CHAPTER 11 Truth
Ayaaaaaaaa!!!!! I miss youuuuuu Beshyyyy!!" Napaikot mata nalang ako ng marining ko ang nakaririnding tili ng best friend ko.
Napapikit nalang ako ng makalapit siya sa upuan na pina-reserve ko. Nakakahiya talaga nakatingin halos lahat ng tao sa loob ng Macdo.
Ngumiti ito ng malapad ng makaupo ito.
"Beshy namiss kita! Anong ganap sa buhay mo? Virgin ka pa ba?" Nakakalokong tanong niya.
Kaya pinagdilatan ko ito ng mata at umirap. Ang bastos!
"Mivanna Angeles ang bastos mo!" Suway ko rito.
Ngumisi ang bruha. "Ang bagal naman pala ng ni Rimo mo." Nanunukso ang tinig niya.
Kumunot ang nuo ko. "At bakit nasama dito ang lalaking yun?" Napairap ako.
Naiinis ako rito. Mahigit isang buwan na itong hindi nagpapakita.
Minsan lang ito magtext. At pag nag-text naman. Sasabihin lang nitong wag siyang lalapit sa mga barako. Baliw yata yun.
Tapos hindi man lang tumawag.
Ni hi Ni ho wala.
"Eh dapat lang pumasok siya usapan natin Noh! Haler, lalaki Mo yun eh."
Nalukot ang mukha ko. Lalaki ko?
"Hindi ko siya lalaki no! Wala akong paki sa kanya! Isang buwan na siyang Hindi nagpaparamdam! Pagkatapos niyang guluhin ang buhay at utak ko pati na ang puso ko. Hindi na nagpakita!" Naiinis na sabi ko.
Hindi ko napigilang malungkot at mapaluha.
Ang sakit kasi eh.
Lumambot and mukha ng best friend ko. "Para umiyak ka ng ganyan Aya. Ibig sabihin ay may nararamdaman ka para sa lalaking yun diba?"
She bet-este bit her lips. Saka tumango. Wala naman ako maitatago sa kaniya.
"Tama ka. Nalulungkot ako kasi umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam. " Naiinis ako! Kasi pakiramdam ko ako lang yung nakakaramdam nito. Natatakot ako na baka hindi ko na siya makita. Natatakot ako na hindi ito masuklian. Nasasaktan ako sa isiping nakipaglaro lang siya kasi wala siyang magawa Natatakot ako." Lumuluhang sabi ko.
Hinawakan ni Miva ang dalawang kamay ko saka marahang pinisil.
"Mahal mo siya. Mahal mo siya kaya ka nasasaktan kasi feeling mo binabalewala ka niya." Ani Miva.
Lalo akong nakaramdam ng sakit. Pakiramdam ko nga balewala lang ako sa kaniya. Kasi pumasok siya sa buhay ko tapos aalis nalang.
Ang sama niya nagpapamiss siya! Huhuhu. Pakiramdam ko sinasakal ang puso ko. Huhuhu medyo OA na yata ako.
"Tingin mo pagmamahal na talaga ito? As in?" Tanong ko sa kaibigan.
"Well." Napasandal siya sa upuan at uminom ng Mcfloat na order ko kanina bago siya dumating.
"Nararamdaman mo ba bang parang nasa alapaap ka kapag kasama mo siya?" Tanong nito saka kumagat ng Burger.
Binasa ko ang labi ko saka marahang tumango.
"Oo." Pakiramdam nga ko nasa langit ako at nakalutang. Ang saya ko kapag kasama ko siya kahit na palagi niya akong inaasar.
Parang mamimimiss ko nga ito kapag hindi ko siya nakikita at walang nang aasar saakin.
"Namimiss mo siya ng sobra. At hindi ka mapakali kakaisip sa kanya?"
"Oo, sobra sobrang miss ko na ang ugok na yun huhuhu papatayin ko siya pag nakita ko!" Ngumawa na ako.
Napailing nalang si Miva. "Gaga! Hindi talaga magpapakita yun kung papatayin mo." Natatawa sabi niya habang kumakain.
