Chapter 19
NAKABABAD ngayon si Ensley sa ginawa niyang bubble bath. Maaga siya nagising at ang una niyang maalala ay ang pag iyak niya kay Dior at ang mga halik na pinag saluhan nila.
Sinabunutan na naman ni Ensley ang sarili dahil sa inis. Kakabalik niya lang at ayon agad ang ginawa niya. Iniisip niya kung paano niya haharapan si Dior.
Bitbit ang mga gamit ay dahan-dahan si Ensley bumababa ng hagdan. Takot na maabutan si Dior o marinig siya nito.
Dahan-dahan niya inilalagay ang mga gamit sa sofa ng sala, "What are you doing?" Gulat naman napalingon si Ensley kay Dior na halatang nawe-weirduhan sa mga pinag-gagawa niya.
"Ilalagay yung bag ko??" Patanong na tanong niya rin sa binata at umiwas siya ng tingin dito.
Pagkatapos niya ayusin ang gamit ay dumiretso na siya sa kusina, malalampasan na sana niya si Dior ng mahagip nito ang kaniyang kanang kamay.
Gulat naman si Ensley na tumingin sa mga kamay nila at sunod na tumingin kay Dior na nakatingin na sa kaniya.
"B-bakit?" Kinakabahan na tanong ni Ensley dito. "Ayos ka na? Wala na masakit sayo?" Pagaalalang tanong nito sa kaniya.
Hinila ni Ensley ang kamay niya kay Dior "Ay, Oo! Ayos na ako. S-salamat pala kagabi." Nahihiyang sagot ng dalaga.
Tumingin naman si Dior sa kamay nito na kaninang hawak ang kamay ni Ensley at bumaling na ulit sa dalaga. "Mabuti naman."
Tumawa naman ng pilit si Ensley at tinuro na niya na pupunta na siya sa kusina para kumain.
Pagkatapos kumain at ayusin ang sarili ay kinuha na niya ang kaniyang bag at mga gamit sa sofa.
Pag bukas niya ng pinto ay naabutan niya si Dior na pasakay na sa sasakyan nito. Nilocked niya ang bahay at narinig na rin niya pinaandar na ni Dior ang makita nang sasakyan nito.
Dumiretso na siya sa gate ngunit pag bukas niya rito ay naabutan niya ang sasakyan ni Dior na hindi pa umaalis.
Nag tataka naman siya na tumingin dito pagkatapos ay sinarado na ang gate. Nang masigurado na nasarado na niya nang ayos ay tumalikod na siya para simulan ang pag lalakad.
Habang nag lalakad siya ay narinig na rin niya na pina-andar na rin ni Dior ang sasakyan nito. Tumabi siya para pag bigyan ito ng daan ngunit huminto ito sa harapan niya at binuksan ang bintana.
Nag tataka naman si Ensley sa ginagawa nito. "B-bakit? May naiwan ka ba?"
"Sakay na." Hindi nito sinagot ang tanong ni Ensley pero seryoso naman ito na pinapasakay na si Ensley sa sasakyan.
"Hindi na, ayos lang ako." Pag tanggi niya rito habang winawagayway pa ang kanang kamay.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Dior. "Sabi ko nga sasakay na ako." At umikot na sa kabilang pinto para buksan ito.
Sumakay na si Ensley sa passenger seat nang sasakyan ni Dior. Nginitian naman niya ito at tinitigan siya nito. "Seatbelt, Ensley."
"Alam ko, sungit naman nito." Mahinang sagot ni Ensley, kukunin na sana niya ang seatbelt sa gilid niya ngunit naunahan na siya ni Dior. Napa-diretso na lang ng upo si Ensley.
Sa sobrang lapit ng dalawa ay naamoy na ni Ensley ang pabango nito.
Nang matapos ito ikabit ang seatbelt sa dalaga ay bumalik na ito sa pwesto niya at kinabit na rin ang sariling seatbelt. Natahimik naman si Ensley sa nangyari at hindi niya rin maiwasan na pag laruan ang kaniyang mga daliri dahil sa kaba.
Tumingin na lang siya sa bintana at tinatanaw ang mga gusali na dadaanan nila.
Hindi rin ni Ensley maiwasan na mapa-tingin kay Dior habang nag mamaneho ito. Ang hot nito mag maneho, at kitang kita ni Ensley kung paano mag flex ang mga biceps nito at ang mga ugat sa kamay nito kapag nakahawak ito sa manebela at sa kambyo.
Bigla na lang namula si Ensley sa mga pinag-iisip. Napaiwas na lang siya ng tingin dito at tumingin ulit sa bintana pero after nang ilang minuto ay binabalik niya ang tingin dito at pagkatapos ay sa binata ulit.
