Chapter 17
NAPASIGAW na lang si Ensley sa gulat at sa nakita nito. Nagising naman si Dior at hinila ni Ensley ang kumot patakip sa kaniyang katawan at mas lalo siya napasigaw ng makita niya ang binata na walang damit maliban na lang sa boxer short nito.
Lumaki naman ang mata ni Ensley nang may marinig na tumatakbo papunta sa kwarto kung nasaan sila.
Sa taranta ng dalaga ay tinulak niya si Dior sa lapag at sabay nang pagbagsak ni Dior, ang pag bukas nang pintuan ng kwarto kung nasaan sila.
"ENS! WHAT HAPPENED?" alalang tanong ni Chloe at pumasok na sa loob ng guest room. Nasa harapan naman ng pintuan naka pwesto si Parker.
"A-ano! masakit ang ulo ko" which is totoo naman dahil marami siya nainom kagabi.
Kinakabahan si Ensley dahil baka malaman ni Chloe ang nangyari. Nakakahiya ang ginawa niya. "Wait! bakit wala kang suot na damit?" takang tanong ni Chloe sa kaibigan. "A-ano, mainit! nainitan ako. Oo, ayon nga!" kinakabahan na sagot ni Ensley.
Napansin naman ni Ensley si Parker at kung saan ito nakatingin at kung paano ito nagulat sa nakita nito. 'Shit' sigaw ni Ensley sa sarili niya.
Tahimik na gumapang si Dior palabas sa gilid ng kama pero hindi inaasahan ni Dior nang pag tayo niya ay makikita niya si Parker sa harapan ng pintuan naka tayo. "Wh--" gulat ni Parker pero hindi na niya natuloy dahil "ARAY!" balak sana ni Chloe lumingon sa kapatid dahil sa narinig nito pero binalik ni Chloe ang tingin kay Ensley dahil sa sigaw nito.
Tinitigan naman siya ni Chloe na nag aalala, "Masakit pa rin talaga ulo ko" pag di-distract niya kay Chloe.
Hinila naman ni Parker si Dior palabas ng guest room.
Doon lang nakahinga ng maluwag si Ensley.
"Kuhanan lang kita ng damit para maka-ligo ka na" sabi naman ni Chloe sa kaniya. "P-pwede ba akong dito muna matulog sa bahay niyo?" pag tanong ni Ensley kay Chloe. Hindi alam ni Ensley pero ayaw niya muna umuwi sa apartment at hindi rin siya handa para harapan si Dior kapag nangyari.
"Of course, hun! You're always welcome here! Ilang days ba? weeks? one? two? or one month?" excited na tanong ni Chloe sa kaniya.
"One month?" natatawang tanong ni Ensley pero alam niyang hindi nag loloko si Chloe dahil sigurado siyang gusto siya nito patirahin sa bahay nila. "Hindi ko pa alam, Chlo pero dito muna ako mag stay ha?"
"And peram muna damit" habol pa ni Ensley. "Shempre naman" at tumayo na si Chloe para kuhanan siya nang susuotin.
TINITINGNAN ni Ensley ang sarili sa reflection ng salamin sa harapan niya, kanina habang naliligo siya.
Nakita niya na may iniwan si Dior na hickey sa bandang dibdib niya, buti na lang wala itong nilagay sa leeg niya kapag nag kataon ay siguradong hindi niya alam ang ipapaliwanag kay Chloe.
Nilagay niya rin agad sa laundry ang kutson sa kama dahil may naiwan na dugo roon at pinalitan niya ng bago. Hindi naman malalaman iyon ni Chloe dahil ang mga kasambahay nito ang nag lalaba.
Naka-suot siya ngayon ng short at stretch tie shoulder crop tank na kulay puti. Hindi niya makapag suot ng pang baba na masisikip ngayon dahil masakit ang gitnang bahagi niya. Hirap din siya kumilos dahil sa sakit pero titiisin na lang niya dahil bago mag tanong pa si Chloe at hindi niya alam ang isasagot dito.
Kumatok si Chloe sa guest room at tinawag na si Ensley para kumain ng breakfast sa ibaba. Sabay na rin sila bumaba nito.
Pag karating sa dining area, andoon na sina Parker at Dior naka-upo. Nag sisimula na rin ang mga ito kumain.
"Oh! Andito ka pala kuya Dior." Pag bati ni Chloe sa binata. "Oo, hindi na ako pinayagan mag drive ni Parker." Sagot naman nito kay Chloe.
Kinakabahan naman si Ensley at hindi makatingin kay Dior.
Hinila na siya ni Chloe paupo sa dining area. Nakahawak ito sa braso niya, "Aww-" pag daing ni Ensley sa hinawakan ni Chloe.
Tiningnan naman ito ng kaibigan, "May pasa ka, ano nangyari diyan?" Takang tanong naman nito kay Ensley. Nagulat naman si Ensley at tiningnan ang braso, meron nga siyang pasa.
