Chapter 10: Kiss
Palabas na ako sa inuupahan kong apartment. Napatigil ako sa pag-hakbang paalis ng makita kong nakasandal si Rimo sa pader habang nakapa-mulsa.
Nakasuot ito ng Plain white shirt at black pants at leather jacket with White rubber shoes.
Nakahalukipkip ito pero ng makita ako biglang nagliwanag ang mukha nito at ngumiti. Dahilan para lumabas ang mga mapuputi nitong ngipin.
""Babylove, papasok ka na ba sa work?" nakangiting tanong nito.
Umirap ako para itago ang kilig na nararamdaman.
"Paki mo!" singhal ko bago nagumpisa maglakad.
Naramdaman kong sumunod ito saakin. "Ahm, kasi po walang pasok ngayon" anito na nagpatigil saakin.
Gulat aking humarap dito. "Ano?!".
Ngumisi ito saka inangat ang kamay para itabi ang ilang nagkalat na buhok sa mukha ko at inalagay sa gilid ng tenga ko.
"Ang sabi ko wala tayong pasok ngayon. Kasi ipinasara ang buong mall para ipaayos at ipa renovate"
"Pero wala naman akong natanggap na mensahe galing sa bisor natin" takang tanong ko.
Natawa ito . "Nakapost ang announcement sa page ng buong mall." sabi niya.
"Page? Parang hindi ko alam yun ah." napaisip ako. Meron palang ganun. Kaya pala pagwalang pasok ay hindi niya alam.
"Oo hahaha hindi mo yun alam Noh!" Natatawang turan niya bago pinisil ang kaliwa kong pisngi.
"Ewan ko sayo. Che!!"
"Sungit naman! Halika ipapasyal nalang? kita." yaya niya.
" Ayoko ko nga!" Akmang papasok na ako sa apartment ko pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa elevator.
"Pero gusto ko! At lahat ng gusto ko nakukuha ko. At ikaw gusto kita kaya akin ka na."
Hindi ko alam kung seryoso ba ito dahil hindi ko makita ang mukha niya dahil nasa likod siya saakin.
"Heh!"
Natawa lang siya saka inalalayan akong makasakay sa kotse niya.
Nang makasakay ito sa kotse ay pinaandar na nito ang sasakyan.
"Saan ba tayo pupunta ha Maysa?"
Sinulyapan niya ako bago ibinalik ang
mga berde mata nito sa daan .
"Basta, I'm sure you will love me after this" pilyong turan niya.
Napairap ako. Mahal na nga yata kita eh.
"Puro ka kalokohan." Sabi ko.
Napasandal ako sa upuan saka ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang antok ko dahil medyo kulang pa ako sa tulog dahil sa kakaisip sa gwapong lalaking katabi ko.
Pero bago ako tuluyang lamunin ng dilim narinig ko ang isang tinig na nagsabing
"Te Amo Mi amore."
-
NAALIMPUNGATAN ako sa isang malambing na boses.
"Baby, wake up were here"
Iminulat ko ang mga mata ko. Sumalubong saakin ang mga mata na kasing luntian ng isang masaganang bukirin.
"Hey, nandito na tayo" muli pa niyang sabi kaya napaayos ako ng upon at tumingin sa labas.
Nasa tabi dagat sila at madilim na rin. Nakikita ki ang mga nagkikislapang mga bitwin
Lumingon ako sa kaniya na salubong ang kilay."Nasaan tayo? At bakit gabi na? Ang layo naman natin. At bakit hindi mo ko ginising kanina? Hindi mo man lang ako pinakain!" Sermon ko rito.
Napakamot ito ng ulo. Putek ang gwapo.
Tumikhim siya? "Eh kasi .... Sorry medyo masarap ang tulog mo kanina eh kaya di na kita ginising. At nasa Pangasinan tayo at para di kana magalit may binili akong? natin. Maglalatag lang ako ng picnic blanket and then we will eat. Okay?"?
Napakurap kurap ako. Bakit ang lambing ng boses niya? Shit! Ang gwapo. Ilang beses ko na bang nasabi iyon?
Umiwas ako ng tingin saka tumingin sa labas. "Ano pang ginagawa mo diyan? Mag ayos ka na nagugutom na ako." pag susungit ko.
Rimo chuckled. "Masusunod aking reyna."
Lumalabas ito ng sasakyan at nag set up ang nga pagkain.
