Chapter 16

HUMAWAK si Ensley sa jacket na suot ni Xavier para sa suporta. Inalalayan naman siya ni Xavier sa pag yakap sa kaniyang baywang para hindi ito matumba.

Kitang-kita sa mga kilos ng dalawa kung gaano sila kasabik sa bawat haplos at halik ng isa't isa.

Hindi rin mapigilan ni Ensley ang pag ungol sa loob ng bibig ni Xavier na mas lalong pina-lalim ng binata ang halik sa dalaga.

Natauhan na lang si Ensley ng may marinig na ingay sa hindi kalayuan. Tinulak niya si Xavier na hinabol ang kaniyang labi.

Napatitig naman si Ensley sa mga mata nito, at pagkatapos ay lumingon lingon sa paligid pero wala siyang nakitang tao.

"Ens" pag tawag sa kaniya ni Xavier. Bigla si Ensley napaurong dahil mali ang ginawa nila. MALING-MALI.

"S-stop" mahinang sabi ng dalaga sa binata. "B-baka hinahanap ka na sa loob, mauna ka na p-pumasok. S-susunod na lang ako." Habol pa ni Ensley at umiwas ito ng tingin sa kaniya.

"Ah—" hindi alam ni Xavier ang sasabihin dahil alam niya rin na mali ang ginawa nila at ayaw niya masaktan ang mga magulang, si Zoey at lalo na si Ensley.

"Let's talk later" ang huling sinabi ni Xavier bago ito umalis at pumasok sa loob ng bahay nila Chloe at Parker.

Makalipas ang ilang minuto ay pinunasan na ni Ensley ang mga luha sa kaniyang mata at bumalik na sa loob.

Bubuksan na sana niya ang back door nang may mas nauna rito mag bukas at nagulat na lang siya nang makita niya sa harapan si Parker.

"Andiyan ka lang pala, kanina ka pa hinahanap ni Chloe." Sabi nito sa dalaga. "A-ano! Nag papa-hangin lang ako! Oo, ayon nga!" Kinakabahan na sagot nito dahil baka may nakakita pala sa kanila kanina.

Dire-diretso si Ensley sa pag lalakad at nilagpasan si Parker nang "Ensley" habol na sabi ng binata, napalingon naman sa kaniya ang dalaga "B-bakit?" Takang tanong nito kay Parker.

Wala naman sinabi si Parker at tinitigan lang siya nito. Inis na tinalikuran ni Ensley si Parker dahil mukhang pinag ti-tripan na naman siya nito.

Nakita naman ni Ensley si Chloe sa sala, nakaupo ito sa sofa na pinapalibutan ng mga bisita nito. Nakita niya rin andoon sina Dior at Xavier.

Napahinto siya at tinitigan ang mga ito, pinag iisipan niya kung tutuloy ba siya o hindi, nang may umakbay sa kaniya at nang silipan niya kung sino ito ay nag pasalamat na lang siya.

"Tsansing ka, Parker ha!" Pag bati niya sa binata at tumawa dito. Tinawanan na lang din siya nito at dinala sa loob ng sala para makisama sa mga tao naroon.

Napansin naman siya ni Chloe na paparating at tumayo ito para salubungin sila. "Ens, kanina pa kita hinahanap." Sabi nito sa kaniya at tinanggal ang pag kakaakbay ni Parker dito at hinila si Ensley papunta sa sofa.

"Sali ka, nag lalaro kami ng spins the bottle" sabi pa ni Chloe sa kaniya. Nakita naman ni Ensley nakatingin sa kaniya si Dior at nang lingunin niya si Xavier ay kay Zoey ito nakatuon ng tingin.

"Nakakahiya, ayoko" mahina sagot ni Ensley kay Chloe.

"Sali kami ni Ensley." Pag balita ni Parker sa mga ito. Nagulat naman si Ensley sa ginawa nito, kahit kailan talaga hahanap ng paraan ito para inisin siya. Naka-upo na si Ensley katabi niya si Chloe at naka pabilog sila.

Nag simula na ang laro, at swerte siya dahil ay hindi pa ito tumatama sa kaniya. Truth and Dare din pag pipilian kapag natapat sa iyo ang bote. Puro sigawan at kantsawan ang maririnig sa loob ng bahay. Kapag hindi mo naman sinagot o ginawa ay kailangan mo uminom ng isang baso ng beer.

Halata sa lahat na mga lasing na ito dahil kanina pa nag simula ang party at sigurado siyang malalim na rin ang gabi.

Si Parker na ang mag papa-ikot sa bote at nang mag simula na ito umikot ay hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya.

Pahina ng pahina ang pag ikot nito at palakas na rin ng palakas ang mga sigawan sa paligid nang magulat siya na sa kaniya tumapat ang bote.

Tinitigan naman niya si Parker at nagulat siya ng ngumisi ito. Sigurado siya na hindi niya ito mapag-kakatiwalaan.

