Chapter 27

INAAYOS ni Ensley ang sarili bago lumabas ng rest room. May ilan na estudyante ang pumasok sa rest room at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi na niya ito pinansin at tiningnan na lang ang kaniyang sarili.

Magulo ang buhok, may bakat ng kuko at konting dugo ang mag kabilaan na braso nito at namumula rin ang kaniyang pisngi sa sampal. May mga luhang pilit na pinipigilan din ang makikita sa mga mata nito.

Masakit din ang kaniyang tuhod dahil sa malakas na pwersa na pag tulak sa kaniya kanina. Naka-suot kasi siya ngayon ng dress, regalo ng kaniyang ina.

"Are you okay?" Saad ng isang babae sa gilid niya. Humarap naman si Ensley dito at ngumiti.

"I'm okay."

"Are you sure? Gusto mo ihatid kita sa Clinic?" Saad pa nito.

"Ay! No need na. Galos lang ito, malayo sa bituka." Sagot naman ni Ensley dito at tumawa pa ng pilit.

Pinasadaan ulit siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "I don't think so, sa ayaw o sa gusto mo. You need to go to Clinic." Pilit pa nito dahil hindi talaga ito kuntento sa mga pinag-sasabi ni Ensley.

Wala naman nagawa si Ensley at nag patianod na sa kagustuhan ng babae dahil sigurado siya na hindi niya ito mapipilit na hindi siya dalhin sa Clinic.

"What happened to her?" Tanong ng nurse sa Clinic, pag pasok nila sa loob.

Inalayan naman siya ni Serenity, yung babae'ng nakausap niya sa rest room. Nag pakilala ito na Serenity.

"I don't know po. Ayaw niya sabihin." Sagot ni Serenity sa nurse. Lumapit naman sina Ensley at Serenity sa desk.

Chinecked siya ng nurse. "Naki-pag away ka ba?" Tanong ni nurse Camila. Nakita niya ang nametag nito sa kaliwang bahagi ng damit.

Kailangan kasi malaman nito kung ano ang naging cause ng mga pasa at ilang galos nito sa braso at tuhod.

"Hindi po, nadulas lang talaga ako kanina." Saad ni Ensely sa mga ito.

Kumuha naman ang nurse ng gamit para gamutin ang mga galos nito "Are you sure?" Tanong pa ng nurse, tumango na lang si Ensley sa tanong nito.

"Sa susunod huwag mo'ng hayaan naaapi ka ng sahig at kung naulit pa ay siguraduhin mo ipaalam sa guidance natin."

Ngumiti naman si Serenity sa sinabi ng nurse dahil kahit hindi nito sabihin directly ay alam niya kung ano ang gusto nito iparating.

Tumango na lang ulit si Ensley dito habang nilalagay ng nurse nang band aids ang mga galos ng dalaga.

"Thank you ulit, Serenity." Pasa-salamat ni Ensely dito. "No worries, I'll see you around." Saad naman ni Serenity dito.

Bago siya tumuloy sa kaniyang pupuntahan ay kinuha niya muna ang jacket niya sa kaniyang locker para maitago ang mga band aids naka dikit sa mag kabilaan niya'ng braso.

BUMABA na si Ensley sa taxi at dumiretso sa loob ng market. Balak niya kasing lutuan si Dior ng dinner, sa dalawang araw niya sa kuya niya ay nag research siya ng mga pag kain na madaling lutuin kahit hindi siya marunong mag luto.

Nag tanong din siya kay Nora kung paano ang procedure at kung ano ang mga tawag sa gamit na dapat gamitin.

Hindi niya alam ang paborito nito'ng pagkain kaya ang pinili na lang niya'ng lutuin ay chicken adobo at isa pa madali lang ito'ng lutuin, hindi siya mahihirapan. 'Sana nga.' Saad niya sa kaniyang sarili.

Kumuha siya ng isang basket para ilagay ang mga ingredients dito. Pagkatapos ay binasa niya ang bawat card board sa itaas ng aisle.

Hindi siya sigurdo kung meron ang mga ingredients na lulutuin niya sa bahay ni Dior, kaya sa huli ay binili na lang niya ang sa tingin niya na wala. Kumuha rin siya ng kaniyang gatas dahil ubos na iyon nung umalis siya roon.

