Chapter 28

GUMISING si Ensley na wala na sa tabi niya si Dior. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari kagabi, pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat nang iyon.

"From now on, I don't want to see you crying and hurting anymore. I want you to be happy."

Pagkatapos sabihin ni Dior ang mga katagang iyon ay hindi na siya hinayaan nito mag salita pa at sinabihan siya na matulog na.

Alanganin na humiga ulit si Ensely sa kama at pinagmasdan si Dior na pumunta sa bathroom.

Nag kunwari natutulog na si Ensley nang marinig na niya mamatay ang gripo sa loob ng bathroom at makalipas ang ilang segundo ay narinig na rin niya'ng bumukas ang pintuan.

Madiin na pumikit si Ensley habang nakatalikod sa binata. Naramdaman na lang niya ito na humiga ulit at niyakap siya patalikod.

Bumangon na ito at nag simula na kumilos para sa panibagong araw.

Naabutan ni Ensley ang lamesa na may nakatakip na pagkain nakahain dito. Nakita niya rin na may sticky note rito sa ibabaw nito.

'Eat up, sleepyhead. We have morning training and I didn't bother to wake you up earlier. I know hindi ka nakatulog nang ayos kagabi.'

Totoong hindi siya nakatulog nang ayos kagabi dahil sa pag-amin ni Dior sa kaniya at isa pa ay hindi rin nag papaawat ang kaniyang puso habang nakayakap ito sa kaniya buong mag damag.

NAGYAYA si Chloe na kumain sa labas pagkatapos nang kanilang klase ngayon'ng araw. Pumayag naman si Ensley dahil matagal na rin sila'ng hindi kumakain sa fastfood.

Dumiretso muna sila sa locker ni Chloe at pagkatapos ay kay Ensley.

Pinindot ni Ensley ang kaniya'ng password sa pinto nang kaniyang locker. Pagkabukas nito ay nagulat na lang siya sa nakita.

May isang african violets ang nakapatong sa loob nang kaniyang locker kasama ang isang sticky note naka dikit dito.

'I Like It When You Sleep, for You Are So Beautiful Yet So Unaware of It. -D'

Namula naman si Ensley sa kaniyang nabasa.

"Kanino galing yan?" Usisa sa kaniya ni Chloe at tiningnan ang sticky note naka dikit dito. "Kay kuya Dior?" Tanong pa nito. Nahihiyang tumango si Ensley sa kaibigan.

"That's new. Bakit ka binigyan niyan?"

"I don't know." Namumulang saad nito. Tinaasan naman siya ng kilay ni Chloe.

"He said he likes me." Mahina saad nito na tama lang na si Chloe ang makarinig. Tumili naman ang kaniyang kaibigan pagkatapos na marinig ang sinabi nito at pinalo pa ang braso nito.

"Chloe, baka may makarinig sayo." Suway ni Ensley dito.

"Sus! Kung ako yan, ipagsisigawan ko pa." Tumawa na lang si Ensley dito.

Sinarado na ni Ensley ang kaniyang locker at binitbit ang african violets plant. Balak niya ito ilagay sa kwarto niya.

Naglakad na sila sa hallway, palabas ng University.

"So, ano? Kayo na ba?" Tanong pa ni Chloe.

"Hindi, kailangan ba na kami agad porket umamin siya?"

"Hindi naman sa ganon pero gusto mo rin siya, diba? Ano pa inaantay niyo?"

"I'm not sure. Baka magalit si Xavier. I mean, mag kaibigan sila tsaka kailangan ko muna siguraduhin na hindi ko na gusto si Xavier."

Sumakay na sila sa sasakyan ni Chloe. Pagkatapos suotin ang mga seatbelts ay nag simula na si Chloe paandarin ito.

"Don't you think you're being unfair? Kuya Dior needs to know the truth pero tinatanggalan mo siya karapatan na malaman ang katotohanan."

Natahimik naman si Ensley.

Papunta sila ngayon sa malapit na Jollibee, isa iyon sa bagay na mahilig sila.

"Natatakot ako." Saad ni Ensley. Lumingon naman sa kaniya saglit si Chloe. "Sabi nila kapag ang isang bagay ay kinakatakutan mo ay ibig sabihin ay nasa tama ka o tama ang ginagawa mo."

"And I know, you like kuya Dior more than kuya Xavier. Hindi mo naman ibibigay ang lahat sa kaniya kung hindi mo siya gusto." Saad pa nito.

Hindi na sumagot si Ensley at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Napag desisyunan nang dalawa na itake-out na ang ang pag kain na binili sa Jollibee. Doon na lang sila kakain kala Chloe at manunuod ng movie. Binilhan din nila si Parker dahil paborito pala nito ang fried chicken at spaghetti ng Jollibee.

Lahat ng pagkain na binili nila sa Jollibee ay nasa coffee table nila Chloe. Dito sila kakain habang nanunuod.

Binuksan na ni Chloe ang kanilang netflix sa telebisyon at hinanap ang palabas na 10 things I hate about you.

Isa itong 90's movie. Noong nakaraan pa nila gusto ito panuorin nang sabay.  

Sumalampak na si Ensley sa carpeted floor ng mga Wu's at binuksan ang isang chicken spaghetti ng Jollibee. Kinuha niya rin ang isang chocolate sundae at french fries.

Nasa scene na sila nang kinantahan ni Patrick si Kat ng can't take my eyes of you at parehas na kinikilig sina Ensley at Chloe.

"Ang ganda ng boses" komento ni Chloe habang naka titig sa screen.

