Chapter 18: Conversation

"Hon alam mo bang awang-awa ako sa kaibigan ko kanina?"

Turan ni Kath sa kanyang nobyo habang nakapangalumbaba sa dibdib nito. Nakahiga na sila at habang abala si Seb sa kanyang cellphone bigla naman siyang kinausap ni Kathalina dahilan para mabaling ang pansin niya sa nobya.

"Bakit pala hon?" Seb asked. Bahagyang inangat pa ni Kath ang kanyang ulo sa dibdib ng nobyo para mas maglapit ang kanilang mukha.

"Nakunan kasi siya dahil sa saksak ng hindi pa nakikilalang salarin." Kath answered sadly. Napatitig naman sa kanya si Seb na tila nagulat sa kanyang isinumbong.

"Paano nangyari 'yon? I mean saan nangyari? At saan pala asawa ng kaibigan mo?" Tanong ni Seb habang hinahayaan si Kath na laruin ang kanyang mga balahibo sa dibdib.

"Kasi hon nagdu-dududa na si Samara kay Luciano na may babae ito, kaya ang ginawa niya sinundan niya ito sa opisina nito and you know what happens next?" Pabitin pa nitong paliwanag sa kanyang nobyo.

"Ano?" Seb asked na tila inaabangan ang kanyang susunod na paglalahad.

"Her instinct was right hon! May babae nga si Luciano and guest what?" Putol nito muli.

"What?" Seb asked again wondering.

"Secretary niya pa talaga ang kalampungan niya 'dun mismo sa opisina niya at dahil sa buntis nga si Samara hindi na nito sinugod ang asawa at ang babae, sa halip ay nagmadali nalang itong lumabas ng opisina ni Luciano. Ngunit nung humakbang na siya papasok ng elevator ay may bigla siyang nakasalubong na naka-hoddie tapos mabilis siyang inundayan ng saksak ng hindi man lang niya namamalayan." Mahabang paliwanag ni Kath kay Seb. Kumunot naman ang noo ng binata dahil sa mga narinig nito.

"Gago pala yung asawa niya eh," Agad na reaksyon ni Seb na tila nakaramdam ng galit para kay Luciano dahil sa ginawa nito sa kanyang kaibigan na si Samara.

"Gago talaga hon! Nakakainis nga eh' alam mo bang hindi namin siya pinapasok 'dun sa kwartong kinaroroonan ni Sam sa ospital dahil sa galit namin sa ginawa niyang panloloko." Galit na turan ni Kath habang nakabusangot.

"Ano naman ang dahilan ng Luciano na 'yun para lokohin ang kanyang asawa?" Nagtatakang tanong ng binata sa kanya na kinataasan naman agad ng kilay niya. Bigla siyang umupo ng paluhod sa kama saka hinarap si Seb.

"Kailangan ba nang reason para magloko hon? Hindi ba pwedeng nagawa niya 'yun kasi talagang womanizer siya at playboy!" Galit na pagkakabigkas ng mga katagang ito ni Kath para kay Luciano. Sumunod namang umupo si Seb sabay titig sa kanya.

"Bakit parang affected ka masyado hon?" Nagtatakang tanong ni Seb. Kath sighed saka hinimas-himas ang sariling hita para kalmahin ang sarili.

"Hindi naman sa affected ako hon. Ayoko lang talaga sa mga manloloko! Saka sa tingin mo ba kailangan pa niya ng dahilan para magloko? Kasi, if you really love that person you won't cheat on her or him. Maliban nalang talaga kung likas mo na ang pagiging manloloko kaya maghahanap ka ng idadahilan para palabasin na may kulang sa relasyon niyo di' ba?" Puno ng hinanakit nitong turan sa kanyang nobyo. Napailing naman si Seb sabay hawak sa kamay niya na tila pilit siyang pinapakalma.

