Chapter 10
P R E S E N T
MARAMING tao sa loob ng malaking pasilyo na pinag-darausan ng pagtatapos ng mga estudyante sa kanilang huling baitang sa high school.
May mga estudyante na naka suot ng puting toga, magulang na naka-suot nang magarbo para sa okasyon nang kanilang mga anak.
Sa harap nang kanilang eskwelahan, maraming mga kapamilya ang nag sama-sama para sa iisang kaganapan ngayon.
Makikita sa mga ito ang saya dahil naka pag tapos na ang kanilang mga anak at sa susunod ay sasabak na ang mga ito sa bagong yugto nang kanilang buhay, ang kolehiyo.
Lumapit si Ensley sa kaniyang mga magulang para yumakap at humalik sa mga pisngi nito. "Congratulations, anak. Proud kami ng papa mo at ng mga kuya mo sayo" sabi ni Mila sa anak habang nakayakap.
"Thank you, Mom and Pa!" At humalik sa pisngi ng ina at ama.
"Bunso, congrats!" Parang bata na sabi ni Logan sa kapatid na babae.
"Congrats, bunso!" Sabi naman ng kaniyang kuya Levi na naka-ngiti sa kaniya at hinalikan ang pisngi nito.
Nasa likod naman ng mga ito si Lucas na naka-ngiti lang sa mag kakapatid.
Napatingin si Ensley sa kaniya at ngumiti ito.
Si Lucas naman ang lumapit sa dalaga, "Congrats, Ens!" Bati nito at abot ng isang bouquet of lily flowers dito.
"Thank you, Lucas!" Sabay yakap at halik sa pisngi ng binata.
Naka sarado ngayon ang resto, at andito sila ngayon para mag celebrate. Isang simpleng salu-salo lang kasama ang mga taong malapit kay Ensley.
Nakita ni Ensley ang mga pamilya niya sa resto na nag aayos ng lamesa at nag lalagay ng mga pag kain dito.
Nang makita nila na pumasok na si Ensley sa loob, sabay-sabay ang mga ito na bumati sa dalaga. Nag pasalamat naman si Ensley sa mga ito at lumapit kay Nora na may hawak ng vanilla cake na siya mismo gumawa para sa kaibigan.
"Thank you so much po!" Pasasalamat ulit ni Ensley at inihipan na ang candila.
Tinititigan niya si Nora na maluha-luha na, "I'm gonna miss you" sabi naman ni Nora kay Ensley. Natawa na lang si Ensley at niyakap si Nora.
"Mamiss din kita! Ingatan mo si Lucas ha!" Sagot at bilin nito rito.
NAG-AAYOS nang mga damit si Ensley para ilagay sa kaniyang maleta na dadalhin sa Centro. Hindi ganon karami yung damit niya na bibit-bitin. Sinabihan siya ng mama niya na bumili na lang doon sa Centro.
Nauna na rin bumalik ang mga kuya niya sa Centro kaya siya na lang mag isa ang ba-biyahe papunta sa Centro bukas.
Ayaw niya rin mag pahatid dahil hindi alam nang mga magulang o kuya niya na hindi siya sa dormitory tutuloy.
Nahuli kasi siya sa pag enrolled sa University kaya nung dapat na kukuha na rin siya ng dorm ay ubos na ang slot dito.
Maaga rin siya ng isang linggo, para hindi mag taka ang mga magulang niya dahil bukas na ang simula ng pag lilipat ng mga estudyante sa kani-kanilang dormitory, tapos sa susunod na linggo ay simula na nang klase.
Habang inaantay niya na kontakin siya nung may-ari ng bahay na uupahan niya ay sa hotel muna siya tutuloy kapag nasa Centro na siya at si Nora lang din ang nakaka-alam nang sitwasyon niya dahil kapag sinabi niya ito kay Lucas, siguradong kukuhanan siya ng mga magulang ng apartment or worst titira siya sa mga kuya niya.
Gusto naman niya yon kaso nangako si Ensley sa sarili na gusto niya matuto mag isa.