"Ang gwapo pa." Dagdag naman na komento rin ni Ensley habang nakain ng ice cream.

Hindi napansin ng dalawa na dumating na sina Parker. "Ehem!"

"Chlo, grabe yung ngiti ni Patrick. Nakakalaglag ng panty." Saad pa ni Ensley sa kaibigan na kanina pa siya kinakalabit. "Bakit?" Tanong pa ni Ensley dito.

"Andyan na sila kuya Parker."

"Edi kunin niya yung pag kain niya. Wala ba siya'ng kamay?"

Hindi na napigilan ni Parker ang tumawa sa gilid nila. Lumingon naman dito si Ensely at nakita na kasama nito sina Dior at Xavier.

"Shit." Mura niya sa sarili. Binalik niya ang tingin kay Dior na seryoso'ng nakatingin na sa kaniya.

"Grabe, Ensley! Palagi mo na lang ako inaaway." Pag iinarte pa ni Parker at lumapit na sa coffee table para kunin ang pag kain nito.

Lumingon naman si Ensley kay Xavier, "Hi, Xavier!" Bati nito rito pagkatapos ay bumaling ulit kay Dior. "Hi!" Sinungitan naman siya nito at umupo ito sa kabilang couch.

"Oh? 10 things I hate about you?" Napalingon naman si Ensely kay Xavier nang sabihin niya ito. "Napanuod mo na?" Tanong pa ng dalaga rito, umupo na rin Xavier sa couch malapit kay Ensely. Tumango naman ito sa tanong ng dalaga.

"I didn't know you're that kind of guy!" Hindi maka-paniwalang saad nito.

"Well, Julia Stiles was in there-." Ngiting saad pa ni Xavier.

"Oh? Right! I forgot."

"And the movie itself was great."

"Totoo, kuya Xavier." Singit ni Chloe sa mga ito. Nginitian lang siya ni Xavier.

Bumaling naman ulit ang tingin ni Chloe kay Ensley at bumulong dito. "Day! Kanina pa masama ang tingin ni kuya Dior. Lapitan mo na ang iyong bebe." Kinurot naman siya ni Ensley sa sinabi nito at tumingin kay Dior.

Hindi na ito nakatingin pero naka busangot naman ang mukha nito habang nanunuod.

"Baka makahalata si Xavier." Pabalik na bulong nito sa kaibigan. "Jusko, day! Ako mag hahatak sayo diyan kung hindi ka tatayo." Sermon sa kaniya ni Chloe.

"Kuya Parker! Bakit pala kayo nandito?" Inis na tanong ni Chloe sa kapatid.

"Shempre bahay ko rin ito." Sarkastik na sagot niya sa kapatid. Tinarayan naman siya ni Chloe. "What I mean kuya—"

"I know! Haha" pang aasar pa nito. "Sabi ko sa kanila kukunin ko lang pag kain ko bigla na lang sumunod yung dalawang unggoy na yan." Sabi pa nito.

"Gago ka!" Binatuhan siya ni Dior ng unan habang si Xavier naman ay nakitawa lang sa kanila. Tumawa rin si Ensley nang makita na tumatawa rin si Xavier. Nakita iyon ni Chloe at kinurot siya. "Aray!"

"Yung singit mo yung kukurutin ko kapag hindi ka umayos diyan!"

Kinuha na lang ni Ensley yung french fries at tumayo na para tabihan si Dior.

"Oh!" Inabutan niya ito ng french fries. Tinitigan lang ito ni Dior pagtapos ay tumingin sa kaniya, napaiwas naman ang dalaga nang tingin dito.

"Ayaw mo?" Tanong pa ni Ensley dito at ibinalik sa kaniya ang french fries.

Kumuha siya nang isa rito at isusubo na sana nang kunin ni Dior ang kaniyang kamay na may isang piraso'ng french fries at sinubo ito kasama ang daliri niya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Ensley sa gulat at inilayo ang kamay dito. Ngumiti naman si Dior ng nakakaloko.

"Mas nakakalaglag panty iyon." Bulong nito sa kaniya na kinataasan ng mga balahibo sa batok ni Ensley.

Ang kamay naman ni Dior ay nag tungo sa bewang ng dalaga at idikit ito sa gilid niya. "Dior." Saad ni Ensley at tiningnan ang mga kaibigan kung nakatingin ba ito pero busy si Chloe tapusin ang pinapanuod.

Si Parker naman ay kumakain habang nakikipag-usap kay Xavier habang si Xavier ay nakatutok ang pansin kay Parker.

Pinatong naman ni Dior ang kaniyang baba sa balikat ni Ensley habang ang kamay nito ay nasa loob na ng kamiseta nito at nag d-drawing ng circle sa balat nito.

Pinipigilan naman ito ni Ensley pero ayaw mag paawat ni Dior. Hindi niya alam na masyado pala itong clingy pero kahit ganoon ay natutuwa siya sa ginagawa nito.

Kinuha pa ni Dior ang isang kamay ni Ensley para paglaruan ito sa libreng kamay nito. Ang dalawang kamay na nito ay naka-kapit na sa kaniya.

Kung may makakakita sa kanila ay mapapagkamalan talaga na may relasyon silang dalawa.

Nang maalala ni Ensley ang african violets plant na binigay ni Dior ay kinurot niya ito sa kamay na nakahawak sa kaniya. Kurot na hindi masakit.

"Salamat pala. They're beautiful." Pasasalamat ni Ensley dito.

"You're welcome." Saad ni Dior at hinalikan siya sa balikat ng marahan.