Chapter 29
GUMISING si Ensley nang mas maaga kaysa sa kadalasan niya'ng gising sa tuwing may pasok siya. Balak niya kasi ngayon'ng araw ay dalhan sina Dior ng breakfast. Maaga kasi ito pumapasok sa University para mag practice dahil nalalapit na naman ang sunod na laban nito sa soccer.
Ang orihinal na plano ay siya mismo ang gagawa nang pagkain ng mga ito ngunit dahil nga hindi pa siya ganoon kahusay sa larangan ng pag luluto ay pupunta na lang siya sa malapit na diner para doon bumili ng pu-pwede ibigay sa mga ito. Nalaman niya rin kasi na may malapit na diner sa kanilang Unibersidad.
Pumasok siya sa loob ng 3r's diner at may ngiti sa labi na binati siya ng mga employee roon. Pagkatapos niya ibalik ang bati ng mga ito ay dumiretso siya sa counter para makapag order na rito.
"Good morning! How can I help you?" Masiglang bati ng cashier sa kaniya. Tinitigan niya ito at pagkatapos ay binaling ang tingin sa menu nasa board sa itaas. Binabasa niya ang mga pwede niya ibigay kala Dior.
Kumunot din ang noo ng dalaga dahil hindi niya alam kung ano nga ba ang pwede bilhin para sa isang athletes.
"Bago lang po ba kayo rito?" Pag kuha nang atensyon ng cashier sa kaniya. Naka-ngiti na tumango siya rito. "Ano ba pwedeng healthy foods para sa mga athletes?" Tanong niya rito.
"Hmm? We have healthy sandwich po for breakfast." Sagot nito at binigyan siya ng isang menu book. Kinuha niya naman ito at tinignan ang mga pagkain naroon.
"Madalas po kasi napunta rito yung mga athletes sa mga kalapit na Unibersidad dito, kaya naisipan po ni Boss na gumawa ng menu para sa kanila." Kwento nito sa kaniya habang masuri pa rin siya natingin sa mga menu at tumatango naman siya rito para iparating nakikinig siya rito.
"I'll have four of this." Turo ng dalaga sa avocado sandwich "Hm? And do you have gatorade?"
"Yes, Ma'am. Anything else po?" Umiling naman si Ensley dito. "Four of that, too
and no, that's it. Thank you."
After niya rito ay naisipan din niya na pumunta sa malapit na convenience store para bumili ng vitamin drinks.
"Here's your order. Thank you for waiting. Have a nice day po." Kinuha na niya ang paper bag na may laman na apat na sandwich at apat na gatorade. "You too." Sagot niya rito bago siya lumabas sa pintuan ng diner.
Dahil wala siya'ng sasakyan, nag intay muna siya sa gilid ng jeep at nang makakita na ng jeep ay pumara na siya rito at sumakay. Medyo puno ang sasakyan kaya nahirapan siya nang kaunti makaupo.
Inilabas niya ang kaniya'ng wallet at kumuha rito ng barya para makapag bayad na sa tsuper.
Kahit maaga pa ay halos puro taga University na niya ang nakasakay sa loob ng jeep. Nakakita rin siya ng familiar na mukha, siguro nakikita niya ito kapag napapadaan sila sa hallway.
Huminto ang sasakyan sa babaan ng mga pasahero, malapit sa kanila'ng Unibersidad. Inantay niya muna bumaba ang ilang estudyante nasa unahan niya bago siya sumunod sa mga ito.
Medyo nahirapan din siya sa pag kilos dahil mabigat ang bitbit na bag niya at may bitbit pa siya'ng brown paper bag.
"Excuse me, Miss. Nahulog yung keychain mo."
Napalingon naman si Ensley sa kumalabit at tumawag sa kaniya. Pag lingon niya rito ay nakita niya ang isang babae na matangkad, mahaba ang itim nito'ng buhok at maganda.
'Bakit parang puro magaganda ang nakikita ko nag aaral sa University nato' Pag-isip niya sa sarili.
"Your keychain?" Saad pa nito ulit. "Ay, oo. Salamat." Ngumiti ito sa kaniya at pagkatapos ay tumango para mag paalam na sa kaniya. Sinundan naman niya ito nang tingin at pagkatapos ay dumiretso na siya sa malapit na convenience store.