"Hon. Hindi sa pinagtatanggol ko 'yung Luciano na yun ah' dahil kahit na sinong tao magagalit sa ginawa niya, but_we need to know the side of his story, kasi_"

"Kasi ano? Dahil ba may anak na si Sam sa una nitong kinakasama kaya niya nagawang magloko? Kung 'gayon naman pala edi sana hindi nalang niya pinakasalan si Samara!" Galit niyang sabat sa kanyang nobyo. Natahimik na lamang si Seb at napabuntong hininga sabay ngiti sa kanya.

"Hon chill! Sila ang may problema hindi tayo okay? hayaan na lang natin silang resolbahin ang sarili nilang problema." Tila pampakalmang turan ni Seb sa kanya sabay hapit ng yakap rito.

Napasubsob naman ang mukha niya sa dibdib ni Seb. Ngunit kahit pinapakalma na siya ng nobyo tila hindi pa rin siya maka move on sa ginawa ng asawa ni Samara.

"Alam mo bang pangalawang beses ng naloko si Sam ng mga taong mahal niya at talagang naaaktuhan niya ang mga panloloko nila." Muling paglalahad ni Kath.

"Hon. I told you already stop bothering yourself about them, I'm sure magkakaayos rin sila. Kasal naman na sila diba?" Kaswal na ngiting turan ni Seb. Tumango naman si Kath bilang sagot sa tanong nito.

"So let them solve their own problem hon," Simpleng turan ni Seb habang mas hinihigpitan ang pagyakap sa kanya. Gumanti naman ng yakap si Kath sa kanyang nobyo dahilan para sabay silang mapahiga ng kama.

"Matulog na tayo hon, pareho tayong may trabaho bukas." Nakangiting paalala ni Seb kay Kath sabay halik sa noo nito.

"Okay hon. But before we sleep may sasabihin ako hon." Kath interrupted.

"Yes hon, ano 'yon?" Seb smiled.

"May family reunion kami bukas ng gabi and I want you to come with me. Is it okay on you?" May paglalambing turan niyang turan sa kanyang nobyo. Pansamantalang natahimik si Seb at napansin naman agad ni Kath ang pananahimik nito, kaya muli niya itong kinausap.

"Hon, ayaw mo ba? Kasi kung hindi ka pupunta 'di na rin ako pupunta, I'd rather spend my time with you than to my family's affair." Nakangiting ani 'ya. Agad naman napailing si Seb at hinalikan siya sa noo.

"I'll go with you hon," Maikling sagot nito na may bahagyang ngiti sa labi.

"It'll be great hon, sige! Ako na bahala sa susuotin mo." Natututwang turan niya. Kaya napangiti na lamang si Seb at muling hinalikan si Kath sabay haplos sa braso nito.

"Goodnight mahal ko," Kath sweetly said.

"Goodnight too mahal ko," Seb gently said.

Ginawang unan ni Kath ang braso ni Seb at tila unti-unti ng nasasanay si Seb sa pagiging clingy niya. Kaya hinahayaan na lamang siya nito sa mga gusto niyang gawin.

She love the way how Seb expresses his love to her at talagang ramdam niya ang pagiging affectionate nito pagdating sa kanya kaya hindi mahirap para sa kanya na mahulog ng husto kay Seb. Lalo na sa mga different ways of affection nito. Ngunit sa nakikita niya kay Seb ay tila nag-aalangan pa ito sa kanilang relasyon at dahil marahil sa antas ng pamumuhay nila. Nababasa ni Kath sa mga mata ni Seb ang kaba at pag-aalangan nito para bukas.

Alam niyang palagi nitong tinatatatak sa isipan ang kanyang kaibahan at tiyak siyang hindi talaga nito maiwasan na mapaisip kung ano ang iisipin ng mga pamilya at kaibigan niya. Dahil isa lamang mahirap na manggagawa ang kanyang nobyo. At ang taging kayamanan na hawak nito ay kaalaman at diploma lamang. Ngunit kahit ganon hindi niya ikinakahiya ang nobyo dahil marangal naman ang trabaho nito at masipag sa kanyang pagtatrabaho..

-----------------

Sa mga gusto akong ifollow sa Fb account ko here po 👇👇

Username: Sweet