Chapter 45
BINALINGAN niya ang paningin ng umusog si Dior sa tabi niya. Nasa dining area sila ngayon nag gagabihan. Kasama rin nila sina Mikee at Kevin sa hapag. Kanina ay nag pababa si Chloe malapit na Mall at may kikitain pa raw ito.
Kanina niya pa rin naririnig nag kukwentuhan ang mga ito. Habang siya ay tahimik lang nakikinig sa mga ito at sumasagot kapag tinatanong siya.
"Penny for your thoughts?" Tanong ni Dior sa kaniya na kina-ilinganan niya lang.
Sa totoo lang ay naiinis siya sa sarili niya dahil nag seselos siya kay Mikee. Kinu-kompare niya ang sarili rito.
Mukha na kasi itong may maibubuga sa buhay. Maganda, matalino at may trabaho na.
Natatakot siya na baka bumaling ang atensyon ng kasintahan dito lalo na sobrang angat ito sa kaniya.
MAY party na ginaganap sa company nila Dior. Andito sila ngayon sa hotel dahil dito gaganapin ang celebration sa pag managed ng binata sa branch sa States dahil naging successful ang naging deal nito sa isang kilalang company.
Kasama sina Mikee at Kevin dahil kasama ang mga ito sa tumulong kay Dior nung nasa States ito.
Naka-pulupot ang braso ni Dior sa baywang niya habang nakikipag usap ito sa mga kakilala nito na negosyante.
Tahimik lang sa isang tabi ang dalaga habang nakikinig sa mga ito. Sumasagot siya minsan kapag tinatanong siya ngunit hindi rin ganon kadalas dahil wala naman siyang alam sa mga ganitong bagay.
Restaurant lang naman meron sa kanila at hindi isang malaking company.
Wala rin siyang sa mood dahil kanina pa siya naiinis sa presensiya ni Mikee. Lalo na kapag ngumingiti ito at alam na alam nito ang isasagot sa mga kausap nila Dior.
"Powder room lang ako." Bulong niya kay Dior. Tinitigan siya nito at nag aalinlangan pa ito payagan siya pero sa huli ay pumayag din ito.
Nang bitawan siya ni Dior ay umalis na siya sa lugar na iyon. Bago 'yon nakita niya pa na mas lumapit si Mikee sa kasintahan na kinaikot ng mata niya.
Sa powder room sana siya tutungo pero nawalan na siya ng gana. Kanina niya pa gusto umalis doon. Parang hindi kasi siya belong sa lugar na iyon.
Lumabas siya sa isang balcony at doon pinag masdan ang buong tanawin.
Hindi niya mawari kung bakit ganon naging reaksyon niya kay Mikee. Lalo na dalawang buwan nag sama sina Dior at Mikee.
Iniisip niya na hindi siya nararapat sa binata. Iniisip niya kung ano nga ba ang nakita ni Dior sa kaniya.
Habang pinag mamasdan ang langit, tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ito sa pouch at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Nag flash sa screen ang pangalan ni Dior. Tumatawag ito sa kaniya at sigurado siya na hinahanap na siya nito.
Tiningnan niya ang orasan at lagpas bente minutos na pala siya hindi bumabalik sa loob.
Ngunit hindi na niya gusto bumalik sa loob.
'Where are you? You're not here.' Bungad na tanong nito kay Ensley.
Umalis si Ensley sa balcony at nag tungo papalabas ng building.
"Masama pakiramdam ko, mauuna na ako umuwi." Sagot niya rito.
'What? Where are you? I'll take you home.'
"No! I mean, I'm okay. Mag taxi na lang ako. Malapit na rin ako sa labasan."
'Ensley, you're not gonna take that cab without me.'
"Kaya ko na, Didi."
'Wait me there.'
"Babe, wag na! Paano yung mga tao sa loob?—"
'Mas importante ka. Wait me there!'
"Wag—"
Tiningnan ni Ensley ang cellphone at nakita naka end call na ang tawag ng binata sa kaniya. Kahit sinabi nito na intayin ang binata ay nag patuloy pa rin ang dalagita lumabas ng building.
Malapit na si Ensley sa labasan, pag bubuksan na sana siya ng guard ng pinto nang marinig ang boses ni Dior na tinatawag siya sa likuran.
Lumingon siya rito at nakita ito na patakbong papunta sa kaniya. Hindi na niya ito inantay at mabilis na lumbas sa building na 'yon.
"Ma'am!"