Nang matapos siya. Sinenyasan siya saakin na bumaba sa sasakyan at lumapit. Kaya yun ang ginawa ko
Pagkababa ko. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong saakin.
Napakasarap nito.
At ng tumingin ako sa mga mata ng bintang nakatitig saakin parang biglang tumigil ang oras. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Parang may paru parung nagliliparan sa loob ng tiyan ko.
At para akonh nakalutang sa alapaap habang naglalakad papalapit sa lalaking nagpaparamdam saakin ang kakaibang pakiramdam.
Kakaibang saya, takot , lungkot at ang pakiramdam na kahit anong pigil ko ay hindi ko parin mapigilan..... Pagmamahal.
"Come here babylove." ani Rimo at tinapik ang picnic blanket na inilatag niya.
Binasa ko ang pang ibabang labi ko bago lumapit sa binata.
Pagkalapit ko timingin lang ako sa mga mata niya. Napakagada talaga.
Bumaba ang paningin ko sa kamay niya na marahang hinawakan ang kanyang kamay at hinila ng bahagya para paupuin ako.
Ginamit niya ang kanang kamay para itinabi ang naglaglag na hibla ng buhok patungo sa likod ng tenga ko.
Ngumisi ito. Napalunok ako ng mapansing nakatitig din siya sa mga labi ko. Nagangat ito ng tingin sa mga mata ki at ibinalik ulit pabalik sa labi ko.
Ngunit hindi ki inasahan ang mabilis na paghalik niyq sa mga malambot na mga labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko at napahawak ako sa matitigas niyang balikat.
Sinubukan ko siyang itula. Ngunit humapit sa maliit konh beywang ang mga braso niya at hinapit pa ako ng sobrang higpit.
Napakalambot ng mga labi niya. Napakasarap sa pakiramdam.
Maiinit, napakananabik, nakakapangilabot at napakapusok.
Napapikit nalang aki at iniligay ang sariling braso sa mga leeg niya.
Nakipagpalitan ako ng matamis na halik sa kaniya.
Bahagya pa niyang kinagat ang pang ibabang labi ko, kasunod ng pagpasok ng dila nito sa bibig ko. Nilibot ng dila niya ang bibig ko tapos kakagatin ulit ang pang ibabang labi ko. Na nagpapaungol saakin.
Nagpadala nalang ako sa bugso ng damdamin. Ang alam ko lang . Hinahalikan ako ng lalaking nagpapahulog saakin .
Basta ang nasa isip ko nalang nasa bisig niya ako.
Nakalimutan ko ang iniisip ko tungkol dito. Basta tinutugon ko ang masasarap na pagkagat at pagsisip sa labi ko.
At ng maubusan sila ng hininga doon lamang sila bumitaw para kumuha ng hangin.
Doon lang din ako nakabalik sa huwisyo. Namula ako ng makitang may kakaibang ngiti sa nga labi ng binata.
Namumula akong umiwas ng tingin. "Huwag kang tumingin ng ganyan" suway ko habang nakatingin sa dagat.
Rimo just laughed. Sexy.
Hinawakan niya ang mukha ko.
May sinasabi ang mga ito ngunit hindi ko matukoy.
Humahaplos ang mga daliri niya sa mukha ko.
"Hindi mo lang alam ngunit napasaya mo ako ngayon gabi. Thank you Ayeshana. I promise I won't let you go." seryosong turan niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako at napakagat labi.
"Ano bang pinagsasabi mo Rimo?" Kinakabahan ako.
Ngumisi ito. " You are mine now. Saakin kana kasi nahalikan na kita. Wala ka ng takas. Kaya 'wag ka ng magbalak." Nakangising anito.
Napakagat labi ako bago binasa ang sariling labi.
Tinitigan ko siya sa mga mata.
"Rimo, ano bang pinupunto mo?" Tanong ko.
Ngiti at iling lang ang isinagot niya. Kaya napasimangot ako. Ang labo naman.
Napahalakhak ito sa pagsimangot ko.
"Kain ka na, gutom ka diba?" Natatawang wika niya saka hinila ako ng kaunti at saka hinalikan sa nuo.
Nagulat man pinatili ko ang pag simangot para itago ang tunay kong nararamdaman.
Hindi muna ako aaminin hanggat hindi ko alam kung may katugon ba ang pagmamahal ko para sa binata.
Oo mahal ko siya. At hindi ko alam kung paano?
Basta! Love na love pa nga as in!