Chapter 33
KINAGABIHAN. Palakad-lakad si Ensley sa loob ng sala nila. Kinakabahan at hindi niya alam ang sasabihin. "Bunso, sumasakit ang ulo ko sayo." Sita ni Levi na nasa sala rin at nakaupo ito sa couch habang may binabasa na libro.
"Sorry, kuya." Paumanhin niya rito at umupo na rin sa kabilang couch. Ngunit hindi naman nito maiwasan na tapikin ang sahig gamit ang dalawa niya'ng paa.
"Ensley." Doon naman natauhan siya sa ginagawa niya. "Sorry."
Napabalikwas siya sa gulat nang marinig ang tunog ng door bell nila. Dali-dali siya tumayo at sinabihan si Levi na siya na lang ang mag bubukas.
Kinakabahan na binuksan niya ang kanila'ng pintuan at lumabas para pag buksan ang kung sino man ang nasa likod ng gate nila.
Unti-onti niya binuksan ang itim nila'ng gate at tumambad sa kaniya ang naka ngiti'ng si Zoey.
"Good eve, Ens." Bati nito sa kaniya. Hindi naman mapalagay siya kaya pinapasok niya muna ito bago ito sinagot. "Good eve, pasensya ka na kung biglaan kita tinext—"
"It's okay, gusto rin naman kita makausap." Balik na saad nito sa kaniya.
Tumango siya rito, "Andyan pala si kuya Levi. Pakilala muna kita, tapos saan mo ba gusto mag usap?" Kinakabahan na tanong niya rito.
"Sure, no problem and kung saan ka komportable." Tinitigan niya ito at pagkatapos ay pinapasok na sa loob ng bahay.
Nang makapasok na ay agad sila tiningnan ni Levi at lumapit sila rito. "Kuya, si Zoey pala. Fiance ni Xavier." Pakilala niya rito na kinatanguhan lang ni Levi.
"Doon lang kami kuya muna sa backyard." Paalam niya sa kapatid at ganoon din ang ginawa ni Zoey kay Levi.
Nung nakaraan ay nag paayos si Levi ng isang gazebo sa gilid para mag karoon ng tambayan doon at makapag basa ng kaniya'ng mga libro.
Tahimik na nilakad nila ito patungo sa kahoy na gazebo. Hindi niya rin kasi alam kung paano sisimulan ang pag uusap nila'ng dalawa.
"Feel at home." Saad niya rito nang marating na nila ito. Parehas sila na umupo roon at namayani ang katahimikan sa kanila'ng dalawa at mga ingay lang ng kuliglig ang maririnig.
"Zoey—" simula niya. Nakangiti naman ito'ng tumingin sa kaniya. "Sorry kung nadamay pa kita. It just that I thought I still loved him. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko, ang tagal ko siya inantay na bumalik tapos nung mag kita ulit kami, doon ko lang nalaman na engaged na siya sayo."
"Akala ko ayos na ako pero nang makita ko siya ulit, nasaktan ako. Believe me, I tried my best na hindi na siya kausapin dahil ayoko na rin masira kung ano ba'ng meron samin ni Dior pero sa tingin ko hindi sapat dahil andon pa rin ako sa punto na guguluhan."
"That night, ako nag yaya sa kaniya para makapag usap kami at hindi namin sinadya na mauwi sa ganoon." Pabulong na saad na niya rito habang nakatingin pa rin dito.
"I know—"
"H-Ha?"
"Sinabi sakin ni Xavier. Sa totoo lang, alam ko na bago pa lang tayo nag kita. Nung una ay hindi ako payag sa mga magulang ko, ganoon din si Xavier. Doon ko rin nalaman na may nakilala siya sa Costa. Wala lang sakin 'yon dahil kahit ako may gusto rin ako'ng iba nung mga panahon na 'yon."
"Palagi ka niya naku-kwento sakin. Gusto na sana niya bumalik sa Costa non pero hindi niya magawa dahil inaalala niya rin ang kasunduan ng pamilya namin hanggang lumipas ang isang taon, ikaw pa rin ang bukang bibig niya. Hindi ko rin namalayan na unti-onti na ako nahuhulog sa kaniya."