Narinig niya pa na may tumawag sa kaniya pero pinag patuloy niya lang ang pag lakad. Natigil siya ng makita na umaambon na pero wala na siyang pake. Gusto na niya makauwi sa kanila. Hindi niya rin gusto na maabutan siya ni Dior.
Nang makalabas si Dior ay may lumapit agad na lalaki rito na may bitbit na payong. Lumingon dito si Dior at inabot ang susi rito para ipakuha ang sasakyan.
Kinuha ni Dior ang payong sinundan si Ensley na pumapara ng taxi. Tinawag ito ng binata pero hindi siya nililingon ni Ensley.
Bubuksan na sana ni Ensley ang pinto ng taxi nang may pumigil sa kaniya. Binalingan niya ang tingin dito at nakita si Dior na galit ng nakatingin sa kaniya.
Kinatok ni Dior ang taxi para mag patuloy na ito sa pag andar.
Binalingan ni Dior ang dalaga at pinayungan ito. "What the fuck, Ensley?! What were you thinking? Akala ko ba masama pakiramdam mo? Bakit ka nag papa-ambon?"
"Dior, please."
"Ensley. No. Ihahatid na kita." Hinawakan ni Dior ang likod niya para mapayungan ng maayos ang dalaga ngunit agad na tumigil si Ensley sa pag lalakad.
Tinanggal din nito ang kamay nakahawak sa kaniya.
"Dior." Tawag niya rito. Nag tataka naman na tumingin ang binata sa kaniya.
"Tara na pumasok na muna tayo sa loob." Pag iiba ng usapan ni Dior dito.
"Dior, let's break up."
"WHAT?!" Nasaktan si Ensley nang makita ang naging itsura ng binata ng sabihin niya iyon. Namutla ito.
"Mag hiwalay na tayo." Ulit niya pa rito. Pinipigil niya rin na umiyak. Hinawakan ni Dior ang dalawa niyang kamay. Nahulog na rin nito ang hawak na payong kanina. Parehas na sila nauulanan.
"No, Ensley I won't let that happen."
"Dior, I don't deserve you. May mas better pa sa akin. Katulad ni Mikee—"
"What? Naririnig mo ba ang pinag sasabi mo?"
Basang basa na silang dalawa sa ulan. Hindi na rin mapigilan ni Ensley ang luha na lumbas sa kaniyang mga mata niya. Sumabay ito sa pag agos at pag bagsak ng ulan.
"D-Dior." Inalis niya ang pag kakahawak sa kaniya nito at pilit na umaalis sa hawak nito.
"Shh. It's okay, baby. I'm not mad. Let's go inside." Pag papatahan nito sa kaniya pero tinitigan niya lang ito at binitawan ulit ang kamay nito na kitang-kita niya ang sakit na dumaan sa mata ng binata.
"Please, D-Dior. I don't deserve you."
Tumigil si Dior sa pag hawak sa kaniya at galit na tinitigan siya. "Bullshit, Ensley! Don't tell me who I deserved and who I supposed to love because for me? You're fucking deserving in every each of me!"
"N-No! No, Dior."
"Ensley, I love you. P-Please, stop this nonsense."
"I love you, too." Bumalik ang ngiti ng binata sa mukha ng marinig ang sinabi ng dalaga. "But I have to, Dior. I'm sorry." Agad bumagsak ang balikat ni Dior sa narinig.
Tuluyan na naalis ni Ensley ang kamay ni Dior sa kaniya. Nakatitig lang ang binata sa kaniya na hindi makapaniwala sa nang yayari. Tumulo na rin ang luha nito at dahil doon ay agad na tumalikod si Ensley at pinara agad ang isang taxi na dumaan.
Kailangan ni Ensley makipag hiwalay dito. Hindi lang dahil ito sa nag seselo siya kay Mikee at hindi niya deserve si Dior. Kailangan niya ito para sa sarili niya at para na rin sa kanilang dalawa ng binata.
Mapapagod lang si Dior sa kakamahal sa kaniya. Mahihirapan ito. Mauubusan.
Katulad sa baso na may laman na tubig. Dapat parehas lang nasa gitna ang tubig. Hindi pwede mas marami ang isa at ubos na ubos ang isa dahil kapag nag bigay ng tubig ang isang baso sa isa, hindi magiging pantay. Hindi rin pwede na parehas na ubos. Mahihirapan kayo punan ang pangangailangan ng bawat isa.
Dapat parehas nasa gitna ang tubig para sabay kayo mag go-grow. Sabay kayo mag tutulungan at hindi kailangan ng isa punan ang bawat kulang ng bawat isa.
Dahil sa ngayon, kailangan matutunan mahalin ni Ensley ang sarili.