Chapter 7
NAISIP nina Xavier at Ensley na mag lakad-lakad sa tabing dagat habang tinatanaw ang pag akyat ng araw.
"Tuwing pinapanuod ko ang araw na umakyat, palagi lang ako nakaharap dito at naka-upo sa buhangin. Hindi ko naisip na maganda rin pala mag lakad-lakad." Kwento ni Ensley kay Xavier. Masaya naman na nakikinig si Xavier sa kwento ng dalaga.
Nasabi na rin sa kaniya ng dalaga na mamayang gabi na ang uwi ng isa pa nitong kuya.
"Gagawa ako ng oreo macarons para kay kuya Levi mamaya, peace offering kumbaga. Nabasag ko kasi yung frame niya na bigay ni ate Aria, yung girlfriend niya—." Kwento pa nito kay Xavier. Matimtim naman nakikinig ang binata.
"Pwede rin kita gawan kung gusto mo?" Tanong ni Ensley kay Xavier sabay tingin dito, at mali ang ginawa niya dahil nakatitig na rin ito sa kaniya.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ni Ensley, napaiwas na lang siya rito. "Pero wag na lang pala, hindi pala ako magaling mag luto." Bawi ni Ensley sa sinabi at nauna mag lakad habang pinag lalaruan ang buhangin sa paa nito.
"B-bigyan mo ko ng oreo macarons na gawa mo mamaya." Hiyang sabi ni Xavier sa dalaga, sabay hawak sa batok nito. Napangiti naman si Ensley dito kahit nakatalikod lang siya kay Xavier.
Tinaas niya ang kaniyang kanang kamay at binigyan siya ng thumbs up at tumakbo na pabalik sa kanilang resto. Tumawa na lang si Xavier sa naging reaction ng dalaga.
Nasa kusina sina Ensley, Logan at Lucas para gumawa ng oreo macarons para ibigay kay Levi mamaya, pag kauwi nito. Inutusan ni Logan si Ensley na gumawa ng meringue.
Habang si Lucas naman ay katulong ni Ensley. Balak sana nang dalaga na sina Logan at Lucas na lang ang gumawa dahil wala siyang talent mag bake ngunit naalala niya si Xavier.
Gusto rin nito maka-hingi at sinabi ni Ensley na mag papatulong siya sa kuya Logan niya. Hindi naman niya gusto ibigay ang macarons na hindi siya tumulong sa pag gawa nito.
Hawak niya ngayon ang isang clear glass bowl at kinuha naman ni Lucas ang mixer blender para maka-gawa sila ng meringue.
Ang kanilang ingredients na ginamit ay egg white, sugar, powder and food coloring.
"Ako na, Lucas." Pag kuha ni Ensley sa mixer. "Kaya mo ba?" Pag si-sigurado ni Lucas kay Ensley. "Kaya ko basta andiyan ka." Saad ni Ensley sa binata.
Sinimulan na ni Ensley ang pag mixed at habang umaandar ang mixer, nag lagay naman ng sugar si Lucas sa clear glass bowl at pinatigil muna saglit si Ensley para lagyan ni Lucas ito ng food coloring na kulay green.
Nang malagyan na ay pinag patuloy na ulit ni Ensley ang pag gamit ng mixer. Sunod naman na pina-lagyan ni Lucas ito ng milk powder kay Ensley at si Lucas na ang nag halo rito.
Nang matapos maka-gawa ng meringue dough, inilagay na nila ito sa isang sachet at gumawa na ng maliit na bilog sa isang tray para doon na patigasin. Si Logan naman ang gumawa ng filling para sa kanilang macarons.
Sabay natapos sina Ensley, Lucas at Logan sa kani-kanilang tasked. Sinabihan niya ang dalawa na siya ang mag lalagay ng filling sa mga maranos na gawa nila.
Pinanuod lang siya ng dalawa habang seryosong tinatapos ni Ensley mag lagay ng filling sa mga ito. "Yay! Natapos na rin." Masayang sabi ni Ensley sa mga ito. Nag pa-salamat din siya sa dalawa sa pag tulong nito sa pag gawa ng macarons.
Kukuha sana si Lucas para tikman ito ng tapikin ni Ensley ang kamay nito. "Ikaw ba si kuya Levi?" Sabi ni Ensley sa binata. Napailing-iling na lang si Lucas dito, alam niya kasi pag dating sa mga kapatid nito nag iiba ang ugali nito.
Inamoy muna ni Ensley ang ginawa nilang macarons at nag tanong "May boxes po ba tayo dito?" Tanong ni Ensley sa mga tao sa kusina.
"Para saan?" Walang kwentang tanong ni Logan. "Kuya naman, para saan pa po? Sa mga macarons, kailangan maganda ang presentation." Sagot ni Ensley na naka-ngiti rito.
"Need ko ng dalawa po." Sabi pa ni Ensley. "Para saan yung isa?" Takang tanong ni Lucas sa kaibigan. Namula naman si Ensley at mahinang sinabi ang pangalan ni Xavier.
