Chapter 9: Babylove

Binuksan ko ang pintuan ko ng may kumatok.

Pagbukas ko halos maglaglag ang panga ko ng makita ang nasa pintuan ko.

Naka--topless na si Mr. Green Eyes.

Napangisi pa siya sa reaksiyon ko.

"R-rimo a-anong g-inagawa m-mo d-dito? A-at b-bakit k-ka n-nagpaparada ng a-abs este" shit napakagat labi ako. Nais kong katusan ang sarili dahil sa sinabi ko at kung ano ano pang lumalabas sa bibig ko.

Lalo siyang napangisi kaya ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Itinaas ko ang hawak na lunch box saka ngumiti "Nagluto ako ng Adobong manok. Kung maaring sabay na tayong mag dinner?" Shit ang gwapong ngumiti.

Napakurap ako bago napalunok at umiwas ng tingin. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at hinayaan siyang makapasok.

Kagat-labi ako ng sumunod sa kaniya hanggang makapunta sila sa kusina.

Kumuha siya ng dalawang plato at kutsara at tinidor bago inihain ang niluto niys. Buti nalang at nagsaing ako kanina.

Inayos niya ang hapunan nila. At nag-timpla rin siya ng kape bago ito umupo at tumingin saakin. Sinenyasan ako na maupo na. Na sinunod naman ko naman..

"Eat my Babylove." natigilan ako sa tinawag niya saakin.

Tumikhim ako. "Hindi naman babylove ang name ko. Huwag mo akong tawaging ganun." Sabi ko bago sinimulang kumain.

Hindi ko pinahalata na kinikilig ako sa tawag niya saakin. Ano bag trip mo pogi?

Napanguso lang siya.

Tumikhim ako. "Bakit ka na naman? nam-bubulabog? Atsaka bakit ka nakahubad? Pumunta ka dito ng ganyan? Hindi mo manlang naiisip na baka pag-piyestahan ka ng mga higad sa labas? " Tanong ko habang nakatingin sakaniya. Pilit kong itinatago ang inis sa boses ko. Nabwibwisit kasi akp.

Nag-angat siya ng tingin saakin saka ngumisi."Bakit mo natanong? Selos ka?"

Tinignan ko siya ng matalim. "At bakit naman ako magseselos aber? Hindi naman kita jowa? At Isa pa hindi kita gusto kahit pa may walo kang nakakaakit na abs" naiinis kong sabi sa kaniya.

Bahagya akong natigilan ng ma-rialize ko ang mga sinabi ko.

Napakagat-labi ako. Bakit ko sinabi iyon? Nakakahiya! Baka isipin talaga niya nagse-selos ako.

Napahalakhak siya saka napangsi at humawak pa sa pang ibabang labi niya at nanunuksong tumingin saakin.

Namula ako habang pilit na huwag tumingin dito at nagkunwaring naka-pukos sa pagkain.

Ramdam ko ang titig niya kaya naiilang akong sumubo. Baka pangit ko habang ngumunguya huhuhu.

Rimo chuckled. "Babylove hindi mo naman talaga kailangan mag-selos. Sayo lang naman ang mga pandesal ko" may bahid ng ngiti ang boses niya.

Tinignan ko siya ng masama. " Hindi ko kailangan niyan. At saka bakit ka ba nag-punta dito ng ganyan ha? Hindi ka man lang nagdamit! Paano kung lamigin ka aber?" Masungit na sabi ko at umirap.

Nginitan niya ako saka humigop ng kape habang nakatitig saakin. Anong tinitingin-tingin mo diyan pogi?.

"Don't worry too much babylove. I'll be fine. And besides, diyan lang ako sa kabilang apartment" Nakangising sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Ano raw?

"What?!"

Humalukipkip siya saka tumingin saakin. " Ang sabi ko kapitbahay mo po ako babylove" anito.

Nang-init ang ulo ko sa sinabi niya. Ano bag trip niya at kinuha pa ang apartment sa tabi ng apartment ko? Bwisit Edi araw araw itong mang-bubulabog saakin. Arrghh.

Nanlilisik ang nga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Aba pa-inosente pa ang lokong ito.

"At bakit mo naman inupahan ang apartment sa kabila ha? Para bulabugin ako araw araw! Hoy! Rimo ha! I'm being nice to you! But you take it too much! I'll saw you!" Inis na sabi ko.

Nakita itong namula at halatang nagpipigil na huwag matawa.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan ha!" Inis na sigaw ko dito.

"Pfft! Akala ko hindi ka na mag-sasalita ng language na pang-outer space. Hahaha mali pala ako. It's sue you not 'saw you' my dear babylove" natatawang anito.

Parang napahiya naman ako. Edi wow. Siya na magaling sa English. Hmp!

"Paki mo ba ha? Suntukan nalang oh" hamon niya rito. Aba! akala siguro nito u-urungan niya ito. No way high way.

Natawa ito saka inabot ang pisngi ko at nanggigigil na pinisil pisil. Pilit kong lumayo pero hindi niya pinakawalan ang pisngi ko.

"Ano ba! Bitaw nga! Masya! Aduwa!" Banta ko rito.

"Babylove hindi kita sasakatan ng ganun, Okay. Para ka kasing diyamante na ayaw kong mabasag. You are precious like a diamonds" seryosong Sabi nito.

Ane be nemen eyen kenekeleg ako hihihi.

"Well, kung masasaktan man kita sa isang bagay lang iyon" anito saka lumapit sa tenga ko at bumulong.

"Sa kama iyon. Because I love it rough baby" husky ang pagkakasabi nito.

Nanginit ang mukha ko sa sinabi niya kaya sinikmuraan ko siya .

"Ow! ang sakit babylove" daing niya habang hawak ang tiyan na sinuntok ko.

Naiinis akong tumayo saka nagmartsa paalis sa kusina.

"Babylove where are you going?" Tawa niya.

" Bahala ka diyan! Ang sweet na sana eh! Ang halay mo lang! Bwisit ka!" Inis na sigaw ko rito.

Napahalakhak siya at baka pa ako makalayo narinig ko ang huling sinabi nito na lalo kong ikinapula.

"Babylove naman eh! Alam ko namang may pagnanasa ka saakin! Come on, gawa na tayo ng baby para mapakasalan na kita! Maluwang naman siguro ang kwarto mo!" Sigaw nito mula sa kusina.

"G*go tigilan mo ko sa kahalayan mo! Linisin mo nayan at umalis kana. Baka hindi kita matansa at mapatay kita!" Namumula ng singhal ko rito yung alam kong maririnig niya..

Narinig kong tumawa lang ang siya.

Napasandal ako sa pinto ng kwarto ko.

Pinakiramdaman ko ang puso ko na walang humpay sa bilis ng pagtibok.

Napahawak aki sa sariling dibdib at napapikit.

O please tigilan mo na yan heart. Wag kang tumibok ng ganyan sa kanya. Hindi pa natin siya kilala. Pakiusap ko sa puso ko.

Alam ko na kapag hindi ito tumigil. Lalo pang u-usbong ang nararamdaman ko.

Baka mahulog na ako ng tuluyan o tuluyan na ba akong nahulog?

Rimo Alejares ano bang ginagawa mo at ganito ang nararamdaman ko pag nakikita kita? Para ako nasa ulap habang nandiyan ka at para naman akong pusa na bahag ang buntot na malaman kung ano ba ako sayo. At para akong nasa impiyerno sa isiping aalis ka at iiwan ako.

At natatakot ako na baka Mahal na kita.