"Nang una kita makita, gusto ko magalit sayo kahit wala ka naman ginagawa pero hindi ko magawa dahil alam ko'ng mas nasaktan ka nang malaman mo na engaged na pala yung lalaki na matagal mo na inaantay."
"Nalaman ko rin na kala Dior ka nakatira. Natuwa ako non dahil sigurado na mawawala ang atensyon mo kay Xavier. Nung una ay parang imposible dahil kahit ako yung kasama niya ay sayo pa rin siya nakatingin at ganoon ka rin."
"Palagi rin masaya si Xavier sa tuwing nag uusap kayo, kaya gustuhin ko man mainis sayo o sabihin sa kanila ang katotohanan ay hindi ko magawa. Hindi ko kaya saktan si Xavier lalo na ikaw dahil kapag ginawa ko iyon ay sigurado na mawawala rin siya sakin."
"That night nag usap kayo, sinabi rin sakin agad ni Xavier ang nangyari at nakiusap siya sakin na huwag ka na kausapin."
"Z-Zoey. Sorry."
"Ayos na iyon, naiintindihan kita. Naiintindihan ko kayo'ng dalawa. Sorry din, Ensley."
Hindi na mapigilan nang dalawa ang hindi bumuhos ang kanila'ng luha sa kanila'ng mga mata. Mag kahawak kamay sila at parehas na umiiyak.
"Hindi mo naman na siya gusto hindi ba?" Nag aalalang tanong nito sa kaniya.
"I still like him, hindi naman siguro mawawala iyon pero hindi katulad nang nararamdaman ko kay Dior." Pang-amin niya rito at sa sarili na rin.
"Do you love him?" Tanong pa ni Zoey. Pinunasan naman nito ang sarili'ng luha.
"Fucking yes—" nagulat naman si Ensley sa kaniya'ng sinabi at doon naman tumawa si Zoey.
Ngumiti siya rito "I love him so much." Naka ngiti rin na tumango si Zoey sa kaniya.
"Do you love him?" Pang-gagaya na tanong niya rito.
Tumawa muna si Zoey bago sumagot "Fucking yes, I love him so much." At sabay na sila'ng tumawa sa pinag aamin nila sa isa't isa.
BIYERNES ng gabi. Napag desisyunan ni Ensley na sumama sa Calista. Nag baba-kasakali siya na makausap na si Dior at si Chloe na rin dahil alam niya'ng kasama rin ito.
Kahapon pa niya naayos ang mga damit na dadalhin at kasalukuyan siya ngayon nasa sasakyan ng kuya Logan niya papunta sa bahay nila Parker. Doon kasi ang kitaan nila, ang bahay kasi ng mga Wu ang malapit sa daan pa-Calista.
"Do you want me to go?" Tanong ulit ni Logan sa kaniya. Kanina pa ito paulit-ulit sa tanong niya dahil nag aalala ito na baka may mangyari ulit katulad nung nasa soccer field sila.
"Kuya, I can handle myself and I told you naka pag usap na kami."
"Tawagan mo lang ako, Ensley kung gusto mo na umuwi ha." Nag aalala pa rin nito saad. "Yes, kuya. Salamat."
Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang tahanan ng mga Wu. Nakita niya ang sasakyan ni Xavier sa labas naka parada pero wala pa rin ang sasakyan ni Dior dito.
Bumaling siya sa kapatid na tahimik lang naka tingin sa harapan. "Kuya, sasama ka ba sa loob?" Basag niya sa katahimikan. Humarap ito sa kaniya at ngumiti.
Parehas sila'ng bumaba ng sasakyan at nakita nila na palabas na si Parker para salubungin sila sa labas ng gate.
"Ignacio! Ens!" Bati nito sa kanila nang makalapit, balak pa sana nito yumakap ngunit napigilan agad ito ni Logan.