"Dior, ibaba mo na lang ako diyan." Pag tuturo ni Ensley kay Dior sa gustong babaan ng dalaga. Ayaw niya kasi mag karoon ng chismis tungkol sa kanilang dalawa.
"Dior" pero hindi siya pinapakinggan nito at tinuloy lang ang pag pasok sa loob ng University papunta sa parking lot.
"DIOR SABI KO IBABA MO AKO ROON EH! BAKIT MO PA AKO DINALA SA PARKING LOT?!" Inis na pag rereklamo ni Ensley sa binata.
Hindi naman siya pinansin ni Dior "Ayoko ma-chismis." Bulong pa ni Ensley dito na akala mo may makakarinig sa kaniya na ibang tao. Sinamaan naman siya ng tingin ni Dior at bumababa na ito.
"Nakakainis ka talaga!" At binuksan na ang pinto ng sasakyan.
Nakita niya si Dior sa gilid na may kausap at nang makilala kung sino ang kausap ay bigla na lang siya napatakip ng mukha.
'Gusto talaga ako ipahamak ng lalaking iyon!' Sigaw nito sa sarili.
Nakita niya si Dior na papalapit na sa kaniya at kasama na nito sina Xavier at Parker.
Ni-locked na rin ni Dior ang sasakyan, "Oy! Ens!" Pag bati sa kaniya ni Parker at hinagkan siya.
Mahigpit ang yakap ni Parker dito, halatang pinag titripan na naman si Ensley. "Tangina hindi ako maka-hinga."
Hinila naman ni Dior si Parker sa pag kakayap kay Ensley at humarap ito sa dalaga. "Iyang bibig mo ay anu-ano na lang lumalabas diyan." Pag sesermon nito kay Ensley at pinitik ang bibig nito.
"Aww" napahawak naman si Ensley sa bibig niya at sinamaan ng tingin si Dior. "What?" Pag susungit ulit ni Dior dito.
Tumawa tawa naman si Parker sa gilid nila. Sinamaan naman siya ni Dior ng tingin din habang si Xavier ay nakatitig lang sa mga ito.
Napansin naman iyon ni Parker, inakbayan niya ito "Tahimik natin ha!" Napatingin naman sina Ensely at Dior dito.
Bigla ulit natahimik si Ensley nang maalala na kasama pala nila si Xavier habang si Xavier naman ay nakatingin lang sa kaniya ng seryoso.
"Masanay ka na kay Ensley, palagi na natin yan kasama tapos pwede mo na rin yan batukan sa susunod pero sa ngayon huwag muna." Parker said to Xavier.
Doon naman natauhan si Ensley, "Anong batukan?! Ikaw kaya batukan ko?" Pag aamba ni Ensley kay Parker, at nag tago naman ito sa likod ni Xavier.
Ready na sana si Ensley mambatok nang si Xavier na ang nasa harapan niya, napahinto sa ere ang kamay ni Ensley at napatitig kay Xavier.
"I didn't know sadista ka rin pala." Pag sabi ni Xavier kay Ensley at nginitian pa siya nito.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ensley at namula ang mga pisngi rin nito. Hindi niya inaasahan na kakausapin siya nito at lalo na ngumiti ito sa kaniya.
Umayos ng tayo ang dalaga at umiwas ng tingin dito dahil sigurado siya nakita nito kung paano siya namula sa kaniya.
"Tara na" cold na sabi ni Dior sa mga ito at nauna na lumakad.
Sumunod na rin si Ensley dito, at sinabayan na rin siya ni Xavier mag lakad na kinabigla ni Ensley pero hindi na lang niya ito pinansin.
Habang si Parker naman ay tinitigan muna ang mga ito at napakamot na lang sa ulo nito at sumunod na rin.
"I miss you" mahinang sabi ni Xavier sa dalaga na kinalingon ni Ensley kay Xavier.
KATAPOS lang nang kanilang klase at nag lalakad na sila sa hallway. "Chloe, hindi kita masasamahan ngayon sa Mall." Malungkot na sabi nito sa kaibigan. "Why naman?" Nag aalalang tanong ni Chloe kay Ensley.
"Kikitain ko mga kuya ko" bigla naman natuwa si Chloe. "Kelan mo ba ako papakilala sa kanila? Sa picture ko lang nakikita sila." Pag tatampo nito kay Ensley.
"Pasensya na Chlo, sa susunod promise." Nagi-guilty na sagot ni Ensley. "Promise ha!" Sabay yakap sa kaibigan.
Napag-usapan ng mag kakapatid na sa tea house na lang ang meeting place. Si Logan ang susundo sa kaniya at susunod naman si Levi.
Tumunog na ang telepono ni Ensley at nang makita na kuya Logan niya ito ay dali-dali niya ito sinagot. "Kuya?" Masayang bati ni Ensley sa kapatid.
'Pwede ka na lumabas, andito na ako.' Sagot ni Logan sa kabilang linya.