Nasa iisang University lang din sila ng kuya Logan niya, kaso alam niyang hindi sila nito mag kikita ng madalas dahil nasa huling taon na ito ng kolehiyo at magiging busy na ito.
Nang matapos si Ensley sa pag liligpit ng gamit ay lumapit siya sa mirror stand niya sa gilid.
Tinitigan niya ang sarili, may pagka-chubby pa rin siya pero hindi na ganon katulad nang dati. Pinagupitan niya rin ang mahaba niyang buhok hanggang balikat niya.
Siguradong mangungulila siya kapag nasa Centro na siya, lalo na ang dalampasigan baka hindi na rin niya magawa ang madalas na ginagawa araw-araw.
Nangako rin siya na bibili siya ng mga halaman pag punta niya sa Centro, at sana lang hindi allergy ang magiging housemate niya sa halaman.
BUMABA na siya sa kaniyang kwarto, bitbit ang dalawang malaking maleta niya at may isang box din siya na kasama.
"Okay na ba lahat ng gamit mo, anak?" Tanong ng kaniyang ina.
"Ayos na po, Ma. Bibili na lang po ako nang ilang damit sa Centro po pero sa ngayon hindi po muna dahil meron pa naman po akong damit" sagot ni Ensley sa ina.
Niyakap siya nang kaniyang ina, patunay na mamimiss niya ang kaniyang bunso. "Bumisita kayo rito ng mga kapatid mo ha! Ikaw na lang bahala sila, alam mo naman ang mga iyon" bilin ng kaniyang ina sa kaniya.
"Si Dad po?" Tanong ng anak.
"Nasa kusina ng resto, alam mo naman yon ay ayaw nakikita ang mga anak niya na umaalis" sabi pa ni Mila rito at tumawa na lang si Ensley.
Hindi na sumama ang kaniyang ina at ama sa pag hatid sa kaniya sa airport. Nakapag paalam na rin siya sa mga ito at nag iyakan muna sila.
Sina Lucas at Nora ang mag hahatid sa kaniya sa airport. Kasalukuyan na nasa sasakyan sila papunta sa airport ng Costa at si Lucas ang nag mamaneho ng itim na sasakyan.
Nakatitig lang si Ensley sa labas ng bintana habang tinatanaw ang kagandahan ng kanilang lugar.
Maraming mga puno ang makikita at sa kaliwang bahagi naman ay andon ang malawak na karagatan.
Pagkarating sa airport ay tinulungan siya ni Lucas bitbitin ang mga maleta nito at inilagay na nila ito sa isang cart.
Tinitigan niya muna ang dalawa bago siya yumakap dito at humalik sa bawat pisngi ng mga ito.
"Balitaan niyo ako ha! Mamimiss ko kayo." Sabi pa ni Ensley
"Ensley, huwag mo kalimutan tumawag or maki-pag video chat" bilin pa ni Lucas sa dalaga.
Pagkatapos mag paalam sa kaibigan ay tumalikod na siya para makapasok sa loob.
KAKARATING lang ni Ensley sa Centro. Kumuha agad siya ng isang taxi para makarating na sa isang hotel na malapit sa kanilang University, malapit lang din sa eskwelahan nila ang uupahan niya na bahay.
Maswerte siya dahil nakahanap agad siya ng matitirhan dito, sabi sa kaniya nang nakausap niya pinaupahan ng may ari yung isang kwarto dahil gusto nito kumita.
Inisip niya tuloy kung maluho ba yung may ari ng bahay, pero mabuti na rin yon dahil kung hindi nag paupa ang may-ari ay baka bagsak niya talaga ay sa condo ng mga kapatid niya.
Ang Centro ay maraming sasakyan sa kalsada kaya nag kakaroon talaga ng traffic dito, hindi katulad sa Costa na iilan lang kaya hindi ganon katagal ang mga traffic doon.
Binaba na siya ng taxi sa isang hotel at nag bayad na rin siya, hindi niya alam kung ilang araw siya tatagal sa hotel dahil hindi pa siya binabalitaan nung kausap niya.