Puro tunog ng scanner ang maririnig sa tuwing tumatama rito ang mga products na binibili mg customers. Maingay din sa buong paligid pero hindi yung ingay na masakit sa tenga.

Kahit lunes ay marami pa rin ang namimili lalo na ang mga matatanda na may pamilya na kailangan gampanan.

Inilagay na niya sa counter ang mga pinamili niya at tuloy-tuloy na rin ang pag scan ng employee sa mga pagkain na bibilhin niya.

Sa dulo ng counter ay may isang lalaki na taga package ng mga products.

"Thank you." Saad ni Ensley sa dalawa. "You're welcome, Ma'am." Sagot ng mga ito sa kaniya at nginitian niya ito na binalik din ng mga ito.

Paglabas niya sa supermarket ay pumunta na siya sa waiting shed para mag intay ng jeep. Malapit na lang dito ang subdivision, kung hindi siya nag mamadali at wala siya'ng maraming dala ay siguro siya na lalakarin na lang niya ito pero hindi iba ngayon.

Nang may mapadaan na jeep ay pumara na siya agad. Sumakay siya rito. Nakita niya rin na may ilang taga University niya ang nakasakay din dito. Konti lang ang laman ng jeep.

"Bayad mo po." Paki-suyo niya sa katabi. Kinuha naman nito ang kaniya'ng bayad at nang maibalik sa kaniya ang sukli ay nag pasalamat siya rito.

Tiningnan ni Ensley ang kaniyang relo at nakita niya na mag aalasais na ng gabi. Hindi niya alam kung nakauwi na si Dior sa bahay nito o may training pa ito.

Hindi niya rin ito magawang tawagan dahil hindi niya alam ang sasabihin dito at lalo na surprise dapat ang kaniyang gagawin.

"Para po!" Saad niya ng makita na ang subdivision. May ilang estudyante na tumingin sa kaniya pero binalewala na lang niya ito.

Sumakay siya sa tricycle nang makapasok na siya sa loob ng subdivision, medyo malayo kasi ang pwesto ng bahay ni Dior sa mismong gate ng subdivision.

"Salamat po." Saad niya pagkatapos niya iabot nag bayad sa kuya'ng driver ng tricycle. "Salamat din po." Sagot nito sa kaniya at nginitian na lang niya nito at pinaandar na ang sasakyan papaalis.

Binuksan niya ang gate at nakita na wala pa ang sasakyan ni Dior sa garahe. Nag pasalamat siya dahil hindi pa iyo umuwi.

May mga araw talaga na late na ito umuwi dahil sa training nila sa soccer.

Pagpasok sa loob tahanan ay dumiretso na siya sa kusina at inilagay ang mga ingrediets na binili niya sa counter.

Kinuha niya ang apat na gatas at dumiretso buksan ang refrigerator. Nabigla na lang siya ng makita niya na may apat na gatas ang nakalagay dito. Hindi niya naalala na bumili siya nito bago siya umalis.

Nag tatakang inilagay ang apat na gatas na binili niya sa tabi ng apat na gatas nasa loob na nang ref. May walong gatas na ngayon ang nakalagay dito. Napailing na lang siya at sinarado ang refrigerator.

Nilabas niya ang kaniyang cellphone dahil andito nakalagay ang procedure na dapat niya sundin at pagkatapos ay nag hugas ng kamay.

Hinugasan niya muna ang mga indregients na kailangan hugasan.

Sinimulan na niya balatan ang patatas at hiwain ang mga ito. Nag hiwa rin siya ng garlic at nag durog ng bawang.

After niya mag prepared ay tinitigan niya muna ang mga ito. Natatakot siya mag simula mag luto.

Bumuntong hininga siya ng malalim "Bahala na" saad niya sa sarili at binuksan na ang kalan at nag lagay ng kawali rito at ng mantika.

Inantay niya muna uminit ito. Pagkatapos ay sinimulan na niya ilagay ang bawang at sibuyas para i-sauté ito at sinunod ang manok. Sabi ni Nora sa kaniya ay kailangan niya muna siguraduhin na luto ang manok bago lagyan ito nang iba pang ingredients.

