Chapter 8
NASA dining area ang mag anak na Ignacio para mag salu-salo sa kanilang gabihan. Ngayon na lang ulit kumain ng buo ang mga ito, lalo na kakarating lang ni Levi galing Centro.
Naka-upo sa mag kabilang dulo ang kanilang ina at ama. Habang pinag gigitnaan naman nila Levi at Logan ang kanilang bunso na si Ensley.
Nasa kabilang bahagi naman si Xavier na mag isa lang naka-upo, kaharap ang mag kakapatid. Tahimik lang ang lahat at pinapakiramdaman ang bawat isa, habang nakatingin ang buong pamilyang Ignacio kay Xavier.
Para itong ini-imbistegahan sa akto ng mga kuya ni Ensley at ang mga magulang nila ang taga-monitor.
Hindi na kinakaya ni Ensley ang tensyon sa buong paligid, hindi na rin niya magawa tumingin ng diretso kay Xavier sa hiya.
Ngunit si Xavier ay hindi man lang makitaan na kinakabahan ito, sa tutuusin naka-ngiti pa ito sa mga kapatid niya.
"Kuya Levi, nasabi ko na ba sayo na ginawan kita ng oreo macarons?" Pag iiba ni Ensley para hindi na kay Xavier naka focus ang mga ito.
Tinitigan lang siya ni Levi at sinabi na "Nasabi mo na and Titikman ko mamaya." Seryosong sabi nito kay Ensley.
"Pero kuya Levi, hindi ko pa sinabi sayo kung bakit kita ginawan." Sabi pa ni Ensley, diterminado talaga ito mawala ang atensyon nito kay Xavier.
"Are you seriously gonna tell him?" Tanong naman pabalik ni Logan dito.
Nag tataka naman si Levi sa dalawa, "Nabasag ko yung frame na bigay ni ate Aria." Tuloy-tuloy na sabi ni Ensley sa kapatid habang naka pikit.
Tinitigan naman siya ni Levi, hindi alam ni Ensley kung ano ang gagawin niya dahil sigurado siyang magagalit ang kuya Levi niya.
"I already know." Flat na sagot ni Levi sa kaniya.
"Sorry talaga kuya." Pag hingi ni Ensley ng tawad sa kapatid.
"Wait! W-what?! Alam mo? H-how?" Gulat na ani ni Ensley ng mapagtanto ang sinabi ng kapatid.
"Mom, told me." Seryosong saad ni Levi at sinimulan hawakan ang tinidor para kumain.
Kumakain na rin ang mga magulang nito, at nang tumingin si Ensley kay Logan nakita niyang kumakain na rin ito at pinipigilan pa nito tumawa. Nang tumingin naman si Ensley sa harapan niya kung asan naka-upo si Xavier, nag sisimula na rin ito kumain.
Wala na magawa si Ensley at sinimulan na rin nito kumain. Kumain sila nang maayos at natapos sila nang matiwasay.
Hindi rin hi-not seat si Xavier ng mga kuya nito at magulang. They're just there eating and talking na para bang matagal na nilang kilala si Xavier at si Ensley naman ay hindi maka-kain nang ayos dahil siya ay kinakabahan dahil baka any minute bigla ma-hot seat sila na hindi naman nangyare.
Nasa harapan sina Ensley at Xavier ng Paraiso. Sinamahan ni Ensley makalabas ito at para maka pag paalam na rin.
Walang nag sasalita sa dalawa, nakatitig lang ang mga ito sa mata ng isa't isa.
"Tha—" Sabay na sabi ng dalawa.
"Una-" sabay ulit na sabi ng dalawa.
Tumawa naman sila sa nangyare. Nag gesture na lang si Xavier kay Ensley na ito na mauna mag salita. "A-ano! Ingat ka sa pag uwi mo sa hotel niyo." Hiyang sabi naman ni Ensley sa binata.
Ngumiti naman si Xavier at "Thank you for today and sa oreo macarons." Sabi naman ni Xavier sa dalaga.
