Chapter 7: Date to ?
Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong humahaplos sa mukha ko.
Pagmulat ko agad kong nakita si Rimo. Matiim na nakatingin saakin.
Anong problema nito?
Kunot noo akong nagtanong. "May problem ka ba?" Tanong ko.
Umiling siya at tipid na ngumiti. "Nothing, Hindi ko lang alam kung hanggang anong oras kita titigan, kasi ang tulog mantika mo" .
Agad na sumama ang mukha ko. At sinapak siya sa braso. Hehehe libreng chansing narin.
"Sira ka talaga, wag mong sirain ang mood ko" naka-ngusong sabi ko bago tumayo sa Queen size bed. Tumingin ako sa labas. Gabi na pala.
Nilingon ko siya . "Hindi pa ba tayo aalis?"
Bumangon siya saka ngumisi. Ano na namang ngini-ngisi ngisi mo diyan pogi?
"Oh bakit" mataray na sabi ko habang nakacross arm pa.
"Magdi-diner muna tayo bago mag stroll
ulit" sabi niya tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Maligo ka muna tapos kakain tayo. May damit na sa banyo binili ko para sayo"
Hindi na ko siya sinagot bagkus agad na akong nagtungo sa banyo.
After ilang minutes. Natapos na ako na maligo. Lumabas qko sa banyo. Suot ang isang pink T-shirt na may heart sa gitna at isang maong pants na pinaresan ng rubber shoes. Oh taray teenager lang ang peg.
Pagkalabas ko naabutan ko siyang nagsusuot palang ng damit.
Kaya halos maglaglag ang panga ko. Six pack abs. Hot V line, matipunong mga balikat bakat na bakat ang muscle nito na medyo basa pa dahil galing sa ligo at isang tatoo na nakakadagdag sa karisma nito. Isa itong korona ng Hari na napapalibutan ng apoy at may symbol na parang numero pero parang number pa nung unang panahon. At sa baba nito naka ukit na DK. In short Hot and gorgeous Greek God. Yum
Wow ang gandang tatoo naman niya.
Nagising ako sa pagkamangha sa tatoo niya ng tumikhim siya.
Nakita ko ang pilyong ngiti niya. Akmang magsasalita na siya ng unahan ko na.
"Hep. hep. huwag mo ng subukang tuksuhin ako baka masapak lang kita" babala ko pero tumawa lang siya.
Pansin ko panay palaging niya akong pinagtatawanan mukha na ba 'kong clown? Ang Ganda ko namang clown tsk.
Lumapit siya saakin saka hinawakan ang kamay ko at iginaya niya ako palabas.
"Kain muna tayo tapos manood muna tayo ng sine" sabi nito . Nagtataka akong tumingin sa kaniya..
Sine?
"Bakit tayo manonood ng sine? Eh diba nag movie marathon na tayo kanina?" Taka kong tanong. Hindi pa ba sila umuwi?
Natigilan siya ng bahagya. "Eh diba sa date niyaya ng lalaki ang babae para manood ng sine?" Inosenteng tanong niya. Date?
Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang mga labi sa gulat.
"Date to?" Gulat na bulalas ko.
Nagsalubonga ng mga engradeng mga niyang kilay. "Yes, Ano sa tingin mo ang ginagawa natin?" Ang sungit.
"Akala ko namamasyal lang tayo eh. Malay ko bang crush mo ko at gusto mong makipagdate saakin." tukso ko rito. Kahit na ang totoo parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa sinabi niya..
He rolled his eyes. "What a boastful woman." sarkistikong sabi niya saka pinindot ang button para sa ground floor.
"Hahaha hindi kita masisi maganda naman talaga ako." confident na sabi ko sabay hair flip.
"Ayeshana, gutom lang yan." pambabara niya.
Napairap nalang naman ako. "Hmp!". Hindi pa kasi umamin.
Rimo chuckled and then he step closer to her. And he put his arm to her shoulder.
Sinubukan kong tanggalin. Kaso mahigpit.
"Namumuro ka na talagang ha! Paakbay-akbay nalang eh no!. FC lang!"
Natawa ito saka bumulong sa tenga kom
"Just let me, Ayeshana. Your are mine after all." bulong niya.
Kinalibutan ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Parang biglang lumamig ang simoy ng hangin. Parang sigurado ito sa mga sinasabi nito.
Bumilis rin ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sa kaba o sa iba pang dahilan. Na hindi ko naman alam.
Dahan dahan akong nag angat ng tingin sakaniya. Pero nawala lahat ng takot ko ng makita ko siyang pulang pula at nagpipigil ng tawa.
Sumama ang mukha ko at hinampas siya. "Gago! Palagi mo nalang akong pinagtritripan. Bwisit!" Inis na inis na ako.
Pero siya tawa lang tawa. Take note nakawak pa sa tiyan.
Hmp! Mautot ka sana at mawalan ng hininga. Kainis!
Tulad ng sinabi ng binata nag dinner sila sa isang restaurant. Mas maganda nga lang ito kesa nuong nakaraan. Mas elegant at modern. Napaka romantic ng ambiance.
Kaya hindi na ako naniniwalang wala itong pera at kailangan ng trabaho.
Ang tanong anong ginagawa ng isang gwapong lalaki kasama ko? At bakit ako ang ginugulo niya?
At ang isa pang tanong sino ba talaga siya?
Hindi ko napansin na nakatitig na ako dito kaya ng tumingin ako deretso sa mga mata niya. Agad ako ng umiwas.
Hay Ayeshana halatang halata ka bruha. Kastigo ko sa sarili.
"Eat Ayeshana" utos niya. "Tell me if you need anything."
Tipid lang akong ngumiti.
Nakakahiya lalo na ng ngumisi siya. Alam niyang nahuli siya nitong nakatitig ako kanina.
Ramdam akong namumula na ako. Siguro mukha na akong kamatis.
"You are really beautiful Ayeshana. The first time I saw you. I admit that you are look like an angel." Seryosong sabi niya.
Napatitig ako sa kaniya at napalunok ako. "Salamat" woah ang init naman.
"Ibang iba ka sa kanila. You are really innocent and funny. At hindi mo talaga ako kilala. Hindi ka natatakot saakin. Kaya interesado ako sayo." sabi pa niya.
Napatingin ako sa mga mata niya. Medyo nakaramdam ako ng kunting pag kailang sa paraan ng pagtitig nito.
Napaka hot kasi. Ang landi ko.
Ilang minuto ang titigan nila. Bago siya unti unting ngumisi.
Ngisi pa more.
"I really like you. Damn I think mas malalim pa doon. Napapalabas at napaparamdam mo saakin ang hindi ko akalaing mararamdaman ko. Binibini." matiim na sabi niya.
Ano daw?