Chapter 42

PAREHAS na hindi makabasag pinggan habang nanunuod ang mag kasintahan sa loob ng sinehan. Si Ensley ay may hawak na popcorn at kina-kain ito habang tahimik nanunuod at patuloy na umaandar ang palabas sa unahan na pinamagatan na "Harley Quinn: Birds of Prey." Si Dior naman ay tahimik lang din nakatutok sa pinapanuod.

"You want popcorn?" Alanganin na tanong ng dalaga rito ngunit tumanggi na kumuha si Dior sa popcorn na kina-kain niya. Binalik na lang ulit niya ang tingin sa unahan at inubos ang kina-kain.

Nang matapos ang palabas ay lumabas na sila ng sinehan, kumapit siya sa braso ng binata at tinitigan ito.

"Gutom na ako, sa Jollibee na lang tayo kumain, ha?"

"Okay." Simpleng saad ni Dior sa dalaga na hindi niya mawari kung bakit kanina pa ito walang gana. Ito naman ang nag yaya na lumabas sila pero kanina pa itong walang imik sa kaniya.

Tumango siya at ngumiti rito. Nag patuloy na sila papunta sa Jollibee para roon kumain.

"Gusto ko ng fried chicken, spaghetti at burger. Gusto ko rin ng ice cream kaso ayoko sa Jollibee, mas gusto ko yung ice cream sa Mcdo. Ikaw ba?"

"Kahit ano."

Tinitigan niya ulit ito nang tumapat na sila sa entrance ng fast food. "Kahit ano? Ayaw mo ba rito? Wala ka bang specific na gustong kainin?" Tanong niya pa rito. Binalingan naman siya ng binata ng tingin.

Napaatras ang dila ni Ensley nang makita kung gaano ito kaseryoso nakatingin sa kaniya.

"B-Bakit?"

"Hindi ako gutom."

"Ano? Kanina ka pa hindi kumakain."

Nag patuloy na si Dior sa pag pasok sa loob na kinasunod ni Ensley dahil nakahawak siya sa braso nito.

"Ako na lang mag hahanap ng mauupuan."

Na-istatwa naman ang dalaga ng inalis nito ang pag kakahawak niya sa braso nito. Sinundan niya rin ang likod nito sa pag lakad papaalis para mag hanap ng mauupuan.

"Did I do something wrong?" Mahinang tanong niya sa sarili at pumili na sa counter.

Bitbit ang isang tray na may laman ng pag kain na binili niya ay hinanap na niya si Dior kung saan ito nakaupo. Hindi naman siya nahirapan dahil malapit lang ito sa counter. Nang makita ni Dior ang dalaga ay tumayo ito at nilapitan para ito na ang mag bitbit ng tray sa lamesa nila.

"Thanks." Pasasalamat ni Ensley dito at nginitian pa ito.

Nang maka-upo na ay inabutan niya si Dior ng pagkain na binili niya. Fried chicken with rice and hamburger. Binigyan niya rin ito ng coke na maiinom.

"Hindi mo naman sinabi kung ano gusto mo, kaya ayan na lang binili ko sayo."

"Salamat."

Sinimulan na kainin ni Ensley ang kaniyang pag kain, ganoon din ang ginawa ni Dior. Habang kumakain ang dalawa ay pasulyap-sulyap naman si Ensley sa binata.

"May sasabihin ka, Ensley?" Tanong ni Dior sa kaniya nang hindi na ito makatiis.

Medyo nabigla naman siya sa tinawag nito sa kaniya pero agad din siya naka sagot dito. "Wala. Wala. Kain ka lang."

"Ah! Dior." Habol na wika niya rito. Binaba naman ng binata ang kubyertos at tumingin kay Ensley.

"Tungkol pala roon sa company niyo? Ayos lang naman na pumunta ka sa US, we can still communicate pa rin naman."

Ilang segundo muna ang lumipas bago sumagot si Dior sa kaniya at hindi niya inaasahan ang sasabihin nito sa kaniya. "Bakit ayos lang sayo?"

Nasamid si Ensley sa narinig pero agaran din naman siya nakabawi. "Of course! I will support you kahit saan." Tinaasan naman siya ng binata ng kilay sa inakto at sa sinabi.

"What if I don't like it?"

"Ha? Anong hindi mo gusto?"

"Kahit ngayon lang, Ensley. Ipag damot mo naman ako."

"Hindi—" Kita sa mukha ng binata ang pagka gulat sa sinabi ng dalaga. "Bakit naman kita ipag dadamot sa pamilya mo? Kung alam kong kailangan ka nila? Ayoko maging selfish para lang sa sarili ko, Dior."

"But I want you to be selfish right now."

Umiling-iling si Ensley dito at umiwas ng tingin sa binata. Pinipigilan niya rin na hindi lumandas ang nag babanta na bumuhos na luha.

Tinitigan niya ang kanang kamay na hinawakan ni Dior. "Ayoko. Hindi ko kaya."

"Kung nag aalala ka sakin. Kaya ko naman, Dior." Saad pa ni Ensley dito.

"Alam kong kaya mo, pero—" Pag bibitin ng binata rito.

"Pero?"

"Hindi ko kaya, Ensley."

Hindi siya nakasagot sa sinabi ni Dior sa kaniya. Tumahimik din ito at nag patuloy na lang sa pag kain. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin dito? Akala niya ay para sa kanilang dalawa ang ginagawa niya. Hindi niya naisip kung ano nga ba ang nararamdaman ni Dior. Lalo na mukha siyang atat na paalisin ang binata.

Nang matapos kumain ay dumiretso na sila sa parking lot para makauwi na. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito sinasagot. Pumasok siya sa passenger seat at kinabit ang seatbelt. Umikot naman si Dior para makasakay at makapasok sa driver seat.

Bago pa paandarin ni Dior ang sasakyan ay agad na siya nag salita. "Sorry."

"Baby? Bakit ka nag so-sorry?" Nang hagkan na siya ni Dior ay doon na lumabas ang mga luha na kanina niya pang pilit pinipigilan.

Marahan na hinawakan ng binata ang buhok ni Ensley habang patuloy ito na umiiyak.

"Sorry kung hindi ko man lang iniisip ang nararamdaman mo. Sorry kung palagi ko pinapaniwala ang sarili ko na dapat kayanin ko."

"Walang masama na paniwalain mo ang sarili mo na kaya mo, pero ayos lang din kahit minsan ay aminin mo na hindi mo kaya at tsaka hindi naman kita pababayaan. Palagi ako rito sa tabi mo, dadamayan ka."

"Pero ayos lang talaga sakin kung pumunta ka sa US, para asikasuhin ang branch niyo roon. Para sa pamilya mo yon."

"How about you?"

"Paanong ako?"

"Kasama ka na rin sa pamilya ko." Namula naman si Ensley sa biglaan na banat ni Dior sa kaniya at kinurot niya ang braso nito sa hiya.

"I'm sorry, Dior. Hindi ko talaga alam."

"Okay."