Chapter 18

ARAW ng lunes at balak na rin ni Ensley umuwi sa apartment pagkagaling niya sa klase.

Kasama niya ngayon si Chloe at papunta sila sa Cafeteria para kumain ng kanilang tanghalian.

"Sigurdo ka na ba na uuwi ka na?" Paniniguro ni Chloe kay Ensley. "Stay ka pa ng one day or one week." Pag pipilit pa nito kay Ensley.

"Sa susunod, Chlo. Baka ipa-rent na ni Dior sa iba yung kwarto ko." Sagot na lang ni Ensley dito.

Nakarating na sila sa Cafeteria at medyo marami ang kumakain ngayon.

Dumiretso na sila sa counter para umorder ng kakainin nila. Minsan sa labas sila kumakain at may araw din na dito sila nakain katulad ngayon.

Pagka tapos nila Ensley kuhanin ang inorder nila ay nag hanap na sila ng pwedeng mauupuan.

"Ens, doon tayo kala kuya!" Pag hila nito sa kaniya "W-wait! What?" Patuloy pa rin sa pag hila sa kaniya ni Chloe "Wag!" Pag pigil nito sa kaibigan pero huli na dahil nasa harapan na sila ng lamesa nila Parker at nakatingin na ngayon sa kaniya ang mga ito.

"Anong wag? Ayaw mo rito kumain?" Pag tatanong naman sa kaniya ni Chloe, na nginitian niya ng sarcastic dahil tinanong pa talaga siya nito lalo na nasa harapan sila ng mga ito.

Tiningnan naman niya ang mga ito, nang makita niya si Parker ay naka ngiti lang ito. Nang tumingin naman siya kay Dior ay masama ang tingin nito sa kaniya na hindi niya alam kung bakit, kasama rin nito si Scarlett na nakataas ang kilay.

At hindi niya ine-expect na kasama rin ng mga ito si Xavier at si Zoey. Naka-ngiti kay Ensley si Zoey at si Xavier naman ay halatang nagulat sa pag sulpot nila.

"Hi, Ensley!" Masayang bati ni Zoey sa kaniya na kina-bigla niya. Siniko naman siya ni Chloe dahil hindi pa si Ensley bumabati pabalik. "H-hi!" Naiilang na pag bati nito at ngumiti.

Hinila naman ulit siya ni Chloe pa-upo sa tabi ng kuya nito at umupo naman si Chloe sa harap ni Ensley at sa tabi ni Scarlett.

"Hi baby!" Gulat naman napalingon si Ensley kay Parker. "He meant bunso, bunso!" Pag kaklaro ni Ensley sa mga kasama at kinurot si Parker sa braso. "Aww!"

"Bunso yon, guys! Mas matanda sakin si Chloe kaya bunso nila ako. Diba kuys?!" Inis na tumingin si Ensley kay Parker. "Ofcourse!" Sabay akbay kay Ensley.

Tumawa naman si Chloe sa dalawa. Sumabay sila Ensley kay Parker papasok kanina at doon nabuo ang pag aampon ni Chloe kay Ensley at dinamay pa si Parker sa kalokohan.

Inalis na ni Ensley ang pag akbay ni Parker sa kaniya. Tumingin naman siya sa harapan at nakita si Scarlett na masama ang tingin sa kaniya at nang tumingin siya kay Dior ay busy ito sa pag kain pero mukhang may galit ito sa kinakain.

Pinag patuloy na nila ang pag kain na walang nag sasalita man lang, halatang may tensyon sa paligid at hindi naman makapakali si Ensley sa inuupuan niya.

"Ens" nasamid naman si Ensley ng hindi niya inaasahan na tatawagin siya ni Xavier.

Gulat napalingon si Parker kay Xavier at pagkatapos ay binalikan si Ensley. Inabutan din naman ng inumin ni Chloe si Ensley.

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong naman ni Xavier sa dalaga na kinainisan ni Parker pero hindi nito pina-halata.

Habang ang ilan naman ay nag iintay lang sa mga susunod na mangyayari.

"Y-yes! That's my name!" Tarantang sagot ni Ensley pagkatapos uminom ng tubig.

Habang ang lahat ay napatitig kay Ensley dahil sa walang kwenta nitong sagot, si Dior naman ay bigla na lang natawa at sa kaniya na nakabaling ang atensyon nang lahat at si Ensley naman ay inis na tinitigan ito.

