Chapter 6: Movie Marathon
"Wohhhoooo!" Masayang sigaw ko habang nakayakap sa beywang ni Rimo.
Tulad ng napagusapan nila. Nag-stroll sila. Tinatahak nila ang daan papuntang bagio. Napaka-presko ng hangin.
"Hold tight ! Dammit baka mahulog ka Ayeshana!" Singhal niya.
Natawa lang a ko saka niyakap siya ng mahigit. Impernes ang tigas ng tiyan.
"Ang OA mo naman. Hindi ako mahuhulog no." natatawang sabi ko.
"Ah basta humawak kang mabuti." masungit na sabi niya at natawa na lang ako.
"Bilisan mo pa" utos ko sa kaniya.
Napa-tsk lang siya pero sumunod naman sa sinabi ko.
Hahaha ang saya naman palang kasama ng damuhong 'to paminsan.
Ilang minuto pa silang nag-scroll ng huminto sila sa isang resort.
Ipinarada niya ang motor saka inalalayan akong bumaba.
"Anong gagawin natin dito?" Takang taong ko.
"Dito muna tayo hanggang mamayang hapon tapos gabi ulit tayo magi-stroll" paliwanag niya saka sinenyasan ang isang staff para ayusin ang motor nito. Aba taray.
"Let's go" anito saka hinawakan ang kamay ko.
Pilit kong kinuha ang kamay ko pero humigpit lang ang hawak niya.
Tinignan ko siya. "Kailangan ba naka-holdings hands pa tayo? Hindi naman kita jowa eh" sabi ko saka sinubukan kunin ulit ang kamay.
"Tsk kahit na hindi mo ko jowa dapat parin kitang bakuran" nakaismid na sabi niya.
Ano raw bakuran?
Hinampas ko siya sa braso. Hmm ang tigas ha.
"Mukha ba akong baboy para lagyan mo ng bakod ha?" Naningkit na bulyaw ko rito.
Kumunot ang nuo niya bago unti unting tumawa.
Hinampas ko ulit siya. Anong nakakatawa?
"Ouch, Hahaha hindi ka mukhang baboy ang sexy mo kaya. Pwede kana sa kama ko" pilyong pang ngumisi siya
Akmang susuntukin ko ito nang may lumapit sa kanilang staff at ituturo daw nito kung saan ang room na ipina-reserve niya.
Iginaya sila sa isang kwarto. Nang buksan na ito. Napanganga ako sa nakita. Para itong apartment pero kwarto ang una mong masisilayan. Nandoon sa gitna ang queen size bed ba kulay violet parang para sa isang reyna ang Tema ng buong silid.
"Wow" manhang naibulalas ko saka iniwan si Primo sa pinto na kausap ang staff. Naglakad ako papuntang sa isang pinto pagbukas ko ito nakita ko ang sala may 75 inch na TV kaharap ang isang sofa at mesa may bookshelf din sa bandang kanan. May Veranda sa kaliwa.
May dalawang pinto. Nang buksan niya ang isang nakita niyang ito ang kitchen completo sa gamit. Modern ang itsura. Nang tignan ko naman ang Isa pang pinto. Nakita ko naman ang banyo. Napakalaking banyo. One Eight lang yata ng banyo ko eh. Wala pa nga yata. Manghang mangha ako dahil ngayon lang ako baka ng ganito at ngayon lang kasi ako nakakita ng totonng bathtub na napakalaki. Nakita ko ring may shower. Parang gusto kong maligo dito. Ang kaso wala na akong damit. Sayang naman.
"Ehem" Gulat ako at tumingin kay Rimo na nakasandal sa hamba ng pinto, nakapamulsa pa siya.
Napahawak pa tuloy ako sa dibdib ko dahil sa gulat. " Ano ka ba! Papatayin mo ba ko?" Inis na sabi ko.
Ngumisi siya. Ayan nanaman po siya ngingisi nalang pag may kasalanan.