"Si Chloe? Sasama?" Tanong niya kay Parker habang nag lalakad sila papunta sa loob. "Nasa kwarto pa niya. Don't worry, sasama siya." Tumango na lang siya rito bilang tugon.
Nang marating ang loob ng bahay ay nakita niya agad sina Xavier at Zoey. Agad naman na tumayo ito sa pag kakaupo at nilapitan sila.
"Ens!" Bati sa kaniya ni Zoey at yumakap pa ito sa dalaga. Bumaling naman siya kay Xavier at binati rin ito.
Sa linggo pa ang kaarawan ni Xavier ngunit ngayon na sila aalis patungo sa Calista para roon na mag stay ng weekend.
"Wu, ikaw na bahala sa kapatid ko." Bilin ni Logan dito. Tumawa naman si Parker, "Ayos-ayusin mo lang." habol pa ni Logan sa ka-teammate.
"Don't worry, Ignacio. Alam mo naman na hindi siya pababayaan ni Dior." Maloko na saad pa nito.
Nailang naman si Ensley nang marinig ang pangalan ng binata. "Gago ka talaga." Pag singit na ni Xavier sa usapan. "Dapat na hindi na mag alala si Logan, pinag alala mo naman." Saad pa ni Xavier nito na kinatawa lang ni Parker.
"Kuya, I'm really okay. Andito naman si Zoey— tsaka si Chloe." Pabulong na nito'ng saad nang banggitin ang pangalan ng kaibigan.
Hinawakan ni Zoey ang kamay ni Ensley, tumingin siya rito at ngumiti na. Lumapit si Logan sa kapatid at hinalikan ito sa noo. "Just call us kung gusto mo na umuwi." Sabi pa nito bago nag paalam sa kanila.
Nakaupo na sila'ng dalawa ni Zoey sa couch nang bumaba na si Chloe galing sa kwarto nito. Huminto ito saglit nang makita niya si Ensley.
"Hi, Chlo." Bati ni Zoey dito. "Hi, ate Zoey." Balik na bati rin nito kay Zoey at pagkatapos ay tumingin pa ito kay Ensley.
"Hi, Chlo." Kinakabahan na bati rin ni Ensley sa kaibigan. "Hi." Tipid na bati nito at pagkatapos ay nilapag na ang bag nito sa couch at umupo na rin dito sa kabilang upuan.
"Sila kuya?" Tanong pa nito. "Nasa labas." Si Zoey ang sumagot dito hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Ensley kung paano kakausapin si Chloe pero nag papasalamat siya na binati siya nito pabalik, ibig sabihin ay hindi ito ganoon kagalit sa kaniya.
Ilang saglit ay pumasok na sa loob ng bahay si Parker. "Andiyan na si Moore. Labas na tayo." Balita nito sa tatlong babae at hindi nito nakalimutan tumingin kay Ensley nang bigkasin nito ang pangalan ni Dior.
Bumilis ang tibok ng puso ni Ensley. Akala niya ay handa na siya makita ulit si Dior pero nang banggitin nito ang pangalan nito ay hindi niya mapigilan na kabahan.
"Tara na, Ens." Tawag sa kaniya ni Zoey. Tumingin siya rito at pagkatapos ay kay Chloe nakatingin na rin sa kaniya. Nakikita niya sa mata nito na nag aalala ito sa kaniya.
"Ayos ka lang?" Tanong pa ni Zoey sa kaniya. Pilit naman na ngumiti siya rito at kinuha na ang bag nito naka patong sa couch.
"K-Kanino pa lang sasakyan ang gagamitin?" Tanong niya sa mga ito habang patungo na sila sa labas.
"Alam ko tatlo'ng sasakyan ang gagamitin. Kay Xav, Parker at Dior." Sagot sa kaniya ni Zoey.
"Oh!"
"Samin ka na lang sumabay, Ens." Saad pa ni Zoey sa kaniya. "H-Hala! Nakakahiya, huwag na."
"Ate Zoey, samin na lang ni kuya Parker sasabay si Ensley." Singit ni Chloe na gulat na kina-lingon niya rito. "Chloe—" bumaling naman ang kaibigan niya sa kaniya at nginitian siya.
