Chapter 9

SAKSI ang malawak na kalangitan at karagatan sa dalawang tao na magkahawak ang kamay at unti-unti nahuhulog sa isa't isa na hindi nila namamalayan.

Napatingin si Ensley sa kamay nila na magkahawak, mabilis din ang tibok nang puso ng dalaga. Kung maririnig lang ni Xavier ang kaniyang puso ay baka isipin nito na may sakit ito.

Nagulat ang dalaga ng tumingin sa kaniya si Xavier at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ensley.

Nangungusap ang mga mata nito. Hawak pa rin nito ang kaniyang kamay, at hindi niya namalayan na papalapit na ang mukha ni Xavier sa kaniya.

Kinakabahan siya sa susunod na mangyayari at hindi rin siya makapag-intay sa gagawin nito. Hinawakan ni Xavier ang kaliwang pisngi ni Ensley habang nakatitig pa rin ang dalawa sa isa't isa.

Binitawan ni Xavier ang pagkahawak sa kanang kamay ni Ensley at pinalit sa pag hawak sa baywang ng dalaga para mas lalo mapalapit ang dalawa sa bawat isa, nagulat si Ensley sa ginawa ng binata at nginitian lang siya ni Xavier.

Aalis na sana si Ensley dahil mukhang pinag ti-tripan lang siya ng binata pero mas lalong hinapit siya ni Xavier. Ang kaniyang puso ay hindi na mag paawat sa pag tibok, parang gusto na nito lumabas sa bilis ng tibok nang kaniyang puso.

Tuluyan na lumapat ang labi ni Xavier sa labi ni Ensley.

Nagulat naman ang dalaga pero mas matimbang ang kasiyahan niya sa mga oras na ito. Pinikit na ni Ensley ang kaniyang mga mata at nag pahulog sa kaniyang nararamdaman.

Nabigla si Ensley at napadilat nang gumalaw ang malambot na labi ni Xavier sa labi niya. Hindi alam ni Ensley ang gagawin dahil una niya itong halik at hindi siya marunong humalik.

Mas lalong nabigla ang dalaga nang kinagat ni Xavier ang ibabang labi niya at pinasok ng binata ang dila sa loob ng bibig ni Ensley.

Wala na nagawa si Ensley, kahit hindi siya marunong ay nag padala na lang siya sa agos ng kaniyang damdamin.

Nahinto lang ang kanilang halikan ng tumunog ang telepono ni Xavier. Tinitigan muna siya nito bago sinagot ang tawag, umiwas naman ng tingin si Ensley dahil nahihiya siya sa nangyari pero at the same time, hindi niya pinagsisihan ang nangyari.

"Dad?" Sagot ni Xavier sa kabilang linya. Napalingon naman si Ensley dito. Hindi niya alam kung bakit in that moment pakiramdam niya, ang layo ni Xavier sa kaniya.

Saglit lang ang pag uusap nang mag ama at puro "Yes, Dad" lang din ang narinig niya kay Xavier.

Pagkatapos nito kausapin ang kaniyang tatay ay humarap na si Xavier kay Ensley. Tinitigan ni Xavier si Ensley na parang may gustong sabihin pero hindi na niya tinuloy.

"Gabi na, hatid na kita sa resto niyo" sabi na lang ni Xavier sa kaniya na ikina-lungkot ni Ensley.

KINABUKASAN, hindi mawari ni Ensley kung masaya ba siya o malungkot. Hindi sila nakapag-usap ni Xavier kagabi sa nangyari sa kanilang dalawa.

At pakiramdam niya, wala siyang karapatan mag tanong dito. Lalo na wala naman silang relasyon pero bakit pa rin siya hinalikan ni Xavier kung hindi siya nito gusto.

Malungkot na pumasok si Ensley sa loob ng kusina galing sa back door ng resto.

"What happened to you? Bakit parang pasan mo ang mundo?" Alalang tanong ni Lucas sa kaniya.

"Ha?" Wala sa sarili nitong sagot. Nilapitan naman siya ni Lucas at hinawakan ang noo kung may sakit ba ito, pero nang malaman na wala naman ay tinitigan ni Lucas si Ensley.