Napanguso ako habang pinupunasan ang luha ko.
"Bad mo! Nasasaktan na nga ako rito."
Miva rolled her eyes.
"Aya kung mahal mo siya Ede hanapin mo tapos katusan mo pag nakita mo. Sira ulo yun pinapaiyak ka!" Masungit na sabi niya na ikinatawa ko.
Kaya mag best friend kami pareho kaming sadista.
Pero gumaan naman ang pakiramdam ko.
"Thank you Miva medyo nawala ang lungkot ko. Buti nalang umuwi ka. At isinakripisyo mo ang hot na hatdog sa trabaho mo." Sabi ko saka tumawa.
Napasimangot siya. "Ayoko na yung Hotdog na yun ang yabang yabang naiirita ako. Akala mo kung sino hmp bwisit siya!" Palatak niya
"Mukhang nagkainitan kayo ah." Natatawang tukso ko.
Tinignan niya ako ng masama saka umirap.
"Lets not talk about them. Nakaka-stress lang."
" Eh anong pag uusapan natin?" Nakasimangot na tanong ko.
Kinunutan ko siya ng noo ng biglang lumiwanag ang mukha niya at excited na inilabas na magazine mula sa bag nuya.
"Anong yan?"
"Ito na nga! DK magazine bes! Ibinigay sa akin nung baggets na nakilala ko sa trabaho. Ang bait nga niya eh." Mivanna giggled.
Napailing ako. Adik talaga.
"Oh ito tignan mo. Kari-release lang nito. At ang pinaka hot topic ay tungkol kay King Primo. Nakuhaan siya ng picture sa isang Beach sa Spain. At ang gwapo niya diyan beshy tignan mo. Siduradong mas hot pa yan kesa sa Rimo mo." Anito saka inabot saakin ang magazine.
Hindi ko alam pero biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko at kinabahan ako habang nakatingin sa magazine.
Parang may bagay sa loob nun na makakasakit saakin.
Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba.
Inalog ko ang ulo ko at iniwaksi ko ang lahat ng negative vibes at saka tinanggap ang magazine.
Napailing na lang ako ng makitang excited siya.
"Yang unang lalaking nasa first page yan si King Primo the most Dangerous and Ruthless King or also known as Evil Player." Sabi pa niya.
Nang binuksan ko ito halos lumuwa ang mata ko at malaglag ang panga ng ko kung sino ang tinutukoy niya.
Pakiramdam ko mawawalan ako ng
hininga.
"Aya, are you okey? My gosh alam kong gwapo siya pero bakit mo naman iiyakan. Kaloka ka girl."
Tumingin ako sa kaniya at napakagat-labi.
"S-siya... S-siya.. s-si... R-rimo. Miva.."
Umawang ang mga labi niya.
"What!? My gosh! don't tell me. You became one of his Victims! O my G."Halos sigaw na bulalas niya.
Tumingin ako sa lalaking naka-formal suit habang nakaupo sa isang cottage.
Parang may milyon-milyong karayom ang tumusok ng paulit ulit sa puso ko. Dahilan para magdugo ito.
Lahat ng kinatatakutan ko naging parang isang masamang bangungot na natupad.
Ang lalaking sinasabing walang awa, demonyo, at Evil Player ay ang lalaking unang nagparamdam saaki ng bagay na hindi ko maramdaman noon.
Ang unang lalaking minahal ko ay ang unang lalaking unti unting winawasak ang pagkatao ko.
Ang sakit sakit.
"P-pinaglaruan... n-niya... a-ako... M-miva." Umiiyak na sabi ko.
Sa sobrang tindi ng emosyon na nararamdaman ko humigpit ang hawak ko sa magazine.
Wala akong pakialam kung pinag titinginan na sila¡ªako.
Ang alam kp lang niloko ako . Pinag mukhang tanga. Pinaglaruan ang puso ko.
At tanga ko.
Kasi Isa ako sa naging biktima ng Demonyong ito.
She's one of the Evil and Ruthless Player Victims.
Napahagulgol ako.