Napag-isipan niya na tawagan na lang ito mamaya para iparating dito na nasa Centro na siya at kung kelan siya pwede lumipat na, kailangan niya rin bumili ng mga gamit para sa sarili pero sabi naman sa kaniya na kumpleto na ang gamit sa bahay na tutuluyan niya kaso kailangan niya pa rin mamili kahit ganoon.
Isang araw muna ang kinuha na kwarto, ipapa-extend na lang niya kapag wala pa rin siyang matirahan.
Pag kababa niya ng gamit sa loob ng hotel ay humiga agad siya sa malamot na kama nito. Maliit lang na kwarto ang kinuha niya dahil hindi naman siya mag tatagal din at mag isa lang naman siya.
Nagising na lang siya sa tunog ng kaniyang telepono, hindi niya namalayan na nakatulog pala siya.
"Hello?" Sagot niya sa kabilang linya. Hindi niya rin nagawang tingnan kung sino ang tumatawag.
"Kamusta? Nakarating ka na sa Centro nang ayos?" Tanong ng kaniyang ina. "Opo ma, pasensya po. Nakatulog ako pag karating." Sagot sa ina.
"Ma, ako na lang po tatawag mamaya. Hindi pa po ako nakain at mag aayos pa po ako ng gamit ko" inaantok pa na sagot ni Ensley.
"Sige anak, mag ingat ka diyan at kumain ng marami ha! Wag din kalimutan uminom ng mga vitamins" bilin pa ng ina.
"Opo, ma! Salamat po. I love you, pasabi rin po kay Dad" pag paalam ni Ensley sa ina. "Oo, I love you too!" Sagot ng ina at binaba na ang tawag.
Kinuha ni Ensley ang shoulder bag niya at susi ng kwarto para makalabas na siya at maka-kain na rin.
Pumunta na lang siya sa restaurant ng hotel para doon na kumain ng gabihan niya.
Kahit naninibago siya sa bagong lugar ay sinubukan na lang niya lakasan ang loob.
Nakahiga na si Ensley sa kaniyang kama at naka pag palit na rin ito ng pang tulog. Susubukan niya rin tawagan si Parker para tanungin ang bahay na titirahan nito.
Hindi si Parker ang may ari ng bahay, inutusan lang siya ng kaniyang kaibigan dahil wala raw itong oras para mag hanap ng tao na pwedeng mag renta ng kabilang kwarto nito.
Hindi rin alam ni Ensley ang buong pangalan ng makakasama niya, ang sabi lang ni Parker ay Scarlett ang pangalan nito at sa iisang University lang din sila nag aaral.
"Hello?" sagot ng tao sa kabilang linya "Hi, Parker! Si Ensley ito." Pakilala naman ng dalaga rito. "Oh! Bakit ka napatawag?" Takang tanong nito sa kaniya. 'Babe? Sino yan?' Nagulat naman si Ensley sa narinig, mukhang may kasama pa ito na girlfriend nito, pag sabi ni Ensley sa sarili.
"Sorry, may ginagawa ka ata" paumanhin ng dalaga sa binata. Narinig ni Ensley ang pag tayo nito sa kama at pag pasok sa isang kwarto. "No, it's okay. Ano ulit yung tanong mo?" Seryoso na sabi ni Parker sa kabilang linya.
"Tanong ko lang sana kung pwede na ba ako makalipat doon sa bahay? Karating ko lang dito sa Centro kanina." Sagot naman ng dalaga rito. "Oh?" Gulat na sagot ng binata.
"Bukas, pwede ka na bukas makalipat. Sunduin na lang kita, saan ka tumutuloy ngayon?" Sabi naman ni Parker. "Huwag mo na ako sunduin, sabihin mo na lang kung saan" hiyang sabi naman ni Ensley. "No, really! I insist. Need ko rin pumunta doon." Pag pilit ni Parker. Hindi pa nakakasagot si Ensley nang "Text me your location, I'll pick you up tomorrow morning" huling sabi nito bago siya binabaan.
Wala na nagawa si Ensley at tinext na niya ang hotel na tinutuluyan niya rito at nag reply naman ito na susunduin siya nito ng alas dyes ng umaga.