Pag pasok sa loob ay lumapit siya sa aisle ng mga bitamina. Kumuha siya ng isang box ng lemona roon at tatlong bote rin. Pagkatapos ay dumiretso na sa counter para makapag bayad.
"Thank you!"
NAKATAYO siya sa harapan nang malawak na field dahil nahihiya pa siya na tumuloy sa loob mismo ng field.
Bigla siya kinabahan nang marinig ang sigawan at takbuhan ng mga players sa loob. Huminga muna siya nang malalim bago tuluyan pumasok sa loob.
Nakita niya ang kanila'ng soccer teams nag eensayo sa malawak na field habang seryoso naka masid dito ang coach ng mga ito. Nakita niya rin ang kuya Logan niya nasa tabi ng coach nila at kausap ito.
Nag tungo siya sa unahang row ng bleachers at doon pumuwesto. Ibinaba niya ang kaniya'ng sling bag at ang dalawang brown paper bag na dala niya rin. Binuksan niya ang kaniya'ng bag at nilabas doon ang isang libro para mag basa habang inaantay matapos sila Dior.
"What are you doing here?" Nagulat naman si Ensley ng marinig niya ang boses ng kapatid na ngayon nasa harapan na niya.
"Reading?" Patanong na sagot niya rito. Tinaasan naman siya nito ng kilay. "I brought you guys breakfast." Nahihiya na sagot niya sa kapatid.
"Breakfast ha? The last time I checked, you didn't even bothered to brought me foods here." Sarkastik nito'ng saad at tiningnan ang brown paper bag nasa tabi ng dalaga. "Kuya, di pa tapos training niyo. Doon ka nga." Pag tataboy niya kay Logan.
Bago umalis si Logan ay binantaan niya muna ang kapatid. Dinuro nito ang dalawang daliri sa kaniya, na parang pinapahiwatig nito ang salita'ng 'I see you.' sa kaniya. Pinanlakihan na lang niya ito ng mata bago pinag patuloy ang pag babasa.
Hindi namalayan ni Ensely na tapos na ang morning training ng soccer team. Natigil siya sa pag babasa ng marinig ulit ang boses ng kaniya'ng kapatid. Inis na binalingan niya ito ngunit nagulat siya nang makita kasama na nito sina Dior.
Napa-ayos siya ng upo at tumikhim nang kunwari sa mga ito. Nakita niya ang seryoso'ng mukha ni Dior ay napalitan ng malaking ngiti sa mukha na kinaikot ng mata niya.
"Sabi ni bunso, dinalhan niya raw tayo ng pagkain." Basag ni Logan sa katahimikan.
"Kuya!"
"What? Totoo naman diba? Nasaan na?"
"I think, yung salitang bunso ang ayaw niya marinig." Singit ni Parker sa usapan at sabay-sabay naman na tumawa ang mga kalalakihan sa harapan niya at ginulo pa ni Logan ang buhok niya.
"Sus, nag dadalaga na bunso namin." Asar pa ni Logan. "Binilhan na nga kita ng pagkain, kuya." Pag mamaktol pa nito sa kapatid.
"If I know para lang kay—" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil madali nasupalpal ni Ensley ang bibig ng kapatid.
Walang hiya naman na kinuha ni Parker ang brown paper bag at nilabas doon nag isang sandwich na binili niya. Napailing na lang siya sa ugali ng binata.
"Maliligo pa muna kami. Sa cafeteria na lang tayo mag kita." Saad ni Dior sa kaniya.
Namula naman siya sa narinig. "Ayoko, I'll wait you here." Tinaasan naman siya ng kilay nito habang hindi mawala ang maloko na ngiti nito sa labi. Nang mapag tanto ni Ensley ang sinabi ay mas lalo siya namula. "I'll wait you GUYS here." Inemphasize niya pa ang salitang guys para iparating na sila ang iintayin niya, not in the other way round.
TININGNAN ni Ensley ang relo sa kaniya'ng wrist at nakita na may kalahating oras pa siya bago ang una niya'ng subject.
"Morning." Biglang sulpot ni Dior sa gilid niya at hinalikan siya sa pisngi na kinalaki ng mata niya.
Pinalo niya ito sa braso, "Makita nila tayo."
"So?" Walang pakealam nito'ng saad sa kaniya at balak pa sana yakapin siya nang makita na niya sina Parker, kaya dali-dali siya tumayo agad.