"You're always welcome! I mean, you're welcome." Sagot naman ni Ensley na namumula pa.
"Bye!" Sabi pa ni Ensley dito at kumaway din, pero si Xavier ay nasa harapan niya pa rin nakatayo. "B-bakit?" Takang tanong ni Ensley dito.
Humakbang naman ng isang beses si Xavier papunta kay Ensley habang nakatitig ito rito. Nabigla naman si Ensley kaya napa-urong naman siya sa likod niya.
Humakbang ulit si Xavier at nang uurong ulit si Ensley patalikod ay naunahan na siya ni Xavier hawakan ang bewang niya, papalapit sa katawang ng binata.
Nabigla naman si Ensley sa nangyare, at seryosong nakatitig naman sa kaniya ang binata.
Nang maka-bawi si Ensley sa gulat niya ay hinawakan niya ang binata sa dibdib para makaalis siya sa hawak nito na hindi na-ooffend, pero inilapit lang siya ni Xavier sa sarili nito at niyakap.
"W-what?" Gulat na sabi ni Ensley. Tinapat naman ni Xavier ang labi sa tenga ng dalaga at nag good night sa kaniya at binitawan na siya sa hawak nito.
Natulala si Ensley sa nangyare at bago pa siya maka-react sa nangyari ay nakatalikod na si Xavier sa kaniya at pabalik na ito sa hotel nito. Tinaas naman ni Xavier ang kanang kamay habang nakatalikod pa rin at nag wave gamit ito, simbolo nang pag papaalam.
HINDI nakatulog nang maayos si Ensley kagabi, kaya ang mga mata nito ay naging parang mga mata ng panda. Ayaw sana ni Ensley tumuloy sa dalampasigan ngunit hindi naman pwede yon dahil baka mag taka si Xavier at lalo na routine na niya iyon araw-araw.
Nang makarating sa dalampasigan, as usual andoon na si Xavier nakatayo at inaantay siya.
Tinitigan niya muna ito saglit at nag lakad na papalapit sa binata. Lumingon naman si Xavier sa dalaga nang maramdaman niya na papalapit na ito sa kaniya at ngumiti. "Good morning, Ensley." Sabi nito sa dalaga.
"Good morning, Xavier." Sagot naman ng dalaga sa binata.
Sabay nila pinanuod ang pag akyat ng araw sa kalangitan. Naisip ni Ensley na kahit araw-araw niya subay-bayan ang araw sa pag akyat nito ay hindi siya mag sasawa, gusto niya rin sana mas makasama pa si Xavier nang mas matagal kahit hindi sila palagi mag usap tuwing pinapanuod ang araw basta andiyan lang si Xavier sa tabi niya ay magiging sobrang masaya na siya.
Hindi alam ni Ensley kung bakit ang tahimik ng binata ngayon, kadalasan din itong tulala na parang may malalalim na iniisip.
Tinitignan niya si Xavier sa malayo habang naka-upo ito sa isang two-seater table na malapit sa bintana.
May pag-kain sa harapan nito pero hindi man nagalaw ng binata ang pag-kain nito. Gusto sana mag tanong ni Ensley kung anong problema pero wala naman siya sa lugar para mag tanong ng personal dito.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi na nakatiis si Ensley at nilapitan na ang binata. Umupo si Ensley sa kaharap na upuan nito pero nag taka si Ensley dahil parang hindi siya nito napansin na umupo o dumating man lang.
"Xavier." Tawag nito sa binata pero hindi pa rin ito lumingon sa kaniya at nakatitig lang ito sa labas ng bintana.
"Xavier." inulit ulit ni Ensley ang pag tawag at may kasama na itong pag tapik sa kamay ng binata.
Doon naman natauhan si Xavier na nasa harapan niya si Ensley.
"Hmm?" Walang gana nitong sagot.
"May problema ba? May sakit ka ba? Hindi mo pa nagagalaw yung pag kain mo." Pag-aalala na tanong ni Ensley kay Xavier.