Binuksan na ni Ensley ang sasakyan nito at pumasok na. Hindi niya rin nakalimutan isuot ang seatbelt.
"Wala man lang bati diyan, bunso?" Pag kukunwaring tampo ni Logan sa kapatid. Lumingon naman si Ensley dito at ngumiti. "Hi kuya Logan" sagot ni Ensley na tinawanan ang kapatid.
NASA tapat na sila ng condo ni Logan, at ang kuya naman niya ay pinipindot na ang password ng condo.
Nang marinig na ni Ensley na tumunog ito na ibig sabihin ay bukas na ay sumunod na rin siya sa kapatid niya sa pag pasok.
"Wow! Sigurado ka bang condo mo ito? Bakit ang linis kuya?" Habang masuring tinitingnan ni Ensley ang kabuuhan ng condi ni Logan.
Lumapit naman si Logan sa tv nito para buksan, "Anong akala mo sa akin? Hindi marunong mag linis?" Ibinababa na ni Logan ang remote control sa coffee table.
Masaya naman na umupo si Ensley sa sofa at tinawanan ang kapatid sa sinabi nito, alam naman niya na malinis sa gamit ang kaniyang kapatid kahit ganyan-ganyan ito.
"Manuod ka na lang muna diyan, mag luluto lang ako at mamaya pa darating si Levi." At dumiretso na ito sa kusina.
Sinunod na lang ni Ensley ang utos ng kapatid na manuod. Habang nanunuod pinag-iisipan ni Ensley mag paalam kay Dior na baka gabihin siya ng uwi o bukas na makauwi ngunit hindi niya alam kung paano sasabihin dahil baka mag mukha siyang fc kay Dior.
Sa huli ay tumayo na lang siya at nilapitan ang kapatid na nasa kusina, "Namiss ko yung amoy na ganto." Napalingon naman si Logan kay Ensley. "Gusto mo tumulong?" Tanong naman ni Logan sa kapatid.
Ang kanilang menu for dinner ay isang steak with mashed potato.
"Kunin mo sa ref yung mga patatas at durugin mo." Bilin naman ni Logan sa kapatid.
Masaya naman na sinunod ni Ensley ang utos ng kapatid, kumuha siya ng mga patatas sa loob ng ref nila. Pagkatapos ay hinugasan ito at binalatan.
Habang nag babalat si Ensley "kuya ano sunod dito?" Pag tatanong ng dalaga sa kapatid. "Hiwain mo at durugin tapos lagyan mo ng pang-palasa." Sagot naman ni Logan sa kapatid.
Nag dedecorate na ang kaniyang kapatid tapos na rin niya gawin yung mashed potato at ngayon naman ay inaayos niya ang lamesa na pag kakainan nila. Tumawag na rin kanina ang kuya Levi niya na malapit ito.
Habang nilalagay na ni Logan ang mga pagkain sa lamesa ay tumunog na ang doorbell ng condo. "Kuya ako na mag bubukas." Dali-dali naman si Ensley lumapit sa pinto para buksan ito.
Nang mabuksan niya ito ay naabutan niya ang kuya niya nag hihintay na buksan ang pinto para sa kaniya, excited naman siya na yumakap dito "Kuya Levi!" Sinalo naman siya ni Levi ng yakap din at hinalikan din sa pisngi si Ensley.
Pumasok na sila sa loob ng condo, "Tumulong ako kuya sa pag luto." Parang bata na sabi ni Ensley sa kapatid. "Talaga?" Naka-ngiting tanong naman ni Levi dito at tumuloy na sila sa dining area at nakita na niya nakaayos na ang lahat sa lamesa.
"Wow! Galing talaga ni kuya Logan." Pag bubola ni Ensley sa kapatid. Ginulo naman ni Logan ang buhok ni Ensley.
Umupo na ang mag kakapatid at nag simula na rin sila mag dasal. Pagkatapos ay sinimulan na nila kumain, "Ako gumawa ng mashed potato, kuya Levi." Pag mamalaki ni Ensley. Tinikman naman ni Levi ang gawa ni Ensley "Pwede na mag asawa." Pang aasar nito sa kapatid.
Tumawa naman si Logan na sinabayan na rin ni Levi ng tawa habang si Ensley naman ay naka-simangot sa mga ito at namumula sa hiya. "A-ang bata ko pa para mag asawa kuya!"
"We know bunso at hindi rin kami papayag no!" Pag sabi naman ni Logan kay Ensley. "May nanliligaw na ba sayo?" Namula naman si Ensley ng sobra sa mga pang aasar ng kapatid. "W-wala" sabay iwas ng tingin sa mga kapatid.
"Pero nag kita na kayo ni Xavier?" Gulat naman napatingin ulit si Ensley kay Levi. "Kuya" pag siko ni Logan kay Levi, tumingin lang naman ito sa pangalwang kapatid at tinuloy ulit ang gustong sabihin "Sabi sakin ni Logan doon din daw nag aaral yon."