Tumawa naman si Parker nang makita si Dior na muntikan na masubsob.
"Fuck you!" Inis na saad ni Dior kay Parker. Ngumiti naman si Ensley sa kakalapit lang na si Xavier.
"Pinapakuha ni Ignacio yung kaniya, hindi na raw siya makakasama dahil kailangan pa siya kausapin ni coach." Saad ni Xavier sa kanila at roon naman lumabas si Logan at lumapit sa kanila.
"Bunso—"
"I know na kuya, here." Abot niya rito ng pag kain at inumin. Kinuha naman ito ni Logan at hinalikan si Ensley sa ulo.
"Thanks, I'll see you later." Saad nito sa kaniya at bumaling naman sa kalalakihan pagkatapos ay tinanguhan niya ito bago umalis na.
Lumapit naman sa kaniya si Dior at kinuha ang bitbit niya'ng bag at kinuha rin ang kaniya'ng kamay na kinabigla niya.
"What? They know about us."
Gulat naman na tumingin si Ensley kay Parker na malokong nakangiti sa kanila at kay Xavier na tahimik lang na nakatingin sa kanila.
"Oh? Pero Dior baka makita tayo nang ibang estudyante."
Bigla naman nag iba ang mukha ng binata at binitawan na ang kamay na hawak nito na kinalungkot ng dalaga, pero wala siya magagawa dahil hindi pa siya handa. Binalik din nito ang kaniya'ng bag pero kinuha naman nito nag dala niya'ng brown paper bag.
"Kahit ito na lang." Seryoso'ng saad ng binata sa kaniya.
DAHIL sa nangyari kanina ay medyo naging awkward ang atmosphere.
"Gutom na ako."
Basag ni Parker sa katahimikan. Nag pasalamat naman nang tahimik ang dalaga rito. Inilabas na niya ang tatlo'ng sandwich at inumin nang mga ito.
"Kumain ka na ba?" Tanong sa kaniya ni Xavier na medyo kinabigla niya. Nahihiya naman na umiling siya rito.
"Share tayo." Singit ni Dior sa usapan, lumingon naman ang dalaga rito at umiling.
"No, that's yours."
"What's mine is yours too." Bigla naman nasamid ang dalaga sa narinig.
"Walang hiya, Moore! Ang corny mo!" Natatawang saad ni Parker sa binata habang kumakain na.
Wala nagawa si Ensley nang bigla siya sinubuan ni Dior ng sandwich. Maloko naman ito'ng nakangiti sa kaniya.
Pagkatapos nila kumain ay nilabas niya sa bag niya ang isa pa'ng brown paper bag at inilabas doon ang binili na vitamins.
Inabot niya kay Dior ang isang box nito. "Hm?"
Pagkatapos ay binigay naman niya ang tatlong bote ng bitamina kay Xavier.
"Yung akin?" Tanong ni Parker sa kaniya. Napakamot naman siya sa tenga. "Wala ako?! Grabe, Ensley." Maarte pag tatampo nito sa dalaga.
Habang nag rereklamo si Parker kay Ensley. Si Xavier naman ay hindi pa rin makapaniwala nakatingin sa tatlong bote binigay sa kaniya ni Ensley, habang si Dior naman ay tahimik lang na pinag mamasdan ang nangyayari sa paligid. Nakatitig din ito sa isang box na bigay ni Ensley at lalo na kay Xavier at sa tatlong bote na binigay ng dalaga rito.
Inabot ni Xavier ang isang bote kay Parker para sana tumahimik na ito.
"No!—I mean, sayo yan." Nahihiya na saad ni Ensley dito. Parehas naman natahimik ang tatlo. "Tatlo naman ito." Saad pa ni Xavier.
Pabalik-balik naman tinitigan ng dalaga sina Xavier at Parker. Seryoso rin ito nakatingin sa kaniya.
"Okay." Labas sa ilong na saad ni Ensley sa mga ito. Maloko naman na kinuha ni Parker ang isang bote sa kamay ni Xavier.
"Thanks, Bunso." Maloko na saad ni Parker sa kaniya.
SA buong linggo ay ganoon ang naging routine nila Ensley at Dior. Unti-onti nila binibigyan ang isa't isa ng oras para mas lalo makilala at mapalapit sa bawat isa.
Araw ng huwebes.
