Chapter 44
ILANG araw na umiiwas si Ensley kay Dior. Alam niyang mali ang pinag gagawa niya pero hindi niya talaga kayang harapin si Dior lalo na na-giguilty din siya sa mga naging desisyon niya rito. Baka nga nag tatampo rin ito sa kaniya.
University at bahay lang siya nag lalagi. Kapag tinatanong siya ni Chloe ay palagi niya nililihis ang usapan at sa tuwing nakikita niya si Dior ay mabilis siya umaalis para hindi sila mag tagpo.
Hindi rin naman siya nito tine-text o tinatawagan. Ganoon din ang ginagawa niya rito.
Nag taklob siya agad ng kumot nang marinig ang pag katok ng kapatid niya sa pinto ng kwarto niya. Narinig niya ang unti-onti nitong pag bukas ng pinto at mga yapak nito patungo sa kama niya.
"I know, you're awake Ensley."
Bumuntong hininga muna siya bago niya tinanggal ang kumot sa pag kakataklob sa buong mukha niya. Nakita niya ang kuya Levi niya nakatayo sa gilid ng kama niya.
"Kuya, hindi ako gutom." Pag rarason niya sa kapatid.
"We'll wait you downstairs in 5." Maotoridad na saad ng panganay niyang kapatid bago ito lumabas ng kwarto niya.
Wala na siyang magawa at sumunod na sa kapatid sa ibaba para kumain ng gabihan. Wala man siyang gana kumain ay hindi niya pwede hindian ang grasya.
Nang makababa na siya ay napansin niya agad ang isang likod ng lalaki na kilalang-kilala niya. Kinabahan agad siya, aatras na sana siya para bumalik sa itaas nang mapansin na siya ng kuya Logan niya.
Lumingon na rin si Dior sa kaniya, hindi ito ngumiti man lang sa kaniya. Seryoso lang ang mukha nito naka tingin sa kaniya. Kakalabas lang din ni Levi galing sa kusina.
"Umupo ka na, bunso." Wika nito sa kaniya. Saan-saan din naka baling ang mga mata niya dahil hindi niya matitigan si Dior habang ang binata naman ay kanina pa siya pinag mamasdan.
Hihilahin na sana niya ang upuan sa tabi ng kuya Logan niya nang mag salita si Dior.
"Sit beside me."
Nakagat niya ang ibabang labi sa kaba bago lumapit sa katabing upuan nito. Hinila niya ito at umupo na.
"Let's eat." Basag ni Logan sa atmosphere.
"Yeah." Sagot naman ni Dior dito.
Nanginginig ang kamay na humawak siya sa sandok ng kanin. Ngunit, huminto rin siya nang mapansin nasa kaniya ang atensyon ng tatlo.
"Bakit?"
"Nothing." Saad ni Levi sa kaniya at binalingan na ang ulam naka-hain sa lamesa.
Nang matapos siya kumuha ng kanin para sa kaniya ay pinag sandukan niya rin si Dior na kinabigla nilang dalawa. Nasanay siya na sa tuwing siya ang nauuna kumuha ay pinag sisilbhan niya rin ito. Ganoon din ito sa kaniya pero iba ngayon dahil ilang araw niya ito tinaguan.
"Sorry." Paumanhin niya rito pagkatapos niya sandukan ng kanin ito.
"Thanks."
Pagkatapos ng gabihan ay kasulukuyan nasa kwarto ni Ensley si Dior. Naka bukas din ang pinto, habang si Dior ay nasa gilid nito nakatayo at si Ensley naman ay naka upo sa gilid ng kama niya.
Walang nag sasalita sa kanilang dalawa. Pinag lalaruan din ni Ensley ang dalawang kamay dahil sa hindi mapaliwanag na kaba habang pinag mamasdan lang siya ni Dior.
Maya-maya ay narinig niya ang pag sara ng pinto niya at nakita niya sa gilid ng mata niya ang paglapit ni Dior sa gilid ng kama niya.