"Oh?" Sagot nito habang tinitigan ang pag kain na wala pang bawas. "Sorry, Ensley. May iniisip lang ako." Sagot naman ni Xavier dito.
"Kumain ka muna tapos pwede ka na ulit mag isip after." Pag ne-negotiate kay Xavier para maka-kain ito.
Ngumiti naman ng pilit si Xavier dito at wala na ito nagawa at sinunod si Ensley.
Hindi naman umalis si Ensley sa harapan nito para maka-sigurado na kakain talaga ang binata. Nag kwento na lang si Ensley nang kabataan niya para kahit paano ngumiti naman ang binata.
"Alam mo ba nung bata ako, may pagka uto-uto ako. Wala non sila mama at papa, kami lang mag kakapatid nasa bahay. Si kuya Logan, bata pa lang siya mahilig na talaga siya mag luto. Ako naman sa pag kain lang ako mahilig, kita naman sa katawan ko. Anyways, sinabi ni kuya Logan na isang uri ng prutas yung sili. Ako naman uto-uto at naniwala sa kaniya. Sabi niya pa, kapag kinain ko raw yon ay bibilhan niya ako ng maraming ice cream, dahil gusto ko nang ice cream. Pumayag ako sa kalokohan niya." kwento ni Ensley kay Xavier.
Nakikinig naman ang binata kay Ensley dahil ngayon lang ito nag kwento sa buhay nito. Well, hindi naman sila nag kukwento tungkol sa buhay nila pero hearing Ensley talks about her childhood, it made him smiled and happy at the same time.
"But it's true that chili is a fruit." Sa i pa ni Xavier dito. "W-wait talaga? So, tama pala yung sinabi ni kuya Logan?! My bad!" Nahihiyang sagot ni Ensley kay Xavier pero ayos lang dahil kahit pa-paano ay naalis niya ito sa malalim na pag-iisip.
"So, ayon nga. Kinain ko yung sili na bigay ni kuya Logan at sobrang anghang niya! Namaga yung labi ko non, kung makita mo lang ako non para akong pato." Kwento pa ni Ensley dito. Tumawa naman si Xavier dahil naiimagine niya si Ensley na umiiyak at maga ang mga labi nito.
"Tapos nalaman ni kuya Levi yung ginawa ni kuya Logan kaya pinagalitan niya ito at binilhan nila ako ng maraming ice cream." Pag tapos ni Ensley sa pag kwento dito.
"After non, hindi na ako kumain ng pag kain na may sili." Sabi pa ni Ensley.
Ngumiti naman si Xavier sa dalaga at ngumiti rin si Ensley dito. "Thank you." sabi pa ni Xavier kay Ensley.
"Wala yon, ikaw pa! Gusto ko kaya lagi nakikita yung ngiti mo no!" Walang malay na sabi ni Ensley dito at huli na siya nang mapag tanto ang sinabi niya dahil nakasagot na si Xavier.
"Talaga? Gusto ko rin yung ngiti mo." Saad pa ni Xavier sa dalaga.
Namula naman ito at umiwas ng tingin, "Okay ka na diba? Mag trabaho na ulit ako. Bye!" Pag tayo nito at aalis na sana nang maalala yung pinag kainan ni Xavier.
"Kunin ko na rin to, yung inumin sayo muna yan!" Habol pa nito at kinuha na ang pinggan at dumiretso sa kusina. Tinawanan lang siya ni Xavier.
Pag punta ni Ensley sa counter, "Ens, kayo na ba niyan?" Usisa ni Quinn sa kanilang dalawa.
Namula naman si Ensley at mahinang sumagot nang "Hindi ate tsaka hindi ko nga alam kung mag kaibigan kami." Sagot ni Ensley dito.
"Pero gusto mo siya?" Usisa pa ni Quinn. Nagulat naman si Ensley dahil hindi niya pa naiisip ang mga bagay na yon, nakakaramdam siya nang kakaiba sa tuwing kasama niya ang binata pero hindi niya naiisip na may gusto siya rito, pero paano kung may gusto na nga siya rito? Pero hindi pwede yon. Pag iling ni Ensley sa sarili.