Bitbit ang ginawa'ng blueberry and almond smoothie ay dumiretso siya sa classroom ng binata at kakatapos lang din nang klase nila.
Dahan-dahan siya sumilip sa loob ng kwarto. Nakita niya na may ilang estudyante ang naroon pero walang professor ang nasa loob. Nakita niya si Dior sa gilid na may kumakausap na dalawang babae.
Hindi na sana siya tutuloy dahil baka ano sabihin nang mga ito sa kaniya kapag nakita siya ng mga ito.
Bigla na lang may sumulpot sa unahan niya. "Sino hanap mo, Miss?" Tanong nito sa kaniya.
"Uh, mali'ng classroom."
"Ensley, ano ginagawa mo rito?" Nabigla naman siya nang may mag salita sa gilid niya.
"Kilala mo, Parker? Sabi niya nasa mali'ng room daw siya." Pang bibisto nung nakausap niya kanina.
"Anong mali?" Inakbayan naman siya nito at walang pasabi na sinama sa loob.
"Hoy, Moore! Tama na mang babae at may nag hahanap sayo!" Sigaw ni Parker kay Dior.
Nakita naman ni Ensley kung paano lumingon ang mga estudyante nasa loob ng classroom sa gawi niya. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang mga titig ng dalawang babae na kausap ni Dior kanina.
"Walang hiya ka talaga, Parker." She said through gritted teeth.
Tumayo sa pagkakaupo si Dior, balak pa sana ito pigilan nang dalawa'ng babae ngunit binawela ito ng binata at lumapit sa kanila.
"Girlfriend mo, Moore?" Tanong pa nang isang kaklase nito nang mapadaan ito rito. "Fuck off, Sanchez." Wala naman nagawa ang tinawag ni Dior na Sanchez at tinaas pa nito ang dalawang kamay na akala mo sumu-surrender dito. "Chill!" Habol pa ng kaklase nito.
Ang masungit na mukha ni Dior kanina ay napalitan ng ginhawa nang makalapit ito sa kaniya. Napailing na lang si Parker sa gilid nila.
"Hey," Pag kuha ni Dior sa atensyon niya. Hindi naman ito nabigo at lumingon na siya sa kaniya pero aware pa rin siya sa mga titig ng mga kaklase nito sa kaniya.
"A-Ano!" Medyo nangingig na ibinigay ng dalaga ang tumbler na may smoothie sa binata. Nag tataka naman na kinuha ito ni Dior.
"Blueberry and almond smoothie." Sagot ni Ensley sa kunot na noo ng binata habang tinitingnan ang tumbler.
"Kung ayaw mo, kay Parker mo na lang ibigay." Nahihiyang saad niya sa binata. "No." Malutong na balik na sagot nito sa kaniya na medyo kinabigla ng dalaga.
"This is mine. Just mine." Tinitigan pa nito si Parker nang masama. "Chill, dude! Hindi ko inaangkin."
"Hoy, Ens. Wag mo nga ako dinadamay diyan." Sabi pa nito sa kaniya at iniwan na sila'ng dalawa ni Dior.
Tumingin ulit si Ensley sa paligid niya at may ilan pa rin nakatingin at nakikinig sa kanila. Masama na rin ang tingin ng mga babae sa kaniya.
'Wrong move pa ata ginawa ko.' Pagalit niya sa sarili.
"Mauna na ako. Ibibigay ko lang talaga yan sayo."
Lumapit naman ang binata sa kaniya at hinawakan siya sa baywang para ilapit ito sa katawan ng binata.
"H-Hoy! Ano g-ginagawa mo? Nakakahiya."
Pero mas lalo niyapos siya nito at nakayakap na rin ito sa kaniya.
"You really smell nice, baby. Thank you for this." Parang kamatis naman sa pula ang buong mukha niya sa gesture at sa sinabi nito sa kaniya.
"Shit! Ayan na raw prof niyo." Pilit naman inalis ni Ensley ang kamay ng binata sa kaniya. Umungol naman si Dior bilang protesta sa ginawa niya.
Pagkaalis ni Ensley sa yakap ni Dior, hindi niya inaasahan na hahawakan nito ang dalawa niya'ng pisngi at hinalikan siya nito sa ilong.
"You're really cute."
Nahihiya naman siya'ng lumabas na sa loob ng classroom nito at narinig niya pa ang mahina'ng pag tawa nito dahil sa kaniya.
