Chapter 8: McDo

"Namimiss narin kita bruha!" Napangiti ako sa sinabi ng best friend ko.

"Miss na rin kita Miva Kailan ka ba babalik dito?" naka-ngusong tanong ko habang kausap siya sa Skype.

"Bruha kararating kulang dito. Pinapauwi mo na agad ako. At isa pa may gwapong hot boy dito. Gusto ko nga sanang malaman name ang Kaso ang sungit parang palaging may dalaw!" Reklamo niya na ikatawa ko naman.

"Sobrang gwapo ba?" Tanong ko saka sumubo ng piatos na kinakain ko.

Halos matawa ako ng makita ang itsura niya. Halata kasing ini-imagine nito ang itsura ng lalaking tinutukoy nito. Mukha tuloy itong pervert woman. Jusme.

"Oo as in hot na hot na hot pa sa Hotdog" sabi niya habang kinikilig.

Napailing nalang ako. Hindi naman hot ang Hotdog ah. Maliban na lang kung bagong prito.

"Ede wow nalang". Boring nasabi ko.

Napairap siya. "Oh kamusta ka naman diyan?"

Napanguso ako "Ito magulo ang buhay dahil sa lalaking muntik na akong masagasan noong nakaraang buwan" .

Nanlaki ang mga mata niya. "Nagkita ulit kayo? OMG! Ang pagkaka-alala ko ang sabi gwapo yun. Kaso mayabang at antipatiko. Uyy ikaw ha luma -love life? ka na ha" tukso ng kaibigan.

Umirap nalang ako. Oo at gwapo ito pero nakakanis naman dahil palagi nalang ako nitong pinagtri-tripan.

"Haynaku, Miva kahit sino wag lang si Rimo. Nakakabwisit ang lalaking yun. Ang sarap halika--este sapakin" napakagat labi ako ng tumawa siya.

Huli ako.

"Asus! Crush mo Noh?" Tukso niya.

Napasimangot ako. "Ewan ko sayo! Sige na bye bye!"sabi ko saka isinara ang laptop. Buti nalang at may iilan akong naipundar na gamit habang nag tra-trabaho ako. Hashtag sikap pa more .

Napabuntong-hininga a ko saka pabagsak na nahiga sa kama ko. Hindi ito kasing lambot ng kama sa resort na pinutahan nila ni Rimo. Ang sarap kasi ng kamang yun. Inuwi ko na lang sana.

Ilang beses pa akong Napabuntong hininga bago napasiyang matulog na.

Laman ng isip ko ay si Rimo.

Parang sobrang dami nitong itinatago sa kabila ng mga mata nito. Parang may iba na hindi ko mawari. Ang pagsasabi na walang pera at kailangan nito ng trabaho. Eh kaya nga nitong magpabook ng room sa isang maganda resort.

At natatakot ako dahil inaamin kong nagdududa na ako dito. Nakikipag-kaibigan ba ito sa kanya? O may iba pa itong balak? Kasi sa kabila ng masiyahin at positive kpng pagiisip hindi naman ako tanga. Para hindi ko maisip ang mga posibilidad. Para saakin nakakatakot ang magtiwala kasi once na magtiwala ka sa isang tao parang binigyan mo ang ang tao na yun ng karapatan para saktan ka.

Alam kong mayaman siya. At pabago-bago ang mood. Nagtataasan ang mga balahibo ko pag seryoso siya at kapag malamig ang mga mata.

Gulong gulo ako. Bakit ba ito sumulpot sa buhay ko? At bakit parang natatakot akong malaman kung sino ang totoong Rimo sa likod ng mapangasar at palangiting Rimo Alejares.

Inalog ko ang ulo ko. Bakit ko ba siya iniisip? Ilang linggo palang kaming magkakilala impossible naman na may gusto na ako sa kaniya.

O impossible nga ba?

.

Nababaliw na ako.

Pagkapasok ko palang sa trabaho. Unang una kong natanaw ang lalaking gumugulo sa isip ko.

Walang emosyon ang mababakas sa mukha niya.

Bagay na bagay niya ang uniform nila. Blue T-shirt na may tatak na logo ng buong mall. Black pants at White rubber shoes. Para itong modelo. Talo pa modelo. Kahit ano siguro suot niya. Artistahin parin.

Sa sobrang gwapo nakakabwisit na.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng lumingon siya at nagtama ang mga mata nila.

Ngumisi siya saka kumindat. Bago ibinalik ang tingin sa ginagawa.