"Truth" madalian na sagot ni Ensley dito kahit hindi pa siya tinatanong ni Parker.

Tinitigan niya ito na kunwari nag iisip. Napa-rolled eyes na lang si Ensley kay Parker.

"Who here would you most like to make out with?" Tanong ni Parker.

Hindi na siya nagulat sa tanong nito dahil this is Parker we are talking about. "Kuya!" Pag sita ni Chloe sa kapatid.

Pinasadahan naman niya ng tingin ang mga tao naroon, habang ang mga ito ay nag aabang ng sagot sa kaniya.

Napansin niya rin si Xavier na seryosong nakatingin sa kaniya habang naka kapit dito si Zoey.

Nang mapadako siya kay Dior ay nakatingin din ito sa kaniya at hindi niya alam kung bakit kinabahan siya sa mga titig nito sa kaniya.

Sa huli ay kinuha ni Ensley ang isang baso ng beer at ininom ito.

Disappointed naman ang mga tao rito sa naging desisyon niya.

"Alam ko naman na hindi mo sasagutin iyon, pero kung ako sayo sinabi mo na lang sana si Dior." Sabi naman ni Parker sa kaniya.

"Shut up, Parker" inis na sabi ni Ensley at sigurado siyang lasing na talaga siya.

"Spin the bottle" singit ng isang boses at pag tingin niya kung sino nag salita ay nakita niya si Xavier na masama ang tingin sa kaniya.

Inikot na lang niya ang bote at inantay kung kanino tatapat.

Nakita niyang tumapat ito kay Zoey, hindi niya alam kung paano ito kakausapin.

Umayos siya ng upo at tinanong ito ng "Truth or Dare?" At sumagot naman ito ng dare. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.

Nang marinig niya ang ibang tao naroon nag sa-suggest na halikan nito si Xavier. Naiilang si Ensley, hindi niya alam ang gagawin or sasabihin.

"Ako na nga lang mag—" sabat na naman ni Parker. Sinamaan ni Ensley ito ng tingin at "Yung dare, kung ano yung sinabi nila. A-ayon na lang" sabat ni Ensley kay Zoey.

Nakita ni Ensley kung paano namula si Zoey at paano ito nahihiyang tumingin kay Xavier. Hindi naman makapaniwala naka tingin sa kaniya si Xavier, nawala lang ito ng mag salita si Zoey sa tenga nito at humarap na siya rito.

Nakita ni Ensley ang pag lapat ng mga labi ng dalawa, gusto niya sana ito titigan para walang makahalata sa kaniya pero hindi niya kaya makita ang mga ito.

Iniwas ni Ensley ang paningin niya sa mga ito, nabigla siya ng makita niya si Parker nakatingin sa kaniya ng seryoso pero hindi na lang niya ito pinansin.

Tuloy-tuloy ang pag lalaro nila ng spin the bottle, may ilan na sipag uwian na rin dahil hindi pumayag si Chloe na may matulog dito, maliban na lang sa kaibigan ng kuya niya.

At ilang beses na rin siya uminom ng alak dahil ayaw niya sumagot sa mga tanong, minsan sinasagot niya kapag sa tingin niya ay ayos lang naman ang tanong.

"Guys, mauna na kami ni Xavier" pag papaalam ni Zoey sa mga ito. Napalingon naman si Ensley sa mga ito. Nasasaktan siya sa mga nakikita niya pero wala naman siya magagawa na, ikakasal na ang dalawa.

Napatingin naman si Zoey sa kaniya, "Nice to meet you, Ensley" sabi nito sa kaniya. "Same" at nginitian niya ito.

"See you later" sabi naman ni Xavier sa kaniya, nabigla naman si Ensley sa sinabi nito dahil nahihibang na ba ito? Talaga sa harapan ni Zoey niya kailangan sabihin iyon? Pero nang tingnan niya si Zoey ay parang wala naman sa kaniya iyon o sadyang siya lang itong assuming?

Lasing na si Ensley at hirap na ito tumayo mag isa kaya inalayan na siya ni Chloe paakyat sa guest room para mag pahinga na ito.

Pag karating sa guest room ay tinulungan ni Chloe ito humiga at tinanggalan din ng sapatos at leather jacket ito para makatulog nang maayos.

Wala nang bisita sa loob ng mansyon nila Chloe at Parker pero marami naman naiwang kalat sa lahat ng bahagi ng kanilang mansyon.

At alas tres na rin ng madaling araw.

MASAKIT ang buong katawan at ang ulo ni Ensley nang magising siya. Inaalala niya ang nangyari kagabi pero mas sumasakit lang ang ulo niya. Nagulat na lang si Ensley nang may brasong yumakap sa kaniya at mas lalong hinala ang dalaga palapit sa katawan nang kung sino.

Familiar din sa kaniya ang amoy nito, nang humarap siya sa kanan niya ay hindi ito makapaniwala sa nakikita niya kung sino ang nasa harapan niya.

Napasigaw na lang si Ensley at tinulak si Dior.