Pagkatapos ni Dior tumawa ay tumingin naman siya sa mga ito, nakatitig ito sa kaniya.

Inayos ni Dior ang pag kakaupo "Oh! Tuloy niyo lang kwentuhan niyo." At bumaling na ito kay Scarlett at nginitian ito.

Pumeke naman ng ubo si Xavier at tinanong na si Ensley, "Anong kurso kinuha mo?" Doon naman napalingon ang dalaga nakatingin kala Dior at Scarlett kanina.

"Babe, same course sila ni Chloe." Pag sagot ni Zoey sa tanong ni Xavier kay Ensley.

BUMALIK na si Ensley sa apartment ngunit hindi pa umuuwi si Dior. Wala rin naman siyang pake kung gagabihin na naman ito ng uwi, tsaka alam niya rin busy ito sa training ng soccer.

Gumagawa ngayon si Ensley ng homework nito, naka-upo siya sa study table niya at may naka salpak na earphone sa dalawang tenga nito.

Tinitigan ni Ensley ang orasan at hindi niya namalayan na masyado na palang late. Inayos niya ang kaniyang gamit at pagkatapos ay tinanggal na ang earphone naka sapak sa tenga niya at doon niya narinig ang mga ingay sa kabilang kwarto.

Napailing na lang siya at dumiretso na sa pinto ng kwarto niya para makalabas dahil ay nauuhaw siya. Iinom muna siya bago matulog dahil sigurado ay mahihirapan na naman siya matulog.

Pagtapat niya sa pinto ng kwarto ni Dior ay bigla tumigil ang ingay. Hindi na lang niya pinansin iyon at dumirertso siya sa ibaba at pumunta na sa kusina.

Binuksan ni Ensley ang ref at kumuha rito ng isang gatas. Pumunta si Ensley sa cabinet para kumuha ng baso.

Nakatalikod ang dalaga sa harap ng pinto at habang umiinom ng gatas ay narinig niya na may nag bukas ng ref. Napatingin siya rito at pagkatapos ay umiwas ng tingin.

Ngayon na silang dalawa na lang ay hindi na niya alam kung ano sasabihin dito at iaakto.

Pagkatapos uminom at hinugasan ang baso na ininuman ay dumiretso na siya sa ref para ibalik sana ang gatas kaso nakaharang pa rin dito si Dior.

Nakaharap ito sa kaniya at umiinom ng tubig, palagi na lang niya naabutan ito umiinom sa harapan niya at hindi niya maiwasan na tumingin sa adams apple nito.

Walang suot na pang itaas si Dior at naka boxer short lang ito, halatang may ginawang milagro.

Napaiwasan naman siya ng tingin dito nang matapos ito uminom. Ramdam niya na tinitigan siya nito pero binalewala niya lang ito. "Excuse me." Mahinang sabi ni Ensley dito para maibalik na ang gatas sa loob ng ref.

Umusog naman ito at binuksan na ni Ensley ang ref at ibinalik ang gatas sa loob.

Napahinto siya ng makita niya si Dior na seryosong nakatitig sa kaniya.

Bigla na lang lumapit si Dior kay Ensley na walang sabi-sabi. Nagulat naman ang dalaga at napa sandal na lang ito sa harapan ng ref.

"B-bakit?" Kinakabahan na tanong ni Ensley dito.

Hinawakan ni Dior ang baba ni Ensley at inilapit ang mukha sa dalaga. Kinakabahan naman si Ensley sa binabalak ni Dior.

"Hindi ka umuwi ng dalawang araw." Diretso at seryosong sabi nito sa kaniya. Napalunok naman si Ensley at hindi alam ang sasabihin. Mas lalong inilapit ni Dior ang mukha kay Ensley.

Ang kanilang mga labi ay malapit na mag dikit, sobrang lapit nito sa labi niya at sa maling kilos niya lang ay siguradong mag lalapat na ang kanilang labi.

Nakatitig ito sa mga mata ni Ensley pagkatapos ay titingin naman ito sa mga labi ng dalaga.

Ang bilis na rin ang pag tibok ng puso ni Ensley, inaantay si Dior sa susunod na gagawin nito.

Napakapit naman si Ensley sa braso ni Dior para magkaroon ng lakas dahil konti na lang ay bibigay na ang mga binti nito.