Napahawak ako sa dibdib ko. Oh please heart wag siya. Hindi ko alam pero parang ayokong magtiwala sakanya ng lubos. May agam agam ako.

Baka masaktan lang ako.

Ipinilig ko ang ulo ko. At senermunan ang sarili. Ano ba naman kasi ang iniisip ko. Baka gustong lang ng binata na maging kaibigan ako. Para tuloy ako talaga ang may gusto dito. Sino bang hindi?

Napabuntong-hininga ako at inayos ang sarili bago mag umpisang magtrabaho.

"Ah miss may size thirty-five ba nito?" Tanong ng isang babae na customer nila.

Ngumiti ako dito saka tumango. "Yes ma'am" magalang na sabi ko.

"Ahm, can I get one? I really like this sandals"sabi nito

Nakangiting tumago ako at magalang na nagsalita.. "Sandali lang po ma'am at kukunin ko."

"Okay thanks."nakangiting pasalamat naman ng babae.

Naglakad ako papuntang stock room at kinuha ang kailangan ko. Pagkatapos ay ibinigay ko ito sa babae na nagpasalamat saakin.

Ngumiti lang ako at akmang maglalakad para tumulong sa mga namimili na makita ang hinahanap ng mga ito

Ang kaso pagharap ko may nabangga ako sa isang matigas na bagay. Nang tignan ko ito. Naningkit ang mga mata ko.

"Ano ba! Bakit harang harang ka"inis singhal ko rito. Pero ngumisi lang ang mokong. Aba!.

"Lika lunch na tayo. lunch time na" natigilan ako sa sinabi niya.

Tinignan ko ang relo ko. 11:31 na pala. Nanlaki ang nga mata ko. Lunch na nga.

Nag angat ako ng marinig ko siyang tumatawa.

"You forgot?" Asar niya

Napasimangot ako. "paki mo?".

Umiling iling siya at saka kinuha ang kamay ko.

"Lika na nga. At ng makakain kana. Mainit na naman ang ulo ng Babylove ko" natatawang sabi niya habang hila hila ako.

Nagpahila na lang ako hanggang huminto sila sa harap ng isang mamahaling kainan. Akmang papasok na ito ng hilain ko siya.

Kunot-njo niya akonh hinarap. Nagtataka kung bakit hinila ko si ya para hindi pumasok.

"Why? Something wrong?" Takang tanong niya.

Umiling ako saka itinuro ang McDo.

"Doon ang gusto ko. Hindi rin mahal" sabi ko.

Napakamot siya ng batok para bang hindi ako maintindihan kung bakit mas gusto ko sa mura kesa sa mahal. Aba masyadong magastos.

"Okay, let's go" sabi niya saka tinahak nila ang papuntang McDo.

Nang makapasok sila. Agad silang pinagtinginan. O mas sabihin kong yung kasama ko

Maraming kababaihan ang napalingon at napapalingon dito. At hindi ko malaman ang dahilan kung bakit bigla akong nairita at nainis.

Umupo ako sa napili niyang umupuan. Nakita kong pumunta siya sa counter at um-order.

Nakita ko pang nagpap-cute pa ang babaeng nasa counter. Higad, hmp!.

Pero napangiti naman ako ng hindi siya pinansin ng binata ang pagpapa-cute nito. Seryoso ang mukha niya at parang nawi-wierduhan pa sa babae.

Pagkatapos nitong makuha ang order ay naglakad na ito papunta sa gawi ko. At ng makita niya ako na nakatingin ay ngumisi siya at kinindatan pa ako. Ang landi naman ni pogi.

"Here" wika niya saka inilipag sa harap ko ang pagkain.

"Salamat" sabi ko saka tipid na ngumiti.

"Your welcome. Basta ikaw Ayeshana." sabi niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko pero hindiko pinahalata na naapektuhan ako sa sinabi niya.

Napatingin ako sa kaniya. Kumakain na siya ng spaghetti.

Kahit ang paraan niya ng pagkain ay napaka-gwapo. Para itong prince sa mga pinikula..

Medyo hindi ako sanay na ganito siya. Parang hindi siya yung dating antipatiko at mayabang na muntik ng makabangga saakin.

Habang tumatagal ang panahon. Parang nakikilala ko na siya. At parang may umuusbong sa dibdib ko na dapat ay hindi ko maramdaman para dito.

Hindi ko pa siya lubusang kilala. Pero parang walang pakialam ang puso ko. Na patuloy paring tumitibok ng sobrang bilis.

Sana naman ay tama ang puso ko sa magiging desisyon nito.