Chapter 44
SA DALAWANG buwan ni Dior sa US ay umuwi rin si Ensley sa Costa para bumisita sa mga magulang niya at hindi niya kasama ang mga kapatid.
Umupo si Ensley sa lamesa malapit sa bintana ng resto at inilapag din roon ang laptop at kaniyang libro. 11:30 ng umaga sa kaniya habang 10:30 pm naman kala Dior.
Pinag patuloy niya muna ang pag babasa habang inaantay ang binata na tumawag sa kaniya. Umaangat ang kaniyang ulo ng mag lapag ng plato na may pag kain si Lucas sa lamesa niya.
"Lunch mo, Ens."
"Thanks, Lucas." Tinanguhan lang siya nito bago bumalik sa kusina.
Pagkaalis ni Lucas ay doon din ang pag tunog ng laptop niya. Nilingon niya ito at nakita na tumatawag na si Dior sa kaniya.
May ngiti sa labi na inaccept niya ang tawag nito.
"Good evening, Mr. Dior Moore." Bati niya sa binata na kina-ngiti rin nito. Kita sa mukha nito ang pagod pero nagagawa pa rin nito ngumiti sa kaniya.
"Good evening, Misis Moore." Balik na bati ng binata sa kaniya na kina-bigla niya.
Tumawa ng mahina si Dior sa naging reaksyon ng dalaga. "Wag mo ko biruin."
"Why? Dahil totohanin mo?"
"Dior!"
Nag kwentuhan lang sila kung ano ba ang mga ginawa nila sa ngayong araw pero hindi na siya nag tanong sa binata tungkol sa company nito dahil alam niyang baka ma-stress na naman ito.
"Have you eaten your lunch?" Tanong nito sa kaniya. Pinakita naman niya ang plato na may pag kain na wala pang bawas.
"I'll eat after this."
"Ensley."
"I know, I know. I promise, I'll eat later. Ikaw ba kumain ka na?"
"Not yet but I ate sandwich."
"Didi, Anong oras na diyan sa inyo pero hindi ka pa rin kumakain."
Narinig niya na may kumatok sa office ng binata. Nasa loob kasi ito ngayon ng office at may inaasikaso pa raw ito. Nawala ang atensyon ni Dior sa kaniya at pinag masdan ang pag angat nito ng ulo sa taong kumatok sa opisina nito.
"Dior, we still have—" Rinig niyang sabi ng babae sa background. Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil nag salita na agad ang binata.
"Yes, I'll be there in a minute."
Narinig niya ulit ang pag sara ng pinto at bumalik na ulit ito sa harapan niya.
"Sorry, baby. I have to go. There's still a meeting going on."
"Hala! Hindi mo naman agad sinabi. Go ahead. Nakakahiya, punta ka na roon."
Tinitigan muna siya nito bago nag paalam at pinatay ang tawag. Napa buntong hininga na lang siya.
Agad din bumalik ang tinig ng babae sa background kanina. Alam naman niya na katrabaho lang ito ni Dior pero hindi niya alam kung bakit bigla siya nag selos dito.
Siguro dahil nakikita nito si Dior habang siya ay nandito sa Pinas.
AFTER 2 months.
Andito ngayon si Ensley sa airport para sunduin ang kasintahan. Ngayon ang uwi nito galing sa US. Siya lang at si Chloe ang kasama niya.
May dala rin silang sasakyan at driver. Ang sabi kasi ni Dior sa kaniya ay may kasama ito pauwi.
Meron din siyang sinulat sa colored paper na welcome home sa binata. Hindi sana siya gagawa noon kung hindi dahil kay Chloe.
Kumaway siya agad ng makita agad ang binata at iniharap dito ang gawang welcome banner na papel. Kumaway din naman ang binata sa kaniya at lumabas ang nakakaloko nitong ngiti sa kaniya.
Nang makalapit ito sa kaniya ay agad siya nito niyakap at inangat.
"Ang bigat mo." Asar ni Dior sa kaniya. Tumawa naman siya at mas lalong niyakap ang binata. Ngunit agad din nawala ang ngiti niya ng mapansin ang babae nasa likod ni Dior.
"Hi!" Bati nito. Binaba naman siya agad ni Dior at parehas sila na humarap dito. Doon niya lang din napansin ang isang lalaki na kasama nito.
"I'm Mikee." Pakilala nito sa sarili. "And you're Ensley, right?" Alanganin siya na tumango rito nang maalala ang boses nito. Ito rin yung tumawag kay Dior nung one time nag-usap sila.
Inabot naman nang kasama nitong lalaki ang kamay sa kaniya at nag pakilala sa kaniya.
"Kevin."
"Hi! Nice to meet you, both. I'm Ensley." Saad niya sa mga ito at inabot ang kamay ng binata.
"Mikee. Kevin. This is Chloe." Singit na pakilala ni Dior kay Chloe. Inalis din ng binata ang hawak na kamay ni Ensley kay Kevin at siya ang humawak sa kamay ng dalaga.
"Hi guys, I'm Ensley's best friend. Chloe. Nice to meet you."
"Hi Chloe."
"Nice to meet you."
Pagkatapos nila mag pakilala sa isa't isa ay dumiretso na sila sa labas ng airport. Andon na rin nakaabang ang sasakyan at si kuya Ben na mag da-drive para sa kanila.
Sa bahay din nila Dior sila tutungo at sa tingin niya ay doon din lalagi ang dalawang bisita nito.
Nang marating sa bahay ng mga Moore ay agad na sinalubong sila ng magulang nito at ni Riley. Lumapit agad sa kaniya ang kapatid ni Dior ng makita siya nito.
"Ate Sley! I missed you."
Sa dalawang buwan ni Dior sa States ay minsan dumadalaw siya rito para bisitahin si Riley. Doon niya rin naabutan at nakilala ang tatay nito. Nung una ay nakaka intimidate talaga ito pero hindi niya akalain na mabait ito. Sadyang strikto lang talaga ito sa pamilya nito.
"Ate Sley misses you too, baby." Saad niya rito at hinalikan ito sa pisngi na kinatawa ng bata.
"Bulinggit! Ikaw pa talaga nauna makakuha ng halik at bakit siya yung miss mo? Ang pag kakaalam ko palagi kayo nag kikita? Nasaan ang yakap para sa kuya?"
"Mas love ko ate Sley. Ikaw, lagi away Riri."
"Ikaw talagang bata ka!" Binuhat ni Dior ang kapatid at kiniliti ito. Tawa naman ng tawa si Riley sa pinag gagawa ng kapatid sa kaniya.
"Dior, that's enough." Maotoridad na saad ng ama nito sa binata. Tinigil nito ang pag kikiliti sa kapatid at ibinaba si Riley. Umayos na rin ito ng tayo at humarap sa magulang.
"Hi! Mom, Dad." Bati nito sa mga ito na may malaking ngiti sa labi. Hinagkan naman ito ng ina.