"Okay naman pala mag luto, pero hindi ako sigurado kung masarap pa ito."

Nalagyan na niya ito ng soy sauce, konting tubig at patatas. Inaantay na lang niya lumambot ang patatas.

"You're cooking?" Biglaan na sulpot ni Dior sa loob ng kusina.

"Ay tipaklong ka! Dior, ginugulat mo naman ako!"

Tinawanan lang siya nito at lumapit sa kaniya at yumakap sa bewang niya patalikod. "Ang bango." Saad nito habang naka dikit ang ilong sa leeg ni Ensley. Hindi niya mawari kung ang niluluto ba niya o siya ang sinasabihan nito. Sigurado siyang hindi siya dahil hindi pa siya nakakapag linis ng katawan "God! I miss you." Saad ni Dior sa pagitan ng leeg niya.

Namula naman ang pisngi ni Ensley at napakagat sa ibabang labi. Mas lalo naman humigpit ang kapit ni Dior sa kaniya. Nahinto na rin siya sa pag luluto.

Makalipas ang ilang minuto ay nabalik siya sa wisyo ng dilaan siya ni Dior sa leeg.

"Dior." Suway niya rito at pilit na umalis sa yakap nito. "Gutom na ako." Mas lalo naman namula si Ensley. Hindi niya alam kung bakit iba ang pumasok sa isipan niya nang sabihin iyon ni Dior.

"Doon ka nga muna." Tumingin naman si Dior sa kaniya at umupo sa stool chair.

"I-I mean, sa living room ka muna. Naiilang ako." Nahihiyang saad nito sa binata.

Mas lalo naman lumaki ang ngiti ni Dior at ang mga mata nito ay hindi makapaniwala sa mga nakikita at naririnig.

"Baka masunog na niluluto mo." Pag iiba nito ng usapan. "Shit!" At binalik ni Ensley ang pansin sa adobong manok na niluluto.

"Shit! I forgot na magsaing."

Tinawanan naman siya ni Dior. Tumayo ito sa pag kakaupo at kumuha sa ref nang dalawang instant rice.

"Ay?" Saad ni Ensley nang dumiretso na si Dior sa microwave para ilagay dito ang dalawang instant rice.

Mag kaharapan na umupo sina Ensley at Dior sa dining area. Nakalagay na rin sa mga plato ang pagkain nila at gumawa ng lemon juice si Dior. Hindi niya alam kung paano nalaman nito na paborito niya itong inumin.

Nakatitig at inaantay ni Ensley si Dior na tikman ang niluto niya. Kinakabahan siya, nung tikman naman niya ito ay ayos lang sa panlasa niya. Hindi niya nga lang alam kung ayos din kay Dior.

Hinawakan ni Dior ang kutsara at tinidor. Kabadong tinititigan siya ni Ensley. Kumuha ang binata ng malaking piraso ng manok at sinimulan na tikman ito.

Nakahawak naman ang dalawang kamay ni Ensley habang inaantay ang sasabihin ni Dior sa niluto niya.

"How was it?"

Lumukot ang mukha ng binata.

"I knew it, hindi masarap." Malungkot na saad ni Ensley at balak na sana kunin ang ulam sa plato nito.

"No, baby." Simula ni Dior na kinalungkot ng dalaga. Hinawakan naman ni Dior ang kamay nito at sinabi ang katagang nag patigil kay Ensley.

"Pwede ka na maging misis ko." Seryosong saad nito sa kaniya.

Hindi agad nakasagot si Ensley sa narinig na sinabi ni Dior sa kaniya.

"Ensley? Baby?"

"Sorry." Saad ng dalaga at ngumiti ng pilit dito. "Buti naman nagustuhan mo." Pag iiba ng topic nito.

Makalipas ang ilang minuto ay nag salita ulit si Ensley.

"Gusto ko ipakita kala Mommy and Daddy yung unang dish na niluto ko pati na rin kala kuya."

"You can send them picture." Enganyo nito sa dalaga at nginitian pa ito.

"Tawagan ko na lang sila." Excited na saad ni Ensley at kinuha na ang cellphone naka lapag sa lamesa.

Tumayo naman si Dior "Sa kwarto muna ako." Lumingon naman si Ensley dito. "No! No! It's okay. They know you." Saad ni Ensley at pinindot na ang tawag.