"I want to kiss you right now pero kapag ginawa ko iyon ay baka hindi ko na balikan ang babaeng nag iintay sa akin sa kwarto ko." Saad ni Dior habang malapit pa rin ang mga labi nito sa isa't isa.

Gusto ni Ensley itulak si Dior pero kabaliktaran ang ginawa niya. Pagka sabi ni Dior ng mga katagaan na iyon ay ang dalawang kamay ni Ensley ay napahawak sa batok ng binata at siya na mismo ang nag lapat ng kanilang labi.

"Fu—" pag mumura ni Dior sa gulat ngunit hindi na niya natuloy dahil sinakop na ni Ensley ang mga labi nito at diniinan ang kapit sa batok ng binata.

Ang mga dalawang kamay naman ni Dior ay napahawak na lang sa baywang ng dalaga at mas inilapit ang katawan nito sa kaniya.

Ito ang unang beses na mag halikan sila na alam nila ang ginagawa at gising na gising ang mga diwa nila.

Masyadong naging agresibo si Ensley na pinantayan ni Dior.

"Ah" pag ungol ni Ensley sa loob ng bibig ni Dior. Gigil na gigil naman si Dior sa pagkapit sa dalaga. Mas lalo niya dinikit ang sarili kahit sobrang dikit na nila sa isa't isa.

Nararamdaman na ni Ensley ang unti-onting nabubuhay na alaga ni Dior sa gitnang bahagi nito pero hindi natakot si Ensley at mas lalo pa dinikit ang sarili rito at kiniskis ang sarili.

Pinisil ni Dior ang pangupo ni Ensley at mas lalo ito napaungol at doon naman kinagat ni Dior ang ibang labi nito.

Napabalikwas na lang si Ensley ng mapagtanto na masyado na silang mapusok na dalawa.

Tinulak niya si Dior paalis sa kaniya na hinabol pa ang labi ni Ensley. Tinitigan niya ito at iba ang tingin nito sa kaniya.

"Stop! M-mali.. b-bumalik ka na roon." Mabagal na sabi ng dalaga kay Ensely.

"Fuck!" Mura ni Dior at tinalikuran na siya nito at bumalik sa kwarto nito.

Napa upo na lang si Ensley sa sahig ng kusina at bigla na lang napaluha. Tuloy tuloy ang agos ng mga luha nito sa kaniya mga mata.

Masakit. Parang dinu-durog ang kaniyang puso.

Makalipas ang ilang minuto, hindi pa rin umaalis si Ensley sa kinauupuan niya at tahimik pa rin ito umiiyak.

Narinig na lang niya ang mga hakbang na papalapit sa kaniya, sa takot na baka hindi si Dior iyon ay sinubsub niya ang mukha sa binti.

Naramdaman na lang niya ang mainit na katawan na ngayon ay nakayakap na sa kaniya. Nagulat naman siya at mas lalong napaiyak.

Hinigpitan naman ni Dior ang pagkayakap sa dalaga, natatakot ito kung sakali na bitawan niya ang dalaga ay baka mabasag ito ng tuluyan.

"Ang sakit! Bakit masakit sobra?" paulit-ulit na sabi at iyak ni Ensley sa malapad na dibdib ni Dior while he caresses her hair gently.

"I know, baby. I'm sorry. I'm here." Paulit-ulit din na sabi ni Dior kada sabi ni Ensley na masakit.

Naramdaman na lang ni Dior nakatulog na ito kakaiyak. Hindi niya alam kung bakit umiiyak ang dalaga, sigurado siya na hindi dahil sa kaniya at may iba pa.

Kinarga niya ang dalaga ng dahan dahan at inakyat sa kwarto nito para makatulog ito ng maayos at mahimbing.

Sa dalawang araw na hindi umuwi ang dalaga ay ang daming tumatakbo sa utak niya. Sinubukan niya makipag laro sa mga babae niya ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya ginaganahan at dumagdag pa na iniisip niya si Ensley.

At kanina lang ay nawalan na naman siya ng kontrol sa kaniyang sarili at hinayaan mangyari ang dapat hindi mangyari, pero ano ang magagawa niya kung sa tuwing nasa malapit ang dalaga ay nakakalimutan niya ang mga rules na binuo niya.

Lalo nakita niya ito kung paano umiyak kanina, may kagustuhan siya na saktan kung sino man ang nanakit dito.