"DIOR, seryoso ka ba? Nahihiya ako." Saad niya rito.
Kasalukuyan nasa loob sila ng sasakyan nito at nasa tapat sila ng bahay ng mga magulang nito. Hindi niya alam kung ano pumasok sa binata at dinala siya nito rito. Ang sabi lang nito ay gusto niya kumain sa labas pero hindi niya naman alam na ang labas na sinasabi nito ay sa mismong bahay ng magulang nito.
"Don't worry, baby. My mom will surely like you."
"Dior, hindi ayon inaalala ko. Hindi mo naman ako girlfriend, ano na lang sasabihin ng mommy mo tsaka hindi ka dapat nag dadala nang biglaan ng babae sa inyo na hindi mo man lang sinasabi a day before."
"Hm? Is this your way of asking me to be your boyfriend?"
"Ha?"
"Because if it is, then I will say yes. Yes, sweetheart I will be your boyfriend."
"No!— I mean, yes." Naguguluhan na sagot ng dalaga rito.
"You’re my girlfriend?"
"Yes!— N-No, I... I have to do something first." Hindi makatingin na saad nito sa binata. Tinitigan naman siya ni Dior, sinusuri kung ano gusto iparating ng dalaga sa kaniya.
"It's okay, Take your time." Hinawakan naman ng binata ang kamay ni Ensley at hinalikan ito habang ang dalaga ay nakasunod lang dito habang hinahalikan ang kamay niya.
"I am sorry." Mahinang saad ni Ensley dito.
"Let's get inside." Tumango na lang ang dalaga rito at sinunuod na ang binata. Pinaandar na ulit nito ang sasakyan, kusa naman bumukas ang gate ng bahay nito.
Namangha siya nang makita kung gaano kalaki ang lupain at kung gaano kalaki ang bahay nila Dior. Hindi niya mawari yung bahay pa ba iyon o mansyon na.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng mansyo ng mga ito at may lumabas na isang lalaki sa kung saan. Bumaba si Dior at umikot sa passenger seat door para pag buksan siya nang pintuan.
Simpleng pants and blouse lang ang suot niya, hindi naman kasi niya alam na rito sila pupunta. Sana nakapag dress man lang siya para mag mukha siya'ng presentable sa mga ito.
Hinawakan ni Dior ang kamay niya at pagkatapos ay bumaling ito sa lalaki sa gilid nila at binigay doon ang susi ng sasakyan nito.
"Thanks, kuya Ben."
"Welcome home, Vale." Saad ni Ben kay Dior. Nag taka naman siya sa tinawag nito sa binata.
"My second name." Sagot nito sa kaniya na akala mo narinig nito ang gusto niya'ng sabihin o itanong.
Nanlaki naman ang mata ni Ensley. "YOU HAVE SECOND NAME? How come I don't know?"
"You never asked me?"
"How dare me?" Natawa naman si Dior sa sinabi nito at pagkatapos ay kinurot ang pisngi nito. Nag rereklamo naman ang dalaga sa sakit nito pumisil.
"God knows how much I love you."
"Wha—" hindi na natuloy ni Ensley ang sasabihin nang lumabas ng main door ang isang magandang babae na sa tingin niya ay nasa 50s pero hindi halata rito ang katandaan dahil mukha pa rin ito'ng dalaga.
"My Baby boy!" Nagulat naman siya sa tinawag nito sa binata.
"B-Baby boy? Hahaha." Pang-aasar niya sa binata na sinamaan naman siya ng tingin.
"Stop that." Banda ni Dior sa kaniya. Kunwari naman na sini-zips niya ang bibig.
Maarte'ng bumaba sa hagdan ang ina nito at lumapit sa kanila na akala mo ay isang teenger na ilang taon hindi nakita ang anak.
"Your mom misses you so much. What kind of son are you? Hindi mo man lang ako dinalaw."
"Mom—"
Doon naman lumingon ang ina ni Dior sa kaniya at bigla naman siya napatayo nang ayos at ngumiti rito.
"Who is this?" Mataray na tanong nito sa anak.
"Mom!"
"Kiddin' sweetheart. I am Elizabeth. Dior's mom and my apologize, hindi sinabi ng anak ko na may isasama siya'ng babae ngayon—Sana nakapag handa ako." Masungit naman ito bumaling kay Dior nang sabihin iyon.