"Napagtanto mo na?" Tanong ni Quinn. "Po?" Takang sagot ni Ensley dito.
"Huwag mo na isipin yung sinabi ko, kay Lucas ka na lang." Sabi pa ng ate Quinn niya.
"Ate Quinn, kay Nora na si Lucas." Maang naman ni Ensley kay Quinn.
NAG lalakad papunta sa dalampasigan sina Ensley at Xavier.
Nang makalapit na sila, nauna na umupo si Ensley sa buhangin at sumunod naman si Xavier sa kaniya.
"Okay ka na?" Alalang tanong ni Ensley sa binata. Lumingon naman si Xavier sa kaniya at ngumiti.
"Oo." Simpleng sagot ni Xavier sa dalaga.
Hindi naniwala si Ensley sa sinabi nito pero hindi na lang niya ito pipilitin kung ayaw nito mag kwento.
"I love making people happy around me, gusto ko lagi nakikitang masaya yung mga taong mahalaga sa akin." Kwento ni Ensley habang nakatingin sa palubog na araw sa harapan niya. Napalingon naman si Xavier sa kaniya at binalik din ang tingin sa unahan.
"Kapag masaya sila, masaya na rin ako." Ani pa ni Ensley.
"But are you really happy?" Tanong ni Xavier sa dalaga habang nakatitig pa rin sa palubog na araw.
"What do you mean? Of course, I am." Kabadong sagot ni Ensley.
Napatahimik silang dalawa nang ilang minuto at nag simula ulit si Ensley mag kwento.
"After ko sa high school, sa Centro na ako mag ca-college. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko rito mag-aral. Dito na ako lumaki at kapag pumunta ako sa Centro, panibagong buhay na naman." Kwento pa ni Ensley habang nakikinig lang si Xavier dito.
"Naisip ko rin na mukhang parehas lang naman ang tinuturo sa Centro at dito sa Costa tsaka si Lucas at Nora nga ay dito lang din nag aaral." Tuloy nito sa pag kukwento.
"Y-you and Lucas?" Tanong ni Xavier at iwas nang tingin sa dalaga.
"Ah! Si Lucas, nakita mo na yon diba? Assistant chef siya sa resto at dito siya sa Costa nag aaral ng kolehiyo. Gusto ko sana mag aral din sa University niya." Sabi pa ni Ensley sa binata. Hindi naman nakasagot si Xavier sa sinabi nito.
"Pero, yung dalawa kong kuya at mga magulang ko sa Centro nag aral ng kolehiyo kaya alam kong gusto rin nila ako mag aral don." Malungkot na sabi ni Ensley na nakita ni Xavier pero ngumiti ulit si Ensley na halatang pinipilit lang nito para hindi mag alala ang mga tao sa paligid nito.
Masaya si Xavier na nag kukwento na sa kaniya si Ensley. Ayon naman talaga ang gusto niya mangyari nung simula pa lang pero bakit nung nag kukwento ito, ayaw na niya ito pakawalan? Bakit sa tuwing mas nag oopen up ito sa kaniya, mas gusto niya ito protektahan at mas gustuhin na palaging nasa tabi niya.
Alam niya rin na may gustong sabihin ang dalaga pero hindi lang nito alam kung paano sasabihin sa kaniya. Sa mga kwento nito, alam niyang nasa prologue pa lang ito nang gusto niya malaman sa dalaga.
Gusto niya mas makilala ang dalaga ngunit alam niya na panandalian lang ang lahat nang ito. Ilang araw na lang kailangan na niya bumalik sa Centro at harapan ang problema na tinatakasan niya.
Tinitigan niya si Ensley, nakatingin ito sa dagat. Wala na rin araw ang makikita sa kalangitan.
Tahimik lang sila nakatitig sa dagat, nang mag tama ang kanilang kamay na naka patong sa buhangin. Aalisin na sana ni Ensley ang kamay nito, nang hinawakan ni Xavier ang kamay nito ng tuluyan.