After nang shift sa umaga ni Ensley sa resto, napag-isipan niya muna tumambay sa hardin nila sa resto at mag basa ng libro. Matagal na rin niya hindi nagagawa ang pag babasa.
Bitbit niya ang kaniyang libro na 'All the bright places by Jennifer Niven' pagkatapos ay lumabas na siya sa hardin ng resto nila.
Umupo siya sa six-seater table doon, walang nakaupo roon kaya malaya siya makaka pag basa ng novela.
Makalipas ang sampung minuto, itinigil na niya ang pag babasa dahil wala rin naman siya napapala dahil wala siyang naiintindihan sa pag babasa.
Tumatakbo ang utak niya kay Xavier, iniisip niya kung paano niya ibibigay ang oreo macarons kay Xavier na hindi siya naiilang.
Iniisip niya rin kung bakit hindi ito pumunta ngayon sa resto pero hindi naman kailangan andito parati ang binata dahil may sarili rin itong buhay.
Bumalik na lang ulit siya sa pag babasa pero wala talaga pumapasok sa kaniya kaya itinigil na niya ito. Iniwan niya muna ang libro sa lamesa at tumayo papunta sa pond para ang mga gold fish naman nila ang kaniyang bigyan pansin, kumuha siya ng pag kain nito sa cabinet na malapit rito.
Pinakain niya ang mga ito at tumatakbo na naman ang pag iisip ni Ensley kay Xavier. Tinigil na niya ang pag papakain sa alaga at pinalo-palo ang sariling ulo.
Kinuha naman niya ang pandilig nila sa gilid at sinimulan na diligan ang mga halaman sa hardin ng resto para kahit pa-paano mawala sa isipan niya si Xavier. Nawala naman kahit saglit dahil natuwa siya sa pag didilig ng mga halaman nila.
Pag katapos niya mag dilig ay binalik na niya sa lagayan ang pandilig nila at kinuha na rin ang libro na iniwan niya sa lamesa.
Dumiretso siya sa kusina at binuksan ang ref nila, kinuha niya rito ang oreo macarons na ginawa nila kanina. Nabigyan na rin niya kanina si Lucas at ang ibang mga tao rito sa resto.
Hindi pa rin niya nabibigay sa mga magulang at kuya Logan ang para sa mga ito. Balak niya sana ibigay ito mamaya kapag dumating na ang kuya Levi nito.
Inilagay ni Ensley ang oreo macarons sa isang maliit na kahon para ibigay ito kay Xavier. Pinag-iisipan niya rin kung lalagyan niya ba ito ng ribbon pa, baka mag mukha itong Valentine’s gift pero sa huli nilagyan niya pa rin. Kung mag tatanong ito, sasabihin na lang niya na for presentation.
MAAGA nang ilang minuto si Ensley sa dalampasigan sa kadalasan na ginagawa niya, bitbit na rin niya ang isang maliit na kahon para kay Xavier. Madalas kasi nauuna si Xavier sa dalampasigan kaya naisipan niya na agahan.
Ngunit nag sisimula na lumubog ang araw at dumidilim na rin sa buong paligid pero wala pa rin Xavier dumadating. Nawala na rin ang ngiti ni Ensley sa sarili at sinabi na lang sa sarili na 'Nag eexpect ka kasi.' Habang nakatingin pa rin sa harapan ng malawak na karagatan.
Tumalikod na si Ensley at sisimulan na sana niya bumalik sa resto nila, nang marinig niya si Xavier na tinatawag ang pangalan niya sa malayo na tumatakbo palapit sa kaniya.
Hindi siya makapaniwala na nasa harapan na niya si Xavier, tinitigan niya ito habang naka tungo ito dahil sa pag takbo nito. Pinunasan ni Ensley ang kaniyang mata na hindi niya namamalayan na napaluha na pala siya.
Pag angat ni Xavier para titigan si Ensley, nagulat siya sa nadatnan nito. May luha sa mga mata nito, at hindi alam ni Xavier ang gagawin dahil ayaw niya nakikita ang dalaga na malungkot or kahit umiyak man lang.
Hindi na lang niya namalayan na hinila na niya ito papalapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit. Nagulat naman si Ensley sa ginawa ni Xavier at nang makabawi sa gulat ang dalaga ay niyakap na rin niya ito.
"Shh! Please don't cry, andito na ako. Sorry, Ensley. Nag yaya kasi yung mga kaibigan ko mag snorkeling, napahaba rin ang kwentuhan namin. Akala ko maaga ako makakabalik kaso ayaw pa nila ako paalisin." Paliwanag ni Xavier sa kaniya.
"I— napuwing lang ako." Nahihiyang ani ni Ensley sa binata.
"Hindi mo kailangan mag paliwanag, Xavier." Sabi pa ni Ensley at tumawa ng peke. Nagulat naman si Xavier dahil ngayon niya lang narinig sa labi nito ang pangalan niya.