"My name is Ensley Ignacio po and kahit ako rin po, hindi niya sinabihan."
"What? How can you be so irresponsible? Ayan ba yung tinuturo ko sayo?" Pinalo pa nito si Dior sa braso.
"Aray! Sorry na, Ma."
"Paano na lang kung ikakasal ka na? Bibiglain mo rin ako?" Nanlaki naman ang mata ni Ensley at tumawa ng mahina. Masungit naman na bumaling sa kaniya rin ito at doon naman napatahimik si Ensley.
"Wag mo sabihin na buntis na ito?"
"What?" Sabay na saad nina Ensley at Dior.
"Mrs. Moore, hindi po ako buntis."
"Bubuntisin ko pa lang." Singit ni Dior sa mga ito. Nakatanggap naman ang binata ng palo sa ina at kay Ensley.
PAGKATAPOS nangyari kanina ay hindi ni Ensley pinapansin si Dior. Nasa loob na sila ngayon ng mansyon ng mga ito at nakaupo sila sa dining area.
Kanina pa siya kinukulit ni Dior pero hindi niya ito pinapansin. Tama ba naman mag loko nang ganon sa harapan ng ina nito.
At totoo nga na may kapatid din ito, he has baby brother. Nag pakilala ito na si Riley at limang taon na ito. Hindi naman mapigilan ni Ensley kurutin ang pisngi nito dahil sa sobrang cute nito.
Mag kamukha sila ni Dior pero mas cute si Riley kaysa sa binata. Hindi katulad ng binata, ang kapatid nito ay opposite niya. Friendly at madaldal ito.
"Ens."
Habang nasa loob ng kusina naman si Elizabeth. Ang sabi pa nito kanina ay gusto nito ito mismo ang nag aasikaso nang pagkain ng mga anak niya at asawa. Unfortunately, wala ngayon ang ama nila Dior. Nasa US daw ito para sa isang conference para sa company nila.
"Kuya Dior, is she your girlfriend?"
Nakaupo si Riley sa opposite side ng lamesa, ang cute nito dahil hindi masyado niya abot ang lamesa kaya kailangan pa lagyan ng pillow sa pangupo nito para maabot nito ang lamesa. Ayaw na raw kasi nito umupo sa dapat na upuan nito, hindi na raw kasi ito bata.
"No, baby. I am not."
"Seriously, Ens? Baby ha?" Sarkastik na tanong ni Dior sa kaniya ngunit binalewala niya lang ito.
"So, I can be your boyfriend?" Tanong pa ni Riley sa kaniya. Doon naman inis napalingon si Dior sa kapatid.
"Hoy, pandak. Ang swerte mo naman at balak mo pa ako unahan."
"Dior! Ano ba yung pinag sasabi mo sa bata." Suway niya sa binata. Hindi niya alam na nagiging childish pala ito kapag kaharap nito ang sarili'ng kapatid.
"And baby Riley—"
"I told you I am not baby."
"Okay, Riley—"
"No! Baby!"
Natawa naman si Ensley dito, dahil doon napagtanto ng dalaga na kapatid talaga ito ni Dior.
"Ang choosy mo pa, pandak." Kinurot naman ng dalaga si Dior.
"Baby—" Masama naman na tumingin si Dior sa kaniya at sa kapatid.
"When you grow up, you can find your own—hm? Help me out here."
"Snow white kasi pandak ka. Hahaha!" Nahirapan pa ito makahinga dahil sa sobrang tawa at bigla naman umiyak si Riley.
Doon din tumigil si Dior sa pag tawa at nilapitan agad ang kapatid.
"Sorry na, pogi. Ito naman hindi na maloko. Sige ka, hindi mo na ako malalagpasan sa kapogian ko."
Kahit pala gaano ka-abnoy si Dior sa kapatid ay mas matindi pa pala ito mag alala kapag umiyak na ito o may mangyari masama rito.
Ngayon niya lang din nakita ang ganito'ng side ng binata. Alam niya na sweet ito at maalalahanin pero hindi niya inaasahan na ganito ito sa kapatid.
"They look cute together, no?" Lumingon naman si Ensley sa nag salita sa gilid niya at nakita niya ang ina nang mga ito. Tumango na lang siya rito at parehas naka ngiti sa dalawa habang pinag mamasdan ito.