Binabasa kung ano ang nangyari dito pero hindi niya mabasa ang dalaga. Kinurot naman ni Lucas sa pisngi si Ensley at doon lang natauhan ang dalaga.

"Aray naman!" Kapit sa dalawang kamay ni Lucas na naka kurot pa rin sa dalawang pisngi ni Ensley at sinamaan na lang ni Ensley ng tingin si Lucas at kinurot din ang dalawang pisngi nito.

"Oh! Anong nangyayari dito?" Tanong ni Logan pag pasok sa kusina galing back door.

Napabitaw naman ang dalawa, at parehas na hinawakan ang sariling pisngi para hilutin.

"Punta muna ako sa dalampasigan" walang gana na sabi ni Ensley sa mga ito.

"Anong nangyari doon?" Tanong ni Logan kay Lucas. "Hindi ko alam, ganyan na yan pag pasok dito" sagot naman ni Lucas kay Logan.

Late na nakarating si Ensley sa dalampasigan dahil wala talaga siyang gana pumunta ngayon pero hindi niya alam kung bakit hindi niya nadatnan si Xavier dito.

Kinabahan naman siya pero binalewala na lang niya dahil hindi naman pwede na palagi siya puntahan nito lalo na may sarili naman itong buhay.

Hindi muna tumulong si Ensley sa resto at pumunta na lang muna sa hardin nila sa bahay, diniligan niya ang mga halaman na andoon. Pag tapos niya sa hardin nila ay bumalik siya sa resto at sa hardin naman doon ang pinag interesan niya diligan.

Malungkot siya at hindi maintindihan ang nararamdaman. Dumadagdag pa na hindi niya pa nakikita si Xavier, simula kaninang umaga.

Lahat ng halaman na makita niya ay diniligan niya at pinakain niya rin ang mga gold fish nila. Nag hahanap ng maraming ginagawa si Ensley sa tuwing marami itong iniisip, dahil natatakot siyang harapin ang realidad.

Tanghalian nang lumapit sa kaniya si Lucas, madumi ang mga kamay ni Ensley gawa nang inayos niya ang mga halaman nila at may dumi rin ito sa ilong.

Tinawanan siya ni Lucas nang makita at tinitigan niya lang ito "Para kang bata, ang dungis mo" asar ni Lucas sa kaniya at pinalapit siya nito sa kaniya. "Come here" sabi ni Lucas.

Lumapit naman na parang bata si Ensley sa best friend. Kinuha ni Lucas ang panyo sa bulsa at pinunasan ang ilong ni Ensley na may dumi nang bigla na lang umiyak si Ensley.

Hindi na nagulat si Lucas sa nangyari at niyakap na lang niya ito. "Ayos lang yon." Pag hagot nito sa likod ng ulo ng dalaga at pag lalambing din ni Lucas sa kaibigan.

"I-I think I like him" pag confessed ni Ensley. "I know" sagot naman ni Lucas at lalong umiyak si Ensley sa bisig ng kaibigan.

"W-we kissed" sabi ni Ensley habang humi-hikbi pa. Nagulat naman si Lucas pero nakabawi agad. Sa tuwing umiiyak si Ensley ay nasasaktan din siya para rito.

"Anong gusto mong pag kain? Name it." Pag so-spoiled ni Lucas kay Ensley. Hindi ito sumagot pero umiyak lang ulit ito.

Inalis ni Ensley ang pagkasubsob sa dibdib ni Lucas at tumingala ito para titigan ang mukha ng binata.

"Don't tell anything kala kuya ha." Pag mamakaawa nito, tiningnan muna siya ni Lucas bago ginulo ang buhok nito at sinamaan lang siya ng tingin ni Ensley.

"Dalaga na talaga si bunso" sabi pa ni Lucas sa kaniya at hinalikan ang noo nito, na ikinagulat ni Ensley.

"Lucas!" Banta ni Ensley dito "What?" Maang-maangan nito at nilamutak ang mukha ni Ensley gamit ang palad nito. "Ang panget mo talaga" sabi pa nito habang tumatawa.

