si Cassy doon at nagmamakaawang kausapin siya.

I stretch my arms matapos akong magsulat ng aking nobela. Ngayong araw din kaming magkikita ng misteryosong tao na panay email sa akin dahilan para bigyan ako ng inis araw-araw. Nawala na nga ang inis ko kay Cael, siya naman ang pumalit. Nakakatapag taka lang din dahil madalas niya akong tinatawag sa nickname ko.

Iniiling-iling ko na lamang ang aking ulo at saka tumayo para magbihis. Hapon na rin kasi at napagkasunduan namin na magkita sa isang sikat na cafe malapit lang dito. Hindi naman delikado since matao rin doon at kung may balak man siyang gawin sa akin ay mag panangga naman ako, ano pa ba? edi kamao ko!

Nakapagbihis na rin ako at gaya ng dati, simple pa rin ang damit na pinili ko. Napagdesisyunan ko na rin na gamitin ang aking sasakyan dahil medyo hassle kung sasakay lang ako ng jeep.

Nag drive na ako patungo roon dahil malapit na ang oras ng aming tagpuan. Nang makarating ako ay agad ko nang pinarke ang aking sasakyan at saka lumabas. Sumilip muna ako sa loob ng cafe upang tignan ang mga tao sa loob.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng cafe at inilibot ang aking mata. Maraming tao kung kaya't hirap akong hanapin siya. Maya-maya pa ay nag email muli siya at sinabing naka black shirt ito at may suot na shades daw. Kumunot naman ang aking noo at muling inilibot ang aking tingin.

Nakita ko siya sa di kalayuan at kinatatayuan ko. Dahan-dahan akong lumapit sa gawi niya, naka sandal ito sa pader sa gilid niya habang nag c-cellphone. "Uhm, hi? Ikaw ba 'yung taong hinahanap ko?" nahihiyang tanong ko sa kanya dahilan para mapalingon siya at tumingin sa akin.

Kinuha niya ang shades niya at sumagot. "You're here," sambit niya. Nanlaki naman aking mga mata nang mamukhaan ko ang itsura niya dahilan para ngumiti akong nakatingin sa kanya.

"Jeno? is that you?" tanong ko at agad na umupo sa upuan sa harap niya. Tumawa naman ito nang makita niya ang aking reaksyon. "Ang galing, ikaw nga! Akala ko nawala ka na, hindi kita makita noon. Bakit nag email ka pa kung p'wede ka namang magpakilala?" tanong ko sa kanya.

"Baka rin naman kasi hindi mo ako paniwalaan, I'm so glad na dumating ka. Akala ko nga hindi ka darating," sagot niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako at saka tinignan ang kanyang suot.

"Big time ka ngayon ah! Kamusta ka naman? Saan ka pumunta? Kung ayos lang na ikuwento mo sa akin ang nangyari sa'yo," sambit ko habang nakatingin sa kanya.

"Well, I'll tell you everything later. First, bakit hindi muna tayo uminom and spend our night talking. Don't worry, my treat," sambit niya at tinawag ang waiter na kakadaan lang sa harap namin.

Nang matapos na siyang mag-order ay agad naman itong napakuwento. Lumayas siya sa bahay ampunan at pagkatapos ng ilang ay may nakakita sa kanyang babae, which is ang manager niya. Trinain siya maging isang modelo nang makita niya ang magandang mukha ni Jeno.

Totoo naman kasi talagang g'wapo siya kahit pa na puno na ng dumi at putik ang kanyang katawan ay makikita mo pa rin ang kanyang ka gwapuhan. Natuwa naman ako nang malaman kong isa na pala siyang sikat na model ngayon sa bansa at maging sa ibang bansa.

Nakikinig lamang ako sa kuwento niya habang iniinom ang kape na nasa mesa ko. "Ikaw? Kamusta ka naman? Ano na ang balita sa'yo?" tanong niya sa akin.

Napatahimik naman ako saglit at nag-salita. "Well, I am married," sagot ko. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata nito nang marinig iyon. "But, not that romantically married. Napilitan lang para isalba ang kompanya ni grandpa, you know, I really owe him a lot," dagdag ko pa.

"I see. So, who's the lucky guy you married?" tanong niya sa akin and gave me a bitter smile.