"What do you mean?" Naguguluhan na tanong nito kay Ensley pero hindi na ito nakasagot dahil sinagot na sa kabilang linya ang tawag nito.

"Hi, Ma!" Masiglang bati niya rito at kumaway pa rito. Nakita niya nasa counter ng kanilang resto.

"How are you, bunso?" Sagot ng kaniyang ina sa kabilang linya. 'Si Ensely po yan?' Tanong ng lalaki sa background.

Tumango naman si Mila sa kausap nito sa background. "Si Kuya Owen po ba yan?" Tanong ni Ensley. Nag pakita naman si Owen sa camera at kumaway sa kaniya.

"Hi, kuya!" Bumati lang ito saglit at binalik na ulit ang camera sa kaniyang ina.

Habang si Dior naman ay pinag mamasdan lang si Ensley habang nakikipagusap ito sa kaniyang ina.

"Guess what, Ma! I finally cooked my first dish." Pag mamalaki nito sa ina.

"Pero hindi ako sure kung masarap ba talaga katulad nang sinasabi ni Dior."

Nilipat naman ni Ensley ang screen ng camera kay Dior para makita nang ina niya ito.

"Ayos lang naman po, Ma kung hindi masarap basta kainin niya niluto ko."

Hindi alam ni Dior naka-focus ngayon ang camera sa kaniya. Nakita nang kaniyang ina ang pag taas ng kilay binata sa sinabi ni Dior.

"Sa tingin ko nag sasabi nang totoo si Dior, anak." Saad nito habang nakangiti sa kaniyang anak.

"Didi, kita ka ni Mommy." Saad ng dalaga nang kinabigla ng binata. Hindi niya rin expected ang nickname na itatawag sa kaniya nito.

"Sa akin naka focus?" Tanong pa nito. "Yup!" Sagot ni Ensley.

"Oh? I'm sorry, Mrs. Igancio. I didn't know po." Tinawanan naman siya ni Ensley sa pag galang nito sa ina.

"No worries, hijo and pwede'ng tita na lang din itawag mo sa akin." Sabi pa ng ina ni Ensley.

Nahihiya naman na ngumiti si Dior dito "Okay po, tita." Saad nito at pagkatapos ay binalik na ni Ensley ang camera sa kaniya.

"Nasaan pala si Chloe?" Tanong nang ina sa kaniya. Nag panic naman si Ensely bigla. "A-Ano po, wala po ako sa bahay nila. Pumunta po ako kala Dior, uuwi rin po agad ako. Nilutuan ko lang po siya, wala kasi po siya'ng kasama sa bahay niya." Paliwanag ni Ensley dito.

Kahit ito na lang ay makapag sabi siya nang totoo sa ina. Alam niya'ng marami na siya'ng kasinungalingan dito.

"Ganoon ba, Anak? Sabihan mo si Dior na ihatid ka niya nang maayos." Bilin pa nito at narinig naman ito ni Dior.

"Opo, Ma." Sagot nito at pumilit pa ng isang ngiti ito sa ina.

Pinatay na ni Ensley ang tawag dahil may gagawin pa ang kaniyang ina sa resto nila. Pinicturan niya rin ang niluto at sinent sa mga kapatid.

"Ako na mag huhugas." Asunsyo ni Dior at kinuha na ang mga plato na pinag gamitan nila.

"Dior." Tawag ni Ensley dito. Tumigil naman ang binata at nilingon si Ensley.

Hindi nakapagsalita si Ensley at tinitigan lang si Dior. Pagkatapos ay tumayo na ang dalaga.

"Mauna na ako umakyat." Saad na lang ng dalaga.

Umakyat na si Ensley. Pumunta na ito sa kaniya'ng kwarto at dumiretso sa bathroom.

After ni Ensley mag linis ng katawang ay lumabas na siya ng bathroom niya.

"Dior! Ano ginagawa mo rito?" Tanong ni Ensley dito at mas lalo hinigpitan ang kapit sa tuwalya nasa katawan niya.

Nakita niya ang binata nakahiga sa kaniya'ng kama. "Pwede ba ako tumabi sayo?" Tanong nito na hindi tinitingnan si Ensley at sa kisame lang nakatutok ang mga mata.