"A-ano, nauntog kanina." Palusot naman ni Ensley sa kaibigan. "Sa susunod mag ingat ka." Paalala kay Ensley ng kaibigan.
"Wild" mahinang sabat naman ni Parker ngunit si Dior lang ang nakarinig. Sinipa naman ni Dior si Parker sa ilalim ng lamesa sa inis nito.
Nagulat naman ang dalawang babae nasa harapan nila, itinaas na lang ni Parker ang dalawang kamay na para bang sumusuko ito.
Sa loob naman ng dining area nang pamilya Wu, ang maririnig lang ay ang tunog ng kubyertos habang kumakain ang mga ito at ang boses ni Chloe na nag kukwento kay Ensley.
Marami ang tumatakbo sa isipan ni Ensley, kung paano niya haharapin si Dior at kakausapin ang nangyari sa kanilang dalawa.
Hindi maiwasan ni Ensley kagatin ang kanyang labi sa tuwing siya ay kinakabahan, "Stop biting your lips!" Gulat niyang rinig kay Dior at napalingon siya rito.
Parehas din nagulat sina Parker at Chloe sa naging reaction nito, habang inis nakatingin si Dior kay Ensley.
"Fucking shit!" Inis na sabi ni Dior nang marealized niya ang sinabi niya kay Ensley at padabog ito tumayo at nag walk out.
Gulat naman sina Chloe at Ensley sa nangyari, at si Parker naman ay nagulat din pero nakabawi agad. "Fuck!" Mura rin nito at tumayo na at sumunod sa kaibigan.
ENSLEY decided to stay at Chloe's house for a while, habang hindi niya pa kayang harapin si Dior at para na rin pag handaan niya kapag kailangan na niya umuwi at kausapin ito.
Hindi naman siya pinabayaan ni Chloe, kahit na hindi pa nito alam ang totoong nang yari. Pinangako rin ni Ensley sa sarili na sasabihin niya ang tunay nangyari kapag handa na siya pag-usapan ito.
"Chlo, sigurado ka ba rito? Baka magalit kuya mo." Kinakabahan na tanong ni Ensley.
Nasa kwarto sila ngayon ni Parker para kumuha ng mga damit nito para hiramin ni Ensley at suotin. Hindi kasi sanay si Ensley sa mga pang sexy'ng damit katulad ni Chloe.
"Don't worry, sanay si kuya kumukuha ako ng damit niya." Sagot naman sa kaniya ni Chloe. Mas lalo naman si Ensley kinabahan dahil sigurado siyang ayos sa kuya niya manghiram si Chloe pero hindi naman siya kapatid ni Parker.
Lalabas na sana sila Ensley at Chloe sa loob ng kwarto ni Parker ngunit mas naunahan sila ng binata buksan ang pinto nito.
Nagulat naman ang dalawang babae dahil nahuli sila ni Parker, "ANONG GINAGAWA NIYO RITO?!" galit na tanong ni Parker at napatingin sa mga damit na bitbit nila Ensley at Chloe.
"Bakit niyo bitbit yan?" Pag turo pa nito sa mga damit niya. "Pa-pahiramin ko si Ensley." Easy'ng sagot naman ni Chloe sa kapatid. "A-ayoko muna umuwi sa apartment kaya mang hi-hiram sana ako ng d-damit sayo." Madaliang sagot naman ni Ensley dito.
"Say that again."
"Mang hi-hiram ako ng dam—" pag uulit sana ni Ensley.
"No!" At dire-diretso pumasok sa loob ng kwarto nito pero nakalimutan naman nito kunin ang mga damit sa kamay nila Ensley at Chloe.
Naguguluhan naman si Ensley sa inakto ni Parker, "He said yes, tara na!" Pag lilinaw naman ni Chloe kay Ensley.
Sa dalawang buong araw na pamamalagi niya sa bahay nito ay mas lalo sila naging mas malapit sa isa't isa.
She's been wishing to have a sister pero hindi si Ensley nag karoon ng pag kakataon magkaroon. Halos puro lalaki rin ang nakapalibot sa kaniya, maliban na lang kala Nora pero minsan niya lang ito makasama.
Hindi katulad ngayon na mag isa si Ensley at naranasan niya magkaroon ng kapatid na babae sa ibang magulang. Gusto niya rin makilala ang mga magulang nito at ipakilala ang mga magulang niya rito.
Sigurado si Ensley na matutuwa ang mga ito, naikwento na rin naman niya si Chloe sa mga magulang niya kahit pa-paano.
Pagkatapos kumain ng gabihan ay minabuti muna ni Ensley tumambay sa likod ng bahay nila Chloe.
Sa tingin niya ay ito na ang isa niyang paboritong lugar lalo na tuwing gabi. Payapa lang kasi ang lugar at makikita rin ang malawak na kalangitan na pinapalibutan ng maraming bituin sa kalawakan.
Nauna naman si Chloe mag pahinga sa kwarto nito dahil may pasok pa bukas.