"A CEO of course, pero hindi naman siya ganoon kasama. Actually, kamakailan lang kaming naging magkaibigan due to a personal reason," sagot ko at humigop muli ng kape. "Anyway, how did you know my private email? and my number? Iilang tao lang ang nakaka alam n'on at madalas ay ginagamit ko iyon sa trabaho ko," muli kong sambit.

Nahihiya muna siyang tumawa at nag-salita. "Well, I just know it accidentally," sagot niya sa katanungan ko. Malabo namang makuha niya iyon ng aksidente lang, siguro ay may inutusan siya para makuha ang private email at number ko. I just shrugged my shoulders at inubos na ang kape sa mesa ko.

"Nga pala, gusto mo bang maglakad lakad muna? Gusto ko lang sulitin ang araw na ito dahil bukas start na naman ng trabaho ko," tanong niya sa akin. I nod my head and speaks.

"Yes, sure. Maaga pa naman," sagot ko at sabay na kaming tumayong dalawa. Naglakad na kami papalabas ng cafe at bago pa man ako lumabas ay pina una na niya ako.

Nang makalabas kami ay nag decide kaming mag street walk malapit sa area namin at ganoon pa rin, tamang kwentuhan lang tungkol sa past namin. About noong mga bata pa kami, kung gaano kakulit si Xyen noon at madalas na nakikipag away sa mga batang umaaway sa amin. Tumatawa nalang kami kapag naaalala iyon.

"Pero, hindi ako makapaniwala na kasal ka na pala," biglaang saad niya dahilan para mapatingin ako sa gawi niya.

"Well, ako man din nung una. Hindi ko nga alam kung mabibigyan pa ba ako ng pagkakataon na ma inlove sa isang tao, I mean, you know romantically inlove. Since sapilitan lang naman ang aming kasal, parehas kaming hindi namin gusto ang isa't isa," sambit ko habang tahimik lang na nakikinig si Jeno.

"Love will always guide you para mapunta ka sa taong pinapangarap mo. Hindi naman natin alam ang ating kapalaran, maaaring may magbago maaaring ganoon pa rin ang estado. But, the most important thing is live your life to the fullest," biglaang sambit niya dahilan para mapangiti ako.

Kinurot ko naman bigla ang pisnge nito kaya napa aray siya bigla. "Ang dami mo nang alam ngayon ah, ikaw ba 'yan Jeno?" sambit ko habang patuloy na kinukurot ang kanyang mga pisnge. Tinititigan niya lang ang aking mga mata dahilan para mapatitig din ako sa kanya.

Nagtagal ang pagtitig naming dalawa ng tatlumpong segundo habang hawak hawak ko ang kanyang mga pisnge at hawak niya rin ang aking mga kamay. Bigla naman siyang umiwas ng tingin at kitang-kita ko na namumula ang mga pisnge nito. Nakaramdam ako bigla ng hiya, hindi ko ata dapat ginagawa 'to dahil parehas na kaming matatanda at hindi na mga bata. Pasensiya na, nasanay lang talaga ako.

"S-sorry," sambit ko at napakamot nalang sa aking ulo. Ganoon pa rin si Jeno, nakaiwas pa rin ang tingin niya habang namumula ang kanyang mga pisnge. Tinago niya ito gamit ang kanyang mga kamay pero halata pa rin. "S-siguro maglakad nalang tayo pauwi, ano? Malapit na rin kasing mag alas onse," sambit ko muli at sumang ayon naman siya.

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa cafe kung saan naka parke ang aking sasakyan. Buti nalang ayos lang na iparke ang aking sasakyan sa harap nila kahit naka alis na kami sa kanila, binayaran din kasi ni Jeno kanina.

"Kung gan'on, sa susunod muli, Haze," biglang sambit ni Jeno kasabay nang pagsabi niya sa nickname ko. Tumingin din siya sa akin habang nakangiti.

Ngumiti lang din ako at sumagot. "Sure, just call me." Dahan-dahan na akong sumakay sa sasakyan ko at nakita ko naman siyang nakatalikod na at naglalakad palayo. Ngunit, huminto siya saglit at tumingin sa akin para kumaway saka tuluyan nang umalis.

Agad naman akong napasandal sa sasakyan ko at bumuntong hininga. Ang awkward kanina, bakit ba bigla nalang siyang tumitig, hindi na ata siya sanay sa ginagawa ko dati. "Nakakahiya iyon, Hazel," bulong ko sa sarili ko.