Lumapit naman si Ensley sa cabinet para kumuha ng damit. "Ayoko, baka hindi lang tabi ang gusto mo'ng gawin." Sagot niya rito.

Nag suot si Ensley ng under garments maliban sa bra, kumuha rin siya nang maluwag na damit at sinuot ito. Hindi na siya nag abala na kumuha ng pajama.

Humarap na si Ensley dito at nakita niya'ng nakahiga pa rin ito sa kama.

Lumapit na si Ensley sa kama at sumampa na rito. Bumangon naman si Dior at isa-isa tinanggal ang mga damit na suot at tinira lang ay ang boxer nito.

"Bakit naka boxer ka?" Gulat na tanong ni Ensley dito. "Ganito ako matulog." Sagot naman ni Dior sa kaniya.

"Matutulog ka lang ha!" Bilin pa ni Ensley dito. "Yes, Ma'am."

Humiga na rin si Dior sa higaan, medyo nakahiwalay ito kay Ensely. May isang braso ang layo sa isa't isa.

Tumalikod naman si Ensley dito at humarap sa bintana na hinaharangan ng kurtina ngayon.

Tahimik lang sila'ng dalawa. Hindi pa inaantok pero hindi naman nag uusap. Pinatay na ni Dior ang ilaw at iniwan ang lamp na bukas sa gilid niya habang si Ensley naman ay hindi nag abala buksan ang lamp sa gilid niya.

Makalipas ang ilang minuto, tumagilid si Ensley paharap kay Dior. Nakita niya'ng gising pa ito at nakatitig lang sa kisame ng kwarto.

Tinitigan niya lang ito, alam niya rin na aware ito sa presensiya niya nakatingin sa kaniya pero hindi pa rin ito tumitingin sa kaniya at nakatitig pa rin sa kisame.

Umusog si Ensley sa tabi nito, naistatwa naman si Dior nang maramdaman si Ensley sa tabi niya pero hindi pa rin ito tumitingin sa dalaga.

Pinatong ng dalaga ang kaliwang kamay sa ulohan niya habang nakatitig pa rin sa binata.

"Sorry, hindi ko sinabi kala Mama." Pag sisimula ni Ensley sa conversation. "Ang alam lang nila is we're just friends, which is true naman diba?" Dagdag pa nito. Napa tiim-bagang naman si Dior.

Hinawakan ni Ensley ang dibdib ng binata gamit ang kaniya'ng kanan na kamay at nag simula mag drawing ng puso rito. Nakatitig pa rin si Dior sa kisame pero nag babago na ang pag hinga nito.

"Can we stop?" Saad ni Ensley at doon na rin lumingon si Dior sa dalaga na kanina pa'ng pinagmamasdan siya.

Hinawakan ni Dior ang kamay ni Ensley nasa dibdib niya. "No." Seryoso'ng saad nito habang naka titig kay Ensley.

Bigla naman bumangon si Ensley at pumatong sa binata. Hindi na rin hinayaan ni Ensley na mag salita ito at sinunggaban ito agad ng halik. Ilan pa'ng saglit ay tumugon na rin si Dior sa halik nito.

Kumapit si Dior sa pang-upo nang dalaga habang hindi sila maawat sa pag halik sa isa't isa.

Bumangon at umupo si Dior sa kama habang si Ensley ay naka kandung pa rin dito. Mas lalo rin ni Ensley inilapit ang sarili sa binata.

Lumalim na rin ang halikan ng dalawa. Madidiin at parang uhaw-uhaw ang dalawa sa isa't isa. Nag simula na rin mag lakbay ang mga kamay ni Dior sa ilalim ng kamiseta ni Ensley.

Napapadiin din ang mga pag hawak ni Dior dito. Naramdaman ni Ensley na may matigas na sa gitnang bahagi ng lalaki at mas lalong dinikit niya ang sarili rito na kina-ungol ni Dior.

"Fuck, Ensley." Angil nito sa dalaga pero dahil doon ay nagkaroon si Ensley nang lakas ng loob mag simula gumalaw sa kandungan ng binata.