Ang isa pang dahilan kung bakit ni Ensley gusto rito tumambay ay dahil nag bibigay ito ng parehas na pakiramdam nung nasa Costa siya.
Tahimik na pinagma-masdan ng dalaga ang pag galaw ng tubig habang nakalublob ang kaniyang dalawang binti sa tubig.
"What brings you here, again?" Tanong ni Parker sa dalaga na hindi napansin ni Ensley na lumapit na pala ito sa kaniya.
Napalingon naman si Ensley dito "Again?" Takang tanong nito sa binata "Andito ka rin kagabi." Sagot naman nito at umupo na rin ito at ginaya ang ginagawa ni Ensley.
"So, pwede mo na ba sabihin sa akin ang dahilan?" Seryosong tanong ni Parker sa dalaga.
Tahimik naman si Ensley at hindi alam kung paano sasabihin kay Parker ang nangyari. Alam niyang may alam ito dahil nakita nito si Dior lumabas sa iisang kwarto kung nasaan siya natulog nung gabing iyon.
Nakikiramdam naman si Parker sa gagawin at sasabihin ni Ensley sa kaniya, alam niyang hindi alam ng dalaga kung paano sabihin sa kaniya lalo na parati niya ito niloloko.
"Don't force yourself if you're not yet ready." Sabi na lang niya kay Ensley.
Ilang minuto rin tahimik ang dalawa. Hinayaan lang ni Parker si Ensley kapag handa na ito mag salita.
Napatingin naman si Parker kay Ensley nang mag simula na ito paglaruan ang tubig gamit ang isang kamay nito.
"I don't really remember everything, just vaguely." Pag si-simula ni Ensley mag kwento habang si Parker naman ay tahimik lang nakikinig and he also nodded para iparating dito na nakikinig siya at ituloy lang nito mag kwento.
"Basta ang alam ko ay hinatid ako ni Chloe sa kwarto, tapos the next thing I knew we already doing it at ang huli ay nung nagising na lang ako kasama niya." Pag ku-kwento ni Ensley, alam niya rin na hindi iyon yung gusto marinig ni Parker pero gusto niya lang sabihin na ginusto rin naman niya yung nangyari at parehas sila ni Dior ang may kasalanan.
Hindi pa rin nag sasalita si Parker at patuloy lang ito nakikinig kay Ensley.
"K-kaya hindi pa ako umuuwi ay dahil hindi pa ako handa kausapin siya. Paano na lang kung sabihin niya na wala lang iyon sa kaniya? Which is true naman, ganoon palagi ang ginagawa niya sa mga babae niya—" gulat naman napalingon sa kaniya si Parker.
"P-pero hindi naman niya ako babae." Mahinang habol pa ni Ensley.
"Ano ba yung gusto mong mangyari?" Tanong naman sa kaniya ni Parker.
Ilang minuto muna ang nakalipas bago sumagot si Ensley, "Hindi ko a-alam." Nag tatakang sagot naman ng dalaga.
Hindi niya alam ang gusto niyang mangyari dahil sa una pa lang dapat hindi na nila iyon ginawa, at iniisip niya rin si Xavier.
"Sa totoo lang, kung nangyari yan kay Chloe siguradong suntok abot sa akin nung lalaki." Napa-ngiti naman si Ensley sa sinabi ni Parker, alam niyang pinapagaan lang nito ang usapan.
"Gusto mo bang upakan ko si Dior." Tanong naman nito sa kaniya na mas lalong kinatawa niya at napangiti na lang din si Parker.
"Tange! Si Dior ang kaibigan mo rito." Sagot na lang ni Ensley na tumatawa pa rin.
"Kaibigan ko nga, kaya dapat nakakatikim ng kamao yon!" Tumatawa rin na sagot ni Parker. "Ilang taon na ba kayong mag kaibigan?" Pag tatanong ni Ensley.
"Simula first year college." Napangiti na lang si Ensley. "Si Xavier talaga yung matagal na niya'ng kaibigan. High school pa ata sila." Doon naman napalingon si Ensley kay Parker "H-ha?" Gulat na tanong ng dalaga.
"Si Xavier? Yung kasama'ng lalaki ni Zoey? Yung binigyan mo ng dare." Seryosong pag sabi ni Parker dito. Kinakabahan naman si Ensley dahil iba ang pag titig ni Parker sa kaniya.
Parang may gusto itong itanong na hindi niya alam kung paano itanong sa kaniya.
Naka suot si Ensley ng malaking t-shirt ni Parker at naka short naman siya na hiniram niya kay Chloe. Lumalamig na rin ang simoy ng hangin dahil masyado nang gabi.
Napayakap naman si Ensley sa sarili, "Ah! Siya pala iyon." Mahinang sagot naman ng dalaga sa binata. Hindi niya inaasahan na matalik na mag kaibigan pala ang dalawa.
"Nilalamig ka na, pasok na tayo sa loob." Pag-iiba ni Parker ng usapan.