Umupo ito sa tabi niya pero may space pa rin sa pagitan nilang dalawa.
Nabigla siya nang hawakan ng binata ang kamay niya at hindi niya napansin ang pag lapit nito sa kaniya nang ganoon kalapit.
Tumingin siya sa mata nito at ganoon din ang ginawa ng binata sa kaniya habang hawak-hawak nito ang kamay niya.
"I hate it when we're like this." Marahan na saad niya rito. "Me too, baby."
Pag kasabi ni Dior non ay agad niya ito niyakap ng mahigpit. "I missed you so much." Pag amin niya rito sa pagitan ng yakap nilang dalawa.
"I missed you, too."
Naalimpungatan siya sa pag tulog at naramdaman na lang niya ang mabigat na bagay naka yapos sa kaniya. Napansin niya si Dior na mahimbing natutulog sa tabi niya habang yakap-yakap siya.
Suminghot siya at agad niya naamoy ang mabangong pabango nito at ang natural scent nito na kinamula niya. Nakatulog pala siya sa bisig nito habang nag yayakapan sila, at ngayon ay dito na rin natulog ang binata.
Nakaharap siya rito at ang mukha niya ay nasa dibdib nito habang mahigpit na yakap siya nito. Ang baba naman ng binata ay nasa ulohan niya naka patong. Naka-anday din ang binti ng binata sa kaniya. Inaamin niya na medyo mabigat ito pero mas gugustuhin niya na ganito ang pwesto nila.
Pakiramdam niya ay safe siya sa mga bisig ng binata.
At natulog siya ulit na may ngiti sa labi.
NANG sumapit ang bakasyon ay ito rin ang buwan na kailangan ni Dior lumipad sa US para asikasuhin ang branch nila roon.
Nangako ang dalawa na mag bibigay ng oras na mag-usap bago matulog. Kahit hindi ganoon katagal, dahil alam niya rin naman na mapapagod si Dior sa umaga dahil sa pag aasikaso nito sa company.
Yumakap siya ng mahigpit dito na binalik din ni Dior. Nasa airport sila ngayon, at hinatid nila ang binata ngayon patungo sa US.
"Baby, wag na lang kaya ako tumuloy?"
"Dior naman."
"Mamimiss kita sobra."
"Mamimiss din kita."
Inalis ni Dior ang isang kamay sa yakap sa dalaga at hinawakan ang pisngi nito. Parehas silang nakatitig sa isa't isa.
Dalawang buwan lang naman mawawala si Dior at pagkatapos non ay uuwi na ulit ito sa Pinas.
Nilapit ng binata ang mukha sa dalaga at hinalikan ito sa labi. Yumakap si Ensley dito at ibinalik ang halik nito sa binata. Sinusulit nila ang bawat segundo dahil matatagalan ulit bago nila mahalikan ang isa't isa.
"God! I love you." Saad ni Dior sa pagitan ng halik nilang dalawa na kina-ngiti niya at mas lalo diniin ang bibig sa binata. Pinasok niya rin ang dila sa loob ng bibig nito at mapusok na hinalikan ito.
Hinimas din ni Dior ang pang upo ng dalaga. Pagkatapos ay bumitaw ito rito na hinabol ni Ensley.
"May ilang minuto pa ako, can we continue this sa restroom?" Pabirong bulong ni Dior sa kaniya.
Kinurot naman niya nito sa braso. "Aww!"
"I love you." At binigyan niya ito ng mabilis na halik.
"Anak." Lumingon si Ensley sa ina ni Dior nang tawagin na ito. Doon naman siya nahiya nang maalala na kasama pala nila ito at lalo na si Riley.
Hindi siya makatingin sa ina ni Dior sa hiya.
"I love you more. Take care of yourself, hm?" Saad ni Dior sa kaniya pagkatapos ay hinalikan siya nito sa noo.
"You, too."