Lumipat naman si Ensley sa pag halik sa leeg ni Dior. "You're making me insane." Saad ng binata sa kaniya at mas pinisil ang dibdib nito. "Ah!" Hindi maiwasan na pag ungol ng dalaga.

Ramdam na rin ng babae ang pamamasa sa kaniyang gitnang bahagi. "I want to fuck you now." Saad ni Dior sa dalaga na kinatigil ni Ensley.

Umusog si Ensley palayo rito. Nahalata naman iyon ni Dior. "What's wrong? Did I hurt you?" Nag aalalang tanong nito sa kaniya.

Hinawakan ni Ensley ang kamay ni Dior nakahawak sa bewang niya at inalis ito.

Bumalik ulit sa pandinig ni Ensley ang mga katagang binitawan ni Scarlett kanina.

"Hindi mo inagaw? Anong tawag mo sa ginagawa mo? Alam mo'ng may relasyon kami ni Dior but you still fucked him!"

Hindi niya alam kung totoong may relasyon ang dalawa. Natatakot din siya na itanong kay Dior at malaman ang katotohanan. That's why she remained silent and be martyr.

Lalo na hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Alam niyang gusto niya si Xavier pero ano itong nararamdaman niya kay Dior?

"Are you really sure you love kuya Xavier?" Bulong pa nito.

Hindi niya rin alam kung ano ba talaga siya para kay Dior. Hindi niya ito maintindihan. Aakto itong importante siya rito pagkatapos ay aakto itong parang hindi ka nito kilala.

"Seriously, Ens. The way he looks at you is really something. Kanina nga, parang gusto na niya suntukin si Lucas kung hindi lang siya kinausap nung kapatid mo, Chloe."

"I want to sleep alone." Saad ni Ensley kay Dior. "No. I won't allow you." Seryoso'ng saad nito sa dalaga.

"I am here, okay? You can't just push me away." Saad pa nito. "Okay, kung ayan gusto mo." Walang gana na sagot nito sa binata. Umalis na siya sa kandungan nito at humiga ulit patalikod.

"Ensley, you're being unfair right now. Ikaw yung may gusto nito, diba? Hindi kita pinilit. All I want is to sleep with you pero bigla ka na lang pumatong at hinalikan ako."

Hindi naman kumibo ang dalaga at nanatili naka talikod dito.

"You always avoided me sa tuwing naguguluhan ka sa sarili mo."

Humarap na si Ensley dito at halatang pinipigilan na umiyak.

"Ako nga ba ang unfair, Dior? Ikaw, itong nauna. Ikaw, itong nag sabi na we're just living in the moment. Ikaw, itong nag paparamdam sa akin na mahalaga ako pero sa susunod na araw ay hindi na. Ikaw, itong nag dadala ng babae kahit may nangyayari na sa atin. Ikaw, itong nag sinungaling na may relasyon pala kayo ni Scarlett." Reklamo ni Ensley dito habang tuloy-tuloy ang pag agos ng mga luha sa kaniyang mga mata.

"Pero sa lahat nang iyon ay narinig mo ba akong nag salita? Hindi, kasi ayoko marinig ang katotohanan. Ayoko na masaktan ulit dahil hinayaan ko na naman—" hindi na natuloy ni Ensley ang sasabihin dahil sa mga iyak nito.

Pilit hinawakan ni Dior ang kamay ng dalaga pero nag pupumiglas ito.

"Listen, Scarlett and I. We're just fuck buddy before." Paliwanag nito sa dalaga.

"Ganoon din naman tayo diba?" Sabi pa ni Ensley dito na kinabigla ni Dior.

Inaamin niya nung una ay ganoon si Ensley para sa kaniya pero nang tumagal ay unti-onti na nag bago ito. Hindi niya masabi kay Ensley iyon dahil hindi siya pa sigurado sa nararamdaman pero nang makita si Ensley ngayon na nasasaktan at umiiyak dahil sa kaniya ay parang pinipiga rin ang kaniyang puso sa sakit.

"Ensley, I—"

"I don't want to hear it, whatever it is." Pag tataboy ng dalaga rito.

"I like you." Pag-amin ni Dior sa nararamdaman.

"What?" Naguguluhan naman si Ensley sa naririnig galing kay Dior. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

"From now on, I don't want to see you crying and hurting anymore. I want you to be happy."