Gusto na sana niya maluha kaso napigilan lang marinig niya ang boses ni Dior.
"Sa akin sasabay si Ensley." Saad nito habang nakatingin sa kaniyang mga mata.
Mas lalo bumilis ang kaniyang puso nang nasa tapat na niya si Dior. Doon niya lang din na-realized kung gaano niya na-miss ang binata. Gusto niya ito yakapin at sabihin agad dito ang kaniyang totoong nararamdaman pero nag aalangan siya na hindi pa ito ang tamang oras.
Lumapit ito sa kaniya habang hindi inaalis ang mata nito sa kaniya at walang kurap na sinalubong niya ang tingin nito. Naramdaman niya na dumausdos ang kamay nito sa kamay niya na may hawak na bag niya at nakita na lang niya nakuha na nito sa kamay niya ang kaniyang bitbit na bag.
Hindi na siya naka angal ng tumalikod na ito sa kaniya at dumiretso ito sa sarili nitong sasakyan. Tumingin siya sa mga kaibigan sa paligid, lahat ito nakatingin sa kaniya na may ngiti nakakaloko.
"Parker, tutusukin ko talaga 'yan mata mo." Bulong niya rito. Tumawa lang ang naging sagot nito sa kaniya na kina-ikot ng mata niya.
Bumaling naman siya kay Chloe nang maalala ito. "Chloe—" Tumango ito at nginuso si Dior bilang sagot nito. "I'll talk to you tomorrow." Saad niya rito bago ito niyakap nang mahigpit.
"Hindi pa tayo ayos, Ensley. Umalis ka." Bilin nito sa kaniya. Naluluha naman na tumawa siya rito at agad din na pinahiran ang lumandas na luha sa kaniyang mata.
Nag paalam na siya sa mga ito bago pumasok sa loob ng sasakyan ni Dior, na kanina pa nakasakay dito.
Nangingig na humawak siya sa pintuan ng sasakyan nito para buksan habang parehas din na malamig ang dalawa niyang mga kamay.
Nang makapasok sa loob ay tahimik lang na pinag masdan siya ng binata. Umupo siya nang maayos sa passenger seat at hindi mapalagay na kinuha ang seatbelt sa gilid ng upuan niya at kinabit ito sa kaniya.
Pagkatapos niya makabit ang seatbelt ay akala niya ay lalapit si Dior sa kaniya ngunit may kinuha lang ito sa backseat ng sasakyan.
Nakita niya na hindi pa rin umaalis ang sasakyan nila Xavier at Parker. Inaantay pa siguro ng mga ito sila bago sabay-sabay na umalis na.
Naramdaman niya nang may malambot na tela ang sumagi sa balat niya. Lumingon siya kay Dior at sa hawak nito.
"You should sleep while I am driving." Saad nito sa kaniya. "A-Ayoko."
Kumunot ang noo ng binata nang marinig ang sinabi ng dalaga.
"No, matutulog ka."
"P-Paano ka? Baka antukin ka, wala kang kausap."
"I can handle myself. I need you to sleep for me." Naguluhan naman siya sa sinabi nito. "Ha?"
"Kailangan mo matulog ngayon at baka tulugan mo ako bukas at baka sisihin mo ako na hindi kita pinatulog."
"Ayoko."
"Kanina pa tayo inaantay nila." Turo pa nito sa dalawang sasakyan sa labas. Wala na siya nagawa at kinuha na ang blanket sa kamay nito at kukunin na sana ang unan sa kamay nito nang ibinaba kaunti ni Dior ang inuupuan niya at nilagay ang unan sa ilalim ng ulo niya.
Inayos din nito ang kumot sa dalaga. "You know, you can put your feet on—" turo nito sa upuan ng sasakyan na inuupuan niya.
Hindi na siya nag dalawang isip na ipatong ang dalawa niyang paa sa upuan at niyakap ang unan.
"Sleep tight." Saad nito bago nito pinaandar ang sasakyan at sumunod na kala Xavier at Parker.