"H-ha?" Hindi alam ni Ensley ang sasabihin at naguguluhan siya. Ibig sabihin nag kita na ang kuya Logan niya at si Xavier? "Isa siya sa team mate ko sa soccer" flat na sagot ni Logan dito at umiwas na lang ng tingin at tinuloy ang pag kain.
Natahimik naman ang mag kakapatid, "O-Oo, nakita ko na siya at nakausap." Mahinang sagot ng dalaga "Don't worry, we're good." Habol pa nito na sabi sa mga kapatid.
DALAWA ang kwarto sa condo ng kuya Logan niya, naka-upo na si Ensley sa kama at tapos na rin siya mag linis ng katawan, pinahiram din siya ng kuya ng damit. Dito na siya mag papalipas ng gabi.
May kumatok naman sa kwarto niya "Pasok" binuksan naman ni Logan ang pinto at dumiretso sa kama ni Ensley para umupo roon.
Nakatingin naman si Ensley dito at inaantay ang sasabihin ng kapatid, "Sorry, di ko sinabi sayo yung tungkol kay Xavier. Mas mabuti na rin yon para sayo—" ngumiti naman ng pilit si Ensley. "Ayos lang kuya, tsaka nag usap na kami. Ikakasal na rin yung tao." Nagulat naman si Logan. "I see, nakapag-usap na talaga kayo." Seryosong sagot naman ni Logan dito.
"Good night na, bunso." Pag papaalam nito at hinalikan si Ensley sa noo. "Good night, kuya." Pag pilit niya ngumiti sa kuya.
Dumiretso na si Logan sa pinto at bubuksan na sana niya ng may maalala ito "Ilalagay ko na yung hihiramin mo na damit para bukas." At tumuloy na ito lumabas ng kwarto.
Napa-buntong hininga naman si Ensley pagkalabas ng kuya niya. Kinuha ni Ensley ang sariling telepono sa tabi ng lampshade. Binuksan niya ito at pumunta sa messages, hinanap niya ang numero ni Dior dito.
Pinag-iisipan niya kung ano ang sasabihin dito, mag titipa siya ng mensahe pagkatapos ay buburahin ulit at gagawa ulit ng panibagong mensahe at buburahin ulit. Sa huli ang nasabi na lang ni Ensley ay "Hi Dior, this is Ensley. Bukas na ako makakauwi." At pinindot ang send.
Ibinalik na ni Ensley ang kaniyang telepono sa gilid ng lampshade, papatayin na sana niya ang ilaw ng tumunog ang telepono niya. Pag silip niya rito ay nakita niya ang pangalan ni Dior na tumatawag sa kaniya. "Bakit siya tumatawag?" Kinakabahan na tanong ni Ensley sa sarili.
"Bahala na nga" at ini-swipe na ang answer button. Tinapat niya ang telepono sa tenga at hindi muna nag salita dahil hindi niya alam ang sasabihin dito.
Hindi rin nag sasalita ang nasa kabilang linya, makalipas ang ilang segundo "D-Dior?" Tanong ni Ensley sa kabilang linya. "Nasa bathroom si Dior." Mataray na sagot ng nasa kabilang linya. Nagulat naman si Ensley sa narinig, "S-Scarlett?" Nagtataka na tanong ni Ensley dito.
"Yes, sweetie. Do you expect someone? Anyway, sabihin ko na lang kay Dior napata—" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil narinig na lang ni Ensley ang pag bukas ng pinto "Who is that?" Pag tatanong nito kay Scarlett.
Kinakabahan naman si Ensley kahit wala siya roon mismo, "No one." Pag tataray ni Scarlett kay Dior. 'Bagay nga silang dalawa, parehas masungit at mataray' pag sabi ni Ensley sa sarili.
Narinig niya sa kabilang linya na may pag hakbang papalapit, at nagulat na lang siya ng marinig ang boses nito. "Where the fuck are you?" Nagulat naman si Ensley sa tanong nito, hindi niya expected ang itatanong nito sa kaniya.
"S-Sa.. sa.." nauutal na sagot nito rito "Saan?" Tanong ulit nito, nainis naman si Ensley sa inaakto nito. Bakit kailangan pa niya malaman kung nasaan siya at ano na naman ang kinakagalit nito? Baka dahil galit ito ay dahil inistorbo niya ang dalawa sa pinag-gagawa nila.
Akala pa naman ni Ensley na hinahanap siya nito, ganon naman pala ay may ginagawa na naman pala itong milagro at si Scarlett pa ang kasama nito. Speaking of Scarlett, alam na rin nito na doon sya nakatira.
"Wala ka na roon." At pinatayan si Dior ng tawag at pinindot ang airplane mode.