LUMIPAS ang isang linggo ay hindi na nag pakita sa kaniya si Xavier. Mag si-sinungaling siya kung sasabihin niya na hindi niya ito iniisip man lang at umaasa, ngunit sa buong isang linggo ay umaasa pa rin siya na makikita na lang niya ulit si Xavier sa restaurant nila at sasabihin na naging busy lang ito dahil sa mga kaibigan niya pero sa isang linggo na iyon ay walang Xavier ang dumating.

Hindi na rin niya magawa muna pumunta sa dalampasigan dahil nasasaktan at nalulungkot lang siya sa tuwing napunta siya roon.

Kung dati ang dalampasigan ay ang kaniyang sanctuary, pero ngayon sa tuwing napunta siya roon ay naaalala niya si Xavier.

Palagi lang siya naka tambay sa kwarto niya o sa hardin ng resto nila o sa kusina.

Hindi rin siya tinanong ng mga magulang niya at kapatid niya kung bakit hindi na siya napunta sa dalampasigan.

Ang huling tanong na lang ng mga ito ay nung hinanap nila si Xavier, sinabi na lang niya na umuwi na ito sa Centro at hindi na ulit nag tanong pa.

Alam niyang may alam ang mga ito kung bakit ganito ang mga kini-kilos niya pero buti na lang at hindi siya ng mga ito kinukulit. Dahil hindi niya alam kung paano sila sasagutin.

Palagi rin siya nilulutuan ni Lucas ng pag kain. Katulad ngayon at kakalapag lang nito ang isang white pasta na paborito niya.

"Thanks, Lucas" pag pa-pasalamat ni Ensley dito.

Nasa paboritong lamesa sila ni Ensley. Two-seater at tabi ng bintana rito sa resto.

"Anong balak mo? Malapit na birthday mo ah!" Sabi naman ni Ensley dito. "Wala kong balak, basta kasama kayo ayos na ako" sagot naman ni Lucas at nginitian lang siya ni Ensley.

Nasa taas ng resto sila Ensley at Nora para mag palit ng damit dito sa lockers nila.

"Nora, may naisip ka na ba sa birthday ni Lucas?" Tanong ni Ensley sa kaibigan.

"Ha? Bakit ako? Diba ikaw ang best friend non?" Takang tanong naman ni Nora. "Nora, makinig ka. Gagawan mo ng cake si Lucas sa birthday niya. Chocolate yung flavor ha" parang nanay na sabi ni Ensley dito.

Dalawang araw na lang at birthday na ni Lucas, kaya kailangan na nila mag isip ng plano.

Naisipan din ni Ensley na mag paalam sa magulang niya para isarado ang resto kahit isang araw lang o kaya kahit isang gabi lang.

Habang nag uusap ang ina at ama ni Ensley sa kanilang dining area nung gabing din non ay nag paalam na siya sa mga ito para sa birthday ng kaibigan at pumayag ang mga ito, bubuksan pa rin nila ang resto sa umaga at tanghali pero sa gabi hindi na.

\

WALANG ka-alam alam si Lucas na ginawan siya ng surprise birthday ni Ensley. Akala niya bukas ang resto dahil nag trabaho pa siya nang umaga non.

Pumunta siya sa Paraiso nung gabi non dahil ang sabi ni Ensley ay may ibibigay lang ito rito sa kaniya.

Nag taka si Lucas kung bakit madilim ang loob ng resto at walang tao. Ang ilaw lang na makikita ay sa hardin na maliliit na parang fireflies.

Pag pasok ni Lucas sa loob ay nagulat siya nang biglang bumukas ang ilaw at kinantahan siya ng "Happy birthday" ng mga kasamahan niya sa resto.

Nasa harapan naman si Nora habang nakangiti at bitbit ang isang chocolate cake na gawa pa nito mismo. Ngumiti rin si Lucas dito at lumapit doon at inihipan ang mga kandila nito.

"Thank you" pasasalamat ni Lucas kay Nora at sa lahat ng tao naroon.

Hinanap naman ni Lucas si Ensley, at nang makita niya ito sa gilid na masayang nakatitig sa kaniya ay hindi na nito maiwasan na ngumiti ng malaki.