"Ano!" Sigaw niya.
"Nagustuhan mo ba dito?" Tanong nito.
Umirap ako ." Oo, ang Ganda eh" sabi ko saka inilibot ang tingin sa banyo tapos ibinalik ulit dito. "Paano mo naaford magbook ng ganito? Sabi mo hindi ka mayaman kaya ka nagapply sa pinapasukan ko? Sabi na nga ba eh trip trip lang ang sadya mo doon eh. Tsk!" Sabi ko.
Nagkibit- balikat ito. "Huwag ng maraming tanong Ayeshana. Mabuti punta tayo sa Sala at manood may mga pwede daw tayong hiraming CD. Manood tayo." anito
Napanguso nalang ako. Ayaw nitong sabihin. Akala ko pa naman close na sila, na magkaibigan na.
"Iniiba mo ang usapan eh." reklamo ko.
Natawa siya saka lumapit at pinisil ang tungki ng ilong ko.
"Wala ng maraming tanong binibini." wika nito tapos inakbayan niya ako at hinila papuntang sala.
Nang makaupo sila bigla akong natakam sa nakita sa may harap ko. Ang lamesa kasi puno ng pagkain. Pizza, Fries, Chicken Joy at hamburger at may Kape pa na galing ulit sa Starbucks.
"Ipinadiliver ko yan kanina habang naglilibot ka. You need to eat. Para tumaba ka naman." sabi niya na parang nangaasar pa habang inaayos ang papanoorin nila.
Tinignan ko ito ng masama. Hind niya alam kung nagaalala ito o nang iinsulto. Bwisit.
"Sexy ako no." irap ko.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko ang isang kamay niya nakasandal sa sofa. So parang akbay niya ako pero hindi nakadikit sa balikat ko sa sandalan lang ng sofa.
Kinuha niya ang remote sa i-play yung TV.
"Sinong nagsabi na sexy ka?" Pang aasar niya.
Tinignan ko siya ng matalim " Ikaw"
"Ako? Parang wala naman akong maalalang sinabi ko yun." pang iinis niya. Arrghh kung hindi lang ito gwapo sinapak ko na 'to.
"Sinabi mo kaya. Ang sabi mo pa nga pwede na ako sa kama mo."
Ngumisi siya.. "Sige nga patunayan mo kung sexy ka." pilyong sabi niya.
Tinapunan ko siya ng pinaka matalim na tingin na maaari kong maibigay.
"Tigilan mo ako Rimo. Mabait ako at masiyahin pero ayaw mo akong makaaway. Puputulin ko lahat ng pwedeng putulin sayo." masungit na sabi ko rito.
Tumawa lang siya. "Gusto kong makita kung Paano ka magalit. I bet you look hot and sexy if you're mad." nakakalokong saad niya.
Pinaikutan ko siya ng mata. "Tigilan mo ko at manood ka nalang." pagtataray ko. Pagkatapos tumingin sa TV at nakunwaring nanunood kahit na ang totoo medyo natatakot ako sa aura ni Rimo ngayon.
Nakakatakot ang kapogian ng tukmol na to. Pinipilit ko na lang na awayin niya ako kasi gusto kong medyo mabawasan ang mga iniisip ko tungkol sa kaniya.
Masyado siyang hot sa suot niya na Black shirt na pinaresan ng ripped jeans at nakasapatos ng Branded na Sapatos.
Bagay din dito ang messy hair nito na kagagaling sa pagmamaneho. Hindi kasi ito naghelmet. Ako lang ang pinaghelmet niya. Mabigat daw kasi sa ulo. Ang Arte kasi.
Ipinukos ko ang sarili sa pinapanood nila. Baka marape ko pa ito. Hehehe pero joke lang yun. Dalagang pilipina ako no.
Hmmm teka ang sarap naman ng Chicken Joy na to.
Yum, yum katulad ng katabi ko yummy, yum.