"No, I want to." Firm na answered ni Xavier kay Ensley at tinitigan niya ito. Umiwas naman ulit ng tingin si Ensley dito at tinago ang maliit na box sa likuran niya.
"B-balik na ako sa resto." Pag papaalam sana ni Ensley. Tiningnan naman ni Xavier si Ensley pati na rin ang kamay nito na nakatago sa likuran ng dalaga.
"May gusto ka bang ibigay sa akin?" Tanong ni Xavier at ayaw paalisin pa si Ensley.
"Ay! Oo, nakalimutan ko." Habang tumatawa ng peke.
"Here!" Sabay abot ni Ensley sa binata. Kinuha ni Xavier ang box at nag tama pa ang kanilang mga daliri bago makuha niya ito. Hindi naman maiwasan ni Ensley na hindi mamula, hindi ganoon madilim sa paligid dahil sa mga ilaw na nang gagaling sa iba't ibang shops dito.
"Sama na ako sayo pabalik sa Paraiso. Doon ko na rin tikman ito." Sabi pa ni Xavier at nauna pa ito mag lakad kay Ensley. Wala na magawa si Ensley at sumunod na lang sa binata.
UMUPO si Xavier sa mataas na upuan sa counter ng resto. Hindi niya pa binubuksan ang maliit na box na bigay ni Ensley sa kaniya dahil gusto niya na sabay sila mag bukas nito.
Nang dumiretso si Ensley sa loob ng kusina, nagulat naman si Xavier sa inakto nito.
"Mukhang nag tatampo pa siya." sabi ni Xavier sa sarili.
Tiningnan naman siya ni Owen na cashier sa mga oras na iyon. Napakamot na lang si Xavier sa ulo.
"May ginawa ka ba kay Ensley?" Tanong ni Owen. Lahat ng tao sa resto ay masyadong protective kay Ensley dahil ito ay bunso ng kanilang resto.
"W-wala po, nahuli lang ako d-dahil may ginawa pa kami ng mga kaibigan ko." Sagot ni Xavier kay Owen.
"Hayaan mo muna siya, lalabas din yon dito." Pag sisigurado ni Owen kay Xavier.
"Matanong nga, nanliligaw ka ba sa bunso namin?" Pag-usisa ni Owen sa dalawa.
"P-po?" Pag kabigla ng binata.
Lumabas na nang kusina si Ensley at narinig ang tanong ng kuya Owen niya kay Xavier. "Kuya Owen, walang ligawan nagaganap." Pag sagot naman ni Ensley kay Owen.
Lumapit naman si Ensley kay Xavier, "Hoy! Sorry. Hindi ako galit sayo at naiintindihan kita." Pag kukumbinse nito kay Xavier.
"Uminom lang ako ng tubig." Sabi pa nito sa binata. Tinitigan lang siya ni Xavier, pilit na binabasa ang mga mata ng dalaga.
"Buksan mo na yan para matikman mo na. Hindi ko alam kung masarap dahil hindi ko pa natitikman yan." Paliwanag naman ni Ensley dito.
Binuksan na ni Xavier ang box at nakita ang ang limang oreo macarons sa loob. Kukunin na sana niya ang isa para matikman na kaso pinigilan siya ni Ensley.
"Bakit?" Takang tanong ni Xavier dito.
"Kinakabahan ako, pero sabi naman ni Lucas masarap naman daw." Paliwanag niya rito.
'Bakit siya kinakabahan kung ang kuya Logan naman niya ang gumawa ng filling nito?' Asar na sabi ni Ensley sa sarili.
Wala lang talaga siya masabi kay Xavier kung bakit niya pinatigil ito kumain.
"Natikman na pala ito ni Lucas." Tampong sabi ni Xavier pero hindi iyon napansin ni Ensley.
"Oo, tumulong din siya gumawa niyan." Sabi pa ni Ensley.
Kakainin na sana ni Xavier ang oreo maranons nang mapatingin naman si Ensley sa main door nila at nanlaki ang mga mata nito.
"Bakit?" Tanong ni Xavier at tinigil ang balak na pag kain sa oreo macarons.
"KUYAAA LEVI!" Excited na sigaw ni Ensley sa kapatid nang makita niya ito pumasok.
Dali-dali si Ensley pumunta sa kapatid at naiwan si Xavier mag-isa sa counter habang tinitingnan ang mag kapatid. Lumabas na rin si Logan nang marinig niya nag sigaw ng kapatid at sumunod ang tatay nito at ang nanay.
Niyakap ni Ensley si Levi nang mahigpit at yumakap din ito nang pabalik sa kaniya habang inangat pa ito. Tumatawa si Levi sa naging reaction ng kapatid.
"Kuya, namiss kita." Saad ni Ensley at maluha-luha pa ito.
"Sus, ang arte talaga nitong bunso natin." Sabi pa ni Logan na nasa likod nila at ginulo pa ang buhok ni Ensley.